A/N:
Kung may hindi po kayo naintindihan, feel free to ask me....
About the bs part? Sa mga susunod na chapter. Gusto ko kasing ijustify muna kung bakit kailangang ibenta ni Cleo ang sarili nya.
For NayaPanda... tnx for reading... eto na po ung dedic ko sa 'yo... ^____^
Chapter 2
"Candice, Salamat ha? Pakisabi na rin kina Jill at Sapphire," sabi ko kay Candice. Paalis na ko sa bahay nila ngayon.
"Sige. Ako nang bahala sa lahat. Pupuntahan ka namin pagkatapos na pagkatapos ng graduation,"nag-aalala namang sabi ni Candice. Pinili kong wag nang umattend ng graduation. Higit na importante si Tatay sa kung ano pa man.
Pagkatapos kong magpaalam, sumakay na ko ng tricycle papunta sa ospital kung saan nakaconfine si Tatay.
Abot-abot ang kaba ko sa kalagayan ni Tatay. Todo rin ung dasal ko na sana walang mangyari sa kanyang masama. Nitong mga nakaraang mga araw kc, madalas na sumasakit ung dibdib nya. Sinabihan ko syang magpacheck-up pero tumanggi sya. Sana pala pinilit ko sya.
Wala pang 30 minutes, nakarating na ko sa ospital. Sa pinakamalaki at pribadong hospital dito sa probinsya namin dinala si Tatay.
Dahil alam ko na kung saan ung room nya, dumiretso na agad ako dun. Naabutan ko ung doctor na kakalabas lang ng kwarto ni tatay.
"Doc, magandang umago po. ako po ung anak ni Francisco Bautista. Kumusta po ang kalagayan nya?"magalang na sabi ko sa doctor na sa tingin ko nasa 40 na ang edad.
"Tatapatan na kita, hija. Base sa mga initial na tests na ginawa namin, hindi maganda ang kalagayan ng tatay mo. Mataas ang mga cardiac markers nya at base sa ECG nya, may cardiac ischemia na sya. Eto ung kondisyon na kulang ung supply ng dugo at oxygen na pumapasok sa puso ng tatay mo. Kailangan nyang sumailalim agad sa angiogram para malaman kung ilan at kung saan ang bara sa coronary arteries nya. Pag pinatagal pa natin ito, lalong lalala ang damage sa puso nya at pwede syang matuluyan. Kung maraming bara, kailangan nyang sumailalim sa bypass surgery pero kung isa hanggang tatlo lang naman, maaari na ang angiography,"mahabang paliwanag ng doctor.
Naintindihan ko naman ang ibig sabihin ng doctor. Napag-aralan din naman namin un.
"Gawin nyo po ang nararapat. Pero magkano po ang magagastos kung sakali?"tanong ko.
"In angiography, One stent costs about 100-150 thousand. Wala pa ang ibang fees dun tulad ng mga gamot bago at pagkatapos ng operasyon at pati ang doctor's fee. Bypass surgery is more or less, thrice ng angiography. Mas delikado rin ito para sa pasyente,"
Parang lumaki ang ulo ko dahil sa narinig kong presyo. Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga? Kahit siguro magtrabaho ako nang habang buhay, hindi ako makakakuha ng ganun kalaking halaga. Tapos kailangan agad ang pera.
"Sige po. Handa po kaming magbayad maligtas lang ang tatay ko,"matapang na sabi ko kahit na sobrang nanghihina ako.
"Sige, hija, mauna na ako. Ipapahanda ko na sa nurses ang gagawin para masagawa na kaagad natin ang angiogram,"paalam ng doctor.
Tingaguan ko lang ung doctor.
Kinalma ko muna ung sarli ko. Ayaw ko namang pumasok sa loob na mukha akong nanghihina. Kailangan ni tatay ngayon ng lakas, ay un ung handa kong ibigay.
Pagkaraan ng ilang minuto, kinatok ko na ung pinto. Walang sumagot mula sa loob kaya pumasok na rin ako.
Nakita kong natutulog si tatay. Binaha ng awa ung dibdib ko para sa kanya. May kung anu-anong aparato ung nakakabit sa kanya tulad ng oxygen at cardiac monitor.
Pinigil ko ang maiyak dahil sa kondisyon nya. Ung tatay ko na laging matapang at malakas, mukhang mahina ngayon.
Mahina ko syang kinausap. Ayaw ko namang magising sya.
>>>Francisco's POV
Pagkaalis ng doctor na sumuri sa kin, pumikit ako.
