"๐‘ด๐’š ๐‘ญ๐’‚๐’ƒ๐’๐’†๐’”" 3 (๐™ฒ๐š˜๐š–...

air-styper

3.3K 522 34

๐šƒ๐š‘๐š’๐šœ ๐š’๐šœ ๐š–๐šข ๐š๐š‘๐š’๐š›๐š ๐š๐šŠ๐š‹๐š•๐šŽ ๐š‹๐š˜๐š˜๐š” ๐šŠ๐š—๐š ๐š’๐š ๐š’๐šœ ๐šŽ๐š—๐š๐š’๐š๐š•๐šŽ๐š "๐™ผ๐šข ๐™ต๐šŠ๐š‹๐š•๐šŽ๐šœ" 3. ๐šƒ... ะ•ั‰ะต

๐™ธ๐™ฝ๐šƒ๐š๐™พ๐™ณ๐š„๐™ฒ๐šƒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ
21๐š‚๐šƒ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
21๐š‚๐šƒ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
22๐™ฝ๐™ณ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
22๐™ฝ๐™ณ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
23๐š๐™ณ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
23๐š๐™ณ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
24๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
25๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
25๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
26๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
26๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
27๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
27๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
28๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
28๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
29๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
29๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
30๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
30๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
๐™ด๐™ฝ๐™ณ ๐™พ๐™ต ๐šƒ๐™ท๐™ธ๐š๐™ณ ๐™ฑ๐™พ๐™พ๐™บ
๐™ฐ๐š„๐šƒ๐™ท๐™พ๐š'๐š‚ ๐™ฝ๐™พ๐šƒ๐™ด

24๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ

76 23 3
air-styper

"Ang Laro ng Binata"

Ngayong moderno na ang mundo at marami nang iba't-ibang gadgets na naimbento ay marami na ring mga bata, mga kabataan at mga matatanda ang nahuhumaling na maglaro ng mga laro sa mga gadget na gaya ng Cellphone.

May isa ngang binatang lalaking nagngangalang Rex at siya ay naglalaro ng kanyang Cellphone ng buong magdamag.

Kahit na inuutusan siya ng kanyang nga magulang ay hindi niya ito pinakikinggan dahil nakatuon na ang kanyang atensiyon sa paglalaro niya ng laro sa kanyang Cellphone.

Ang pangalan ng kanyang palaging linalaro sa kanyang Cellphone ay ang Fight of the Sword Online.

Ang palagi niyang ginagamit na karakter ay si Ardez dahil gustong-gusto niya ang kanyang imahe, espada at ang kanyang skill sa pakikipaglaban.

Dahil sa magdamag na lamang na naglalaro ang binatang lalaki ng larong ito sa kanyang Cellphone ay pinagbawalan nga ito ng kanyang nanay.

Simula kasi noong naglaro na siya ng ganito ay napansin ng kanyang nanay na ito nalang ang palagi niyang ginagawa sa kanyang buhay at hindi na niya maituon ang kanyang pag-aaral at siya ay mas tumamad sa gawain sa kanilang bahay.

Kaya naman ginawa ito ng kanyang nanay na pagbawalan siya at hindi lang ang pagbawalan niya ito kundi kinuha niya ang Cellphone ng kanyang anak at itinago para hindi na siya muling makapaglaro.

Sinabi sa kanya ng kanyang nanay na napilitan niyang kunin ang kanyang Cellphone dahil sa paglalaro na lamang ang kanyang ginagawa ng buong magdamag.

Ang sabi pa niya ay kung balanse sana gaya ng may oras siya sa kanyang pag-aaral, may oras sa kanyang paglilinis ng kanilang bahay, ititigil niya ang kanyang laro kapag siya ay inuutusan at huwag puro laro ay hindi sana niya pagbabawalan ang kanyang anak sa paglalaro at hindi sana nito itatago.

Kaya naman walang nagawa ang binatang lalaki at napatahimik na lamang ito.

Hanggang sa isang araw, dahil sa pagka-adik ng binatang lalaki sa larong ito ay sinimulan niyang hinanap ang kanyang Cellphone sa loob at labas ng kanilang bahay.

