Love Me in Brooklyn

By NerdyIrel

154K 5.7K 1.4K

A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never... More

Start
Love Me in Brooklyn
Prologue
Chapter 2 - Failed Attempts
Chapter 3 - Journey
Chapter 4 - OSR
Chapter 5 - Russell Riders
Chapter 6 - New Member
Chapter 7 - Triple R
Chapter 8 - Everywhere
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - Welcome Party
Chapter 11 - Threat
Chapter 12 - Childhood Friend
Chapter 13 - Contract
Chapter 14 - Revenge
Chapter 15 - Patience
Chapter 16 - First Date
Chapter 17 - Competition
Chapter 18 - Invite
Chapter 19 - Falling
Chapter 20 - Feelings
Chapter 21 - Selfie
Chapter 22 - Territorial
Chapter 23 - Worried
Chapter 24 - Confession
Chapter 25 - Bruise
Chapter 26 - Love
Chapter 27 - Suitors
Chapter 28 - Keep
Chapter 29 - Promise
Chapter 30 - Shoes
Chapter 31 - Proud
Chapter 32 - Cheer
Chapter 33 - Guilt
Chapter 34 - Caught
Chapter 35 - Rumors
Chapter 36 - Agreed
Chapter 37 - Truth
Chapter 38 - Questions
Chapter 39 - Protect
Chapter 40 - Settled
Chapter 41 - Nervous
Chapter 42 - Fetch
Chapter 43 - Promises
Chapter 44 - Going Home
Chapter 45 - Happiness
Epilogue
Author's Note

Chapter 1 - Her Life

7.5K 298 143
By NerdyIrel

CHAPTER 1

HER LIFE


Sab's POV


"Wish me luck, M." I fidgeted as I stood outside Section 1's classroom.

My best friend and cousin Marina, just rolled her eyes and sighed. "Whatever. See you in a few, S." She left me all alone as she walked back to the Section 8 room.


Lumunok ako at nilakasan ko na ang loob ko. I've been standing here for a few minutes now. Kailangan ko nang gawin ito dahil male-late ako sa next subject ko kung hindi.

I shut my eyes and hastily opened the door. "MR. ESCORT, PLEASE BE MINE!" sigaw ko.

Ngumiti ako at hinintay ang pagyakap niya sa akin ngunit walang nangyari.

Kroo. Kroo.


"Eh?" bulong ko. Unti-onti kong minulat ang isang mata ko upang tingnan kung bakit walang umimik. Both my eyes widened in shock when I saw their room empty.

"Naknampucha, walang tao." I scratched the back of my head and groaned. Sinarado ko na lang ang pintuan at huminga nang malalim.

Nasaan kaya sila? Bakit wala sila dito?


I pouted and was about to go back to my classroom when I froze on my spot. "Mr. Escort..."

Parang slow mo na naglakad siya sa harapan ko. Actually medyo may pagka-slow mo talaga dahil ang bagal niya gumalaw. He's known for that. Malumanay magsalita ang crush kong ito at chill palagi. Naks, nonchalant.


"What'd you call me?" nagtatakang tanong niya. Escort kasi siya sa section nila kaya naman nickname ko sa kanya 'yon. I heard it was an easy win for him. Wala na nga daw na-nominate na iba para sa posisyon dahil panalo na agad siya. He's handsome that's why his classmates chose him.


Ngumiti ako at inayos ang buhok ko. "Busy ka?"

"Hindi naman, kakatapos lang ng PE namin. Sorry, who are you?"

"Your muse, or, should I say, your future girlfriend?" Humagikgik ako.

He gave me a bewildered expression. "Ano?"

Inilahad ko na ang kamay ko. "Savannah Blaire Navar nga pala. Jojowain pero mas bet ko kung aasawahin mo agad. Choose your weapon. Bilis na! Don't be shy!"


Tumawa ako nang malakas ngunit tumigil rin nang mapansin kong tinitigan niya lang ako.

"What do you want from me, Savannah---"

"Sab na lang or pwede ring baby..."

Tumaas ang isang kilay niya at nagkamot siya ng ulo. His classmates are chuckling behind him.



I know he might find me strange since this is the first time we have spoken to each other.

