The Pieces Of The Mafia's Hea...

By StelliferousVirago

38.3K 1.1K 131

They always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do... More

Prologue
ᕕ( ᐛ )ᕗ
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Characters ᕕ( ᐛ )ᕗ
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 3

1.4K 40 10
By StelliferousVirago

Chapter 3: Sleepy Weirdo

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Seraphina's POV

"Room 173... 173... Nasaan na ba kasi yun?!"

Nandito kami ngayon sa girls dorm at hinahanap ang mga kwarto namin. Kagagaling lang namin ng main auditorium at dahil mayroon pa naman kaming ilang libreng oras ay pumunta muna kami rito para ilagay ang mga bagahe namin

Yung totoo? Dorm ba toh o hotel? It's too huge and fancy

"Huwag ka ngang OA Hannah"

"Paano ako kakalma eh kanina pa tayo naghahanap dito pero hindi pa rin natin makita?! Nasa fourth floor na nga tayo oh!"

"Ako man din eh, kanina ko pa nga hinahanap yung room 175 eh"

I just ignored them because I'm irritated by their noises, I tried to look for my room

174

Nilinga-linga ko ang mga numbers sa mga pintong nakikita ko at maswerteng nakita ko ang pinto na may nakalagay na 174, kaya agad ko naman itong nilapitan

"Teka Seri, saan ka pupunta?"

Pinasok ko ang susi doon at bigla naman itong bumukas, tinignan ko naman ang mga katabi kong kwarto at may nakalagay naman itong 173 at 175, nang mapansin ito ng mga kasama ko ay agad din silang lumapit sa mga katabi kong pinto

"My gosh nandito lang pala tong mga toh?"

"Hala! Magkakatabi pala mga kwarto natin?!"

"Ngayong mo lang napansin Hannah? Kakasabi ko nga lang kanina na room 175 ang kwarto ko"

"Pero okay din na magkakatabi ang kwarto natin para bubulabugin ko kayo sa umaga"

Rinig ko pang komento nila

Walang pasabi akong pumasok sa kwarto ko

"Seri tawagin ka nalang namin kapag pupunta na tayo sa room natin!"

Pagkasarado ko ng pinto ay agad kong binuksan ang ilaw -- the chandelier rather -- at napakalaking kama ang tumambad sa akin, mayron ding walk in closet at study table. Chineck ko ang banyo at malaki rin ito, may bath tub pa at flat screen TV pati na rin isang sofa na napakahaba

Masasabi kong malaki ang kwartong ito para sa isang tao lang

Pero hindi ko nalang iyun pinansin at agad kong binuksan ang backpack na suot suot ko at mabilis naman lumabas doon ang isang pusa

Yes, a black cat

"I know Lilypop it's a bit small inside my backpack. That's the only way to get you here inside Kalopsia Lunette, alam mo namang bawal magpasok ng alagang hayop dito sa loob"

Agad naman syang sumampa sa kama ko at humiga na para bang hingal na hingal sya kaya agad ko syang binigyan ng tubig sa bowl nya

Binigyan ko rin sya ng cat food na dala dala ko

Alam ko namang bawal ang mag-alaga at mag-dala ng hayop dito sa Kalopsia Lunette pero hindi ko talaga pwedeng iwan si Lilypop sa bahay, unang una sa lahat ay allergic sa pusa ang mga kapatid ko lalong lalo na si Dad-- na sa tingin ko ay namana sa kanya ng mga kapatid ko at pangalawa baka pag-uwi ko ay naibenta na siya sa black market dahil ayaw ni Chrizel sa mga pusa

Pero hindi ko ba alam kung bakit binigay sya sa akin ni Mom, ang sabi nya sa akin ay bihira lang ang tulad ni Lilypop dahil sa talino nya at isa din syang trained mula sa ibang bansa

Pinagmasdan ko ang pagod na pusa na tuloy lang sa pagkain sa bowl nya habang nasa kama ko

Hinayaan ko lang sya doon at nilabas ang mga damit at mga sapatos ko mula sa aking bagahe pagkatapos ay inayos ang pagkakalagay nito sa walk in closet

Paalis na sana ako ng kwarto ko nang may makita akong maliit na itim na kahon sa sahig

Why did this thing doing here?

Pero wala na rin akong nagawa kung hindi ang buksan ito kung saan tumambad sa akin ang isang kwintas

It has a daffodil pendant

I knew it, ito yung binigay sa akin ni Dad bago ako umalis kanina. I just threw it on my bed

Hindi naman ako mahilig sa mga alahas at paniguradong hindi niya iyon alam

What a good father

Halatang hindi nya alam ang mga bagay na gusto ko, anong klase syang ama?