Ganun pala kapag nasa bingit ka ng kamatayan, muling magbabalik sa 'yo ang mga nangyari sa nakaraan. Kung tama ba ang bawat desisyong ginawa mo o dapat kang magsisi. Pati lahat ng saya at lahat ng pait, bumalik. Ang pait ng kahapon na syang naging dahil kung ano ako ngayon.
Pero kasabay ng mga ito, nandun ang pag-asam na sana maibalik mo ang panahon kung saan, maaari mong baguhin ang lahat.
Isa na dun ang naging desisyon ko tungkol sa pamilya ko, lalong lalo na kay Cleng. Oo, sa isip ko at sa puso ko, sya si Cleng ko, ang anak ko. Pero dahil sa mga nangyari, hindi ko kayang ipakita sa kanya iyon. Nagagawa ko lang syang tawagin nun kapag tulog sya o may sakit.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang bumukas ang pinto. Pinakiramdaman ko kung sino un. Alam ko na agad na si Cleng iyon.
Hindi ba dapat nasa graduation nila ito? Bakit kailangang puntahan sya nito?
Hinaplos nya ang buhok ko. Akala ata nya tulog ako.
"Tatay, sana po maging maayos na ung kalagayan nyo. Alam nyo po ba, sayang hindi tayo nakapunta sa graduation ko. Sayang pa naman po ung speech ko, ikaw ang bida dun eh. Dahil para po sa inyo un, lahat ng pagsisikap ko, para sa inyo," medyo garalgal na sabi nya sa kin. Tumigil sya sa pagsasalita para huminga ng malalim.
"Tay, alam ko pong galit kayo sa akin dahil kamukha ko si nanay at ako ang dahilan kung bakit sya nawala sa inyo. Pero nararamdaman ko po na sa sarili nyong paraan, mahal nyo ko lalo na pag may sakit ako. Tay, magpagaling ka po ha? Nawala na nga sina Nanay at Lola, tapos mawawala ka pa? Paano na ko? Tsaka po hindi pa nga tayo nagbobonding eh. Tay, gagawin ko po ang lahat gumaling lang kayo. Mahal na mahal ko po kayo,"sabi nya at humalik sa ulo ko. May naramdaman din akong patak ng luha sa noo ko.
Doon ko naipasyang tuluyang imulat ang mata ko. Isang desisyon ang nabuo ko.
"Cleng, anak, hindi mo kailangan gawin ang lahat para sa kin. Hindi mo iyon responsibilidad. Handa na ko sa mangyayari sa akin,"
"Cleng?"
"Oo, iyan ang palayaw mo para sa kin noon pa man. Mahal kita, anak. At inuulit ko, hindi mo kailangang gawin ang kahit ano para sa kin,"
"Pero bakit po, tay? Handa po akong gawin iyon. Gusto ko pa pong makasama kayo ng matagal dahil tatay ko po kayo,"
Nginitian ko sya ng malungkot,"Hindi, Cleng. Hindi ako ang tatay mo. Gustuhin ko man, hindi maaari,"
Sa wakas, naipagtapat ko rin sa kanya ang totoo.
>>>Cleo's POV
"Hindi, Cleng. Hindi ako ang tatay mo. Gustuhin ko man, hindi maaari,"
Naguluhan at nagulat ako sa sinabi ni Tatay.
"Hindi anak?"nagtatakang tanong ko. Kahit isang beses sa buhay ko, hindi ko naramdamang hindi ko sya tatay. Kahit na ganun ung trato nya sa kin, hindi ko kailanman pinagdudahan na sya ang tatay mo.
"Oo. Anak ka ng nanay mo sa ibang lalaki,"
"Paano?"
"Sampung taon na kaming nagsasama ng nanay mo pero kahit kelan hindi kami nabiyayaan ng anak. Pero hanggang isang araw, napansin kong may nag-iba sa nanay mo. Parang lagi syang balisa. Ilang beses ko syang tinanong kung bakit, pero puro wala ang sinasagot nya. Dun ako nagsimulang magduda. Isang araw, sinundan ko sya. May kinatagpo syang isang lalaki. Ang paalam pa nya sa kin num, pupunta daw sya kina Lola mo. Hindi ko sya inusisa tungkol dun dahil baka kung sino lang na nakita nya. Pero isang araw, nagising ako ng umaga na suka nang suka ang nanay mo. Nawalan pa sya ng malay kaya dinala ko sya sa ospital. Dun ko nalaman na buntis pala sya. Kinompronta ko sya kung ako ba ang ama ng bata, doon sya umamin na hindi ako. Sobrang sakit nung pinagtapat nya. Mahal na mahal ko ang nanay mo pero nagawa nya kong pagtaksilan,"mahabang sabi ni tatay
Hindi ko alam ang dapat isipin.
