Their Chasing Souls

By issawandablue

13.9K 898 150

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 34: Another ecounter

145 15 2
By issawandablue

Hi guys! I would like you to know na napalitan na ang title ng story natin :)
So instead of Chasing After You, magiging Their Chasing Souls na siya 💖 sana hindi na mapalitan wahahaha, originally kasi yun talaga yung title ng story pero yung friend ko kinukulit akong yung original plan nalang raw. Don't worry dahil ang plot will still be the same. I'm also currently editing some chapters lalo na yung mga typos but no major changes.

Also, you may now follow my official twitter account @Chamski07. Will include there updates about my stories. You may also use the hashtag #theirchasingsouls para makita ko ang thoughts and comments niyo. Maaring maghanap rin ako sa twitter kug kanino ko ide-dedicate ang chapters. Thank you guys! Have a wonderful day 💖



Yna's POV

"One cup of oh so yummy vanilla frappe topped with bits of strawberries. Any other order ma'am?" kanina pa ako natatawa. Paano'y kanina pa nag-eensayo sa pagkuha ng mga order si Luna para raw ready na siya sa unang pasok niya sa cafe.

Maaga pa lang nang biglang tumawag si Luna para magpasama sa mall. Mamili raw siya ng gamit para sa org nila. Kumain kami sa isang fastfood chain at sakto namang nakita namin si Gabby sa mall. Kakatapos lang raw niya magrocery kasama ang tita niya.

Ipinakilala kami ni Gabby sa tita niya at mukha talagang maswerte kami dahil binigyan siya ng tita niya ng pangkain namin. Umuwi ang tita niya ay nagpaiwan naman si Gabby dahil bagot na bagot na raw siya na manatili buong maghapon sa bahay nila.

"Ay te ako, gusto ko nga spanish sardines na pasta." Natatawa kunyaring order ni Gab. Narito kami ngayon sa isang ice cream shop.

"Ang arte mo bakla! Yung tig-benteng sardinas lang meron kami, leche ka." Sabay naman silang natawa.

"Grabe mga beshiewap, nung nasa camp tayo parang matitigok na ako dahil walang internet at signal. Ngayon namang meron na, hindi ko naman kinakaya ang bagot sa bahay!" Reklamo ni Gab. Totoo 'yon. Pare-pareho lang kami ng sentimyento.

"Oo nga, buti nalang talaga nakita ka rin namin bakla. Pero Yna, thank you talaga ah. Nakausap ko na si Ely. Pwede na raw ako magstart ng hapon sa Monday!"

"Teka, si Rigel Angelo? My Rigel, my cutiee Angelo?" Nagugulat na tanong ni Gabby.

"Gaga, anong Angelo mo? Kay Georgina na 'yon." Napakunot ang noo ko at sabay naman sila lumingon sa'kin.

"Kayo na siz?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gabby. Muntik na akong masamid at bigla namang uminit ang pisngi ko.

"N-Nababaliw na ba kayo? Asa!"

"WEEEEEH?!" sabay na reaksyon nila.

"Napakachismosa niyo."

"Mametey te?" Tanong ni Gabby.

"Hindi nga." wika ko pero halata naman sa kanila na hindi sila nakumbinsi.

Bigla naman nilang napag-usapan 'yong nangyaring talent night. Lalo na 'yong kumanta si Ely. Mas kinikilig pa yata sila sa'kin.

Kung noon ay pinipigilan kong aminin sa sarili kong kinikilig ako, ngayon naman ay ako na mismo ang nakakapansin na hinahayaan ko na pala ang sarili kong kiligin sa mga ginagawa ni Ely.

W-Wala naman na sigurong ibig sabihin 'yon. K-kailangan rin naman natin kiligin paminsan-minsan. Hindi naman ibig sabihin no'n ay may gusto na ako sa kanya.

"Ay nako te so wla talagang pag-asa sayo ang Angelo ko? Halata namang para sayo ang performance niya nung talent night. Kulang nalang puntahan ka sa pwesto natin eh. Ano te? Agawin ko na ba ang Rigel my loooove?"

"Ano ka ba Gabby! Eh wala nga raw na sila. Ano na namang aagawin mo?"

