Ainegel Bros. : Killer's Bride

Autorstwa MireiaStories

45.2K 2.8K 2K

A fighter pilot and a Commanding Officer. A cold-blooded brute but a very sexually attractive man. No woman c... Więcej

Disclaimer
Killer's Bride
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 6

1.2K 110 74
Autorstwa MireiaStories

Chapter 6



Killer is in high spirits. Of course, alam niya kung bakit. He's expecting something from her tonight. Plano sana niyang matulog sa kwarto ni Hailey ngayong gabi pero kapag ginawa niya iyon, magtatampo na naman ito sa kanya. Napatitig si Arwen sa asawa habang gumagawa ng orange juice. Pagkatapos ng ginawa niyang paghalik rito kanina sa restaurant, nagbago na ang mood nito. He even waited for her na matapos ang kanyang trabaho. At ngayon, tinulongan pa siya nitong magluto ng dinner nila.

"Kill.."

Agad itong nag-angat ng mukha. "Yes?"

Arwen forced a smile and shook her head. "N-Nothing. Tapos na 'to. Let's eat? Wait, tatawagin ko lang si Hailey."

"No, I'll do it."

Sinundan ng tingin ni Arwen si Killer. Damn! How can I say no to him? He's clearly looking forward to it.

Habang naghahapunan sila, hindi umiimik si Arwen. She's nervous as hell. Halos hindi na rin niya maintindihan ang mga pinag-uusan ng mga ito. They looked like they're having so much fun talking to each other.

Pagkatapos nilang magdinner ay nagpresinta si Killer na iligpit at hugasan ang mga pinagkainan nila. Agad naman silang umakyat ni Hailey sa kwarto nito. They bathed together at nagbasa rin sila ng bedtime stories.

Napangiti si Arwen nang makitang nakatulog na ang kanyang anak. Humiga siya sa tabi nito at hinaplos ang mamula-mula nitong pisngi. She's sleepy too. Mukhang napagod talaga siya sa trabaho kanina. Arwen closed her eyes and sighed. Naliligo pa siguro si Kill ngayon kaya wala naman sigurong masama kung iidlip muna siya sandali diba?


Arwen groaned when she felt like someone is pinching her cheek. Tinabig niya ang kamay at niyakap ng mahigpit ang unan. She's still sleepy!

"Mommy, wake up."

Natigilan si Arwen nang marining ang boses ni Hailey. Mabilis na nagmulat siya ng mga mata at napaawang ang kanyang labi nang makita ang anak na nakaupo sa kama. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Inilibot niya ang mga mata sa buong kwarto at nakagat niya ang ibabang labi. Oh God. I fell asleep in Hailey's room..

"Why is Mommy sleeping in my room?"

Mabilis na bumangon si Arwen at inayos ang sarili. "G-Good morning, baby. D-Did your daddy came?"

Umiling ito. "I just woke up, Mom."

Umalis si Arwen sa kama. "Wait here." Mabilis na lumabas siya sa kwarto ng anak at tinungo ang kwarto nilang mag-asawa. Agad na nakita ni Arwen si Killer na nakadapa sa kama at tulog pa. Huminga siya ng malalim at naupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang makinis nito pisngi pero nagulat siya nang bigla nitong hinuli ang kanyang kamay at nagmulat ng mga mata. Arwen's body stilled when she saw coldness in his eyes. Agad na pinakawalan nito ang kanyang kamay at tinalikuran siya.

"Killer.."

"Go away."

"I'm sorry. Nakatulog ako habang pinapatulog rin si Hailey. I was tired. P-Pwede mo naman akong gisingin e." Paliwanag niya rito.

Dahan-dahan siya nitong nilingon.

"Nakita mo naman kahapon sa restaurant diba? Napagod ako ng husto kaya nakatulog ako."

"You weren't running away from me?"

