Affection's Tourney

By hariya_

273K 5.1K 408

GIRLS SERIES #2 MICAELLA DIOR CASTAÑEDA (COMPLETED) "Now you know what I felt...when you played with my feeli... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 34

5.9K 99 2
By hariya_


Nakatitig lamang sa akin si Samuel noong hinatid namin sila sa Airport, hindi rin kami nag-usap nang makauwi kami sa tinutuluyan namin. 


Nakabalik na kami sa hotel, inaayos namin ni Yusra ang mga gamit namin upang magtungo sa hotel na pagtitirhan namin pansamantala. Ang hospital na ang bahala sa gastos doon kaya wala kaming problema.


"Ang tahimik!" Sigaw ko nasa sala na kami at handa nang lumabas para makarating na sa pupuntaha namin.


"Kaya nga e." Dagdag nito. "Halika na para makapagpahinga na tayo. Tomorrow is another day." Ginaya niya pa ang batang nasa commercial.


"Yes, ma'am." Sumaludo ako sa kaniya saka hinila ang bagahe naming dalawa.


Kailangan niya pa kasi icheck ang lahat bago kami umalis, mahirap na baka may nasira kami roon tapos masisi pa sa mga trabahador e di kaltas sa sweldo nila 'yon. Mas okay ng bayaran namin at least nakatulong pa kami.


Nauna akong nagising kay Yusra, kaya naligo muna ako bago bumaba upang magluto.


Nagpi-prito ako ng itlog nang biglang pumasok si Yusra.


"Good morning, kumusta tulog mo?" Bati ko rito. Kinuha ko mula sa kawali ang itlog saka nilapag iyon sa plato.


"Ayos lang namiss ko lang ang anak ko." Sagot niya.


"Ako rin." Sagot ko. 


"Namiss mo rin anak mo?" Natatawang ani niya.


"Oo si Nico." Wala sa sariling sgaot ko. "Baby ko'yon eh."


"Ay!" Tili niya dahil sa sinabi ko.


Natapos ko na ang niluluto ko kaya kumain na kami. Good thing nakaligo na siya kaya pwede na kaming umalis.


Nakarating kami rito sa hospital, hindi gano'n katagal ang byahe since malapit lang ito sa tinitirhan namin. Kasama namin ang ilang naatasan din.


"Fighting!" Sigaw ko saka nag umpisang magtrabaho.


Sunod sunod ang pasyenteng nagsidatingan. May mga na food poison daw kasi mula sa karenderyang kinakain nila. Kaya halos tagaktak na ang pawis ko nang matapos namin silang bigyan ng lunas sa nararamdaman nila. Under monitoring pa rin ang ibang sobrang malala talaga ang epekto samantalang ang ibang gumaling ay binigyan na nang permisyong umuwi.


Pagod akong napasandal sa table ko, nanginginig ang buong katawan ko dahil sa gutom. Hindi ako nakakain kanina dahil maraming pasyente ang dumating kailangan mag double kayod upang magamot ka agad sila.


Isipin niyo, sobrang hirap ng ginagawa ng mga taong nasa medical field exposed sila sa mga iba't ibang uri ng sakit, tapos sobrang baba ng kinikita nila. Hindi makatarungan 'di ba? Pati ang  pagkain nalilimutan nila. Hindi ko sinasabing para kaming nagrereklamo pero parang gano'n na nga. Kidding aside we should consider also the effort of those people who worked hard para mapagaling tayo, mano manlang bigyan sila nang mataas na sweldo para masuklian ang hirap na ginagawa nila. Kaya maraming nurses or doctor na nag a-abroad mas malaki ang kinikita nila roon.


Hindi makakasabay sa akin si Yusra pauwi may date raw ata sila ng Atty. niya kaya pinauna niya ako.Nasa van ako nakasakay, wala akong energy para makipagdaldal gusto ko na lamang ang matulog sa kama ko upang mapawi kahit papaano ang pagod ko.