Buong school year ay hindi naman kasi kami nagkikita nito. Palagi siyang nandoon sa loob ng classroom nila hanggang maguwian at tuwing may event naman ay hindi siya nasali. Tsaka iba kasi ang crush ko no'ng mga nakaraang buwan.

I like the escort from Section Two, but he said I'm not his type. Ewan ko ba do'n! Ayaw yata sa maganda!


"May kailangan ka ba?" tanong niya ulit na parang naiinip na.

I handed him the chocolates that I was holding before I looked down. "Pwede ba kitang maging boyfriend?"


"Ano daw? Did she just ask him to date?"

"Girl, 'yan yung Sab from last section."

"'Yung palaging naghahanap ng karelasyon pero single pa rin until now?"

"Oo siya 'yon. Kapal ng mukha ano? Top one sa overall ranking ng school natin, gusto niya jowain."

"Balita ko nga mahina raw utak niyan."

"Naaawa na nga lang daw ang mga teachers kaya pumapasa pa 'yan."


Nilingon ko ang mga estudyanteng nakatingin sa amin at inirapan sila pero walang talab sa kanila 'yon. They stood there and continued to watch me.

Hinarap ko na ulit ang crush ko at ngumiti ako. "Ano... he he... wag mo sila pakinggan ha. Mga inggitera lang 'yong mga 'yon..."

"But you are indeed stupid," He muttered.

"H-ha?"

"Aren't you the last on the ranking for this year? I remember you now. Ikaw 'yung palaging ginagawang example ng mga prof na 'wag daw tularan. You were never serious about your studies. You're just here to have fun. You're lucky your father's rich, that's why you're even graduating."


"Wait, kilala mo 'ko? Sabi na 'e! Crush mo rin ako!"

He sighed. "Leave me alone. I don't date idiots." And with that, he went inside their room and closed the door.



"Teka... HA?!" Talaga bang tinurn down niya agad ako? Hindi ba pwedeng i-try niya munang makipag-date sa akin para makilala niya ako maigi?


I forced myself not to cry as I watched his friends enter their classroom. Lahat sila tumatawa at tumitingin pa sa akin na para bang jina-judge nila ako.

"Oh my gosh! Na-video-han mo ba 'yon?"

"Grabe ang harsh pero deserve!"

"Kakatawa ha! Tanga talaga!"


Hinarap ko ulit 'yung mga estudyanteng lumabas sa mga classroom nila upang makitsismis.

"Hoy kayong mga ulupong! At least ako maganda! Pwede ba, bago kayo manlait tumingin muna kayo sa salamin? Ang sakit niyo sa mata! Daig niyo pa palaka na stressed sa sobrang pagkapanget niyo!"


"What did you just say?"

"Okay lang maging panget at least hindi bobo!"

"Hina na nga ng utak mo, feelingera ka pa!"

"Hinding hindi ka magkakajowa kasi joke time buong pagkatao mo!"


Sa inis ko ay hinagis ko sa kanila ang box ng chocolates na hawak ko pagkatapos ay tumakbo ako at tinulak sila. They all fell to the ground. "Bawiin niyo mga sinabi niyo!"


"ARAY! Bakit ka nananakit? Totoo naman ah! That's what you're known for!"

"Halata namang you're not mature enough to be in a relationship!"

"Walang kahit na sinong papatol sa'yo! Loser!"


Mas lalong naginit ang ulo ko. Tinanggal ko na ang pagkakapusod ng buhok ko pagkatapos ay hinagis ko ang tali sa sahig. Then I took off my earrings.


"Ah ganun ha..." I started stretching in front of them. Nanlaki ang mga mata nila at nanginig sa takot. Patitikman ko na sana sa kanila ang mga kamao ko nang may narinig akong sumigaw.

"IKAW NA NAMAN?"


Hala.

I slowly glanced at the principal and faked a smile. "He he he. Hello po! What's up?"


♥--------»¦«--------♥


"Mr. Navar, your daughter had been involved in numerous fights all throughout school year! Imbis magaral, walang ibang inaatupag kundi makipagaway!"

Ang OA ha. Sampung beses pa lang naman akong nadadawit sa gulo. 'Yung last time, nag-backup lang ako kay Marina dahil may nagtaray sa kanya.