Umiling siya. "No." How can he be so cute like this? He's like a kid. Wala sa sariling natampal niya ang noo. To think na ang lalakeng 'to ay nagtatampo dahil akala nito ay ayaw niyang makipagsex rito! Hindi na niya alam kung ano mararamdaman!

This is only the third day na magkasama sila sa iisang bahay pero kung makaakto ito ay parang ilang buwan na silang mag-asawa. "This is our third day as husband and wife."

Kumunot ang noo nito. "So?"

Pilit na nginitian niya ito. "Nothing.."

"Alright, I get it. You don't have to say anything anymore." Umalis ito sa kama at pumasok sa banyo.

Napaawang ang labi ni Arwen. Is he angry?


DINAMPOT ni Killer ang susi ng kotse at ang kanyang wallet pagkatapos ay isinuot ang kanyang leather jacket at shades. Pagbaba niya sa hagdanan ay nakasalubong niya ang kanyang magandang asawa na halatang nagulat nang makita siyang nakabihis na.

"B-Breakfast is ready."

Hindi niya ito sinagot at nilampasan lang ito.

"Killer, where are you going?"

"None of your goddamn business." Nilingon niya ito.

Teasing is done. He's grown tired of it already. She was right. This is just an arranged marriage. They don't have feelings for each other so there's no point in building a good relationship with her. Simula ngayon, gagawin na niya ang orihinal na gusto nitong mangyari. Walang pakialaman. But of course, they have to act like a married couple in front of their families.

Nilingon niya ito nang maalala niya ang isang bagay. "Arwen, starting today you will sleep in your daughter's room. Gusto ko pag-uwi ko ay nailipat na ang mga gamit mo roon."

Nakita niya ang pagguhit ng gulat at sakit sa maganda nitong mukha pero wala siyang pakialam. Isn't this what she wants from the beginning? She should be happy with it! This is what you want. Don't blame me..



"Get out of my fucking office, Killer!" Taboy ni Gunner sa kanya. "I am busy as fuck. You can go to Ryde's house and ruin his day. He's still on-leave. I have no time to deal with you."

Nagde-cuatro si Killer at tinitigan ang kapatid. They're not really close and he hates him pero nandito lang siya para bwesitin ito, hindi para bisitahin ito. Isa pa, his brother is a married man and his wife hates him. May pagkakapareho ang sitwasyon nilang dalawa.

"Gunner, your wife hates you. That means you haven't slept with her since —"

Tumalim ang mga mata at ibinaba ang mga dokumentong hawak. Sa tuwing ang asawa nito ang pinag-uusapan, palagi nalang itong nagagalit.

"I will fucking shoot your mouth. She doesn't hate me." Sumandal ito sa upuan at tumitig sa kawalan. "No.. She doesn't hate me but I - I am not so sure."

Napailing si Killer. "Well, my wife doesn't really hate me but still, she doesn't want to sleep with me. Don't tell the old man about this. He'll get disappointed."

Umangat ang kilay nito at tiningnan siya. "Oh. Then do —"

"I am not a rapist like you." Putol niya rito at agad namang sumama ang timpla ng ekspresyon nito. Marahas na bumuntong-hininga ito. "I don't want to force her."

"Well, as you said — my wife hates me and we're in the same situation when it comes to that issue. If you don't know what to do, so am I. But I love my wife, Killer. I've done wrong things in the past that's why I am paying the price now. If she doesn't want me then I will wait no matter how long. I don't want to repeat the same mistake again. And as for you, you don't have feelings for your wife so I don't understand why you're so bothered by it. Kung tigang ka na then, do something about it. You used to sleep around with different women every single night, right? You can still do that. Kasal lang naman kayo sa papel. No feelings involved."

Nasapo ni Killer ang mukha. Coming here was a mistake. How can his stupid brother tell him things like this? Gaano na ba talaga kasama ang tingin nito sa kanya para isuhestiyon nitong pagtaksilan si Arwen? Kung maririnig ito ni Warrior, baka nabaril na ito sa ulo!

"I am not telling you to cheat on Arwen."