Para akong zombie na naglalakad sa may lobby ng hotel patungo sa elevator nang biglang may humarang sa dinaraanan ko.


"Not interested." Agad na ani ko at nagtuloy tuloy ang lakad paalis sa harap niya.


Kahit pagod, pinilit ko pa rin ang sarili kong maligo dahil syempre galing ako sa hospital ano ba dapat kong gawin?


Umidlip ako nang ilang oras hanggang namalayan ko nalamang na gabi na.


Nakaupo ako sa sala, nakapagluto na rin ako ng pagkain ko dahil nagsabi si Yusra na kumain na raw siya kaya huwag ko na siyang lutuan.


Habang nanonood, bigla na lamang nagring ang telepono ko kaya sinagot ko ito kaagad.


"Hello who's this?" Tanong ko sa kabilang linyo.


"Hello is this Dior?" Ani niya. Tinignan ko ang pangalan ng caller mula sa contacts ko at nakitang kay Nico iyon. "Ikaw kasi ang nakalagay ss incase of emergency nitong si Nico.


"What happened to him" Takang tanong ko.


"Nag aya kasi siyang uminom kanina, kaso ayon biglang tinamaan ng alak kung ano anong pinaggagawa. Nagpabook ba naman ng isang yata para raw sa inyong dalawa tapos umorder ng motor online hindi ko alam kung anong gagawin niya roon, hindi naman namin na cancel dahil hindi pwede."


Gusto kong pilipitin ang leeg ni Nico dahil sa inis ko sa ginawa niya. Nagsasayang siya ng pera. Gago talaga, ako nga kapag nalalasing hinihimatay lang tapos siya bumibili ng mga mamahaling gamit. Tarantado talaga. Kakaiba baka next time resort na bilhin niya.


"Tell him to stop or else tuturukan ko siya." Ayon lamang ang lumabas sa bibig ko, I know how much he hated needles noong tinangka kong magpractice sa kaniya noon tinakbuhan niya ako at nagsisi - sigaw na hindi niya raw kaya.


"Pre! Sabi ng jowa mo tumigil ka raw kung hindi tuturukan ka niya nang maraming beses." Sigaw nito. Narinig ko ang biglang pagtilinni Nico bago ito biglang nanahimik.


"Salamat. Effective siya. By the way si Troy 'to dating kabanda ni Nico."


Oh, now I remember him.


"Make sure he's okay. Please?" Ani ko bago patayin ang tawag.


Humarap ako at halos maalis ang puso ko sa dibdib ko nang makita ko si Yusra.


"Kalabaw!" Gulat na sigaw ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.


"Gago ka! Natakot ako sa mukha mo! Diyan ka pa talaga pumwesto sa dilim!" Sigaw ko rito.


Ilang beses ko siyang tinanong kung hindi na ba siya virgin dahil ang tagal niyang nawala, malay ko ba kung nag jugjugan sila ni Weston, marupok pa man din ito si Yusra, grabeng rupok.Mahihiya ang martilyo sa karupokan nito.


"Hindi ako makakasabay bukas sayo hatid ako ni Weston e." Yusra said, nagtabay muna kami rito sa verenda ng kwarto niya.


"Ikaw na may driver." 


"May sinasakyan ka rin naman ah?" Natatawag ani niya. Hindi ako makapaniwala sa lumabas sa bibig niya. Si Yusra ba talaga 'to? "Hoy! Kung makatulala ka naman."


Dumistansya ako sa kaniya na para bang may nakakahawa siyang sakit bago magsalita. "May api ka ba?"


"Gago!" 


Napaka unfair gusto ko rin nas tabi ko si Nico katulad ng bwisit kong bestfriend. Masaya silang nag-uusap sa harap ko ngayon kung saan dw nila bl kumain. Letse kakain na nga lang kailangan sweet pa?


I feel relaxed nang umalis na sila sa harapan ko, na bi-bitter ako sa kanila e, bakit ba.Dapat ako rin may lovelife dahil hindi pwedeng sila lang ang masaya. Joke.


