Wanting Her Back

By heavendelle

42.6K 1.1K 141

Living a normal life is what Dayana "Yna" Guiterez wanted. Unfortunately, she is the only daughter of the Gui... More

Wanting Her Back
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 6

1.1K 25 1
By heavendelle

CHAPTER 06






"Mom, ano na naman ba ang gusto niyong mangyari?!" Bulyaw ko agad kay Mommy pagdating ko sa Guiterez mansyon.

Pagkatapos ko sa trabaho ay dito na ako dumiretso. Hindi ko na nakita si Kenzo kanina after no'ng nangyari sa parking lot. Ayos lang din naman sa'kin, mas mabuti nga 'yun.

"Yna, lower down your voice. She's your mother." Rinig kong ika ni Daddy sa gilid.

Napahilamos ako sa mukha dahil sa sinabi nito. "Really, Dad? You're my parents but you didn't act like one! Para niyo lang akong binuhay para gawin ang gusto niyo!"

Hindi ko mapigilan ang sarili kong sagotin sila. All my life, ginawa ko ang mga gusto nito. Nagpacontrol ako sa kanila pero hindi ko hahayaang kunin nila ang kasiyahan ko ngayon.

"Show some respect, Yana!" Sigaw ni Dad at dinuro ako.

"Dad, I told you already. I won't marry someone that I do not like. Tapos malalaman ko nalang na pinabalita niyo na ikakasal na ako?" Mahinahon na usal ko.

I am controlling my anger. Pinapakalma ko ang sarili ko't ayokong mawalan ng respeto sa mga magulang ko.

"Uh, 'yon ba ang pinunta mo dito?" Parang wala lang na sagot nito. "And I told you already, Yna. You will marry him. You don't have a choice but to marry him." Dagdag na aniya.

"Why are you like that?" Naiiyak kong ani sa kanila.

I don't get them.

They are controlling my life. Gusto nilang sila ang gagawa ng mga desisyon ko sa buhay and I hate it. Bata palang wala na akong freedom sa ginagawa nila.

"This is for your own sake, Yna! Gusto lang namin na maganda ang kinabuks---"

"Mom! I am not happy! Hindi ako sumasaya sa ginagawa niyo!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak sa harapan nila. Sinubukan kong punasan ang luha ko. "Can't you see? I am trying my best to be a good daughter. I am tryi---"

"You will only become a good daughter if you'll do what we want." Putol ni Daddy sa sasabihin ko.

That's it.

I'm done. Ayoko na. Lumabas ako ng mansyon without saying goodbye to them. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ko na sila nilingon.

Pumasok ako sa loob ng kotse at pinaandar 'yun. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang gusto ko lang ay makalayo sa problema na 'to.

I hate being a Guiterez. Maraming taong sinasabing swerte raw ako dahil isa akong Guiterez but they are really wrong. Para kang nasa kulongan. Maraming bawal gawin. Hindi ko man lang naranasan ang pagmamahal ng isang magulang sa tanang buhay ko. 

Minabuti kong tumigil sa isang parke at do'n muna tumambay. Ayokong umuwi ng bahay at alam kong mag-aalala lang si Nathalia at Nanay Rica sa'kin.

Napatingin ako sa langit at nakitang walang kahit isang bituin dito. Uulan pa ata. Kasabay ng pagbuhos ng luha ko ay ang pagpatak din ng ulan.

I don't really get my parents. Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila 'to ginagawa. Hindi man lang ba nila napansin na hindi ako sumasaya sa ginagawa nila? They are always thinking for themselves. Palagi nalang sarili at pera ang iniisip nila. How about me? I am their daughter pero ganito nila ako kung tratohin.

Bigla ko nalang naramdam na hindi na ako nababasa ng ulan kaya tinaas ko ang paningin ko. Nakita ko ang isang payong na hawak ng isang pamilyar na lalaki.

"Yna! Nagpapasakit ka ba?!"

"Ken..." Banggit ko sa pangalan nito.

