I FELL IN LOVE WITH MY CO-ACT...

By realiscape

46 0 0

We are love teams. In front of the camera. We're all lovey dovey. In front of the camera. But then my fe... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 - Boyfriend
CHAPTER 2 - Rider
CHAPTER 3 - Tagaytay
CHAPTER 4 - Confrontation
CHAPTER 5 - Meet My Brother
CHAPTER 6 - Pissed
CHAPTER 7 - Family Dinner
CHAPTER 9 - It's Official

CHAPTER 8 - Explanation

3 0 0
By realiscape

"Isa pa nga."


"Woah, Woah. What happened to your 'I'm on a strict diet'?" Rider snickered matapos kong manghingi ng another plate of banana split.


Nandito kasi ako ngayon at nakatambay ulit sa ice cream parlor ni Rider. Stress reliever ko ang ice cream kaya I think mapapadalas ako rito sa susunod pang mga araw.


"Just give me. I'll just burn it in the gym."


"Well, if you insist." Pumunta siya sa counter para i-prepare ulit ang order ko.


Napahilamos ako sa mukha at muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga.


"Lalim no'n ah." Dinaluhan muli ako ni Rider dala na ang 2nd plate of banana split ko. "My brother didn't ditch you right? Nabisto ba ang palabas niyo kaya lugmok na lugmok ka ngayon?" He sat in the chair across mine.


"Of course not. We're pretty convincing last night baka kahit ikaw makalimutan mong acting lang ang lahat."


"Then what's the problem?" I dig a spoonful of ice cream before answering.


"Si papa kasi..."



"What the hell are you doing?"


Shit!


Nahuli ako ni Creed na nagtatago sa gilid ng kotse niya. I panicked so hard kaya agad kong tinanggal ang hikaw ko sa tenga at saka kunwaring pinulot iyon sa sahig.


I stood up. "Dropped my earing." Ipinakita ko 'yung hikaw sa kaniya at kaswal na binuksan ang passenger seat ng kotse niya na parang walang nangyari.


Hindi ko na tiningnan ang reaksiyon niya at pumasok na lang sa loob. Hindi na rin naman niya ako kinausap pa at umikot na siya papunta sa driver's seat.


Tahimik lang kami throughout the drive. Walang nagbubukas ng topic about sa mga nangyari kanina. Sinusubukan kong pakiramdaman 'yung mood niya kung galit ba siya o naiinis pero wala akong mabasang emosyon sa mukha niya. He's just indifferent.


Pinili ko na lang manahimik hanggang sa makarating kami sa bahay namin.


"Thank you for tonight," I said as soon as we parked in front of my house.


Nilingon niya lang ako. He did not smile nor frown. He just looked directly into my eyes. I smiled awkwardly at lumabas na ng kotse niya. I sighed aggressively as soon as I got out.


Too much tension inside.


Pagkasara ko ng pintuan ng kotse ay agad niya na itong pinaharurot paalis.


"Yeah, you're welcome Leina." I just said to myself.


Why did I even expect na kahit papaano ay magiging okay ang samahan namin ni Creed after all that happened this night? Hindi na yata talaga magbabago 'yung taong 'yon.


Pagkatapos kong maligo at magpalit ng pantulog, pabagsak akong humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa ceiling habang nag-iisip ng malalim.


Hindi kaya nagmamadali si Creed umuwi kasi pupuntahan niya si Pressa? Now I really am convinced na may namamagitan sa dalawang iyon. I am not against it pero naguguluhan ako sa tuwing naaalala kong may girlfriend si Creed outside showbiz. Si Diana. 'Yung nakita kong kaaway niya sa Tagaytay.


Ano 'yon? Pinagsasabay niya ba 'yung dalawa? Ah! Bakit ko ba kasi pino-problema ang mga issues ni Creed sa buhay? Baka karma niya na 'yan sa sobrang sama ng ugali niya.