Sinara ko ang mga bintana para siguradong hindi tatakas si Lilypop at lumabas na ako ng kwarto

Saktong kalalabas lang din nina Minzee at Hannah galing sa kwarto nila, nagkagulatan pa silang dalawa ng sabay sabay kaming lumabas galing sa mga kwarto namin

"Sa tingin ko masyadong malaki yung dorm ko para sa akin lang"

"Oo nga eh! Mukang ang laki talaga ng budget ng school na ito noh? Ang swerte talaga natin!"

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpaunang maglakad, kaagad naman silang sumunod sa akin

Stop following me!

"Medyo nagugutom na ako, pumunta nalang kaya tayo sa canteen?"

Biglang singit ni Hannah habang hawak ang tiyan nya

"Ako nga rin eh pero may oras pa naman tayo, 9am pa tayo kailangan pumunta sa mga classrooms natin"

At saktong kumalam ang sikmura ko, doon ko lang naalala na hindi pala ako nag-almusal kaninang umaga. I usually lose my appetite when I'm sharing a table with my siblings

Kaya agad kaming naglakad papuntang cafeteria pero dahil sa lawak ng school na ito ay matagal pa bago namin ito narating

At habang naglalakad ay nililibot ko ang mga mata ko para naman maging pamilyar ako sa mga dinadaanan namin

"Alam mo ba Seri? May iba pa kaming kaibigan dito" Sabi ni Minzee

The hell I care

"Naging magkakaklase kami noong pre-elem palang kami roon sa Kalopsia Lunette Elementary School, pero nung naging first year highschool kami dun lang kami naging close lahat" Paliwanag ni Hannah

"Ipapakilala kita sa kanila mamaya! Sigurado magugustuhan ka nila!" Dugtong pa nito

Tinanong mo ba kung magugustuhan ko sila?

Hindi nalang ako nag-react dahil wala naman akong pakielam sa mga kaibigan nila at sa haba ng oras naming naglalakad ay narating na rin namin ang cafeteria pero bago pa man kami makapasok....

May lumipad na estudyante palabas ng pintuan ng cafeteria-- as in he flew like he has some wings

"Hala! Lincoln?!"

"Ayos ka lang?!"

Natatarantang sabi nung dalawa at agad nilapitan yung lalaking lumipad palabas ng pinto ng cafeteria na ngayon ay nakasandal sa pader habang naka-upo. Those two probably knew him

Kahit madami ng galos at pasa ang katawan ay nakakaloko pa rin syang naka-ngiti na parang wala lang sa kanya iyon

Maya-maya ay may isa pang babae ang lumabas galing sa cafeteria at mukang kasama sya nung lalaki

Looks like you can normally walk out of the cafeteria, it's just this bird boy who chose to fly his way out like he grew some wings

"I told you naman na don't patol to that guys eh"

Sabi nito at biglang kinuha ang alcohol na nasa bag nya at walang alin-langan na binuhos iyun sa mga sugat nung lalaki

"Aray ko! Babe naman!"

At dahil dun mas lalo nyang binuhusan yung sugat nya na dahilan para mapasigaw sya

"Don't call me babe nga you dimwit!"

"Teka anong nangyari?! Asan si Yugen?!"

Tanong ni Minzee na parang natataranta

"Ay? Concern much? Ayun oh"

Sagot nung lalaki habang iniinda ang mga sugat nya at itinuro nya ang isang lalaking nakikipagsuntukan sa loob ng cafeteria, doon ko lang din napansin na nagkakagulo lahat ng estudyante sa cafeteria

They literally took food fight in the cafeteria too seriously

"Tangina! Nasaan na ba kasi si Nico? Kung kelan kailangan sya tsaka pa sya naging missing in aksyon!"

"Huwag ka ng mag-worry, Willow's hinahanap him naman na"

Sabi nung lalaki at babae bago bumalik ulit sa loob ng cafeteria para makigulo

"H-hala! Teka Lincoln! Sharlenne!"

"Hannah, tatawag lang ako ng teachers, maki-awat ka muna sa gulo"

Natataranta na sabi ni Minzee bago tumakbo palayo sa amin

"Teka! Paano ko pipigilan toh eh halos lahat ata ng estudyante nagkakagulo?! Minzee! Teka!"

Nagpapanic din na sabi ni Hannah at sinundan si Minzee kaya ako nalang ang naiwan dito sa harap ng pintuan papasok ng cafeteria

It's look like they completely forgot about my existence. Pinanood ko nalang ang mga nagkakagulong estudyante

Seriously? I can't believe na iniwan talaga nila ako dito

Pero sa tingin ko ay dala iyun ng pagkataranta nila dahil sa kaguluhan dito sa cafeteria, psh amateurs, they can't be like that in real life battles.