Tumunog ang cellphone ko nang naka labas na ako ng condo. Pinindot ko ang button ng elevator pababa. 


Samuel is calling you...


Hindi ko maiwasang malungkot, namiss ko ang dati naming gawain kung saan hindi ko pa alam ang lahat, kung saan para talaga kaming dalawa magkapatid, I miss those kind of bonding with him kaso pinapangunahan ako ng tampong nararamdaman ko sa kaniya, I keep asking myself that why did he do that? Anong kasalanan namin sa kanila para gawin nila iyon?


Tumikhim ako pumasok sa elevator bago sagutin ang tawag.


"Hey." Bungad ko sa kaniya sa kabilang linya.


Ilang segundo siya natahimik bago sumagot. "Hi."


"Napatawag ka? Anong meron?" 


He cleared his throat. "Let's talk."


"Nag-uusap na tayo." Pamimilosopo ko.


"Personally." Giit niya.


"Okay, after namin dito, pag nakauwi na ako diyan." I want to talk to him too, gusto ko nang matapos ang lahat para malinawan na ako. Ang hirap kapag naguguluhan ka sa lahat.


"I'll take note of that." Sagot niya. 


Akmang ibaba ko na ang tawag ng bigla itong magsalita muli.


"Thank you."


"For what?" Takang tanong ko.


"For everything, for making things clear." Tumigil ito saglit. "Salamat."


Siya na ang kusang nagbaba ng tawag, nanlalambot ang tuhod ko kaya hindi ko maiwasang mapahawak sa dingding nitong elevator.


Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako, kung hindi lang bumukas ang elevetor at nagtataka ang tao sa harap ko hindi pa ako kikilos. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko at naglakad na parang walang nangyari. 


"I'm not a crybaby." Bulong ko sa sarili ko, I needed to console myself para hindi mssprktuhan ang sarili ko. "You're strong independent bitch."


I smiled to my co-workers when I entered the van, I greeted them as if nothing happened earlier. "Hi!"


"Hi Doc.!" The other doctors greeted back. They scoot over kaya nakaupo ako malapit sa pinto. "Mukhang puyat ka ngayon ah?"


"Mukha lang Doc." Nakangiting sagot ko.  Nagchikahan kami habang nasasakyan hanggang nakarating na sa hospital.


Umpisa muli nang bakbakan kaya pinusod ko ang buhok ko upang hindi ako gaanong pagpawisan, nag umpisa na muli ang trabaho kaya tahimik na lamang ako at nakangiti sa ibang pasyenteng bumabati sa akin.


Nagtuloy tuloy ang ganoong gawin hanggang nakadalawang buwan na kami rito, nakatingin ako sa resulta ng xray ng nanay ni Weston, binigay kasi sa akin ito ng isang doctor dahil he needed a second opinion about it.


"Parang may mali e." Ani ko. Seryoso pa rin ang tingin ko. "Seryoso bang sa kaniya ito?"


"Yes, doc." Sagot niya. "I can't talk to Doc. Alcantara dahil nakakatakot siya pag seryoso."  Napangiti ito ng peke. 


"Sige, let me handle this. I can talk to her." Ngumiti ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya. "Thanks, Doc."


Hawak ko ang envelope na naglalaman ng xray, nakaipit ito sa braso ko. Kumatok ako ng ilang bses bago pumasok. Naabutan ko silang naghaharutang dalawa roon, napairap ako bago ko sila guluhin. 


Napangiti ako nang makita ko ang inis sa mukha ni Yusra. Buti nga bitin siya.


"What do you want Mica?" Her voice sounds angry. Nagtagumpay ako hehe.


"Bitin ata si Doktora." May pilyang ani ko. Sinamaan niya ako lalo nang tingin. "Chill. Masyado kang hot, well I came here dahil may paguusapan tayo about sa pasyente na ooperahan sa makalawa."


She knew it was Weston's Mom kaya naging seryoso ang itsura niy, sumulyap pa ito saglit sa pwesto ng boyfriend niya bago ako sinenyasang lumapit.