"Boom panezzz!" Ani Gabby at natawa naman sila pareho. "Aba'y baka nagliligawan palang sila Luna."

"Naku, kung si Yna ang tatanungin mo paniguradong wala kang makukuhang matinong sagot. In denial stage pa kasi. Kung si Ely 'yon, sagot agad ang lolo mo!"

Agad naman akong hinarap ni Gabby. "Ay bakit naman siz? Ginto na ayaw mo pa? Hindi ka pa ba nakakamove-on kay Ezekiel?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Paano-" hindi ko natapos ang sasabihin nang biglang napasigaw si Gabby nang dahil sa palo ni Luna sa kanya.

"Gaga ka talagang bakla ka ang ingay mo!"

"Ano ka ba Luna, friends na nga kami oh." Umangkla naman si Gabby sa'kin. "Oh close na kami te. Evicted ka na bilang bff. Magulat ka nalang na one day ay ako na ang bestfriend."

"Tumigil ka nga, hindi yan mahilig sa paminta!"

"Are you insulting me?" Nagulat ako nang paluin nang malakas ni Gabby ang mesa sabay tayo. Ganoon rin ang ginawa ni Luna. Pinagtinginan naman kami ng mga kumakain sa loob ng restaurant. Gusto ko silang awatin dahil pakiramdam ko ay magsasabunutan sila anytime. Pero nagulat nalang ako nang bigla silang nagtawanan pagkatapos.

"Kaya friendship talaga kita. Same wavelength." wika ni Gabby at pinagdikit pa nila ang mga hintuturo nila.

Nababaliw na yata ang mga'to.

"Huy tinakot mo Gabby." Natatawang wika ni Luna nang mapansing naka-nganga akong tinitignan sila.

"Ay siz. Wag kang mag-alala, normal talaga sa'min to. Kami lang 'to ano ba!"

Asan banda ang normal ro'n? Akala ko ay magsasabong na sila kanina!

"Besh, yung kay Zeke.. let me explai-" hindi natapos ni Luna ang sasbihin nang pigilan ko siya.

"T-Teka, parang kilala ko yun." wika ko tungkol sa babaeng nakita ko sa labas ng resto na maganda. Kaaway niya ay isa rin babaeng naka-dress na nakatalikod naman sa paningin namin. Nandoon sila mismo sa gitna ng mall at parang nag-aaway. Nilingon rin naman ito nila Luna.

"Ay parang familiar nga siz. San ko ba yan nakita?" napapa-isip na tanong ni Gabby. "Maganda." Aniya at tumango-tango pa.

Pinapanood lang namin siya na mukhang nakikipagsigawan sa babaeng naka-dress. Pilit kong inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. Maganda, maputi, may blonde highlights ang buhok, sexy at matangkad siya at lalo pa itong pinatangkad ng malamang ay nasa five inches na heels na suot niya. Naka big waves rin ang buhok nito. Mas pinapaganda ng fitted pants nito ang hubog niya.

Napatayo agad kami nang makitang tinulak ng magandang babae ang babaeng kausap niya. "Mga siz, tara tignan natin." yaya ni Gab at dali-dali kaming lumabas ng resto at naki-usyoso na rin.

Mas nagulat kami nang nagsampalan na sila.

Agad kaming napatigil sa paglapit. "Shutaccaa, pang best actress ang eksena." mahinang singhal ni Luna. "May shooting ba?" tanong niya at luminga-linga pa sa paligid. Inaalam niya kung may mga hidden camera.

"Walang hiya ka! I know you!"
sigaw ng babaeng naka-dress.

"I don't f*cking care." Hinawi naman ng magandang babae ang buhok niya. "Ikaw 'tong naunang bumunggo sa'kin. Just to remind you girl how stupid you are."

"Nag-sorry na ako diba? Ano pa bang gusto mo?!" pinipilit ni ateng naka-dress na tumayo pero mukhang masama ang pagkakabagsak niya sa sahig. Nilapitan siya ng babaeng maganda at saka niyukuan.

Hindi ko alam pero para kaming tanga na nakatayo lang. Wala ring umaawat sa kanila. Ang iba ay nagvi-video pa at aliw na aliw sa kanilang pinapanood.

