She Loves Me More

By Sweetmagnolia

4.4M 130K 16.7K

"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she real... More

She Loves Me More
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 (Final)
Epilogue

Chapter 17

81K 2.4K 392
By Sweetmagnolia

               

                                      ****

LANCE

Panakaw na sinusulyapan ko si Ms. Bartolome sa mesa nito. Maaliwalas ang kanyang mukha habang abala sa pag-iistapler ng patong-patong na mga papel. I'm wondering kung ano ang tumatakbo sa isipan niya after I offered her a kiss. Mukha na ba akong pervert sa mga paningin niya? Hindi kaya matakot na siya sa akin simula ngayon?

Tsss...Bakit ko ba naman kasi naisipang gawin yun? Masyado akong nag-enjoy sa immitation date namin to a point na nadala rin ako pagdating sa dulo.

Napalingon sa akin si Ms. Bartolome at patay malisya kong ibinalik ang mga paningin ko sa aking pinipirmahang mga dokumento. Napalunok ako't naramdaman kong tila uminit ang aking mga pisngi.

Crap! Did I just blush?

Iritableng binitawan ko ang sign pen at sumandal nang mabuti sa upuan. I sighed and massaged my temple. This is not right. I've been thinking about that kid most of the time. Mas madalas pa siyang pumasok sa isip ko ngayon kesa kay Hannah at sa trabaho.

I shook my head.

It doesn't mean anything. Nagkaganito lang ako buhat nang tinanggihan niya ang halik ko. It was a big blow on me sapagkat ngayon lang ulit may tumanggi sa akin but that's all. I can't commit a mistake of showing interest to a woman way younger than me. It's a huge shame to myself kung paglalaruan ko ang isang inosenteng babaeng katulad niya.

Wala sa bokabularyo ko ang seryosohin ang isang naive at immature pa mag-isip. And most importantly not Ms. Bartolome's age bracket. The pain had gone pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang karanasan ko kay Scarlet. Innocent, naive but weak, could easily fall for temptation and misunderstood their feelings.

"Attorney-"

Napagitla ako nang marinig ang boses ng babaeng aking iniisip. Agad akong pomormal ng mukha at kunway seryosong tumingin sa kanya.

Her mouth pointed the door. "Kumatok po ako. Kaya lang mukhang malalim ang iniisip niyo," depensa agad nito.

"What is it that you have to say?" kaswal na tanong ko while staring at her vibrant face. Since that night, we haven't talk anything yet about that unexpected date. Siguro ay naiintindihan niya na rin na ito ang isang bagay na hindi dapat ungkatin sa oras ng trabaho and most importantly it's something na walang dapat makaalam sa opisina maliban sa aming dalawa.

"Ire-remind ko lang po yung  charity event ni Cong. Perez sa Theresa Women's Foundation." She checked her watch. "Kanina pa po yun nag-start kaya lang hanggang 3pm pa naman daw ho. Pupunta po ba kayo?"

Hindi ko gaanong narinig ang huling sinabi niya. My eyes were glued on her face. She looks different this time.

I'm starting to see sparks in her eyes. And those sparks hit my chest and just made me feel better. I noticed too that she actually got a very feminine nose. Tamang-tama lang ang tangos, maliit at medyo pointed. And her teeth were actually not bad. They're pearly white and almost perfectly aligned. In fact, this girl will definitely turn into a very beautiful lady someday.

"Attorney?"

Napakurap ako nang ikinaway niya ang kamay sa tapat ng aking mukha.

"Nakikinig po ba kayo?"

I cleared my throat. "W-What were you trying to say? May iniisip lang kasi ako," patay malisyang sabi ko.

"Ang sabi ko po kung pupunta ba kayo sa event ng tatay niyo."

"Yes. Tatapusin ko lang tong mga pinipirmahan ko."

"Sasama pa po ba ako sa inyo?"

"No. You can't be of any help there."

She gave me a bitter smile. "O-Okay po. Tutulong na lang ako dito kay Ms. Ferrer."

She walked outside looking disappointed. Sinundan ko siya ng tingin hanggang pintuan. Nang makalabas siya, I quickly pressed the intercom connecting to my other secretary. "Water."

Alright, I must admit she's getting more and more attractive to my eyes. But it's all about male hormones and nothing else. Although she's immature, childlike and lacking in elegance, babae pa rin siya. Once in a while I could be fluttered. In case she'd be gone in few weeks, maituturing ko na lamang siyang isa sa mga babaeng panandaliang dumaan sa aking mga mata.

Tinapos ko ang aking mga pinipirmahan. I fixed myself and left my office for one of my father's political functions.

"Bye attorney," malamlam na paalam ni Ms. Bartolome nang mapadaan ako sa kanyang mesa.

I replied with a simple nod and a blank face. While walking towards the main door, I realized she'll surely get bored dahil wala rin namang gaanong trabahong ipagkakatiwala sa kanya si Nadine. Unti-unti kong nai-imagine ang nakatanga niyang hitsura.