"Hindi naman po totoo 'yon. May iba po 'kong inaatupag. Tumatambay din ako sa canteen, minsan naglalaro kami ng baraha sa classroom, pero mas madalas, naghahanap po 'ko ng guwapo---" Pinandilatan ako ng mga mata ni Papa kaya naman tinikom ko na ang bibig ko.

"Ma'am, pasensya na po. Parang hindi niyo po kilala itong si Sab. Mula nursery, dito na siya nagaral sa inyo. Ganyan lang po talaga siya, palabiro."


Huminga nang malalim ang principal ko na para bang inis na inis na siya. "Marami na ho ang nagtatanong sa amin kung bakit hindi pa rin nasu-suspend hanggang ngayon ang anak niyo. This isn't the first time I caught her! She was going to hit other students!"

"I was only scaring them, but I'm not really going to hurt them. Besides, sila naman po ang nauna---" Sinipa ni Papa ang dulo ng sapatos ko kaya tumigil na ako.

Bakit ba kasi ako ang pinatawag dito e hindi naman ako ang may kasalanan? I was minding my own business earlier! 'Yung mga babaeng 'yon ang komento nang komento!


"Alam naming graduation na sa weekend, pero kapag pinagpatuloy pa po ng anak niyo ang pakikipagbasag-ulo, mapipilitan po akong hindi siya pagmartsahin."

E 'di wag! Gusto ko lang naman magsuot ng toga para sa picture, pero ayoko maghintay ng ilang oras para matapos ang programa...


"Ma'am, please understand her." I watched as my father took out his cheque book and signed it. He handed it to my principal. "Ito nga po pala, pampagawa ng mga CR sa baba. Napansin ko hong medyo luma na ang mga toilet bowl at wala pang tubig pang-flush."

Nanlaki ang mga mata ng principal namin at tumingin sa akin. I looked down on my hands and avoided her stare. Nahihiya ako pero alam kong maki-kick out na ako kung iimik pa ako.


As the owner of Navar Lands, it's easy for my dad to use money to his advantage. Malaking hektarya ang pagmamayari ng pamilya namin dito sa Laudervale. We sell fruits, vegetables, poultry, livestock, and rice grains to different towns nearby, such as Elysian and Eunopsia. Nagbebenta rin kami sa Cythella, pero mas mahina ang sales namin doon dahil sa Ferrell Lands. Five years ago, we even started exporting our products to Asian countries and it was a huge success.


"Sige po Mr. Navar, but we will keep an eye on her. Hindi na po namin palalagpasin sa susunod."

"Maraming salamat po, ma'am," My father stood up and shook the hand of my principal.


Tumayo na kami at lumabas na nang office. I quietly followed him to his car. Pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse ay tinaasan niya agad ako ng boses. "Ano na naman ba 'yon, Sab?"

"Hindi ko naman po talaga kasalanan, kahit tanungin mo pa po si M."

"Marina is your cousin! Kakampihan ka lang no'n!"


"Totoo naman po kasi Pa! I was just talking to my crush, asking him to be my boyfriend when those bitches started gossiping about us. E, feeling ko nga po kaya na-turn off ang crush ko sa akin ay dahil narinig niya ang mga paninira ng mga 'yon! Hay nako nakakaasar talaga!"


"You asked a guy to be your boyfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ng tatay ko.

"Pa, I told you. I can find someone who will love me truly."


He glared at me like he was about to cook me alive. Hindi naman siya 'yung witch sa Hansel and Gretel pero nagfi-feeling siya.

"How many times do I have to tell you, there is no such thing as real love!" galit na galit na sigaw niya.

It has been a decade since my mom left us, but he's still mad at her. Hindi siya maka-move on na iniwan kami ng nanay ko no'ng bata pa ako. One day, she suddenly packed her bags and went to Brooklyn. I haven't heard from her since then.

Simula noon ay naging bitter na ang tatay ko. He doesn't believe in romance anymore. For him, it was just a fantasy everyone thought they could have.


I looked outside and dropped the subject. "Sorry po."

He exhaled loudly. "This has to stop, Sab. Magka-college ka na, hindi pwedeng palaging ganito!" Tiningnan ko siya at kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. "Kasalanan ko rin at masyado kang naging spoiled sa akin. Kapag nahihirapan ka, ginagawan ko agad ng paraan."