Nilamon na rin ako ng pagod eventually at saka ako tuluyung sinakop ng matinding antok. Nagising lang ako sa sunod-sunod na doorbell sa labas.


Ang aga naman yatang mambulabog ng taong 'yon. Balak ko sanang matulog buong maghapon pero mukhang mabubulilyaso pa 'yung plano ko. Kainis.


Hindi na ako nag-abalang maghilamos at magsuklay. Basta na lang ako dumiretso sa gate para naman ma-realize ng kung sino man 'yon na nabulabog niya ang masarap na tulog ko.


Pagbukas ko ng gate, bumungad kaagad sa 'kin ang nakangiting mukha ni papa.


"Papa!" I exclaimed.


"Just woke up?" He went inside my house at inilibot ang paningin dito. "It's been so long since the last time I went here. How nice of you to maintain the neatness in here. Do you have a helper?" Pinadaraanan niya ng daliri niya ang surfaces ng tables and displays ko sa bahay at tumatango-tango kapag walang alikabok na nakukuha.


"No Papa, ako po ang naglilinis dito kapag free time ko." I said confidently. Buti na lang talaga at kalilinis ko lang noong nakaraan.


Naglibot-libot pa si Papa sa kabuuan ng living room. Don't tell me pumunta rito si Papa para lang mag-inspect ng alikabok sa bahay ko? A part of me is a bit nervous kasi alam kong hindi basta basta napunta si Papa sa mga bahay namin kung hindi importante ang sasabihin niya. Especially when he personally comes by himself and not through his assistants. I wonder what's up.


"Coffee, Pa?" Alok ko na pinaunlakan niya naman.


Umupo siya sa couch at inilapag ko sa coffee table ang kape at french toast. I sat across him.


"I won't beat around the bush Leina Zane." Humigop siya sa kape niya habang napapalunok naman ako sa kaba. Here goes nothing. "Your boyfriend, Creed, you'll have to bring him in every family dinner from now on."


Muntik ko nang maibuga 'yung kape ko sa sobrang gulat pero pinigilan kong maging dugyot kaya nasamid ako at naubo.


"Wha-- What?" I wiped my mouth.


"Do I have to repeat-"


"I heard it, Papa. I mean why?"


"What do you mean why? He's your boyfriend, he's already a part of the family. We have to get to know him more." Kaswal niyang rason. Napamasahe ako sa sintindo ko.


Ganito rin ang nangyari sa naging mga partners ng mga kapatid ko. After officially introducing them to the family, automatic na sasama na sila mga susunod na family dinner namin for one month para mas makilala sila ng pamilya. It has been the norm ever since. At dahil nga ipinakilala ko na si Creed kagabi, dapat lang din na sumama na siya sa mga susunod pa naming family dinners. Bakit ba hindi ko naisip agad ang tungkol doon?


Damn, akala ko pa naman ay tapos na ang problema ko. Nagsisimula pa lang pala. Ugh!


"Papa, may I ask something? Huwag niyo po sanang mamasamain." I gulped.


Tinitigan niya lang ako, naghihintay na itanong kung ano man ang itatanong ko.


"Why did you demand to know my boyfriend all of a sudden? We're fine before. You did not pressure my sisters and brother like this so why the sudden interest in my love life?" Paglalakas-loob ko. Ilang gabi na kasi akong binabagabag ng tanong na ito. Pilit kong hinahanap 'yung sagot pero hindi ko mahanap. Si Papa lang ang makakapagpaliwanag sa'kin ng lahat. Besides, I deserve an explanation for all of this right? I am directly involved so I at least need to know why.


Tumikhim si Papa. "You remember Viglianco Corp.?" Tumango ako. "Benjamin and I talked last time. He proposed an arranged marriage of you and his only son- Helix Viglianco." My mouth gaped open.


"Arrange marriage? Bakit? Para saan?"


"For stronger bonds of the companies."


"Stronger bonds? Do we need that? Marami ka namang ibang business partners Papa." I was becoming frantic.


