My annoying Stepsister (Compl...

By LoDiGi

17.1K 530 15

Title:My Annoying Stepsister This is a work of fiction Any names, Characters, Stories or events are fictional... More

Chapter 2
Chapter 3
chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Final Episode:Chapter 42
Promotion

Chapter 1

1.5K 38 0
By LoDiGi

Chapter 1

Title:My Annoying stepsister

Elisse pov

Nag iimpake ako ngayon dahil ngayon na ang byahe ko papunta sa maynila namatay ang mama ko nung nakalipas na linggo pa lamang ayoko nga sanang lumuwas ng maynila pero wala akong magagawa dahil kinukuha na din sa amin ang bahay na ito dahil sa utang hays buti na lang may manliligaw si mama na isang mayaman sinabi nya sa akin na sya na daw ang magiging tatay ko magmula ngayon pero noon pa man na nangliligaw na sya kay mama ay gusto nya na talaga na tawagin ko syang papa.

Patitirahin nya daw ako sa bahay nya na walang bayad pero sabi ko nakakahiya naman kaya okay lang kung magtrabaho ako sa kanila at para na rin makabili ng sarili kung bahay pero kailangan talagang doon ako sa kanila titira titiisin ko na lang muna makakaahon din ako sa hirap kahit mag isa.

Tiningnan ko ng buo ang bahay namin hays nakakalungkot mula pagkabata dito na ako lumaki mamimiss ko ang bahay na to mamimiss ko din si mama.

Nasa sakayan na ako ng bus. Ilang oras pa bago ako makakarating sa maynila. Nang huminto yung bus umalis sa pagkakaupo yung babaeng medyo may katandaan na pero napabaling ang tingin ko sa magazine na kanina ay hawak nya nakalimutan nya siguro kinuha ko naman ito at tiningnan napa 'wow' nalang ako bigla ng makita ko ang cover nun si Yohanne Jacob ang crush na crush kung Modelo.

"Ang pogi mo talaga" nasabi ko na lang hindi ko inaalis ang titig ko sa lalaking nasa magazine grabi sana lang may pagkakataon na makita ko din sya dito sa manila pero sa tingin ko mahirap mangyari yun.

Ilang oras ang lumipas at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na yakap yakap ang magazine ng naramdaman kung huminto ang bus ay bumaba na ako. Dali dali kung nilagay sa bag ang magazine at bumaba saka naman nagpaikot ikot ang paningin ko dito ang daming tao.
Nagulat na lang ako ng may tumapik sa kin.

"Tito!" sabi ko kaagad sa lalaking tumapik sa akin
"Ano ka ba sabing papa nalang" pagkasabi niya ay ngumiti ito. Ngumiti na lang din ako
Sumakay kami ni Sir Albert sa kanyang sasakyan habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang mapatingin tingin sa mga nagtataasang building dito sa Manila.
Ngunit naramdaman kung huminto kami sa napakataas na gate

"wow" yan lang ang nasambit ko ng makita ito

"Halika anak baba na tayo" masiglang sabi sa akin ni papa. Pagkarating namin sa loob ng bahay ni papa ay hindi ko parin maiwasang hindi mamangha sa mga mamahaling kagamitan

May lumapit sa aming isang maid at may sinabi doon si papa na hindi ko man lang marinig kaya naupo nalang ako sa sofa at muling bumaling sa akin si papa na nakangiti

"oh anak Elisse pinagbilin na kita dito kay Lyla aalis lang kasi ako at pupunta sa kompanya"

"sige po papa wag na po kayong mag alala sa kin"

"good,sandali nandito ba si Jacob?"

"nasa kwarto nya ho sir hindi po sya umuwi sa condo nya kagabi"

"talagang batang yun"
Hindi ako masyadong nakikinig sa usapan nila papa dahil tumitingin tingin lang ako sa kapalibutan ng bahay sobrang ganda dahil lahat ng mga gamit dito ay sobrang mamahalin. Nabalik lang ang tingin ko kay papa ng tawagin nya ako

"Elisse anak aalis na muna ako ah isasama ka ni Lyla sa magiging kwarto mo"

"sige po papa mag iingat po kayo"

"salamat anak"

Umalis si papa at isinama naman ako ni Manang Lyla sa magiging kwarto ko. Napa wow na lang ulit ako bigla sa nakita ko sa kwarto ko sobrang ganda at talagang sigurado akong pinaghandaan ni papa ito para sa akin.

"ma'am Elisse kung may kailangan po kayo sakin tawagin nyo nalang ako pupunta lang ako sa baba para ipaghanda kita ng breakfast mo"

"ah sige po"

Aalis na sana si Manang lyla ng tawagin ko ulit sya

"bakit ho?"

