We Said Never (City Series #3)

By jowybee

401K 17.4K 13.3K

City Series #3 Selena is afraid of commitment. Ezra is not looking for a new relationship. When these two end... More

We Said Never
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
End
Love, Syl

Chapter 14

9.8K 459 416
By jowybee

Humikab ako habang inaayos ni Vale ang kaniyang mga papel. Our last exam for today is finished! Isang buwan na lang, tapos na 'tong short term namin.

I can't believe I'm making it to my third year.

"Sasama ka mamaya diba?" tanong ko kay Vale.

Kunot noo niya akong tinignan. "Ayaw."

"Sige na!" Ngumuso ako. "Hindi nga pwede pumunta si Lia kasi pinagbabawal siya ng mga kuya niya. Hindi naman daw malaking party! Just a few people."

Umiling pa rin siya. "I have plans with Nat."

Inirapan ko siya. "Edi isama mo!"

"Natalia? At a party?" Tumawa si Vale. "The last time that happened, things didn't go well."

I sighed. "Okay. Fine."

"Let me know if you need me to pick you up."

Ngumiti ako nang makita kong nag-aantay si Ezra, malapit sa fountain. I grinned at Vale and shook my head.

"Bye, bestie!" I gave Vale a hug and immediately ran towards Ezra. Malaki rin ang ngiti niya pagkakita niya sa akin.

"Hi, babi!" bati ko sa kaniya.

"Good day?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko.

I nodded. "Ang haba ng exam. Matagal ka bang nag-antay?"

Umiling siya. "Are you tired? We don't have to go.."

"Okay lang ako," I assured him.

Tumango siya. "Nandoon na sina Chino."

"Diretso na ba tayo doon?"

We started walking towards the parking area with our hands intertwined, pero bahagya niya akong hinila kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Ena.." He started. "Nandoon si Theo."

"And?"

"If you're not comfortable, then.. we don't have to go."

"It's fine with me." Nagkibit balikat ako. "Hindi ba nagpromise ka kay Apollo na pupunta ka? It's his birthday.."

He sighed and nodded. Mukhang nag-aalala siya, which I don't really get. I've seen Theo lots of times in their house parties.

Oh.

But this is the first time na.. kami nga talaga.

"It's fine." Inulit ko, kaya naman bahagya siyang ngumiti at tumango.

Dumiretso kami sa sasakyan ni Ezra at nakarating na rin kami doon sa head quarters nila pagka-lubog ng araw. Marami nang mga naka-park na sasakyan sa harap, at naka-bukas rin ang garage nila kaya kitang kita ang mga sasakyan na naka-park doon sa loob.

Once we went inside, marami nang mga tao doon, but lesser than usual. Hindi rin gano'n ka-ingay. I guess it's just for Apollo's birthday, and not a full-on party. Mukhang puro Alpha rin ang mga nandito.

"Uy, and'yan na sina Ez," sigaw ni Apollo. "Likayo!"

Marami na silang pulutan sa coffee table at mukhang hindi pa sila nagsisimulang uminom. A couple bottles of tequila were already ready, and shot glasses were still stacked up.

"Lagay mo na lang yang bag mo sa kwarto ko," Ezra said. "You forgot to leave it at the car?"

"Oo pala." Tumawa ako. "Saan kwarto mo?"

"Tara, I'll show you."

Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya paakyat ng hagdan. Malapit lang naman ang kwarto niya samay staircase kaya mabilis rin kaming nakarating doon.

Hindi ko alam kung ano ang inexpect ko, pero hindi ako gulat pagkapasok ko. It looked very modern. Itim ang mga pader niya at puti ang kisame. His curtains were also black, and his sheets were.. black, too. Of course.

"Paboritong kulay mo talaga ang black, 'no?" Tumawa ako at binaba yung bag ko sa kama niya. "Tuwing kailan ka lang natutulog dito?"

Maayos naman ang kwarto niya. Mayroon rin siyang drafting table, siguro para sa mga plates niya. I think he barely sleeps here, since may bahay rin naman sila sa Suello.

"As many times as I can," sagot niya sabay upo sa couch na nasa dulo ng kama niya. "Kapag exams, dito ako. At kapag marami akong plates na kailangang gawin."

Tumango ako. It looks like a nice place. Pero agad kong naalala na.. dito pala natutulog si Theo noon. I remember her saying that they used to sleep here.

"Natulog na si Theo dito?"

Tinignan niya ako at tumikhim. He grabbed my hand and pulled me closer to him, until I fell unto his left lap.

"Nagtatanong lang." Tumawa ako. "Baba na tayo."

Tumayo ako, pero hindi niya binitawan ang kamay ko. He stood up and pulled me towards him, and immediately gave me a quick kiss on the forehead.