"Simula nun, naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi nya rin magawang magpaliwanag tungkol sa nangyari. Hindi kami naghiwalay. Hindi na rin nagpakita ung lalaking nakabuntis sa nanay mo. Hanggang sa nung nasa ikapitong bwan ng pagbubuntis nya, nawalan sya ng malay habang nagwawalis. Muli ko syang dinala sa ospital at dun ko nalamang may sakit pala sa puso ang nanay mo. Pinapili ako ng doctor kung ang nanay mo o ikaw. Hindi ko alam kung sino ba dapat ang buhayin. Ang nanay mo na pinagtaksilan ako o ikaw na bunga ng pagtataksil nya. Pero ang nanay mo rin ang pumilit na ikaw daw ang buhayin. Nakiuusap sya na patawarin sya sa lahat at ako na daw ang bahala sa 'yo. Nung una, ayoko syang sundin dahil bakit kailangang ako pag ang mag-alaga ng isang batang hindi naman akin?"
Tumingin sya sa kin at masuyo akong nginitian sa unang pagkakataon.
"Pero alam mo ang nagpabago sa desisyon ko? Ayun ung unang beses kitang nakita at nabuhat. Hindi ko alam kung panong nangyaring halos mapaiyak ako sa saya nang ngitian mo ako pagkabuhat sa 'yo. Mula nun, minahal na kita na parang anak,"
"Pero bakit po kailangang ganun ang trato nyo sa kin? Bakit kailangang itago nyo ang lahat sa kin?"naghihinanakit na sabi ko.
"Dahil gusto kong manatili ka sa poder ko. Kapag sinabi ko sa 'yo ang tungkol sa tunay mong katauhan, hahanapin mo ang tunay mong tatay at iyong ang hindi ko kaya. Ayokong iwan mo ako. Trinato kitang ganun dahil hindi ko alam kung pano ka dapat harapin dahil tuwing nakikita kita, nakokonsensya ako. At isa pa, sabi ko sa sarili ko, kapag dumating ang araw na kailangan ko nang sabihin sa 'yo ang totoo, hindi ka na mahirapang iwan ako dahil hindi naman ako naging mabuting ama sa 'yo,"
"Hindi ko po alam ang dapat sabihin. Nasasaktan po ako dahil hindi nyo sinabi agad sa kin ang lahat ng ito. Pero alam nyo po, hindi ko magawang magalit sa inyo. Tay, kahit ilang beses nyo pong sabihin na hindi nyo ko anak, bat ganun pa rin ang nararamdaman ko? Sa isip at puso ko, kayo po ang tatay ko. Nagpapasalamat po ako dahil kinupkop nyo po ako sa kabila ng mga nangyari,"naiiyak na sabi ko.
"Anak, mahal na mahal kita. Sa puso at isip ko, anak din kita pero may mga bagay na hanggang isip at puso lang natin nananahan. Hindi ako ang ama mo, hindi kita anak,"
"Tay, kahit ano pong sabihin nyo, ikaw ang tatay ko at ako ang anak nyo. Dahil para po sa akin, hindi nasusukat ng dugo ang pagiging magkapamilya. Mahal na mahal ko po kayo at iyon ang mahalaga," sabi ko at yumakap ng mahigpit sa kanya.
Naramdaman kong yumugyog ung balikat ni tatay. Parang binabawi ng yakap na iyon ung mga panahong nawala sa amin.
Pagkaraan ng ilang minuto, kumalas na din ako ng yakap kay tatay.
"Tay, magpapagaling po kayo ha? Marami pa po tayong gagawing magkasama at marami pa tayong lugar na pupuntahan. Babawiin po natin ung mga panahon na puro sakit,"
"Pero, anak. Wala tayong sapat na halaga para sa operasyon ko. Pabayaan mo na ako. Masaya na akong lilisan sa mundo na nasabi ko sa 'yo ang lahat,"kontra ni tatay.
"Hindi po pwede. Basta dapat po kayong magpagaling. Ako na pong bahal sa gagastusin,"kontra ko naman.
Pero, san ba talaga ako kukuha ng pera?
A/N:
Pasensya na kung madrama ang chapter na 'to... Pasensya rin kung may mali sa emosyon or lines... Hindi kasi ako magaling sa drama... Pero, naiyak ako habang ginagawa 'to... T.T
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^