"You know what? Ang tanga mo na nga, panget ka pa, bitch." wika ng magandang babae at tatalikod na sana ito nang bigla siyang hilahin ng babaeng naka-dress dahilan para madapa ito. Nagsabunutan sila at nagpagulong-gulong pa sa sahig.

Napatikhim naman ako. "Hindi ko na kayang manood." biglang usal ko at susugurin na sana sila pero pinigilan ako ni Gabby.

"Ako na." At nagulat kami pareho ni Luna nang pinigilan niya ang dalawang babaeng nagsasabunutan. Nagulat silang pareho sa pagpigil ni Gabby pero palaban talaga yung magandang babae at silang dalawa na ni Gabby ang nagsabunutan.

Agad kaming lumapit ni Luna at nilayo si Gabby sa kanya.

"You! Napaka-pakialamero mo!" sigaw ni ateng maganda.

"Gaga! Pinipigilan ko lang kayo. Ikaw naman 'tong inaway ako."

"Wala akong paki, umalis ka sa harap ko!" malakas na sigaw ulit ni ateng maganda. "Where is she? Ugh! You bitches! Nakatakas na siya!" tukoy niya roon sa babaeng naka-dress na kaaway niya kanina.

"Hooooy. Ikaw ang bitchesa, anong eksena mo te? Nabangga ka lang nakipag-war mode ka na? Kung hindi ka tanga, subukan mong mag-flats nalang sa susunod na pupunta ka ng mall." mahinaon pero mahihimigan ang inis sa boses ni Gabby.

"I'll never forget this." banta ng magandang babae at pinulot ang LV bag niya saka kami tinalikuran.

"Wala akong paki! I'll forget you! Hindi ka naman kagandahan para matandaan!" sigaw ni Gabby pero hindi na siya pinansin ng magandang babae at sa halip ay itinaas nito ang kamay niya at nagmiddle finger. "Naku talaga, mababalatan ko nang buhay ang babaeng 'yon. Pigilan niyo ako."

"Tama na Gabby. Ok na." wika ni Luna na pinapakalma ang kaibigan. "Naka-eksena ka na. Take one lang lahat. Ang galing!" Aniya at nag-apir pa talaga sila.

Talagang mga weirdo.

"Siz, naubos ang beauty ko ro'n, grabe palaban ang gaga. Pero familiar talaga siya eh."

"Yaan mo na Gabby, ok na yun. Galing mo." wika ko at nag-aprub gamit ang parehong kamay.

"Thank you mga siz." Aniya at niyakap kami. "Oh siya, mamaya na ang drama. Akala yata ng mga tao rito nasa teleserye pa rin sila." Agad niya kaming hinila papalayo.

"Makikiraan lang po." Natatawang suyo ni Luna sa nga nakaharang sa daraanan namin.

Bago umalis ng mall ay naisipan naming magtake-out ng mga pagkain. Napagpasyahan kasi naming magsleep-over sa bahay. Nung una ay napa-isip pa si Gabby. Nakakahiya rae kasi. Kahit na pusong babae siya ay lalaki pa rin raw siya. Pero sinabi ko nalang na ipapagpaalam ko siya kila Kuya at mommy. Tinawagan ko agad si mommy at inexplain sa kanya. Pumayag naman siya. Si Kuya naman ay ayaw pumayag nung una pero nung kinausap na siya ni Luna ay pumayag naman ito. Okay naman kay Kuya dahil kilala naman niya si Gabby noon pa. Hindi lang siya sanay sa ideya na may lalaking mag-sleep over sa amin na kaibigan ko.

Agad na nagpaalam si Gabby sa tita niya. Gaya nung sa akin ay hindi rin agad siya pinayagan. Panay ang tawa namin ni Luna sa usapan nila ng tita niya. Nakaloud speaker kasi. Hindi naman tutol ang tita niya dahil sa katunayan ay aprub na aprub pa nga ito. Kikay rin kasi ang tita niya. Yun nga lang ay baka hanapin raw si Gabby ng mommy niya. Nasa States kasi ang mga magulang ni Gabby at naiwan siya sa Pilipinas. Hindi rin alam ng mga magulang niya na may pusong babae ito. Mabuti nalang ay napapayag niya rin ang tita niya sa huli.