Sa araw na iyon ay wala ang kanyang nanay dahil pumunta siya sa palengke para mamalengke ng kanilang almusal.

Kaya naman ito na ang kanyang oras para hanapin at halughugin niya ang lahat ng pwedeng mapagtaguhan ng kanyang nanay ng kanyang Cellphone sa kanilang bahay.

Nagpatuloy niyang hinalughog hanggang sa nakita niya ito sa kabinet  na nasa loob ng kwarto ng kanyang nanay.

Masayang-masaya nga ang binatang lalaki at humalakhak sa saya.

Agad na lumabas sa kwarto ng kanyang nanay ang binatang lalaki at agad na itinago ang kanyang Cellphone sa kanyang sariling kwarto.

Sakto namang bumalik ang kanyang nanay sa kanilang bahay galing sa palengke.

Agad na nakita ng kanyang nanay ang kanyang anak na ngumingiti.

Kaya naman agad nitong tinanong ng kanyang nanay kung bakit siya ngumingiti.

Ang sagot naman ng binata ay masaya siya dahil mayroon nanaman silang masarap na almusal.

Pagkatapos non ay nagluto ang kanyang nanay ng kanilang almusal hanggang sila ay kumain at nabusog.

Matapos ang kanilang almusal ay agad na pumunta ang binatang lalaki sa kanyang kwarto.

Pagkatapos ay isinara nito ang kanyang kwarto at binuksan ang aircon sa loob ng kanyang kwarto.

Agad na kinuha ng batang lalaki ang kanyang Cellphone at siya ay malayang naglaro nito.

Magdamag siyang naglaro ng kanyang Cellphone hanggang malapit ng magtanghali.

Hindi alam ng binatang lalaki na malakas na ang buhos ng ulan sa labas ng kanilang bahay at kumikidlat ng pagkalakas-lakas.

Kumidlat nga ng pagkalakaslakas at dahil nakabukas ang internet connection ng binatang lalaki ay deretso itong tinamaan ng kidlat ang kanyang Cellphone.

Matalas ang kidlat na tumama sa Cellphone ng binatang lalaki at pati ang bubong ng kanyang kwarto ay nabutas at nasunog.

Dahil nakidlat ang Cellphone ng binatang lalaki ay bigla itong pumasok sa loob ng kanyang laro at biglang naglaho.

Ang himala dito ay hindi nasira ang Cellphone ng binatang lalaki at ang bubong lang ng kanyang kwarto ang nasira.

Dahil dito ay biglang nag-alala ang kanyang nanay dahil mayroon siyang narinig na ingay sa kwarto ng kanyang anak.

Ang iniisip pa ng kanyang nanay ay baka nakidlatan na ang kanyang anak sa loob ng kanyang kwarto.

Kaya sinubukan ngang buksan ng kanyang nanay ang kanyang kwarto ngunit ito ay nakasara.

Mabuti nalang ay mayroon siyang extrang susing pambukas sa kanyang kwarto.

Nang nabuksan niya ang kanyang kwarto ay nagulat ang kanyang nanay sa kanyang nakita.

Hindi lang gulat kundi gulat-gulat ang kanyang nanay na nasunog at nabutas ang bubong ng kwarto nito.

Nagulat din siya dahil wala ang kanyang anak sa kanyang kwarto at nagulat din siya dahil nandoon ang kanyang itinagong Cellphone.

Sa oras na iyon ay mabilis na naapula ang sunog sa bubong ng kwarto ng binatang lalaki dahil sa ulan.

Pero sobrang nag-aalala ang kanyang nanay kung bakit wala ang kanyang anak sa loob ng kanyang kwarto.

Naisip pa ng kanyang nanay na baka nagtatago ito sa loob ng kanyang kwarto pero wala talaga siya dahil hinalughog na lahat ng kanyang nanay sa loob ng kanilang bahay at hindi niya ito nakita.

Kitang-kita naman nitong pumasok ito sa kanyang kwarto at saka isinara pero ang tanong ngayon sa kanyang isipan ay kung paano siya naglaho.