Bumalik ako sa kanyang mesa.

"May nakalimutan po ba kayo?" matamlay pa rin nitong tanong.

"Get up. Sumama ka sa akin," diretsong utos ko.

Her eyes instantly glowed. She quickly grabbed her bag and stood up with a wide smile.

"Tara na po!"

                                                          -----

KRISTINA

I'm secretly biting my lower lip habang pasimple kong tinititigan ang aking labsey na ngayo'y nagmamaneho at nakatingin ng diretso sa daan. Kung halos mamatay ako sa panghihinayang sa naunsiyaming date nila ni Ms. Hannah pansamantala naman akong naghingalo dahil sa pagsisisi kung bakit ko tinanggihan ang isang halik na mas may halaga pa kesa diyamante.

Minsan lang umulan ng grasya, nagmaganda ka pa Kristina! Pwes, ngayon maglaway ka!

         

Naunahan kasi ako ng takot. Sigurado kasing bibigay ako at yun na ang magiging dahilan ng pagkabuko ko. Ang ending, bye bye trabaho na talaga. Pero nung nakahiga na ako napag-isip isip kong matatanggal na rin naman pala ako sa trabaho kaya dapat tinodo ko na ang pagsalo sa grasya! Yun na yun eh! Hayyys.... forever stupid.

"Do you like me Ms. Bartolome? I told you it's not allowed."

Napagitla ako at mabilis na kumurap nang bigla na lamang nagsalita ang aking tinititigan samantalang nakatingin pa rin ito sa daan. Ilang sandali akong napatanga. Nang matauhan ay kunwa'y napabuga ako ng tawa.

"Eto si attorney oh may itinatago din palang sense of humor!"

Pasalamat ako't hindi pa rin siya nakatingin kung hindi'y kitang-kita niya panigurado ang pamumula ko.

"Hindi pa naman po ako nasisiraan ng bait para magkagusto sa inyo! Tsaka, hello!" I rolled my eyes and flipped my hair. "Di ko kaya kayo type!" 

Pasimple akong tumingin ako sa aking kanan sabay hingang malalim at paypay sa sarili.

"Why do you keep staring at me then? Ahhh... let me guess, nanghihinayang ka sa halik ko. Bakit ka pa kasi tumanggi?"

Biglang nanuyo ang lalamunan ko at tila may bumara dito. Sumabog na ata sa kahihiyan ang puso ko. Bakit ba ang galing manghula nito? Napipilitang nilingon ko siya. Although I'm still blushing, I took the courage to face him or else I'll be convicted as guilty. Abogado to kaya tiyak magaling itong manghuli.

"Hindi ah!" agad na palag ko. "First kiss ko yun kung saka-sakali kaya ako tumanggi."

Saka lamang siya tumingin sa akin. "So what if it's your first kiss?" kunot noong tanong niya.

Napanganga ako. Oo nga naman? Porke't first kiss, aarte ka na?

"S-Syempre...g-gusto ko yung ano... y-yung may feelings!" biglang lakas ng boses ko nang makabawi. "First kiss ko tapos trip-trip lang." Umiling ako. "Ayoko ng ganyan, sayang ang miles."

Tumaas ang kanyang kilay sabay tingin ulit sa daan. "Kung ganun wait until you had a boyfriend. But I guess maghihintay ka pa ng matagal," ngingiti-ngiting komento nito. "Wait a minute... when you were drunk may maya't maya kang sinasabi. What was it? " Nag-isip ito ng ilang saglit. "Labs.... lasey?"

Ayan. Namula na naman ako.

"What does it mean? Is that an endearment to a person? To a guy you like perhaps."

Napatanga ako.

"Ahh.... t-tawag ko yan sa alaga kong aso sa probinsiya!" Thank God nakaisip agad ako ng lusot. "Talaga ho?! Tinatawag ko siya?" kunway naglungkot-lungkutan ako. "Miss na miss ko na nga talaga siguro si Labsey."

Napapalunok na tumingin ulit ako sa labas ng bintana. Ano bang peg ngayon? Hot seat lang?

Narinig ko siyang tumikhim.

"Miss Bartolome..." may kaseryosohan ng tono nito. "In case you lost the bet, what's your next plan?"

Napatingin ako sa kanya. Ina-assume niya na talagang matatalo ako. Bumuntong-hininga ako't ngumuso. "Eh di maghahanap ng ibang trabaho. Ang lawak ng Metro Manila siguro naman makakahanap ako kahit pipitsuging trabaho. Pero pag wala talaga, uuwi na lang ako ng probinsiya."

"Do you even have a dream in life?" dagdag usisa niya.

"Oo naman po! Anong akala niyo sa akin ampaw ang utak?!"

"Kung ganun what's your main goal in life?"