"kung pwede wag nyo nalang akong tawaging ma'am at saka wag ka na rin mag 'po' sa akin masyado naman kasing pormal kahit Elisse na lang okay na yun" ngumiti ako pagkatapos kung sabihin yun

"ah sige ho ah.. ah sige Elisse"

"yown sige po Tita lyla"

Nagulat naman si Manang Lyla ng tawagin ko syang Tita pero ngumiti na lang ako at saka sya umalis.

Nilibot ko muna ang kabuuan ng kwarto ko sobrang ganda at may katabi naman akong kwarto siguro ito yung sinasabi ni papa na Jacob daw alam kung may anak si papa pero hindi ko pa sya nakikita o nakakausap ang sabi kasi sakin ni papa masyadong mailap daw ito hindi masyadong nakikipag usap. Kaya naiisip ko ano kaya magiging kalabasan nito? kung sakaling makita nya ako sana lang mabait sya pero sa salitang mailap pa lang alam kung masungit na hays. Nahiga ako ng ilang minuto sa kama sobrang lambot nito saka ko kinuha ang magazine na tinago ko hays ang gwapo mo talaga Yohanne.

Ilang minuto lang din ay may kumatok sa pintuan ko kaya binuksan ko ito si tita Lyla pala pinapababa nya ako para sa breakfast

"breakfast?eh maglalunch na po eh" takang tanong ko naman kay tita lyla pero sinagot nya sa akin ang breakfast daw dito ay parang sabay na sa lunch dahil daw sa young master nila. Nagtaka naman ako kung sinong young master pero sabi naman sa akin ni Tita Lyla si Sir Jacob daw nila. Pinababa nya na ako para daw kumain gigisingin nya raw muna si sir Jacob

Habang kumakain na ako ay naramdaman ko namang may umupo sa katabi kung upuan tumingin ako sa kanya pero gulong gulo pa ang buhok nito naka white sando lang sya at itim na short mukhang magkaedad lang din kami at ng parang napansin nya naman na nakatitig ako sa kanya ay tumingin sya sakin

"why?" walang ganang tanong nito sakin

"hala parang kilala kita?!" gulat ko namang tanong sa kanya

"manang lyla bakit parang baliw tong nakuha nyong bagong maid?" iritado nitong tanong kay tita lyla saka tumingin sa kin saka ito lumayo ng upuan at pumunta sa hulihan

"hindi tama ako ikaw si Yohanne Jacob Hindi ba?yung sikat na modelo?tama ikaw nga!

Napalakas naman ang pagkasabi ko nun kaya bigla syang tumayo saka lumapit sakin omg! this is real anak ni papa ang isang sikat na si Yohanne yung crush na crush ko.

"if i were you gawin mo nalang yung trabaho mo at kung ako nga si Yohanne anong gagawin mo? shut your mouth instead bad breath tsk"

Natigagal naman ako sa sinabi nya grabi bad breath daw? hindi naman ako bingi eh pero tama nga yung narinig ko

"sandali!"
Napatigil naman sya sa paglalakad

"anong sinabi mo?"

Tumingin sya sakin na parang tinatamad

"hindi ka lang pala bad breath bingi ka pa"
At saka sya tumalikod

"Teka totoo ba ito isang Yohanne sinabihan ako ng ganun?ang sama pala ng tabas ng dila nun pambihira crush ko pa naman sya"

Saka naman ako napainom nalang ng tubig at naupo

"naku Elisse Hija ganun talaga ugali nun kaya sinasabi ko sayo kaylangan mong tanggapin na isang Yohanne na modelo ay ganon ang ugali"

"Tita Lyla sya po ba yung anak ni papa?"

"oo"sagot agad sakin ni tita Lyla

"bakit parang ang layo ng ugali nya kay papa?"

"minana nya yan sa kanyang ina na sobrang sungit buti na lang nga eh naghiwalay na sila ni Sir Albert dahil sa araw araw silang nag aaway" kwento sa akin ni Tita Lyla

"Eh asan na po ba yung mama nya?"
Tanong ko ulit

"sa ngayon nasa U.S sya doon sya pumunta 2 years ng nakakalipas"

"ganon po ba?"

Kumain na lang ako at si Tita Lyla naman ay dinalhan na lang ng pagkain si Yohanne hindi ko talaga inakala na ganon ang ugali niya pero kahit na crush ko pa rin pero pano yun stepsister nya na ako dapat nga masaya ako. Kakausapin ko sya mamaya hihingi na lang ako ng tawad hays.

Matapos kung kumain ay naligo na ako at ngayon ay nasa sofa lang ako walang ginagawa kundi manood lang ng tv. Nagulat na lang ako ng may magsalita sa likod ko

"ang galing"

"ay kabayo!"