"Naku mga siz. Uwi muna ako. Kuha lang ako ng magaganda kong dress at panty. Choz! Basta kita kitz later." paalam ni Gabby saka nakipagbeso.

Umuwi na rin kami ni Luna sa kany-kanya naming bahay at naghanda.



Tammy's POV

Nagluluto ako ng lunch nang bigla kong marinig ang malakas na pagbagsak ng pinto.

Agad akong kumaripas papuntang sala at natunghayan si ate na nagtatanggal ng heels niya. "Oh asan ka galing?"

"Diyan lang." matipid niyang sagot at nahiga sa sofa. Nilapitan ko siya at pinalo sa hita. "Ouch!"

"Oh ano asan ka ba talaga nagpunta?! Ano 'yang nasa mukha mo? Nakipag-away ka na naman malamang." Turo ko ro'n sa mga pasa sa mukha niya. Agad naman siyang napa-upo at hinimas ang mukha.

Binuksan niya ang front cam ng phone niya. "Oh.my.gosh.. Yayaaaaaa! Mirror!" kamuntikan nang masira ang eardrums ko sa sigaw niyang 'yon. Agad namang lumapit ang isa sa kasambahay namin.

"Ano po yun ma'am?"

"Ma'am? That is so cheap! Madame. Call me madame."

"O-Okay po.. m-madame.. A-Ano po'ng kailangan niyo?"

"Bingi ka ba? Kumuha ka ng salamin."

"Ah sige na manang. Pakikuha nalang po yung salamin na maliit sa kwarto niya." mahinahong utos ko saka nilingon ang kapatid ko. "Ate ano ba?! Bakit ba ang init ng ulo mo?"

"You don't wanna know." Aniya at malalim na tumikhim. Hindi ko na siya pinilit at baka kung saan na naman mapunta ang galit niya.

Agad na bumalik ang kasambahay at iniabot sa kanya ang salamin.

"That freak! Look at my face Tamara. Is this even a face?!"

"Ate pwede ba huminahon ka?"

"What? Tamara, we are talking about my face."

"Fine. Please tama na okay?" Paki-usap ko sa kanya at iniabot ang isang sobre.

"What is this?" Nagkibit-balikat ako at binuksan naman niya ito. "Are you telling me to enroll?"

"Ate, recommendation letter at application form 'yan from tito. Mom wants you to enroll at mag-aral ulit. You'll still be in your third year. Maipag-papatuloy mo pa rin ang Fine Arts."

"Kasabwat ka na rin ni mom gano'n? And why is it even in this school?"

"Tigilan mo 'yang ugali mo ate. Go get a life please! Gusto mo bang pabalikin ka ni mommy sa Amerika?"

"Whatever." Aniya at tumayo. Padabog pa itong naglakad at tinapon ang sobre sa sahig.

Napaupo nalang ako sa sala. Minsan talaga pakiramdam ko ay mas matanda pa ako sa kapatid ko. "Ma'am? Malapit na pong maluto ang paella niyo."

"Thank you manang. Pasensiya na po kayo kay Ate kanina ah."

"Nako okay lang po 'yon Ma'am." mabuti nalang at mababait ang mga naging kasambahay namin. Kahit na minsan maingay at maldita si Ate ay napagtiyatiyagan rin nila.

Pagkatapos kong magluto ay agad kong inakyat si ate sa kwarto nito at kumatok. "Ate, kakain na." Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nagpipinta na naman. "Ate kakain na."

"Narinig ko." Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang application form sa bedside table niya. "Ano yan?" tanong niya nang hindi lumilingon at nasa canvas pa rin ang paningin.

"Wala lang. Baka lang naman magbago ang isip mo." Nilingon niya ako at nagsalubong ang mga kilay nito. "Kain na. Nagluto ako ng paborito mong paella." wika ko bago siya tinalikuran.

"Tamara.." panimula niya at nilingon pa ako. Bigla namang sumilay ang ngiti sa labi ko at pakiramdam ko ay may maganda siyang sasabihin. "Pangit na ba ang mukha ko?" agad na bumagsak ang mga balikat ko.

Akala ko pa naman ay papayag na siyang mag-aral ulit. Iniwan ko siya at pinag-bagsakan ng pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...