Nang napansin ng kanyang nanay ang kanyang Cellphone ay tumila ng ang ulan sa labas.

Nang hinawakan niya at tinignan ang Cellphone ng binatang lalaki ay nakabukas ito ay nakita niya sa screen nito na at naisip na ito palagi ang palaging linalaro ng kanyang anak.

Naisip niya itong i-uninstall ngunit may nakita siya na Warning: Hindi pwede iunstall ang app dahil nandito ang anak niyo. Kung gusto mo pang bumalik ang anak niyo ay manood nalang kayo sa kanyang paglalakbay sa larong ito.

Bigla ngang nabitawan ng kanyang nanay ang kanyang Cellphone at hindi naniniwala sa mga nangyayari.

Biglang lumabas ang kanyang nanay sa kanyang kwarto at tumawag ng karpintero para ayusin ang bubong ng kwarto ng kanyang anak.

Mabilis ngang naayos ng karpintero ang bubong at binayaran siya ng kanyang nanay.

Nang matapos na maayos ang bubong ay pinunasan niya ang sahig ng kwarto ng kanyang anak.

Pero hindi pa rin siya naniniwala na nasa loob ng laro ang kanyang anak.

Kaya naman hinanap pa niya ito sa labas ng kanilang bahay at tinawagan ang mga pulis para hanapin ang kanyang anak ngunit hindi niya nila ito nahanap.

Bumalik agad ang kanyang nanay sa loob ng kanilang bahay at kinuha ang Cellphone ng kanyang anak.

Nawala nga ang nakasulat na warning at may nakita ang kanyang nanay na "Press Start."

Ipinindot ng kanyang nanay ang bagay na iyon at dito na niya nakita ang kanyang anak sa loob ng kaniyang laro na gulat na gulat.

Pagkatapos ay may lumitaw nanaman sa screen na Warning: Manood ka nalang ng paglalakbay ng inyong anak. Huwag kayong pipindot ng anumang pindutan. Kung matatalo ang inyong anak sa larong ito, hindi na siya makababalik sa totoong mundo!

Kaya naman walang nagawa ang kanyang nanay kundi manood sa paglalakbay ng kanyang sa loob ng kanyang laging linalaro.

Siya ay umaasang makakalabas ang kanyang anak na binatang lakaki sa loob ng laro dahil dadalawa na lamang silang pamilya.

Dahil nawala ang tatay ng binatang lalaki at ang kapatid nitong bunsong babae dahil sa car accident.

Kaya naman umiyak na lamang ang nanay ng batang lalaki at umaasang makakabalik ang kanyang anak na Rex sa totoong mundo.

Meanwhile, sa binatang lalaki.

Nabigla at nagulat nga ang binatang lalaki dahil naalala na niya ang nangyari.

Nakidlatan ang kanyang Cellphone at pumasok siya sa pinakagusto niyang laro, ang "Fight of the Sword Online."

"Naku! Bakit ako nandito sa larong ito?!"

"Inay!"

Pagkatapos niyang sumigaw ay biglang lumitaw ang kanyang mentor na siyang magbibigay sa kanya ng kahuli-hulihan niyang Quest.

"Ako si Kwirito, ang iyong mentor."

Kaya naman dahil dito ay naisip ng binatang lalaki na nandito na siya sa kasalukuyan niyang nilalaro.

Dito ay ang pinakahuling pagsubok nga ng batang lalaki sa larong ito.

"Tama ang iyong naiisip, aking Apprentice na Ardez. Nandito ka na sa huli mong pagsubok."

Tinignan ng batang lalaki ang kanyang kasuotan at hawak na espada.

Siya nga si Ardez sa larong ito.

Masaya siya dahil nahawakan nito ang kasuotan at espada ng kanyang paboritong karakter ngunit mas gusto pa rin niyang makalabas sa larong ito.

Agad ngang sinabi ni Kwirito ang kahuli-hulihang quest nito kay Ardez.

Ito ay ang hanapin niya ang "White Crystal at ibigay sa kanyang mentor."