"You just did, you asshole."

"Well, how about divorcing her? Dad already took care of Arwen's issue. You can ask for a divorce after 3 months. After all, napilitan ka rin lang namang pakasalan siya, hindi ba? Tell dad your reason, magagalit iyon kaya siguradong mapapapayag mo yun. But that would ruin Arwen's family. You know dad, Killer. Iba siya kung magalit."

His heart throbbed. Divorce? That never crossed his fucking mind! But he's right. It will ruin Arwen's family. Nahilot ni Killer ang sentido. Gusto niyang magsisi kung bakit kay Gunner pa siya lumapit. Puro kagaguhan ang pinagsasabi nito sa kanya! Tumayo siya at tinungo ang pinto.

"Where are you going?"

"Didn't you want me to leave?"

Binuksan niya ang pinto at lumabas ng opisina ni Gunner. Tatambay nalang muna sa siya training room. Uubusin niya ang stock na bala ni Gunner roon.


WALA SA SARILING napatitig si Arwen sa labas ng restaurant. Killer is angry at hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para mawala ang galit nito sa kanya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong tanggihan ang masarap na lalakeng yun. Alam mo bang maraming naiinggit sa posisyon mong yan? Sayo na yung tao e, nagpapakipot ka pa. Parang virgin lang?"

Tiningnan niya ng masama ang kaibigan. "Hinaan mo nga ang boses mo kung ayaw mong pagbayarin kita sa mga kinain mo rito sa restaurant ko."

Bumuntong-hininga si Stephanie. "Galit na si fafa Killer. Wala na. Game over na. Alam mo, obligasyon mo yun bilang asawa e. Hindi na mahalaga kung tatlong araw pa lang kayong magkasama. Mag A S A W A na kayo. Yun yung importante. Syempere pagkatapos niyong gawin yun, malay natin mas maging close kayo at baka mainlove na rin sayo si fafa Killer? Diba? Diba?"

Stephanie was right. Masyado lang talaga siyang nag-iinarte! Wala na, pinapaalis na siya ni Killer sa kwarto nila. Ang totoo ay nasaktan siya nang sabihin nito iyon sa kanya kanina. Oo noon, ayaw naman talaga niyang magkasama sila sa iisang kwarto dahil iyon ang sinasabi ng kanyang isipan pero kung puso naman ang pagbabasehan, kasalungat naman iyon ng kanyang isipan.

"Steph, may mahal na siyang iba. Hindi mangyayari ang sinasabi mo."

Tinampal nito ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. "Gaga! Takot ka, ganun? Kaya sinasarado mo na ang lahat ng possibilities? Teka nga lang — ikaw ba may gusto na sa asawa mo? Gusto ko lang linawain yan ha?"

Nakagat ni Arwen ang ibabang labi. It was like a love-at-first-sight pero ayaw niyang isipin ang ganun. Hindi siya naniniwala roon. Maybe she's just infatuated with him. Killer is a very attractive man at kahit masama ang ugali nito, kahit bastos ang bibig nito, hindi pa rin ito mahirap magustuhan. There's something about him that makes him different from any other man. It must be because of his face? His body? Pero marami naman akong kakilalang gwapong model! I was once confessed to by a freakin' model!

"Sa tingin ko ay may gusto ka sa kanya."

Nag-init ang kanyang mga pisngi. Pinili ni Arwen na manahimik nalang at hayaan ang kaibigan sa mga iniisip nito. She may be probably right at ayaw lang niya iyong aminin sa sarili niya.

"You're holding back because he loves someone else."

Dahan-dahang napatingin si Arwen sa kaibigan. Natumbok siya nito. She's scared to fall dahil alam niyang hindi siya nito sasaluhin.

"Bestie, ganito ha? Kung sino man ang babaeng yun, wala na siyang magagawa dahil sayo na si Killer. Ikaw ang asawa. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Ikaw ang asawa, period! Tapos! Kung ako nasa lugar mo? Ay sus! Pipikutin ko na ang gwapo at masarap na lalakeng yun!"