And that's true. He's the best parent anyone could ask for. Lahat ng gusto ko, binibigay niya kaya nga lumaki akong ganito, masayahin at makulit. I'm a bundle of joy, they say. Everyone at home loves me; my family, maids, bodyguards, gardeners, drivers, and even our farmers.

Dito lang naman ako sa school may mga nagiging kaaway...


"You're a young adult now. You should learn to stand on your own two feet."

Luh? Marunong naman talaga akong tumayo nang magisa. Ano ako baby? 'Di makatayo?


"Hindi na ako bumabata, nak."

Si Papa joker. Wala naman talagang tumatandang paurong. Unless si Benjamin Button yarn?


"I am getting old as days pass by. Kung ano-ano nang mga sakit ang nararamdaman ko. You need to grow up and help me on our business. Ikaw lang ang maaasahan ko dahil ikaw lang ang nagiisang anak ko."


Palagi niyang sinasabi na ako lang ang tagapagmana niya. Kung hindi ko siya tutulungan, lahat ng mga pinagpaguran niya ay mapupunta lang sa iba.

I grew up watching him do his work. Alam ko kung paano patakbuhin ang Navar Lands dahil kabisado ko ang trabaho. Aware ako kung ilan ang mga trahabador namin at kung ilan ang mga nae-export namin araw-araw. Even the process of rice production is already stored in my brain.


But farming is not for me. Hindi ito ang gusto kong gawin sa buhay ko. Gusto kong tumulong pero ayokong matali dito.

I want to go out there and explore. I want to experience life outside Laudervale.

I want to make landi muna.

Bata pa 'ko. I'm only 18 years old. Madami pa kong pwedeng gawin.


"Give it to Kuya Milo then. You know he's capable of doing the job..." Kuya Milo is Marina's older brother. Magkapatid si Papa at ang nanay nila na si Tita Myra. They're the only family I have besides my father. If there's anyone who should inherit our business, it's him.

"Milo is not that skilled. Mas mapapanatag pa ako kung kay Simeon mapunta ang Navar Lands."


Tsss. Ayan na naman siya. Ilang linggo ko na naririnig sa kanya 'yan.

Simeon's father and my father are best friends. Kaya naman palagi ko siyang nakakasama.

Naging crush ko rin siya noon dahil perfect siya. He's tall, dark, and handsome. And he's really responsible. They also have a farm, but it's not as huge as my family's. He helps his dad all the time, hands on siya kaya alam niya ang lahat.

Kaso may putok siya. At wala siyang plano mag-deodorant. Niregaluhan ko nga siya no'ng pasko pero hindi daw siya gumagamit noon. Sabi ko, i-try niya lang pero ayaw niya talaga.



"Alam ko na!" Biglang humarap ang tatay ko sa akin kaya naman tumaas ang isang kilay ko. He looked excited. "I want you to marry Simeon!"

"Okay, sure." I nodded but stopped when the realization hit me. "Wait, what?!"


"Tama! Pakasalan mo siya! Magkababata naman kayo at kilalang kilala mo na siya. He's a good man! He'll be a perfect husband to you! At matagal na niyang sinasabing gusto ko niya 'di ba?"

"Yeah, but I don't like him! He's like a brother to me!"

"Hindi naman mahalaga 'yon. You'll learn to live with him in time. The most important thing is that he becomes a part of this family legally---"

"Ayoko!" I shouted in defense. "Pa, nahihibang ka na po ba?"

"You will marry him whether you like it or not! End of discussion!"


Inalis ko ang seatbelt ko at binuksan ang pintuan ng kotse. I hopped out of his car and was about to leave when I decided to face him again.


"Please give me one last chance to prove to you that love still exists in this world. I will find the right guy who will love me back genuinely."


*End of Chapter 1*


♥--------»¦«--------♥


Fun fact: Cythella, Elysian and Eunopsia are towns from my story "Limerence: A Kiss of Words".

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 182K 36
[MAKE DUOLOGY #1] "Look at me, get over her and fall for me." Xylia has only 50 days to make Brendt move on and fall for her as a deal with her frien...
6.1M 145K 35
[MAKE DUOLOGY #2] When it comes to love, there are no boundaries. You can love your past back when you feel like it. Masama na bang magmahal ng iisan...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
162K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...