Owned By The Mafia Lord (Unde...

By missierene

124K 2.6K 226

Dazia Montenegro is a girl who's living a normal and simple life not until her wicked Aunt drags her inside t... More

NOTE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20

CHAPTER 3

3.7K 152 9
By missierene

Dazia Pov

Alas otso na, nasa bahay na rin kami ni Black, este mansyon niya. Namasyal lang naman kami sa Mall. Kung saan-saan kaming boutique at store pumasok hindi naman ako makaangal. Kakatapos lang namin kumain, magpahinga na raw kami.

Nandito ako sa kwarto niya ngayon. Nasa sofa si Black, mukhang busy na busy siya dahil kanina pa siya nakatutok sa laptop niya. May iilang papeles din doon sa itaas ng maliit na mesa. Ako naman, hinahalungkat ang mga gamit na nasa maleta ko. Inayos ko na ito at nilagay sa malaking walk-in-closet ni Black.

Ang daming mamahaling damit dito. Iba-iba ang style, may mga formal suit din. Nahiya naman ang mumurahing damit ko.

Tinungo ko ang bakanteng cabinet at doon isinabit ang lahat ng damit ko. Nilagay ko rin ang dalawa kong sapatos sa ibaba. Natapos ako sa aking ginagawa, umatras ako ng kaunti at tiningnan ang kabuoan ng mga damit ko nang may maalala ako.

"Tanga ka talaga, Dazia! Yung uniform mo!" Napasapo ako sa noo.

Na-i-istress na ako.

"May problema ba?"

Napatalon pa ako sa gulat. Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako.

"Bakit ka ba nang bibigla? Paano kung may sakit ako sa puso?!"

Naiinis ako ngayon. Pasensiya na kay Black dahil sa kaniya ko naibubuntong ang inis ko.

Natawa ito sa naging reaksyon ko.

"May problema ba? Kinakausap mo kasi ang sarili mo." Tanong niya ulit ng nakangiti.

Kung hindi lang siguro ako problemado sa uniform ko ngayon baka kanina pa nagkarera ang puso ko dahil sa ngiti niya.

"Hindi ko kasi nadala ang uniform ko, e. Wala akong susuotin bukas," mahina kong saad at yumuko.

"You don't need those. I already enrolled you and your siblings at my school, no need to worry." Seryoso na ang mukha niya. Ang bilis naman magbago ng mood niya.

Inenroll niya kami sa bagong school? Nakakahiya na, andami na niyang nagastos sa amin. Siya na nga ang nagpapakain, nagpapatira at bumibili sa amin ng mga kailangan namin tapos siya pa ang magpapa-aral.

"N-Nako 'wag na, andami mo ng naitulong sa amin. Nakakahiya kung ikaw rin ang magpapaaral sa amin."

"No. If money is the problem, you don't need to mind it."

Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya? Simula sanggol pa lamang ito ay may nakahanda ng maraming ari-arian galing sa Mommy at Daddy niya. In short, simula bata pa lang siya ay may dalawang gintong kutsara na siya sa bibig.

"A-Ah nako 'wag n—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinutol niya iyon.

"No buts. As what I'd said, I don't accept no as an answer."

Ang tigas talaga ng ulo nito. Ang sarap ipakain sa pating. Kung hindi lang talaga siya gwapo, nako!

"Let's sleep, may pasok pa tayo bukas." Sabi niya na may diin ang tayo.

At dahil sa hindi na naman ako maka-angal, sumunod na lang ako. Nang makahiga na kami ay humarap ako sa kaniya. Magpapasalamat ako.

"Black... salamat. Ang dami mo ng naitulong sa amin. Babayaran din kita. Marunong akong gumawa ng mga gawaing bahay. Mag-aapply nalang ako bilang kasambahay mo, libre lang." Offer ko. Umiling-iling siya.

"Personal assistant na lang o hindi kaya hardinera, o kaya—" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Hindi mo kailangang magtrabaho."

"E, okay lang. Gusto ko kasi makabayad pero hindi ko alam kung papaano kaya mamamasukan na lang ako bilang kasambahay mo para naman makatulong ako."

"Gusto mo ba talagang makabayad?"

Tumango ako. Niyakap niya ako at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Sininghot-singhot niya pa ito.

"Be my girlfriend," paos na sabi niya.