Napangiti si Arwen. Kaya mahal na mahal niya ang kaibigan niyang 'to. Ito palagi ang nagpapalakas ng kanyang loob. Hindi ito nagsasawayang makinig sa mga kadramahan niya sa buhay. Pero yun nga lang, medyo maharot din ito.

"Maganda ka. Super ganda, actually. Kaya nga hindi makaget-over sayo ang Frans na yun diba? Lalaki din si Killer, sigurado akong attracted din sayo yun. Ako? Kung lalake lang ako? Matagal na kitang niligawan e. Hindi ka lang maganda at sexy, chef pa! Wife material, bes!"

Hindi mapigilan ni Arwen ang matawa dahil sa sinabi nito. "Oh, sige na. Tigilan mo na 'ko. Pero Steph, ano bang pwede kong gawin para mawala ang tampo niya sa 'kin?"

Napaisip ito saka uminom ng red tea. "Huwag kang lumipat sa kwarto ni Hailey. You should stay in his room. Initiate. Kiss him. Own him."

Own him?

Kinagabihan, pag-uwi ni Arwen sa penthouse ay agad na inasikaso niya ang anak pagkatapos ay nagluto siya ng hapunan nila. Panay ang tingin ni Arwen sa suot ng relo. Mag-aalas nuebe na pero hindi pa rin umuuwi si Killer. Nagsisimula na siyang mag-alala.

"Let's go to your room, baby. Time for bedtime stories."

Tumango si Hailey. "Yes, Mommy!"

"But let's brush your teeth first, okay!"

Tumango ulit si Hailey at hinila na siya patungo sa kwarto nito. 


"IT'S GOOD TO SEE YOU AGAIN, RELIC." Nakangiting wika ni Ali sa kanya. "I was very surprised nang inanunsyo nilang si Ruin ang bagong Commanding Officer and AAF."

Killer forced a smile. "Sorry kung hindi ko nasabi sayo. You were on vacation. I am married now, Ali. Pasensya na kung hindi kita pwedeng imbitahang maghapunan sa penthouse. May hindi lang kami pinagkakaunawaan ngayon ng asawa ko kaya next time nalang siguro."

Umiling si Ali at hinawakan ang kanyang kamay. Bahagya iyong pinisil ng dalaga. "It's fine. Napapayag naman kitang makipagkita sa akin ngayon e. When they told me that you got married, I was very surprised. I know you so well so I never expected that you will settle down so fast. Relic, I'm very happy for you."

Ali is happy about his marriage. Of course, she would be happy.. Wala sa sariling napailing si Kill. Surprisingly, it's not that painful like he had imagined. Nagtagumpay ba siyang kalimutan ito? May pagbabago na ba talaga sa nararamdaman niya para rito?  When she called him earlier and when he finally saw her after his marriage, akala niya ay walang pagbabago because Ali can still make his heart beat wildly. Pero ngayon.. Am I really over her?

"Thanks." Blangkong sagot niya kay Ali.

"What's her name?"

Nilingon niya ito at tinunga ang baso ng rum. "Arwen. Her name is Arwen." His beautiful Arwen.. She's like an angel who descended from above. Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi nang maalala ang maganda at maamo nitong mukha.

"Nice name. Sana makilala ko rin siya."

"She's a chef." Proud na sabi niya kay Ali.

"oh, wow! I think I know her!"

Kumunot ang kanyang noo. "You do?"

Tumango ito. "Siya ba ang may-ari ng Arwen's? That restaurant is very famous in high society. Wow! You're a lucky man. I've heard that the head chef of that restaurant won several international cooking competitions in the past."

Umangat ang mga kilay ni Killer. He didn't know that. He's impressed. Arwen is really an amazing woman. And she's just 28.. 

"Oh, I remember! She was once the fiance of Frans McConney!"