"The Vigliancos is one of the company's strong assets Leina Zane, you know that. The company cannot afford to lose such a partnership. You're the only option because your sisters and brother already have their respective partners. I can't include the twins of course because they're too young." He explained.


"That's why you insisted on bringing my boyfriend over," I said as a matter of fact.


"They can't force you if you're already taken, Leina Zane." Unti-unti kong na-gets ang lahat. Now I understand why. Papa only cares about me. Alam niyang hindi ko magugustuhan ang ideya ng arrange marriage that's why he did all this.


"I am expecting this relationship of yours to be genuine as it is. After yesterday night, Benjamin is convinced that what you had with Creed is just young love and they'll be waiting for the day you two part ways. Then he'll insist on pursuing the marriage."


Tulala lang ako buong magdamag simula nang umalis si Papa ng bahay matapos niyang bulabugin ang buong pagkatao ko. I can't think straight.


Ang nasa isip ko lang ay kung paano ko kakausapin si Creed tungkol dito. Because I am 101 percent sure na hindi na ulit papayag 'yon kahit lumuhod pa ako sa harap niya at lumuha ng dugo. At kung hindi naman siya papayag, I am done. Ikakasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala.


Hindi ko alam kung gaano katagal kayang maghintay ng mga Viglianco para sukuan ako at i-drop na ang arrange marriage proposal nila. Does it mean na kailangan naming magpanggap ni Creed for God knows how long? And what are the odds na papayag pa ulit si Creed? Isang gabi nga lang parang ang sama na ng loob niya. Paano pa kaya kung pang matagalan pa?!



"Damn Leina, that is a huge problem." Rider commented.


Isinalampak ko 'yung mukha ko sa table at inuntog nang paulit-ulit 'yung noo ko ro'n.


"Hey, stop that!" Hinarangan ni Rider ng palad niya 'yung noo ko at natatawa akong pinagmasdan.


"You think this is funny?"


"No." He faked a cough at pilit na nagseryoso. Inirapan ko lang siya at inubos na lang ang banana split sa harapan ko.


"You want me to talk to my brother?" He offered.


"Hindi na, alam ko na ang magiging sagot niya."


"Really? What?"


"Bullshit." Sinamaan niya ako ng tingin. "Masyadong malaki bilib mo sa kuya mong 'yon ano? Halatang sa'yo lang mabait."


"He is kind Leina. Baka sa'yo lang masungit." Sabi nito at humalakhak pa.


Nice.


Hindi magawang i-absorb ng utak ko 'yung panibagong script na ibinigay sa akin para sa taping namin bukas. Lumilipad pa rin ang utak ko sa sinabi sa akin ni Papa at sa mga Viglianco. Hindi naman ako pwedeng humanap ng ibang lalaki para magpanggap. Everyone met Creed at the party. Ano na lang ang iisipin nila kung bigla akong magpapalit ng lalaki.


As much as I hate to admit it, si Creed lang ang solusyon sa problema ko. At hindi ko alam kung paano ko siya kukumbinsihin. I don't have any leverage at ayoko namang patuloy siyang i-blackmail at my disposal. Pero imposible rin naman kasi siyang magkusang-loob. It's not in his nature to be charitable. We're not even friends, to begin with.


Dahil halos wala rin naman akong maintindihan sa script na binabasa ko, napagpasyahan kong i-text na lang sina Angel at Frances para yayaing mag-Starbucks.


From: Frances

'Shuta ka gabing-gabi nag-aaya! Anyway, kita na lang tayo sa SB, tapusin lang namin ang raket. Baboosh!'


I wore a trench coat and a black hoodie underneath para hindi ako masiyadong exposed sa labas. Gabi na rin naman kaya wala na masyadong tao ang palakad-lakad around the area.


Balak ko sanang lakarin na lang papuntang Starbucks dahil malapit lang din naman at saka para na rin makapag-isip-isip ako. I feel like I need some fresh air and a peaceful night walk.


I was about to go out nang biglang mag-ring ang phone ko. It's Tita B.