Mahahanap niya lang ito kung matatalo niya ang dragon na nagngangalang Addict Dragon.

"Kung gusto mong makalabas sa larong ito Ardez, dapat talunin mo ang iyong pagiging addict sa paglalaro ng larong ito."

"Ah?! Bakit mo alam na naaddict ako sa larong ito at saka napunta ako dito sa larong ito?"

"Simula noong tinuruan kita, ang bilis mong natututo. Mabilis mo pang tinatapos ang aking quest para sa iyo. Please naman, dahan-dahan lang. Laro lang ito, huwag mo naman seryosohin. Tsaka alam kong ikaw iyong totoong manlalaro dahil hindi naman ganyan ang pananalita ng mga player dito gaya sa iyo pero nagtataka rin ako kung bakit ka nakapasok sa larong ito."

"Ganon pala, pero para po kayong robot na nagsasalita. Tsaka, sorry po, mentor. Naddict na kasi ako sa larong ito."

"Hmm, kaya ngayon. Iyan ang aking ibinigay na quest sa iyo. 1 out of 7.9 Billion player o simula noong narelease ang game na ito, ikaw palang ang player na makakaranas nito sa kasaysayan ng larong ito."

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay itinuro nga ni Kwirito sa kanyang apprentice kung saan banda niya makikita at lalabanan ang Addict Dragon.

Naglakbay nga si Rex bilang Ardez sa loob ng larong ito papunta sa Dragon's Den.

Nang lumapit na siya dito ay agad niyang ginising ang halimaw na ito.

"Wahaha!!! Hindi ka na makakabalik sa iyong mundo!"

"Makukuha ko ang White Crystal sa iyo at saka tatapusin na kita!"

Naglaban nga sina Addict Dragon at Rex bilang Ardez.

Dahil sa pagka-adik ng Addict Dragon sa pamamagitan ng pakikipaglaban gamit ang espada ay hindi na ito alam kung paano lumipad.

Pero naging malupit ang palitan nila ng opensa gamit ang kanilang mga espada.

Mas mabilis lang si Ardez at natatamaan niya ito ngunit mahaba ang buhay nito.

Hanggang sa biglang rumbesbak ang kanyang mga kaibigan online na ang karakter na kanilang ginamit ay sina Silico, Lizeth, Usana, Sinoh, Clint, Leava at Yuan.

Kaya naman mas lalong tumindi ang kanilang laban.

Walo na laban sa isang malakas na halimaw.

Malaki ang naitulong nila sa pakikipaglaban laban sa Addict Dragon ngunit hindi naging sapat para talunin nila ito.

"Wahaha! Patay na ang iyong mga kasamahang bayani! Ikaw naman ang isusunod at sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas sa larong ito!"

"Bakit mo pala alam na nanggaling ako sa labas?"

"Dahil sa pananalita mo! Napansin kong nanggaling sa labas at napunta ka rito bilang Ardez!"

"Hmm! Tumahimik ka na, dahil tatapusin na kita!"

Nasa kritikal na ang buhay ng dalawa kaya naman naisip ng tapusin ni Ardez ang kanilang laban!

Tumakbo ng mabilis si Ardez at tatapusin na sana ito si Addict Dragon ngunit mabilis na ginamit ni Addict Dragon ang kanyang espada at hiniwa si Ardes sa dalawa.

Kaya naman natalo si Ardez sa kanilang laban.

"Wahaha!!! Talo ka na!!!"

Meanwhile, sa labas ng laro.

"Anak! Tumayo ka!"

Walang nagawa ang nanay ni Rex kundi ipindot ang Revival Potion sa kanyang anak.

Dahil dito ay hindi sinunod ng kanyang nanay ang Warning at biglang pumasok rin ito sa laro.

Dahil dito ay nagulat ang nanay ni Rex dahil siya na ay isang karakter sa loob ng laro bilang Alicia.

Nagulat din siya dahil hawak na hawak niya ang Revival Potion kaya naman tumakbo siya papunta sa kanyang anak sa anyo ni Ardez para gamitin sa kanya ang Potion.