Natigilan ako, nabagok ba ang ulo nito? Gusto niya akong maging girlfriend? Hindi ba niya naisip ang agwat naming dalawa? Ang estado namin sa buhay? Kasi ako mahirap lang, tapos siya mayaman. Hindi lang mayaman, sobrang yaman at makapangyarihan. Kumbaga langit siya, lupa lang ako.

"N-Nagbibiro ka ba? Ang daming nakapila sayo na kapareha ng estado mo sa buhay. Bakit ako? Normal na tao lang ako, at saka mahirap lang ako kaya hindi tayo pwede," utal kong sabi.

Binibiro lang yata niya ako, e.

"Wala akong pake kung ano ang sasabihin ng iba. Just let them think what they want to think."

"Pero—"

"I will take all of the responsibilities. All you have to do is to stay beside me."

"Sleep now my girl." Dagdag pa niya.

Talo talaga ako pagdating sa kaniya. Mukhang nagkaboyfriend ako ng wala sa oras.

Pinikit ko nalang ang mata ko at ilang sandali lang ay dinalaw na ako ng antok.

"Goodnight, mi vida."

Hindi ko na naintindihan ang binulong niya dahil antok na antok na talaga ako.

KINABUKASAN

Nagising ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Tiningnan ko ang katabi ko pero wala na si Black kaya dali dali akong bumangon. Inayos ko ang higaan. Tiningnan ko ang orasan sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. Alas sais pa pala.

Maglalakad na sana ako papunta sa banyo ng bumukas ito. Lumabas si Black na naka-uniform na habang pinapatuyo ng towel ang buhok niya. Tumingin siya sakin kaya umiwas agad ako.

"Good morning."

"G-Good morning din."

Unang beses kasi na may bumati ng good morning sa akin na hindi myembro ng pamilya namin at hindi ko kaibigan o kakilala.

"Take a bath now. Your uniform and class schedule is already there." Tinuro ni Black ang sofa. Tumango ako.

Nginitian ko muna siya bago dali-daling tinungo ang sofa at kinuha ang uniform. Pumasok na kaagad ako sa banyo. Bago ko pa maisara ang pinto ay may sinabi siya.

"Pagkatapos mo r'yan bumaba ka na para mag almusal."

Ginawa ko na ang morning routine ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na akong maligo. Tiningnan ko ang uniform na binigay ni Black.

Kulay puti ang long sleeve, brown ang kulay ng palda na medyo maiksi at may coat din na brown ang kulay na may lace na kulay itim. Sa gilid nong coat ay may nakalagay na logo ng school.

Dali-dali ko na itong sinuot. Sinuot ko rin ang hanggang tuhod na medyas na kasama ng binigay sa akin na uniform. Nang masuot ko na ito ay kinuha ko ang school shoes na binili ni Black kahapon. May kunting takong ito, inayos ko na ang buhok ko na nilugay ko lang. Naglagay ako ng kunting liptint, ang putla kasi ng labi ko.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba. Buti na lang at full charged ang cellphone na binili ni Black sa amin kahapon kaya hindi ko na ichacharge. Ang dami na talaga ng nabili niya sa amin gayong ako dapat ang maglingkod sa kaniya. Ang laki na talaga ng utang ko.

Kaagad akong bumaba at tumungo sa dining area, nakita ko si Daisy na kumakain. Naka uniform na rin ito.

"Good morning, Ate," bati niya.

"Good morning din. Nasaan ang kuya Dylan mo?" tanong ko sa kaniya.

Nilibot ko ang tingin pero wala na si Dylan at Black.

"Kakaalis lang po nila Kuya Black. Nga pala, Ate. May nilagay raw pong pera si Kuya Black sa bag mo. Magpahatid na lang muna raw tayo kay Manong," mahaba niyang saad at sumubo ng hotdog.

Tumango ako at kumain. Iniisip ko pa rin ang kabaitan ni Black. Hindi niya na dapat pang binigyan ako ng pera. Okay lang naman sa akin na walang baon, e.

Ilang minuto ay natapos na kami. Ililigpit ko pa sana ang pinagkainan namin pero sabi ni Manang 'wag na raw baka malate kami kaya nginitian ko na lang siya at lumabas na kami ni Daisy. Sumakay kami sa nakaparadang kotse.

Nasa byahe na kami, kinuha ko ang schedule na binigay sa akin ni Black.

