We Were Never Strange

De reiyourboat

47.5K 2.9K 350

Two grown ups, unresolved issues, life dramas, love of family and friends, and their journey to rekindling th... Mais

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Epilogue
NOTE

Chapter Twenty Nine

845 58 16
De reiyourboat

Ella

Alas tres ng hapon namin sinundo si Chloe sa port ng Sta. Fe. Mukha pa itong nawawalang bata habang nagpapalinga-linga sa aming sasakyan. Nakasuot ito ng skinny jeans at malaking hoodie, pati na rin ng shades. Kahit na ganito ka simple ang pormahan niya, marami pa rin ang napapatingin sa gawi niya.

  Nang makita niya kami ni Bridgette na nakatayo sa harap ng kotse, mabilis itong tumakbo, hila-hila ang maleta niya. Nang makalapit ito, agad niya akong hinila sa isang yakap.

  “I don't want to have crushes na!” iyak neto.

  Napahigpit naman ang yakap niya na napansin ni Bridgette kaya agad itong kinalabit ng kaibigan. “Chloe, as much as I want to cry with you, pwede mo bitiwan muna si Ella? Don't suffocate my girl.”

  Agad na kumalas si Chloe sa yakap ko para tignan ng masama si Bridgette. “Don't tell me what to do! Kadugo mo pa naman ang nanakit sa akin!”

  Nagpigil tawa ako sa sinigaw ni Chloe kay Bridgette. “Tahan na, Chloe. Hindi kawalan ang kaibigan ko.”

  Napa-atras ito sa narinig. “You're right. Kung kaya niya akong itaboy, then I can do the same to her,” seryoso niyang sabi habang pinapahid ang kumawalang luha sa mata.

  Medyo naawa nga rin ako dito kay Chloe kasi palagi nalang ata bigo sa pag-ibig. Noon, hindi ko na entertain kasi baliw ako sa kaibigan niya. Ngayon naman, pinagtabuyan ni Ynnah kasi baliw ang kaibigan ko.

  Inaya na kaming pumasok ni Bridgette para makakain na si Chloe sa pinag-reserve naming restaurant dito sa Sta. Fe. Nakasakay ito sa likod habang kami naman ni Bridgette sa harap.

  Palinga-linga siya sa paligid at tinuturo pa ang mga panibago niyang nakita. Hindi ko pa sila nadala ni Cole sa isla kaya ganito nalang makapag-react. Nag balak kasi sila noon na bumisita pero inayawan ko kasi nga sa rason na ayaw kong umuwi kapag hindi ko kasama si Bridgette.

  “Gosh! The people in here are smiley as heck. Hindi ba sila napapagod?”

  Nagkibit-balikat ako. “Ganun talaga sila dito. Masasayahin kahit na may mga mabigat na pinagdadaanan.”

  Nagtaas kilay si Chloe. “Weh? Eh ikaw you're from here naman pero I always see you na nakabusangot. Fake resident ka dito noh?”

  Pinandilatan ko ito ng mata. “Umayos ka, Chloe. Nasa teritoryo kita.”

  Tumawa naman si Bridgette. “You're right, Clo. Ella is always nakabusangot. Alam mo ba? Noong high school pa siya kung sino nalang naiinis sa kanya because of her permanent expression.”

  “Ikaw din, Bridgette. Tumahimik ka o hindi kita sasagutin.”

  Ngumisi ito sa. “Okay lang. Kung hindi mo ako sasagutin, ako nalang sasagot sa'yo. We're both nanliligaw here, diba?”

  “Ugh! Please save your landian on your bedroom. I'm mending a broken heart, remember?” singit ni Chloe na masama ang tingin sa amin.

  “Pasalamat ka may awa ako sa puso mo, Chloe,” sagot ko naman.

  Pagkarating namin sa isang resort, kung saan nagpareserve si Bridgette, ay kumain agad kami. Nagutom kasi kami sa kakahintay kay Chloe. Nagustuhan ng bisita namin ang kalamares at adobong pusit na bagong kuha pa mula sa dagat. Naubos niya rin ang inabot kong laman ng shells na may cheese at ang sweet and sour fish. Nang matapos kami ay panay reklamo ito na sobrang busog na raw siya at hindi na kaya maglakad, pero sumunod naman nang tinakot namin na iwan dito.

  Naging tahimik ang byahe namin pauwi dahil nakatulog kaming dalawa ni Chloe. Ginising lang kami ni Bridgette nang marating namin ang bahay nila, kung saan ipapakilala namin si Chloe personally sa family ni Bridgette. Magiliw ang pagtanggap nila sa bisita at marami ring picture ang nangyare. Isang oras kami nagtagal bago nagpaalam para ilagay na ang gamit ni Chloe sa bahay kung saan siya temporary na mamamalagi. Pagkatapos naming ilagay ang gamit ay agad niya naman kaming inaya na maglakad-lakad kahit alas sais na.