It was Kenzo. Hindi ko alam kung bakit ito nandito pero nakaramdam ako ng kaunting kasiyahan dahil nandito siya.

"Get up, Ana. Kailangan mong magbihis. Damn! You're all wet." Ika niya at inalalayan akong tumayo.

Hinayaan ko nalang ito dahil wala na rin akong lakas para magpumiglas pa. Hinawakan nito ang balikat ko at dinidikit sa kan'ya upang hindi ako mabasa ng ulan.

"Paano mo ako nahanap dito?"

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ay sumusunod lang ako sa mga lakad nito.

"Malapit lang ang bahay namin dito, Yna. Lumabas lang ako dahil may gusto akong bilhin then fuck, I just saw you at that park." He answered me.

Kaya pala nakita ako nito. Malapit lang pala ang bahay nila dito.

Bigla kaming tumigil sa isang bahay. Tinignan ko 'yun at namangha ako sa ganda ng design. No wonder. Engineer nga siya. Halatang maayos 'yung pagkakadesign ng bahay nila.

"Yna! What are you thinking?! Bakit ka nagpapaulan don?" Sigaw ni Kenzo pagdating namin sa bahay nila.

Tinignan ko ito at nakita ko ang nag-aalalang mukha nito. Iyan din ang mukha niya dati tuwing nauulanan ako.

"What if you'll get sick?! Huh, Yna?" Dagdag na aniya.

Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya ngunit pinipigilan ko lang. He's overreacting again. Wala pa rin siyang pinagbago. Napaka caring pa rin.

"Kenzo, andiyan ka na... Jusko, Yna, ikaw ba yan?" Dumako ang tingin ko sa nagsalita at nakita si Tita Eva.

She is Kenzo's mom.

"Tita?"

"Yna, ikaw nga!" Ani nito at niyakap ako. Niyakap ko rin naman ito pabalik.

Nakita ko naman sa gilid na nakangiting nakatingin sa'min si Kenzo.

Kumalas ito sa pagkakayakap at tinignan ako. "Bakit basa ka? Jusko kang bata ka, ang hilig mo talagang magpaulan. Halika sa loob, papahiramin muna kita ng damit ni Kimberly at para hindi ka malamigan."

Kimberly is Kenzo's only sister. Mas matanda si Ate Kimberly sa kan'ya ng apat na taon. Bigla ko tuloy namiss si Ate Kim. Close kasi kami nito dati pa lang.

Pagkatapos kong magbihis ng damit ni Ate Kim na binigay ni Tita Eva ay tumabi rin ako sa kanila. Si Tita Eva lang ang nakita ko ngayon sa loob ng bahay nila. Hindi pa siguro umuuwi ang ama ni Kenzo at si Ate.

"Kenzo, ano pang ginagawa mo? Bilhan mo ng gamot si Yna sa labas para hindi siya lagnatin." Utos ni Tita Eva kay Kenzo.

"Hindi ka man lang ba mag-aalala sa'kin, Ma? Naulanan din naman ako, ah." Parang nagtatampong ani Kenzo.

Tumawa lang si Tita Eva dito. "Huwag mo akong artehan diyan at bumili ka na don."

Natawa ako sa naging sagot ni Tita at sa reaksyon ni Kenzo. This is why I love Kenzo's family. Tinuturing nila akong parang isang tunay na pamilya kapag nandito ako sa kanila. Hindi pa rin sila nagbabago at mabait pa rin. Tumingin muna si Kenzo sa'kin at ngumiti bago siya tumayo at lumabas para bumili ng gamot ata.











Continue Reading

You'll Also Like

207K 4.2K 57
[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. Fo...
Loving Anonuevo By Ori

General Fiction

605 71 33
Mica Silvestre is an independent woman and doesn't want to be reliant on others. If she doesn't like it, means she will not have it. One day, she met...
260K 3.9K 53
"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa...
87.9K 1.2K 29
Kalliste Navarro is a cold-hearted woman who doesn't believe in love. She's scary, unbeatable goddess of the Navarro's. She loves to dump men but thi...