NORTHEAST UNIVERSITY

NAME: DAZIA KIMBERLY MONTENEGRO

GRADE 12
8:00AM Sir Lee
9:00AM Ma'am Buenaventura
........
........
........

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang sa NorthEast kami mag-aaral. Nabasa ko ang tungkol sa paaralang 'yon. Hindi lang ito mahal, dahil kahit marami kang pera kung hindi ka mautak hindi ka rin makakapag-aral dito. Maraming gustong makapag-aral dun na mga kaklase ko. Ika nga nila 'dream school ng maraming kabataan'. Ang mahal ng tuition doon. Nabasa ko ang tungkol sa NorthEast noong makita ko ang nilagay na karatula noon sa harap ng school gate namin, nagsearch kaagad ako sa google matapos ko iyong makita at nalula ako sa nabasa. Ang akala ko ay hindi na ako makakapasok sa NEU, ngunit ngayon doon ako patungo.

Bakit pa kasi doon kami inenrolled ni Black. Pwede namang sa public school nalang.

Matapos ang dalawampung minuto ay nakarating na kami sa school. Ang laki ng gate. Kulay itim ito at may nakalagay na NORTHEAST UNIVERSITY na kulay ginto sa taas. Pinasok na ni manong ang sasakyan sa harap ng gate kaya nagpasalamat na kami at bumaba.

Namangha ako sa laki ng paaralan. May mga punong kahoy sa gilid, malawak na field, sa gilid rin ay may mga bench at malalaki ang mga building. Salamin ang materyal na ginamit nila kaya makikita ang loob ng mga room kapag lumapit ka na. Ang lawak din ng hallway.

Isa lang ang masasabi ko, Dream School nga talaga ito.

Naglakad na kami ni Daisy sa Hallway. Maraming estudyante ang nagkalat sa field at sa mga bench. Seven twenty-five pa kasi. Mamaya pang alas otso ang klase kaya gumagala pa ang iba. Nakauniform din ang lahat, naglakad na kami.

Wala pa kami sa kalahati ng Hallway nang may magsidatingan na mga sports car, dahilan para maging alisto ang mga estudyante at nagsitakbuhan papunta roon. Hindi na namin masyadong pinansin. Hindi rin naman namin alam kung sino 'yon, nang may sumigaw.

"Red!"

"Omg! Josh!"

"Drake!"

"Drein! Akin ka ka nalang!"

"You're so handsome, Black!"

Iilan lang 'yan sa mga sigawan nila. Grabe naman ang mga 'to makasigaw, wagas, akala mo sobrang layo.

Medyo oa sila, a. Hindi ko aakalaing may ganito rin dito sa NEU.

Kinurot ako sa tagiliran ni Daisy. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama, pero ang gaga nakangisi lang habang nagtataas baba ang kilay. Mana talaga sa baliw niyang Kuya.

"Ate, una na ako. Hahanapin ko pa ang room ko, e," paalam ni Daisy at hinalikan ako sa pisnge. Tumango ako kaya tumakbo siya papunta sa building ng grade 9.

Nilingon ko kung saan nakaparada ang mga sports car kanina. Nandun sila Black, nagsitabihan din ang mga babaeng fangirls nila para bigyan sila ng daan. Nagtama ang mga mata namin. Ngumisi siya kaya hindi ko napigilang mamula. Parang tanga naman si Red, patawa-tawa. Pero nong nakita niyang ngumisi si Black ay sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at mas lalo pa siyang tumawa ng makita ako. Kumaway pa ang loko kaya dali-dali na akong tumalikod at naglakad. Mang-aasar na naman mamaya ang Red na yun.

Tiningnan ko ang schedule ko at hinanap ang building ko. Nang makarating ako sa building na 'yon ay may naririnig na naman akong mga bulongan.

"Ganda niya."

"Transferri ba siya? Ngayon ko lang siya nakita."

"Ang natural ng mukha niya. Ang ganda ng mata niya."

"She's pretty."

Rinig kong bulongan ng ilang babaeng estudyante. Natuwa ako kasi minsan lang mamuri ng kapwa babae ang mga babae ngayon.

"Chic, bro."

"Anong pangalan nyan?"

"Sexy."

"Hi, miss. Anong pangalan mo?"

"Pwedeng makuha ang number mo?"

Napayuko na lang ako. Meron din palang mga ganyan dito. Akala ko sa mga tambay at sa mga nakasakay ng malalaking truck lang ang marunong nyan.