Natigilan ako ng ilang saglit. Pag sinabi ko baka pagtawanan niya lang ako. Pero bakit naman ako mahihiya? Ngayon lang naman talaga ako natutong lumandi pero totoo ang ginawa kong pagsusunog ng kilay sa pag-aaral para sa pangarap ko.

"I want to beome a good public servant at sana balang araw ay maging kilalang politician," may paninindigang sagot ko.

Napapreno siya't agad na napatingin sa akin. "Really?"

I nodded.

"Anong pinakamataas na office ang gusto mong maabot?"

"Uhmmm.... senate," napapalunok na sagot ko.

He bursted into laughters.

Kitam. Sabi ko na nga ba pagtatawanan niya ako!

Nairita ako sa reaksiyon niya at nagsalubong ang aking mga kilay. "Bakit po ba kanina pa kayo tanong ng tanong tungkol sa akin?"

Tumigil siya sa pagtawa. Tumingin siya sa akin pero ramdam kong natatawa pa rin siya.

"Naisip ko lang na hindi pa kita gaanong kilala. You've been beside me for more than a month pero wala pa rin akong gaanong alam tungkol sa background mo or sa mga interests mo," he answered with a shrug.

Huh? He wants to know me more?

Natigilan ako at biglang namilog ang aking mga mata sa pumasok sa aking isipan. Ini-interview niya na ba ako ngayon dahil may balak siyang i-extend ako sa trabaho?

"Attorney job interview po ba itong ginagawa niyo ngayon?" Muli akong sumigla.

"Job interview? What makes you say that?" taka nito.

"Ah-eh di ba hindi niyo ako na-interview nung pumasok ako? Siguro ngayon iniinterview niyo na ako dahil ang totoo, nirereconsider niyo na akong i-extend ng trabaho," matapang na pahayag ko.

Tumawa ulit siya. "No. Why would I even extend you? May maibibigay ka bang magandang rason para habaan ko pa ang panahon ng pananatili mo sa firm?"

Hays! Bakit ba lagi na lang mali ang hula ko samantalang siya laging tama?!

"Dahil naawa kayo sa akin..."

"Awa?" He chuckled. "Do you think I'll let you stay for that reason? Brilliant guess Ms. Bartolome!" he said with sarcasm.

"Bukod sa awa wala na po akong ibang maisip eh. Kayo na po mismo ang nagsabing hindi niyo pa kayang ipagkatiwala ang anumang trabaho sa firm sa isang inexperience na kagaya ko...."

Kundi awa alangan namang isipin kong may feelings ka na sa akin kaya gusto mong manatili ako sa mga paningin ko. Ayiiee mas gusto ko yun! Assume pa Tintin! Sagarin mo na tutal malapit ka na sa dead end!

I rubbed my palms and begged him. "Sige na po attorney. Maawa na po kayo sa akin. Bigyan niyo naman po ako ng chance. Three months, kahit three months na lang! Huwag na po yung one year. I'll do my best to prove na gumagana naman po talaga ang utak ko. At kapag hindi pa rin kayo na-satisfy sa trabaho ko then okay na po sa akin na tanggalin niyo ako..."

"...Di ba tinanong niyo ako kung anong pangarap ko? Kaya ako ipinasok ni Tita Rose sa firm niyo dahil alam niyang marami akong matutunan dito. Kaya please maawa na kayo sa akin."

He looked at me with a very serious face. "Then what about our bet?"

Napaisip ako.

"Eh di bawasan niyo pa rin ho ng kalahati ang sweldo ko..."

"Does that mean you're already retreating?"

"Dun di naman po yun pupunta eh."

He sighed. Pagkuway kunot noong ibinalik nito ang mga mata sa daan.

"I'll think about it."

Namilog ang aking mga mata sa narinig kong sagot. Saglit akong napatanga. Nakaawang ang bibig na tumingin ako sa aking amo.

"T-Talaga po!" di makapaniwalang bulalas ko.

"I said pag-iisipan ko pa lang kaya huwag ka munang magdiwang."

"Salamat po attorney! Sabi ko na nga ba mabait ka talaga eh! Pa-kiss nga!"

Napatikom ako ng bibig nang mapagtanto ang huli kong sinabi. Eksaktong red light kaya't napatitig siya sa akin nang may naniningkit na mga mata.

Napalunok ako. I wanted to slap my mouth for the carelessness. My heart is restless while waiting for what he's about to say. I'm expecting a yell.

He smirked. "I don't accept kiss without feelings."

Hindi ako nakasagot.....

He didn't get angry.

He's not lecturing.

Hindi ako makapaniwala...

Pero tama ba ang kutob ko?

Ay bitter!

Continue Reading

You'll Also Like

131K 4.5K 32
“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
1M 54.2K 61
You Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarter...
4.3M 76.7K 35
Warren experienced his most unforgettable frustration in the hands of his first love, Lena. The unbearable pain pushed him to change himself to becom...
632K 9.7K 38
Masayang masaya na si Ryle Sofia Harris. She has everything, family, friends, fame, power and a man that loves her but what if she lost something tha...