"Babi," he softly said.

"Ez, nagtanong lang ako.."

"I know but.." Nagbuntong hininga siya. "Ayoko kasing naiisip mong dito galing si Theo whenever we're here."

Lumunok ako. Hindi ko man maamin sa kaniya, pero gano'n na nga ang iniisip ko. I don't want to be the girl he takes to the same places they've went to.

I immediately shook off the thought and gave him a reassuring smile. "Tara na."

Tumango naman siya, at sabay kaming lumabas ng kwarto niya at pababa ng hagdan. Humiyaw naman agad si Apollo pagkabalik namin ng sala.

"Ang bilis naman?!" Tumawa si Apollo.

"Bobo ka. Walang gano'n." Umiling si Ezra at umupo sa sofa. "Happy birthday, bok!"

"Salamat sa pag-sponsor!" Apollo smiled.

Umupo ako sa tabi ni Ezra at inakbayan niya naman agad ako. Theo was sitting right across from us, kaya naman umiwas akong tumingin sa direksyon niya. Nandito rin si Gianna, at may isang babae at dalawa pang lalaki dito na hindi ko kilala pero nakikita ko na dito paminsan minsan.

"Oh, truth or dare, ah! Alam niyo na rules, kung kanino naturo, siya sasagot, king sino nag-spin nung bottle, siya magtatanong. After every answer and after every dare, iinom yung nagtanong o yung nagbigay ng dare! Kung hindi naman kayang gawin, siya iinom."

Hindi ko alam kung bakit may kaba na gumapang bigla sa sistema ko. These games never play out well..

"Gia, truth or dare?" tanong ni Kai, dahil siya ang nag-ikot nung bote.

"Okay, let's play it safe. Truth." Gianna smiled.

"May label na ba kayo ni Apollo?" Ngumisi si Kai.

"Gago." Tumawa si Apollo sa tabi ni Ezra. "Walang ganyanan, birthday ko, eh."

Umiling si Gianna at nilagyan ang shot glass niya ng tequila. She drank it all in less than a second.

Tumawa naman si Theo sa tabi ni Gianna. Umiling ang kaibigan niya at kinuha ang bote para maikot 'yon.

The next few rounds were all of them just giving each other dares, and asking personal questions. Nakikitawa si Ezra, pero kaming dalawa lang ang tahimik sa buong grupo. Kapag may napapadpad kay Ezra, hindi pa nila natatanong ang truth or dare ay umiinom na agad siya at iniikot agad yung bote.

"And.. oh, Selena!" Ngumisi si Apollo. "Truth or dare?"

"Just take the shot, babi," ani Ezra.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Okay lang naman, eh."

"Dare 'yan," pangaasar ni Kai.

"Truth." I confidently said.

"Okay, okay." Tumango si Chino. "Apollo, ayusin mo tanong mo."

"Masasapak kita, walang birthday birthday dito." Sabi ni Ezra sa kaniya kaya naman tumawa si Apollo.

"Daks ba si Ezra? O juts?" Nakangisi na tanong ni Polo.

Natawa naman si Gianna sa tabi ni Theo, and Theo was just smiling. Hindi ko alam kung bakit nakakatuwa para sa kanila.

"Alam na ni Theo sagot d'yan," anang isang babae na hindi ko kilala, kaya mas lumaki ang ngiti ni Theo.

Lumunok ako.

Of course she'd know.

Does that mean..?

"Sasaluhin ko na shot niya," sabi ni Ezra.

Umiling ako. "Hindi ko alam. Hindi ko pa naman nakikita."

Mukhang gulat ang lahat sa sagot ko. Napaawang ang labi ni Chino, mukhang hindi rin ineexpect yung sagot na 'yon.

"Ano?" Tumawa si Kai. "You guys have never.. huh?"

"Weh?" tanong nung isang lalaki.

Tumawa naman si Apollo at tumingin kay Ezra. He looked amazed. "Seryoso?"

"Ako na sasagot para sa kaniya." Theo smiled. "Daks siya, Selena. Really, really big."

Tumikhim ako at tumingin kay Ezra. Hindi niya pa rin inaalis ang pag-akbay niya sa akin.

"Theo." Mariin na salita ni Ezra.

"Probably the best—"

"Enough." Si Chino na ang nagsalita. "Selena, ikot mo na."

Tumango ako at inikot yung bote. For the rest of the game, Ezra stayed quiet, and just took shots whenever the bottle would point to him, or me.

Hindi pa tapos yung laro ay may binulong na si Ezra kay Apollo, at tumango naman yung kaibigan niya.

Bumaling sa akin si Ezra. "Tara na ba?"

Tumango ako. "Kunin ko lang bag ko.."

"Samahan na kita."

Nauna akong tumayo at binigyan ko naman ng yakap si Apollo. "Happy birthday, Polo!"