Hindi ko nalang sila pinansin at umakyat na sa fourth floor. May ilang bulongan pa rin kaya nagmadali nalang akong maglakad. Ayoko talagang mapagtuonan ng atensyon ng mga nakapaligid sa akin. Hinanap ko ang room ko at nakita ko naman kaagad ito. Maingay ang mga estudyante sa loob ng silipin ko ang pinto. May nagtatawanan, nagkekwentuhan at naglalaro ng may kumalabit sa akin kaya humarap ako rito.

Isang lalakeng nasa 40s na may salamin at dalang mga libro ang tumambad sa akin.

"Iha, ikaw ba si Ms. Montenegro?" Tanong nito.

"Opo, Prof. Lee." Nakangiti kong sagot, ngumiti naman siya.

"Halika, pasok na para makapagpakilala ka na." Nakangiti niya pa ring sabi at pumasok sa room, sumunod naman ako.

Ang kaninang maingay na silid ay sobrang tahimik na ngayon. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin.

"Okay, class. We have a new student. Miss, kindly introduce yourself."

Humarap ako at tumayo ng maayos. Bumuntong hininga ako.

"Good morning. I'm Dazia Kimberly Montenegro, 18 years old. I hope we can all be friends." Pakilala ko.

Nagsipalakpakan sila.

"Anong sabon mo?"

"Taga saan ka?"

"Paturo naman ng routine mo."

Iilan sa mga tanong nila habang ang iba ay nagtawanan na lang. Makatanong ang mga 'to parang hindi anak ng mga politician, elites at mayayamang bussines mans.

"Boys, baka matunaw si Ms. Montenegro." Biro ni Prof. Lee.

"Ms. Montenegro, sit beside Ms. Valdez." Dagdag ng Propesor.

Tinaas nong babae ang kamay niya. May bakanteng upuan sa tabi niya. Malapit siya sa salamin, baka siya si Ms. Valdez.

Naglakad ako papunta sa gawi niya at umupo sa tabi niya. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Hi." Bati nong babae.

Maganda siya, maputi, matangos ang ilong, hanggang balikat ang buhok, mapupulang labi, magandang hugis ng kilay at mataas ang pilik mata.

"Hello." Bati ko pabalik.

"Venice Valdez nga pala," nakangiti niyang pakilala at nilahad ang kamay.

"Dazia Montenegro. Nice to meet you, Venice." Pakilala ko at inabot ang kamay niya para makipaghandshake.

"Ms. Dazia." Tawag ni prof sa akin kaya napalingon ako rito at tumayo.

"Pinapatanong ng mga boys dito kung may boyfriend ka na ba raw." Ngiting-ngiti si Prof. animo'y isang teenager na kinikilig.

Nagtulakan ang mga lalake sa bandang gilid ni prof.

"Si Prof. talaga."

"Prof. naman."

Angal nila ngunit malaki naman ang mga ngisi.

Nginitian ko sila at akmang sasagot na ng may sumigaw mula sa pintuan.

"Wa—"

"Dazia Montenegro! You're under arrest!"

Napatingin kaming lahat sa pintuan at nakita roon si Red.

"Ay! Sorry Prof. Lee. Nandyan ka na pala, Sir. Pinapatawag kasi ni Pres. si Dazia, e." Napakamot ito sa batok.

Nasa likod niya si Drein. As usual, pareho ang takbo ng utak ng dalawang to, e.

"Ms. Montenegro, you may go out," sabi ni Prof. kaya naglakad ako palabas.

Pinandilatan ko ng mata si Red at Drein pero ang mga loko tumawa lang.

"Ano raw ang kailangan niya?" Nakakunot noo kong tanong sa kanila nang maglakad na kami

"Aba, malay namin. Napag-utosan lang din kami." Sagot ni Drein.

Wala ng mga estudyante sa labas. Nagsipasukan na sila sa kaniya-kaniyang room dahil nagsisimula na ang klase. Bumaba na kami sa building. Yung dalawa ang daldal, kung ano-ano ang sinasabi.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Office of the Student Council. Binuksan ni Red ang pinto at pumasok.

Walang tao sa loob. Baka pumasok na sa kani-kanilang klase ang mga Officers.

May isang malaking pinto sa gilid. Kumatok muna si Red bago pumasok.