I explain eerything to her, masyadong complicated ang mangyayari kung itutuloy pa rin namin ang operasyon we need to find what's happening inside her heart before do anything that might shock her.


Humahangos kaming tumakbo sa kwarto dahil biglaang cardiac arrest ang nangyari sa pasyente. I kept my facial expression straight para hindi ko maapektuhan si Yusra. I am emotional kapag alam kong hindi na kakayanin ng pasynte ko, ngunit hindi ko maaringmaipakita sa iba para hindi rin nl maramdaman lalo ang lungkot.


I tried my best to ressuscitate the patient pero unesponsive na ito. Lagpas na labing limang minuto ang pagre-revive sa kaniya ngunit deretse parin ang linya. 


She's not my patient but I check on her kapag masyaong maraming ginagawa si Yusra, nakakwentuhan ko ito at marami siyang lesson na binigay sa akin sa maigsing panhon. I remembered my mother through her eyes kung ako naiiyak ano pa si Yusa dahil maituturing na pangalawang nanay niya ito.


I tried to contain my emotion when I saw her laying in the coffin, muling bumalik sa ala-ala ko ang naging emosyon ko noong nakit ko ang mga magulang ko nang nakahiga sa kabaong, I made a promise to myself na wala akong makikita mulig taong napalapit sa akin na nakahiga sa kabaong, gagawin ko ang lahat para maligtas sila kahit napaka impossible but now, I saw one.   


She's the first person that I failed to save.


Umuwi ako sa bahay at doon nilbas ang emosyong pinipigilan ko. Siya ang kauna unahang pasenteng namatay sa akin, I am part of her surgery kaya I considered her as my family. 


Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. "I'm sorry..." 


Nakaupo lamag ako sa sahig habang hinahayaang tumulo ang luha ko, I tried to contact Nico because I can't contain myself, kailangan ko nang makakausap. 


"Amore." Ani niya sa kabilang linya.


Hindi ako nagsalita at umiyak lamang habang kausap siya. 


"H-hey what happened?" Takang tanong niya. "Tell me, nag-aalala ako sa'yo."


Umiling iling ako ani mong nakikita niya ako. "Nothing, I'm just sad."


"Are you sure?" 


"Yes, don't mind me." Sagot ko, pinatay ko na ang tawag at wala sa sariling humiga sa sahig. 


Ginawa kong unan ang kamay ko at nakatitig lamang sa kawalan. Ilang oras din akong natulala roon hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


Maaga na nang nagising ako, ayokong pumasok ngayon dahil masyadong masama ang nararamdaman ko kaya I texted Yusra that I can't make it today. She texted me back saying I should take a rest and she will take care of my patient for now. 


Tumayo ako sa sahig upang lumipat sa kama at doon muling natulog. Drain ako ngayon kaya madali lamang sa akin para makatulog.


Nagising ako mula sa sunod sunod na pagdoorbell, iniisip kong si Yusra 'yon a naiwan lamang niya ang susi niya kaya bumaba ako, hindi alintana ang itsura ko.


Binuksan ko ang pintuan at agad rin' sinira nang makita kung sino ang laman no'n.


Sinampal ko ang itsura ko upang tingnan kung natutulog pa ba ako. "Ouch!" Nasaktan ako kaya gising na ako.


Binuksan ko muli ang pinto bumungad ang nakangiting lalake sa harap ko. 


"Nico..." 

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 156 6
Moondrop is friendly and doesn't harm anyone. Until he, as soon as the lights go out and he has control of the body he inhabits together with Sunrise...
60.6K 1K 53
ALLURING SERIES #4 [COMPLETED] WARNING: R-18+ | MATURE CONTENT. Read at your own risk. ╰┈➤Trivan, one of the scholars of Zacarlas family, a very ric...
75.1K 1K 60
Avery Lynnox is not your average basketball player. She's one of the best. But so is Paige Bueckers who just so happens to be on the rival team. But...
3.8M 160K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...