chapter 4

492 18 0
                                    

Chapter 4

Yohanne pov

"Hindi nga Yohanne seryoso ka isasama mo ko?" Ulit na naman ni Elisse na tanong sakin

"Paulit ulit ka El para kang sirang plaka, nakabihis ka na nga tapos magtatanong ka pa?" iritado ko namang sagot sa kanya ayoko pa naman ng paulit ulit nakakairita pakinggan

"baka kasi magbago ang isip mo, pero kahit magbago yun sasama pa rin ako no, gusto ko din makita si Hansen, teka nandon ba sya?"

Tiningnan ko lang siya saka ako lumabas kanina pa sya Hansen ng Hansen tsk. Pagkababa namin sa parking lot ay sumakay kaagad kami sa kotse ngunit napansin kong hindi nya nilalagay yung seatbelt nya kaya medyo napalapit na ko sa kanya saka nya naman ako itinulak ng malakas kaya napatama yung kamay ko sa manibela

"ouch!" saka ko naman medyo winawagayway ang kamay ko dahil sa sakit na naidulot nito

"so-sorry hindi ko sinasadya ano ba kasing ginagawa mo?" napayuko ito

"ibang klase ka rin ikaw na nga tong tinutulungan!" pagsigaw ko sa kanya dahil kahit kailan talaga pinapainit ng babaeng to ang ulo ko

"a-ano ba kasi yun?" inosente nitong tanong. Saka ko naman sya tiningnan ng masama kaya napayuko ulit sya.

"mag seatbelt ka" pagkasabi ko nun ay inayos niya naman yun

"dapat kasi sinabi mo nalang marunong naman akong maglagay" Sabi nito habang inaayos ang seatbelt. Grabing babaeng to. Inistart ko nalang ang engine saka pinaharorot ng mabilis ang kotse

Kalahating minuto lang naman ang binyahe namin papunta sa kompanya ng makarating kami ay agad naman sumalubong si Hansen talagang pinaghandaan nya ang pagpunta ni Elisse tsk ano namang nakakagalak don

"Elisse?" bungad kaagad ni Hansen saka pinuntahan si Elisse at niyakap ito. Napatingin pa sakin si Elisse na parang nagtataka saka ko naman sya iniwan kay Hansen at pumasok na. Ngunit hindi pa nga ako nakapag upo ay pumasok na din si Hansen na nakaakbay kay Elisse tsk feeling close friend kaagad

"Ilang araw lang kitang hindi nakita namiss kita kaagad" sabi ni Hansen kay Elisse tsk kaylan pa naging sinungaling si Hansen?

"Namiss din kita Hansen" Sagot naman ni Elisse na parang nasisiyahan

"Labas tayo minsan Elisse kain tayo, payag ka ba?" pag aaya ni Hansen saka naman napatingin saakin si Elisse pambihira hindi ko alam kanina pa pala ako nakatingin sa kanila kaya naman napaiwas ako ng tingin

"Wag kang mag alala papayag yan si Yohanne, diba Yohanne?" Tumingin sa akin si Hansen saka naman ako napatingin ulit sa kanila na parang humihingi ng permiso tsk wag kang magsaya El hindi ako papayag.

"Oh silent means Yes" sabi kaagad ni Hansen saka ngumiti

"No" saka silang dalawa napatingin sa akin

"Yohanne naman, isang araw lang naman eh" pagpapapayag sa akin ni El

"You're my maid, kaya hindi ka pwedeng umalis ng condo, isinama lang kita dito dahil sabik sayo si Hansen at last na yun Hansen" Pagsabi ko nun ay bumusangot naman si El

"Pwede naman yun Yohanne, kapag natapos kaagad ni Elisse ang gawain sa condo mo pwede ko syang ilabas, sige na Yohanne pumayag ka na" pagmamaktol ni Hansen na parang bata tsk kaylan pa sya naging ganyan? wag nyang sabihin isang probinsyana lang ang katapat nya tsk napakababa naman ng standard nito

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now