Saka naman ako napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat

"ano ba?bakit ka ba nanggugulat?

Tumagilid ang ulo nya saka naman ngumiti pero nawala rin ito kaagad saka napalitan ng nakakatakot na tingin saka sya lumapit sa kin at pinatay ang tv.

"ang galing at isang maid ang nanunuod, bakit hindi ka tumulong sa kanila? sarap ng buhay mo ah! sino bang naghired sayo rito?!

"maid?hi..hindi ako katulong"

Mahina kung sabi saka ako tumayo

"what did you say? you are not maid here?pambihira ang kapal naman ng mukha, saang lupalop ka ba galing at ang ganda ng lumalabas sa bunganga mo?" iritado pa rin nitong sabi

"hindi nga ako katulong dito"

Saka naman ako napayuko at saka ako tumingin na nakangiti sa kanya kaya medyo nagulat sya sa ngiti ko kaya napaatras sya ng kunti

"hindi mo ba alam?"tanong ko sa kanya

"kung ano man ang binabalak mo ngayon pa lang umalis kana dahil kung hindi kakaladkarin kita"
Pananakot naman nya sakin tsk kahit anong panakot ang gawin nya hindi ako matatakot isa na akong parte ng pamilyang ito at saka si papa ang nagsabi sakin na dito na ako tumira

"so hindi mo nga talaga alam?"
Nagtataka pa rin itong nakatingin sakin saka tumawa pambihira kahit anong anggulo sya tumawa ang gwapo nya pa rin pero hindi pwede to kapatid ko sya

"i don't know and now i need your explaination" seryoso naman nitong sabi
"who are you?and why are you here?and your not my maid so ano ka nga?!" naiirita na nitong sabi

"Your stepsister" masigla kung sabi

"step...stepsister?to...totoo ba narinig ko?

hindi makapaniwalang sabi nito saka naman ako tumango at ngumiti

"you're crazy! manang Lyla palabasin nyo to ngayon din!" sigaw nito at tinuro ako para sabihing lumabas

"bakit ho young master?" takang tanong naman ni Tita lyla

"palabasin nyo yan she's crazy sinabi ba namang stepsister ko sya eh wala nga akong matandaan na may anak si mommy at si daddy sa labas at yan magiging kapatid ko eh kung saan galing yan na mundo!"
Mahaba nitong litanya

"alam kung hindi ka maniniwala pero hindi ako aalis dito hangga't walang sinabi sayo si papa"

"papa?sinong papa?" taka na naman nitong tanong

"sino pa ba? Eh di so papa Albert" proud kung sabi sa kanya

Napahawak naman siya sa may bandang puso  kaya dali daling pinuntahan ni Tita Lyla pero inalis nya ang kamay nito at saka tumayo ng matuwid.

"leave" mahinahon nitong sabi

"ayoko hindi ako aalis dito hangga't walang sinabi si papa" pangmamatigas ko

"i said leave in this house manang Lyla call the police may nakapasok na magnanakaw ng ama rito" tumingin ito kay manang lyla ngunit nang mapansin na hindi ito gumalaw ay sumigaw ulit ito kaya nagulat naman si tita lyla

"i said call the police or else pati ikaw patatalsikin ko sa bahay na'to!" punong puno ng galit si Yohanne at tiningnan ko naman si tita lyla na parang kinakabahan

"ah lalabas nalang ako wag ka na tumawag ng police pambihira bakit kasi hindi nalang tanggapin"
Pagmamaktol ko

"kunin mo pati gamit nya" sigaw naman ulit nito

Kaya ngayon ay nasa labas na ako ng gate nila pambihira  malapit na maghapon kaya hindi ko alam ang gagawin ko kaya naglakad lakad na lang ako bahala na kung saan ako mapunta tsk pambihira kahit anong swerte ko sa kanya na napunta ako sa crush ko pero napakamalas pala bwesit ka Yohanne Jacob ibang iba ka sa tatay mo!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 111K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3.6M 291K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
23K 1K 50
Mafia Series:1 isang babaeng nag a-apply ng trabaho para makatulong sa pamilya nya napaluwas sya sa Tokyo kung saan kita ang boong City ng Tokyo Naka...
414K 11.4K 51
"๐ป๐‘’ ๐‘™๐‘œ๐‘œ๐‘˜๐‘’๐‘‘ ๐‘Ž๐‘ก โ„Ž๐‘’๐‘Ÿ ๐‘™๐‘–๐‘˜๐‘’ ๐‘ โ„Ž๐‘’ โ„Ž๐‘ข๐‘›๐‘” ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ ๐‘ก๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘  ๐‘–๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ ๐‘˜๐‘ฆ." โ†ณ๐“๐ก๐ž ๐ญ๐ก๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๏ฟฝ...