"Thanks, Ena." He smiled.

Sabay kami ni Ezra na umakyat ng hagdan, at tahimik lang kami hanggang makarating sa kwarto niya. He closed the door and folded his arms as he leaned against the wall.

Umupo ako sa kama niya at tinignan siya. "Are you bothered na alam nilang hindi pa natin 'yon ginagawa?"

"Ena.." Umiling siya at lumapit sa akin. "I don't care about what they think. Pero.. yung iniisip ko kanina.. iniisip ko kasi na baka ayaw mo na."

"Ha?" Tumawa ako at tinanggal ko ang sapatos ko para mataas ko ang paa ko sa kama niya. I faced him and smiled. "Are you that scared to lose me?"

"Sobra." He sighed and looked at me. "I hate the way Theo spoke.. I'm sorry. Dapat sinabi ko 'yun sa'yo."

"You don't owe me any explanation naman." Hinawakan ko yung kamay niya. "Pero.. may tanong ako."

He looked at me, patiently waiting for my question. Huminga ako nang malalim.

"Okay lang ba sa'yo na.. mag-antay?" I bit my lower lip. "Is it fine with you na hindi pa nga natin nagagawa? Kinakahiya mo ba na hindi pa—"

"Ena, kahit hanggang 80 pa tayo." He smiled. "I don't mind. Kung kailan ka handa, kung kailan ka sigurado.."

"OA ka sa 80, ha." I laughed. "May isa pa akong tanong."

"Hmm?"

Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang tanungin.. o kung sasagutin ba niya. Pero kung hindi ko tatanungin, baka hindi ako makatulog sa kakaisip.

"Kailan niyo unang ginawa ni Theo?" I asked. "Siya ba first mo?"

Huminga siya nang malalim at tumango. "Um.."

"Okay lang kung ayaw mo sagutin." I leaned back on his headboard.

Umiling siya. "No, it's not that.. maaga kasi.. um.."

"Huh?"

"I mean..." Tumawa siya. "Grade 11."

Napaawang ang bibig ko, pero sinara ko agad 'yon. Wow. Grade 11? And they were together for almost four years. That's a lot of time spent together.

"Palagi niyo bang ginagawa noon?"

"Ena.." He sighed and pulled me closer. "Let's just say that our physical bond was a big factor in our relationship."

Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa sagot niya. He was just answering honestly.

Siguro masakit dahil alam kong may nabibigay si Theo sa kaniya na hindi pa ako handang ibigay.

"But it's not like that with you and I." He intertwined our fingers. "Kung hindi ka pa handa, it's perfectly fine with me. I respect your decision.. your timing. Hindi naman 'yun yung habol ko, eh."

Bahagya akong ngumiti at tumango. I don't know why, but in his arms, I feel perfectly secured. Alam kong maraming rason para pagdudahan siya, pero hindi ko magawa. Because the sincerity of his voice, the way his words sound so genuine.. it never fails to assure me that he's mine.

"So can we stop talking about Theo?" Tumawa siya.

Tumango ako at ngumiti. Parehas kaming napalingon sa bintana dahil biglang kumidlat. Sobrang lakas ng buhos ng ulan sa labas, at sobrang lamig rin ng panahon.

Tumayo si Ezra at dumiretso sa aparador niya na sliding. Akala ko salamin! Aparador pala!

Kinuha ko agad yung comforter niya at binaon ang sarili ko. I gave him a big smile and he chuckled at my face.

"Nilalamig ka ba?" Tanong niya. Naglabas siya ng isang gray na hoodie at naglakad pabalik sa kama.

He buried himself in his comforter as well and gave me his hoodie. Sinuot ko naman 'yon, at natawa pa ako dahil malaki 'yon sa akin.

"This is mine now," sabi ko sabay yakap sa kaniya.

Bahagya siyang tumawa at hinalikan ang ibabaw ng ulo ko habang yakap yakap ako. "Lugi naman ata mga damit ko, babi. Di kasya sakin damit mo, eh."

Tumawa ako at hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. I buried myself in his chest and sighed.

The cold weather, the warmth of his hug, and the sound of rain made it even better. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako na yakap yakap pa rin si Ezra. Ramdam ko ang pag-hinga niya. The sun was up, and I could already hear birds chirping from outside.

I carefully watched him as he slept. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko 'to.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto na.. nakatulog nga ako dito!

"Ezra!" I sat up and grabbed my phone.

Shit! 5 missed calls galing kay Tita at sobrang daming text na galing kay Papa!

From: Papa
Nk san k?

From: Papa
D k daw umuwi sbe ng tita m

From: Papa
Whr u?

From: Papa
Reply asap

Huminga ako nang malalim at nagsimulang mag-type. I can't tell him I slept.. here! Baka ma-badshot si Ezra!