Dahil sa paggamit ng kanyang nanay ay agad na nagising si Ardez.

"Salamat, ikaw si Alicia diba?"

"Hindi mo ako kilala? Ako ang iyong nanay."

"Paano, hindi mo naman siya kamukha?"

"Ikaw rin, pero ikaw ang aking anak dahil iyan ang palagi mong ginagamit kapag naglalaro ka."

"Ikaw nga inay. Pero inay, naglaro ka rin ba nito noon ng ganito?"

"Ah... Oo anak pero itinigil ko na."

"Tama na ang daldal! Ituloy na natin ang laban at ikaw Alicia ang uunahin ko dahil sa pagbuhay sa kanya!"

"Addict Dragon! Ako ang labanan mo at hindi siya!"

Tumakbo nga ang nanay ni Rex sa anyong Alicia at nagtago sa likod ng malaking bato.

Biglang nagsalita ang espada ni Ardez kaya naman nagulat si Ardez dahil dito.

"Tapusin na natin siya! Ardez!"

"Ah?! Nagsasalita ka pala. Pero sige, kaya natin siya aking espada!"

Nagpatuloy ang labanan nina Ardez at Addict Dragon hanggang sa natalo nito ang halimaw na Addict Dragon.

Matagumpay na nakuha ni Ardez ang White Crystal sa Addict Dragon.

Dahil dito ay bumalik si Rex bilang Ardez sa kanyang mentor na si Kwirito kasama ang kanyang nanay sa anyo ni Alicia.

Dito ay naging masaya si Kwirito dahil matagumpay si Ardez sa ibinigay na Quest ni Kwirito.

"Oh, nakuha mo na ba ang aking ipinapakuha ko?"

"Opo, mentor."

"Sino ba siya, Rex?"

"Rex?"

"Inay, siya po ang aking mentor."

Biglang nagulat si Kwirito dahil dito.

"Ikaw si Rex Gaya?" tanong ng kanyang mentor.

"Opo, bakit niyo po ako kilala?"

"Hay naku, talagang mentor mo ako. Ako ang iyong guro na si Sir Dave Felipa."

"Ano?!"

"Ikaw iyong palaging naglalaro sa loob ng ating klase gamit ang gadgets."

Biglang nainis ang kanyang nanay.

"Rex! Pumanda ka paglabas natin dito!"

"Naku inay. Sorry!"

"Sino naman siya Rex?" sabi ng kanyang guro na si Sir Dave sa anyong Kwirito.

"Naku naman sir! Siya ang aking nanay. Lagot ako ngayon."

"Hays, talagang lagot ka. Pero paano kayo pumasok sa loob ng larong ito?"

"Sir, biglang kumidlat tapos pumasok ako dito."

"Haist, totoo nga ang humor nito na matamaan ng kidlat ang iyong Cellphone habang naglalaro ay papasok ka talaga sa loob ng laro. Kaya, sa susunod huwag ka ng magiging addict sa paglalaro at saka galingan mo sa iyong pag-aaral. Itigil mo rin ang paglalaro ng Cellphone habang inuutusan ka ng iyong magulang. Sinasabi ko hindi bilang isang mentor sa larong ito, sinasabi ko ito bilang iyong guro."

"Rex, pakinggan mo ang iyong guro!"

"Opo, hindi na po mauulit sir. Tsaka inay, hindi na po ako magiging addict sa paglalaro ng ganitong laro. Maglalaan na rin ako ng oras para sa aking pag-aaral at paglilinis ng ating bahay.

"Salamat naman anak. Pwede kang maglaro para magsaya pero hindi ang magdamag."

"Opo inay. Promise."

"Pero, masaya ako dahil naging matagumpay ka sa aking ibinigay na Quest. Hays, pero nagtaka talaga ako kanina kung bakit nag-iba ng impormasyon tungkol sa aking ibibigay na quest sa iyo. Mabuti nalang, napansin ko agad ang iyong pananalita kanina at natandaan ang humor ng larong ito. Kasi ibang-iba talaga itong naibigay kong quest sa iyo hindi gaya sa iba ko pang apprentice."