Nakita ko si Black. Prente lang itong nakaupo sa swivel chair niya. Nakasuot ito ng salamin habang nakatingin sa mga papeles na nasa mesa niya. Lumingon siya sa amin at nilapag muna ang mga papeles na binabasa.

"Nandito na ang mahal na reyna, mahal na hari."

Nagpipigil ng tawa sila Drein at Red. Bahagya pang yumuko ang mga loko.

"Assholes. Get out." Pagpapaalis ni Black sa dalawang kaibigan.

Ngumuso ang dalawa ngunit nawala rin iyon kaagad at nang-aasar akong tiningnan bago lumabas.

Yung dalawang 'yon noong nakaraan ko pa lang nakilala pero inaasar na ako.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko.

"Wala naman. Okay ka lang ba sa room mo?" Tanong din niya at tumayo. Naglakad siya papunta sa akin.

"Oo naman." Sagot ko at humarap sa kaniya.

Hindi ko mapigilang mapalunok dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Good. Go back to your room now."

Lumayo siya at bumalik sa swivel chair niya at umupo.

'Yon lang ang sasabihin niya? Pinapunta niya ako rito para lang tanungin kong okay lang ako sa room ko? Sana tinext niya nalang!

Bumuntong hininga ako at sinulyapan muna siya bago ako tumalikod. Bago pa ako makalabas ng tuloyan sa office niya ay nagsalita siya.

"Take care."

Napangiti nalang ako ng makalabas na sa opisina niya.

Tiningnan ko ang paligid, ang lawak. May mga table at swivel chair dito na nakahanay simula sa Vice President hanggang sa iba pang officers. Parang si Black lang ang may sariling office pero maganda ang pagkakadisenyo dito at sa opisina ni Black. Ang daming mga furnitures, may bookshelf din at sofa.

Lumabas na ako sa Student Council Office at bumalik sa room. Pagpasok ko ay maingay na ulit sila. Wala na si Prof. Lee. Nilingon ko ang upuan ko. Naroon si Venice, may kakwentuhan siyang tatlong babae kaya naglakad ako palapit sa kanila at umupo sa upuan ko.

"Oy! Dazia, sila Ysa nga pala." Pagpapakilala ni Venice sa mga kausap.

"Hello, ako nga pala si Ysabelle Cortez." Pagpapakilala nong babaeng naka ponytail ang buhok. Maganda siya at mestiza.

"Alyanna Nikki Alvarez nga pala. Nice to meet you." Nakangiting sabi nong babaeng hanggang dibdib ang buhok. May pagkamorena ito at bagay na bagay ang balat niya sa kaniya. Ang ganda niya rin.

Nilahad niya ang kamay niya. Ngumiti ako sa kaniya pabalik at nakipaghandshake.

"I'm Dannica Froster." Pakilala nong babaeng may bangs na naka fishtail ang buhok. Mestiza siya at bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang glasses.

"Hello, I'm Dazia Montenegro. Nice meeting you." Ngumiti ako sa kanila at nakipaghandshake kayla Dannica at Ysabelle.

"Ano nga pala ang nangyari, Dazia? Bakit ka raw pinatawag ni Black?" Tanong ni Venice.

"Ah, wala naman. Binigay niya lang sa akin ang schedule ko." Pagsisinungaling ko.

"Bago 'yon, a. Unang beses niyang magbigay ng schedule sa transferri. Ang Dean kasi ang nagbibigay nun, e." nakakunot noong sabi ni Alyanna.

Hindi nila pwedeng malaman na malapit ako kay Black, baka paulanan ako ng tanong.

"H-Hindi ko rin alam, e," sagot ko rito. "Nasan nga pala si Prof. Lee? 8:24 pa lang." Pagbabago ko sa usapan.

"Tinawag siya ni Professor Alvarez. May meeting daw silang mga Teacher," sagot ni Dannica kaya napatango nalang ako.

Nagkwentuhan kami. Kinekwento nila ang tungkol sa buhay nila at dito sa school. Mabilis lang akong naging kumportable sa kanila, mababait sila. Nalaman ko rin na tatay pala ni Alyanna si Prof. Alvarez. Senador ang tatay ni Ysa, Cheif of Police naman ang tatay ni Venice at Bussinesman ang tatay ni Dannica. Hindi talaga maipagkakaila na galing sila sa napakarangyang buhay.