To: Papa
Ay sorry papa natulog po ako kina Lia, nanuod kami movie tas nakatulog hehe

From: Papa
Ok tnx

From: Papa
Kol mo tita mo

Agad kong tinawagan si Tita, at mukhang galit nga siya. Nagsorry ako kaagad, at sinabi rin sa kaniya ang sinabi ko kay Papa. Mukhang nagising na rin si Ezra dahil sa pagsasalita ko.

I ended the call and let out a big breath. Tumingin naman si Ezra sa akin at humikab.

"Sorry. Gigisingin dapat kita kaso nakatulog na rin ako." He said while fixing the bed. I went for his bathroom and used some of his mouth wash.

"Wala akong toothbrush." Ngumuso ako pagkalabas ng banyo. "Yucky."

"Gamitin mo akin." He grinned.

"Kadiri!" Tumawa ako. "Ginamit ko mouth wash mo."

"Kiss kita with morning breath, eh." Tumawa siya at hinalikan ako sa pisngi. Dumiretso siya sa banyo at rinig ko ang pag-toothbrush niya kaya naman inantay ko siya doon sa sofa.

"Let's eat breakfast. Hatid kita after."

Tumango ako at tumayo. He held my hand as we both walked down the stairs and towards the kitchen. Gulat akong maayos ang buong bahay nila. This is the first time I've actually seen it in daylight.

"Ang linis naman ng bahay niyo." I laughed as we both sat at the stool by their counter. Sobrang laki ng dining area nila, pero may iba nang mga nakaupo doon.

"May naka-assign talaga na maglilinis after every party. Mga baguhan." Sabi ni Ezra habang nilalagyan ng kape yung baso niya. "You want some coffee?"

"Yes, please." Ngumiti ako. "Extra creamy sana!"

"Waffles? Bacon?" tanong ni Jolo habang nagluluto. "May sinangag. Kakaluto lang. Bacon and eggs na lang?"

Tumango ako. "Wow, may chef pala kayo, eh."

Tumawa si Jolo. "Baka pag natikman mo luto ko, makalimutan mo na si Ezra!"

"Kapal." Tumawa si Ezra at binigay sa akin yung baso. I took a sip and immediately smiled at him.

"Sarap!"

Tumingin ako sa baso niya at black coffee lang talaga yung sa kaniya.

"Ang tapang naman ata ng kape mo. Pwede na ata akong ipaglaban." I teased him.

Tumawa naman siya at binaba ang baso niya. Jolo then gave us two plates, full of fried rice, bacon, and eggs.

"Jolo, ang sarap naman neto!" Sabi ko habang ngumunguya. "Mali ata yung Alpha na sinagot ko!"

Tumawa si Ezra sa tabi ko at hinalikan ako kahit na ngumunguya pa ako. "Mali pala, ah?"

I swallowed my food and smiled. "Parang—"

Bago pa ako makapagsalita ay hinalikan niya ulit ako. Humiwalay lang ang labi niya nang makarinig kami ng boses galing sa likod.

"ANG LANDE!" sigaw ni Apollo.

Lumapit siya sa amin at inakbayan kaming dalawa. "Sana masaya kayo. Ako may birthday, kayo may gift."

"Tanga mo." Tinulak siya ni Ezra at tumawa.

"Uy, joke lang, Ena, ah!" sabi ni Polo habang umuupo sa stool sa tabi ko. "Yung kagabi.. 'di ko naman alam na 'di pa kayo nagchuchukchakan!"

"Apollo, hindi mo na birthday. Baka masapak ka na talaga ni gov." Tumawa si Jolo habang binibigay kay Polo yung plato niya.

"Shut up na nga ako."

Ngumiti ako kay Ezra at malaki rin ang ngiti niya sa akin. Mapupungay ang kaniyang mga mata, at para bang kaya kong titigan 'yon ng ilang oras.

I would honestly want to wake up to see those eyes every day.. one day.

Kinagat ko ang labi ko at bumaling sa pagkain ko. I can't believe this guy actually has me thinking of my future with him. A year ago, I was so scared of commitment. I couldn't even see myself being with anyone at that point.

But thinking of a future with Ezra just gives me so much butterflies.

And now that I think of it.. I wouldn't want my future to be without him.

Continue Reading

You'll Also Like

121K 6.8K 49
[Politico 3] When and how will 24 hours be enough? Grappling with the harsh realities of life, Owie vowed to always set her goals straight-graduate w...
22.8K 1.1K 52
Student Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some stude...
522K 24K 51
For Juan Luis, it's all fun and games. No commitments. No 'love' involved. Bata pa naman daw kasi siya, he got all the time in the world to find that...
227K 14.8K 74
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...