"Ang mahalaga po, nakuha ko na at maibigay sa inyo."

"Sa iyo talaga iyan Rex. Gagamitin mo iyan Rex pero hintayin mo lang ang iyong nanay ng 2 hours dahil hindi siya pwedeng makalabas kapag ginamit niyo na iyan. Nagviolate yata ang iyong nanay sa system dahil siguro natalo ka kanina diba?"

"Ay, oo nga sir, ipinindot ko kanina ang Revival Potion para mabuhay ulit ang aking anak."

"Kaya naman, magpasalamat ka sa iyong nanay dahil siya siguro ang nagbigay sa iyon niyan."

"Opo ako nga."

"Salamat po inay."

Naghintay nga sila ng dalawang oras.

Naglibot-libot muna sila sa loob ng laro at kinausap ang mga hayop at mga halaman.

Napansin ng kanyang nanay na parang robot silang magsalita at sinabi rin ng kanyang anak na normal iyon dahil nasa loob sila ng laro.

Pagkatapos ng 2 hours ay ginamit ni Rex ang White Crystal pero hindi gumana.

Sinabi ng kanyang mentor na dapat sabihin nila ang "Goodbye!" at dapat sila ay magkahawak.

Malakas ngang sinabi iyon ni Rex pati ang kanyang nanay na magkahawak ang kanilang kamay.

Pagkatapos non ay mabilis silang nakabalik sa real world at nakita na lamang nila sa Cellphone ni Rex na "Congratulations."

Dahil dito ay may kumatok sa pinto ng kanilang bahay at binisita nga ng mga naging kasama ni Rex sa pakikipaglaban sa Addict Dragon at pati ang kanyang mentor sa kanyang laro na kanyang palang guro.

Dahil dito ay kinamusta nila ang mag-ina sa oras na iyon.

Pero naging maayos naman sila. Pagkatapos ay pinagmeryenda sila ng nanay ni Rex dahil sa pagtulong sa kanila para makalabas si Rex sa larong iyon at pati ang kanyang nanay bilang pasasalamat.

Simula noon ay hindi na magdamag at pailan-ilan na lamang ang paglalaro ni Rex sa kanyang Cellphone.

Kahit na naglalaro si Rex ng kanyang Cellphone ay kinontrol na niya ang kanyang sarili sa hindi pagiging addicted nito.

Kaya nalabanan na niya sa kanyang sarili ang pagiging addicted sa laro gaya sa pagtalo nito sa Addicted Dragon.

Hindi na rin siya naglalaro ng gadgets sa loob ng kanilang paaralan at hindi mas tinutukan na niya ang kanyang pag-aaral kaysa sa paglalaro nito kaya naman tumaas na ang kanyang mga marka sa kanyang eskwelahan.

Tsaka isa pa, masaya na rin ang nanay ni Rex dahil imbes na gumising at agad siyang maglaro ng gadgets ay inuuna na niya ang paglilinis ng kanilang bahay para maging malinis at kaaya-ayang tignan.

Wakas...

Petsang Inumpisahan at Tinapos:
May 22, 2021

ะŸั€ะพะดะพะปะถะธั‚ัŒ ั‡ั‚ะตะฝะธะต

ะ’ะฐะผ ั‚ะฐะบะถะต ะฟะพะฝั€ะฐะฒะธั‚ัั

"Missing Five Years" jemalyngalap

ะšะพั€ะพั‚ะบะธะน ั€ะฐััะบะฐะท

5.8K 92 11
PROLOGUE Once upon a time, there was a lonely princess who run away from her ruined kingdom called Family. Her feet lead her to another kingdom. In t...
Stranger (Book One) [COMPLETED] Patrick Writes

ะ›ัŽะฑะพะฒะฝั‹ะต ั€ะพะผะฐะฝั‹

8.1K 129 50
Stranger talaga si John kahit na malayo silang dalawa ni Kate nagkakagusto sya sakanya kahit na malungkot si Kate at least pinapasaya nya sya. Magkak...
The family's baby Kitten is little

ะคัะฝั‚ะตะทะธ

904K 30.8K 110
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...