I can finally escape those weirdos, I decided to head for our classroom.

Nagsimula na akong maglakad pero ilang minuto na akong nag-iikot dito sa KL pero di ko pa rin makita iyun, alam kong nasabi na sa akin ni Hannah kung saan yung classroom namin pero hindi ko pa rin makita iyon.

Bakit ba kasi ang laki nitong school na toh?

Para na tuloy ako naging si Minzee, the modern Dora the explorer with a scary laugh

Nang mapagod ako ay huminto rin ako at napansin kong nasa tapat na pala ako ng library ng KL, I was about to walk pass it but an old man in his fifties greated me

"Sakto! Iha, maari mo ba akong tulungan mag-ayos ng mga libro? Wala kasi akong katulong dito at dahil sa lawak nitong library ay hindi ko maasikaso lahat ng libro na andito"

Who do he think he is to command me, pero nagulat ako nang bigla nalang niyang binigay sa akin ang mga hawak niyang libro

Dang this books are heavy, how can his old body carry this?

Wala akong naggawa kundi ang sundan siya sa loob ng library

"Oh sya, ako si Theo Carter Bautista, ako ang librarian dito, may hindi pa ako naayos na mga libro doon sa bandang likod. Ikaw ng bahala doon Iha, mag-iingat ka rin dahil madami ding libro na hindi maayos ang pagkakalagay sa taas ng mga shelves kaya baka mabagsakan ka"

Nilapag ko ang mga libro at balak ko na sanang umalis nang magsalita ulit sya

"Iha, nagkita na ba tayo?"

Nagtataka ko namang tinignan yung librarian dahil parang eto palang ang unang beses na nagkita kami

"I'm a new student here"

Tumango naman sya dahil sa naging sagot ko

"Sige, maki-ayos nalang batay sa laki ang mga libro. Pasensya na dahil unang araw mo pa lang dito ay nautusan na agad kita, at sya nga pala welcome sa Kalopsia Lunette"

Sabi nya at nginitian ako ng matamis. Wala tuloy akong naggawa kundi ang libutin ang loob ng library, tsk.

Tinignan ko ang mga libro at halos nabasa ko na ang iba rito, I can't gain anymore information here. It will probably took me an hour if I walk around Kalopsia Lunette without a sense of direction, I'll just text Parker to pick me up.

Naghanap ako ng pwesto kung saan hindi ako mapapansin ng librarian at nilabas ang phone ko, pero kapag minamalas ka nga naman low battery na pala ang phone ko.

"Dang it"

Dahil sa inis ko ay padabog ko itong binagsak sa lamesa na katapat ko lang

"Hmm?"

Doon ko lang napansin na may estudyante palang naka-dukmo rito at parang natutulog, mukhang nagising ko pa yata sya.

"Lincoln wag ka ngang maingay!"

Sabi ng isang lalaki na parang hindi pa gising ang diwa, I approached him slowly.

A boy with a black messy hair due to his sleeping position, his blond highlights really stands out.

Napalayo ako nang bigla nyang inangat ang ulo nya at tinignan nya ako

Ilang agwat lang ang layo ng mukha namin sa isat-isa at pupungay pungay pa ang mga mata nya ng nginitian nya ako, he's damn half asleep!

Nginitian nya ako as if na kakilala nya ako pero dumukmo rin sya agad

Fucking weirdo

Paalis na sana ako nang matabig ko ang isang shelf, dahil dito ay nahulog ang isang libro na nasa taas na sakto lang sa tapat ng table at tuloy-tuloy itong bumagsak sa ulo nung lalaking natutulog.

Pero kahit nabagsakan sya ay mahimbing pa rin ang tulog nya, seriously?

Maya-maya ay ang kasunod nitong libro ang bumagsak sa ulo nya at mas makapal ito kesa sa nalaglag kanina.

Pero kahit ganoon ay hindi sya nagising at sa halip ay kinamot nalang ang ulo nya

I should stay away from creeps like him

Dahan dahan akong naglakad palabas ng library pero napatigil ako nang mapansin ako ng librarian.

"Oh tapos ka na iha? Ka-bilis mo naman yata"

"Someone volunteered to do my task, the boy at the back with blond highlights"

Sabi ko sa librarian at kahit nagtataka ay tumango pa rin sya, at tuluyan na akong lumabas ng library

Jeez please, give me a break from weirdos!

---
Please vote, comment and share
Oh diba parang Facebook post lang? Beke nemen, don't be shy. Votes and comments are very appreciated ᕕ( ᐛ )ᕗ

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
1.1M 24.2K 35
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...