Natigilan si Killer. His wife is quite famous. He doesn't like it lalo na kapag nababanggit ang pangalan ng dati nitong fiance. He doesn't want her to have something to do with that man anymore. The issue has been closed. Thanks to his father. Sa oras na babanggitin ng lalakeng yun ang pangalan ni Arwen, hindi niya iyon palalampasin. He'll kill him.

"I don't know what happened but I am glad that she became your wife."

Muling tinunga ni Killer ang baso ng rum. "Me too." Yes, I'm glad that she became my wife..

Makalipas ang ilang oras, hindi na niya namalayang naparami na ang kanyang inom. Masyado siyang nag-eenjoy na kasama at kausap si Ali. It's been a while since the last time they've been together like this. Masaya siyang hindi na ito naiilang sa kanya. 

"Killer, I think you need to rest. You're drunk."

Well, wala namang problema kung maglalasing siya rito sa bar ng hotel dahil dito rin naman siya nakatira. Madali lang namang umuwi. 

Tinabig niya ang kamay ni Ali at tinunga ang bote ng rum. "I'm fine. You can leave, Ali. It's late."

"I can't leave you here alone."

He smirked and stared at the woman beside her. Suddenly, Killer remembered the past. He wanted her for so long pero wala. Life is really so unfair to him. Kung sino pa yung nagmamahal ng lubos at totoo, siya pa yung sinasaktan at pinagkakaitan. Handa siyang gawin ang lahat para rito kaya nagtataka siya kung bakit ayaw pa rin nito sa kanya, kung bakit hindi nahuhulog ang loob nito sa kanya. Ano ang meron ang Evander Black na yun! Ano ang meron sa pinsan niya na wala siya?

"Killer, I asked the staff to call your wife para masundo ka niya rito."

Hinuli ni Killer ang kamay ni Ali at dinala iyon sa kanyang pisngi. Pain coated his heart. Damn, it was a mistake when thought that he's over her. Right now, he clearly wants this woman. He wants her love and attention. He wants all of her. "Ali. I love you. Hindi mo alam kung gaano kahirap kalimutan ang nararamdaman ko para sayo."


NAPAKO si Arwen sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Killer sa babaeng kasama nito sa bar. Why does she have to hear and witness this scene! Why does she have to arrive at this moment! 

Nang mapatingin ang magandang babae sa kanya ay mukhang kinutuban kaagad itong siya ang asawa ng lalakeng kasama nito. Mabilis na binawi nito ang kamay na hawak ni Killer at tumayo. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya.

"A-Are you Relic's wife?"

She stared at the woman coldly. "Yes."

"I-I'm Ali. His friend. He's uhh - d-drunk kaya humingi ako ng pabor sa staff na tawagan ka."

Tinanguan niya ito pagkatapos ay nilampasan. "Thank you. I'll take it from here." Nilapitan niya si Killer at tinitigan. "Let's go home."

Napatingin ito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay nito at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. "You.."

"It's Arwen, in case you forgot." Malamig na sabi niya sa asawa. 

Napangiti ito at niyakap siya ng mahigpit. Agad na nanigas ang kanyang katawan at nagrigodon naman ang kanyang puso. She's angry at him right now pero heto, isang yakap at ngiti lang nito ay nakakalimutan na niya ang kagaguhan nito.

"My wife."

Sinulyapan niya si Ali. Bahagya siya nitong nginitian bago tuluyan nagpaalam sa kanya. Marahas na bumuntong-hininga si Arwen. Her name is Ali.. She's so beautiful..

Naramdaman ni Arwen ang biglang pagbigat ng ulo ni Killer sa kanyang balikat. Kumaway siya sa isang waiter at agad naman siya nitong dinaluhan. 

"Hi, can you help me? I think he's asleep."

Tumango ang waiter at nginitian siya. "Sure, Ma'am.'

"Thank you.."


***

Baka pritohin ni Arwen si Killer bukas. LOL





Czytaj Dalej

To Też Polubisz

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
144K 5.8K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...