  Nauna naming pinuntahan ang plaza, kung saan may ginagawang panibagong mga upuan at nilibot 'yun. Panay picture lang ang kasama namin dahil maganda raw tignan kapag naka night shot. Sumunod naman kami sa cultural, kung saan may event palang nagaganap, which is ang basketball tournament. Tinapos namin ang laro dahil nagmakaawa si Chloe, napansin niya kasi na may gwapo raw sa player.

  Halos dumugin kami ng mga taong gustong magpapicture kay Bridgette at Chloe nang mamukhaan nila ito. May isang pamilyar na lalakeng lumapit din sa amin, hawak-hawak ang bola.

  Lumapit sa tainga ko si Chloe. “'Yan ang sinasabi kong gwapo.”

  Nagpigil tawa naman ako. “Talaga? Sure ka na?”

  “Ehem. Welcome back, Els at Bridgette. Sana naalala n'yo pa ako,” singit ng lalake na unti-unti kong namumukhaan.

  “No way! Tyrone?”

  Ngumiti ito, pinakita ang perpekto niyang puting ngipin. “The one and only!”

  Tatakbo na sana ako para yakapin ito nang may humila naman sa kamay ko. “Behave, Ella,” tugon ni Bridgette at sinamaan ako ng ngiti.

  Tumawa lang si Tyrone at nag-apir nalang sa akin. “Apir nalang muna, Els. Mukhang pinagseselosan pa rin ako ni Bridgette eh.”

  Inirapan ito ng kasama namin. “Shut up, Tyrone.”

  Napansin ko naman si Chloe na nakatingin lang sa amin, napatawa naman agad ako sa naalala. “Tyrone, si Chloe pala. Chloe, si Tyrone, ex ni Ynnah.”

  Nang marinig ang pangalan ng babaeng bumabagabag sa kanya, agad na nag-iba ang aura niya. Pilit itong ngumiti kay Tyrone na binigyan din ako ng nagtatakang tingin. May past kasi sila ni Ynnah pero hindi naman ganoon ka seryoso. Gusto ko tuloy matawa sa dalawang pinagtabuyan ni Ynnah, pero ang sama naman kung ganon kaya tumahimik nalang ako.

  “May pupuntahan ba kayo?” tanong ni Tyrone.

  Nagkibit-balikat ako. “Kung saan lang kami ilakad ng paa namin. Iginagala namin si Chloe kasi bagong punta niya pa lang dito eh.”

  Tumango ito. “Ohh, I see. Anyway, gusto n'yo bang mag bar tayo? May bagong bukas malapit sa Kota at masaya raw doon.”

  Nagtinginan kaming tatlo at di kalaunan ay pumayag na. Wala rin naman kaming pupuntahan. Naglakad kaming apat papunta sa bar na tinutukoy ni Tyrone. Ako at si Tyrone ang busy sa pag-uusap, habang ang dalawang magkaibigan naman ay busy din sa kanilang mundo. Hindi masyadong malayo ang bar kaya nakarating agad kami. Modern design ang exterior nito at sa loob ay may party lights na nagpakurap sa akin ng ilang beses. Pumwesto kami sa apatang table at nagpresenta si Tyrone na mag order para sa amin. Ilang minuto ay bumalik ito at nag-aya naman mag-selfie.

  Isa-isa nilang nilabas ang kanilang mga cellphone at kumuha ng iba't-ibang angle ng picture. Kinalabit naman ako ni Bridgette at itinuro ang cellphone niya.

  “Let's have a selfie, sweetie.”

  “Swerte mo naman magpapicture sa akin.”

  Ngumiti lang ito at inilapit ang mukha niya sa akin. Pinagdikit niya ang pisnge namin sa unang click, humalik naman siya sa pisnge ko sa pangalawa, at sa pangatlo ay nag wacky pose kaming dalawa. Nang matapos kami ay umiling lang ang dalawa naming kasama habang iniinom na ang drinks na hinatid ng waiter.


  “Bakit ka pala napadpad dito, Miss Chloe?” tanong ni Tyrone sa kasama namin.

  Nagkibit--balikat ito. “Tinakasan ko lang ang hinahabol ko.”

  “Whoa. Talaga? Ikaw? May hinahabol?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Tyrone.

  Gusto ko rin naman mag-agree kay Tyrone pero tinikom ko lang ang bibig ko kasi buhay naman ni Chloe 'yan.

  Ngumiti ng mapait si Chloe. “Unfortunately. And you know what's funny?”

  Umiling si Tyrone. “Ano?”

  “Ang hinahabol ko ay ang ex mo. Si Ynnah.”

  Hindi ko inasahan ang reaksyon ni Tyrone sa narinig. Tumawa ito at hinawakan pa ang tiyan niya. Yumuyog-yog ang katawan niya habang pinupunasan ang kanyang mata. “Oh, shit. Talaga? Si Ynnah?”

  Bumusangot naman si Chloe. “Yeah.”

  “Ang funny naman. Ang ganda ng naghahabol sa kanya tapos pinagtabuyan ka rin ba?”