Natapos ang oras ni Prof. Lee pero sa second subject wala rin ang Professor namin kaya nag-usap lang kami. Yung iba naming classmates na lalake ay hinihingi ang number ko pero nginitian ko lang sila. Tumigil din naman sila kalaunan, mukhang napagod na kakakulit sa akin.

Ilang sandali lang ay tumunog ang bell, hudyat na break time na. Pinapatunog lang ang bell tuwing wala ang mga professor, iyon ang kwento nina Alyanna. Napag-alaman ko ring walang grade seven at grade eight dito. Tanging grade nine patungog senior lang ang kine-cater ng NEU.

Nag-aya sila na pumunta sa cafeteria kaya kinuha ko ang pinataka at cellphone ko sa bag at saka sabay kaming lumabas. Maraming estudyante ang nag lalakad sa bawat hallway, yung iba nasa field. May mga nadadaanan kaming nag-uusap. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan nila.

"Girl, may bago raw member sila Black."

"Yeah, yung kasama nila kanina."

"He's too handsome too. Pumapantay kay Josh."

"What's his name again?"

Hindi ko na pinansin ito.

Ilang minutong paglalakad lang ay narating na namin ang cafeteria. Tinitingnan ko ng maigi ang mga nadadaan namin, pinapamilyar ang lugar. Bago pa lang ako rito kaya dapat ay maging pamilyar ako sa paligid dahil baka maligaw ako. Ang lawak at ang laki pa naman nitong school.

Nang makapasok kami sa loob ay namangha ako. Ang lawak at ang laki ng cafeteria. Mukhang saktong-sakto sa buong pupolasyon ng NorthEast. Maraming nakaupo na sa mga table, kaunti na lang ang bakante kaya nagmadali kaming upuan yung bakanteng table sa bandang hulihan. May anim na upuan dito kaya saktong-sakto sa amin. Doon nilagay ni Ysa ang bag niya sa katabi niyang bakanteng upuan. Malapit ito sa salamin kaya kitang-kita namin ang malawak na field.

"Kami na ni Ysa ang mag-oorder. Ano ang order niyo?" tanong ni Venice habang hinahalungkat ang bag niya.

"Burger, salad at saka juice ang sa akin," sabi ni Dannica sabay abot ng pera.

"Salad at organic juice lang ang sa akin. I'm currently on diet kasi," wika ni Alyanna at inabot ang pera.

"Ang iyo Dazia?" Tanong ni Ysa sa akin.

Kinuha ko ang kulay pink kong wallet. Ito 'yong nilagay ni Black kanina sa bag ko, e. Pagbukas ko ay nagulat ako. May ilang libo roon. Grabe talaga kung magwaldas ng pera ang Itim na iyon. Kinuha ko ang isang libo at binigay kay Ysa. Wala din naman akong choice dahil puro asul ang naroon.

"Burger at juice na lang," sabi ko.

'Yon na lang oorderin ko, hindi naman sa akin ang perang to, e. Tumango lang sina Venice at Ysa, umalis na agad sila at pumila sa counter.

"Dazia, ang ganda mo. Naiinggit ako, ano ba ang skin care mo?"

"A-Ah safeguard," sagot ko sa tanong ni Alyanna.

"Safeguard lang pero ganyan ang resulta? Ako nga nudnod ng nudnod ng beauty products pero ito lang talaga ang kaya." Sabay turo sa mukha niya.

"Ang ganda mo kaya." Walang halong biro kong sabi. Talagang sobrang ganda ni Alyanna. Para nga siyang model, e.

"Binola mo pa ako." Natawa si Alyanna.

"Okay lang yan, Yanna. At least mukha kang tao kahit papano." Biro ni Dannica

Natawa kaming dalawa ni Dannica habang nakasimangot si Alyanna. Inasar pa ni Dannica si Aly nang biglang magsitilian at magsitayuan ang lahat ng nasa cafeteria sabay bukas ng pinto. Para silang nakakita ng artista.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 159K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
10.7M 249K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
972 90 12
DESCRIPTION!! Paano kung isang araw, you became the billionaires wife? Yung akala mong pulubi ay mas mayaman pala sayo? Klaihuse Farrel Velasco, a b...
16K 433 53
[ON-GOING] [UNDER EDITING] Meredith Cristine Sanmonte is just a simple girl who is in her 10th grade. When Jake Andrei Montenegro knew about Meredith...