"What's up Tita B?"


(Sorry, baby girl. Are you busy?)


"No naman Tita, why?"


(Do you think pwede kang dumaan sa company saglit? You just need to sign some papers. It's kinda urgent.)


"Oh sure. Be there in 20."


Great. So much for a peaceful night walk.


Dinala ko na lang ang motor ko para mas mabilis akong makarating sa Starlance Entertainment. The dear company we're all working for.


Pagdating ko sa company, dumiretso kaagad ako sa parking lot para i-park ang motor ko. I also texted Tita B na I'm already here at paakyat na ako. Habang naglalakad, natanaw ko si Creed na kalalabas lang ng kotse niya. So he's here too, huh?


Umikot siya sa kabilang side at binuksan ang pinto ng passenger seat. At doon lumabas si Pressa. Hindi na ako nagulat actually. This just confirms my suspicion of them. Break na ba si Creed at nung non-showbiz girlfriend niya? O talagang pinagsasabay niya 'tong dalawang 'to? Geez! That should not be your problem anymore Leina. Just freaking ignore them while you can, alright?


Tinalikuran ko na lang sila at dumiretso na papasok ng company. May nakasalubong naman akong mga reporters na nag-uusap-usap. Lima sila in total, may dalang mga camera at papunta sila sa direksiyon na pinanggalingan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero agad kong nilingon ang direksiyon nina Creed. Napasapo ako sa noo ko nang makitang nagyayakapan pa ang dalawa.


"Can't you just do that some other place? Ugh." Agad akong tumakbo para habulin 'yung media. I don't exactly know what to do but the goal is to keep them away from those secret love birds.


"Hello!" Humarang ako sa daan nila at ngumiti ng malaki. They were all surprised to see me here.


"It's Leina Mendoza!" Some of them took a picture of me. Hinayaan ko na lang to keep their attention. May ibang nagtatanong ng questions about sa upcoming movie namin ni Creed na sinasagot ko rin naman. Pasimple ko ring tinitingnan-tingnan sina Creed to check on them and they're still there!


"Bakit ba hindi pa kayo umalis?" Inis kong bulong sa sarili ko.


Halos mapunit na 'yung labi ko kakangiti sa harap ng mga reporters na 'to nang isa sa kanila ang biglang may itinuro sa likod ko.


"Guys, hindi ba si Creed 'yon? Kasama niya 'yung manager niya oh!" Lahat kami ay tumingin sa direksiyon nilang dalawa. My mouth hanged open when Creed pulled Pressa and kissed her.


"Oh, my sweet angels," I muttered.


Laking gulat naman ng mga reporters na kasama ko sa nasaksihan nila kaya agad nila akong iniwan at dumiretso papunta sa dalawa. Mukhang naagaw ng ingay nila ang atensiyon ng dalawa kaya agad silang naghiwalay. Kitang-kita ko ang takot at gulat sa mga mata ni Pressa. Napahilamos ako sa mukha ko as I witnessed Creed trying to hide Pressa back inside his car dodging the reporters' cameras and their successive questions.


They're taking pictures and videos of Creed na nakatayo sa harap nila, literally helpless habang si Pressa ay nasa loob na ng kotse niya.


This is bad. This is really, really bad. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawing tulong nang hindi naidadawit ang sarili ko sa problema. The management will definitely not like this.


Nahagip ako ng paningin ni Creed habang nakatayo lang mula sa malayo at pinagmamasdan sila. Hindi ako pwedeng sumugod doon at harangin ang mga reporters para sa kanila dahil lalo lang lalaki ang gulo kung sakaling isipin nila na involve ako. We can't afford to raise any more issues lalo na ngayon at may upcoming project kami. I'm sure he will understand this.


I've no other choice but to give him an apologetic look.


Sorry, Creed. I tried to stop them. I did.






Continue Reading

You'll Also Like

93.4K 2.4K 34
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
179K 6.7K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
331K 19.2K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
115K 241 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report