  Bago pa ito makasagot ay may upuang pinwesto sa tabi ni Chloe kaya agad kaming napalingon at napanganga dahil nakatayo sa harap namin si Ynnah.

  “Hi, guys. I hope you don't mind a plus one,” nakangisi nitong tugon.

  Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinansin dahil inilipat niya ang kanyang atensyon kay Chloe na mukhang naghahanda na sa pagtakbo papalayo.

  “What a surprise, Ynnah,” wika ni Bridgette, habang sinasamaan ito ng tingin.

  Ngumisi lang ito. “Surprise nga.”

  Gusto ko naman batukan ang kaibigan ko pero tinatamad akong tumayo dahil nakahawak sa upuan ko si Bridgette.

  “Excuse me, guys,” biglang sabi ni Chloe at nag madaling pumunta sa CR.

  Nang makaalis ito ay pinandilatan ko ng mata ang kaibigan ko. “Ynnah! Ano na naman ang trip mo sa buhay?”

  Ngumuso ito. “Okay, aamin na ako, may kasalanan ako. Sobrang naguilty ako sa nagawa ko kay Chloe kaya andito ako ngayon para bumawi.”

  Umiling naman ako at napangisi. “Wow, nasapian ka na ng kabaitan, friend?”

  “Tumahimik ka, Ella.”

  “Tanga, kung gusto mo bumawi sa crush mo, andoon siya ngayon sa CR at wala dito. Sundan mo na bago pa 'yun mag book ulit ng flight para lang makalayo sa'yo,” wika ko at tinuro ang daan papuntang CR. “At hoy! May kasalanan ka pa, ang harsh mo sa kanya kaya mabuti sana kung pahirapan ka,” dagdag ko.

  Napatango naman ito at bumati muna kay Tyrone na natatawa lang sa sitwasyon, bago tumakbo para sundan si Chloe.

  “Ako lang ba o natatamaan na rin si Ynnah ng pana ni kupido?” wika ni Tyrone, at inabot ang baso na naglalaman ng inumin niya.

  Ngumisi ako. “Parang ganun na nga. Legit na ata itong nararamdaman ni Ynnah kasi sinundan na niya.”

  “Sana lang patawarin siya ni Chloe. That girl have a hard ass pa naman,” singit ni Bridgette habang nilalaro ang buhok ko.

  Inabot ko ang inumin namin sa mesa at ibinigay kay Bridgette ang sa kanya. “Oh, inumin mo na.”

  “Thanks, sweetie.”

  “Respeto naman sa fifth wheel dito.”

  Inirapan lang ito ni Bridgette. “Bahala ka diyan, Tyrone.”

  Biglang bumalik ang dalawa at tahimik na umupo sa kanilang upuan. Tinaasan ko ito ng kilay pero agad naman akong napatayo nang makita ko na nagkalat na ngayon ang lipstick ni Ynnah, habang medyo swollen naman ang lips ni Chloe.

  “Hoy! Huwag n'yong sabihin na nag quickie kayo sa cr na 'yan?” wika ng natatawang Tyrone.

  Sinapak naman ito ni Ynnah. “Itikom mo 'yang bibig mo, Ty.”

  “Gosh, ang bilis n'yo naman magkaayos. Chloe?” Tinignan ko ang babaeng namumula na ngayon. “Hindi mo pinahirapan itong kaibigan ko?”

  Ngumuso lang siya. “I'm not going to answer that.”

  “Ngi, sana pahirapan mo naman 'yan. Hindi pa naman makatarungan ang ginawa niya sa'yo,” sulsol ko kay Chloe.

  Naramdaman ko naman ang pagdapo ng chips na ihinagis ni Ynnah sa noo ko. “Itikom mo 'yang bibig mo, Ella. ”

  “Ayaw ko nga. Ikaw, itikom mo mata mo kasi bulag ka naman.”

  “Ikaw, itikom mo tainga mo kasi hindi ka naman nakikinig.”

  “Ikaw, itikom mo paa mo tutal palagi ka naman lumalakad papalayo.”

  “How about you two shut up and let us enjoy our drinks nalang?” singit ni Chloe, at tumango naman ang dalawa pang kasama namin na nakikinig sa sagutan namin ni Ynnah.

  “Sige, bukas nalang ulit, El.”

  Ngumisi ako kay Ynnah at tumayo para mag apir. “Sige, friend.”

- - -

Note: Pasensya na kayo minsan sa kalutangan ko. Napagpapalit ko ang name ni Lyrie at Tatiana kina Ella HAHSHAHD. Salamat din kay Mareng Jen kasi napapansin ko agad na nalulutang ako. Sorry talaga guys 😭😭 sabay ko kasing inaayos.

Ps: Stream Lazy Baby by Dove Cameron and her Taste of You (ft. REZZ)

 

 

 

Continue lendo

Você também vai gostar

565K 17.7K 54
"We're just friends." Seems to be like a motto for Vincent Chance and Soccer star Lucas Marshall. Whenever anybody asks about them all they say is 'w...
1.4M 34.2K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
4M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
854K 70.9K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...