Win Back The Crown

By Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 37: The Bandits

1.3K 48 4
By Brave_Lily

Disha's POV

Maraming tanong pa rin ang umiikot-ikot sa isipan ko. Ang mga taong nagligtas sa amin ay mga bandido—ay, hindi, mali, mga dating bandido sila gaya nang mga bali-balita patungkol sa kanila at kung anong trabaho ang kanilang ginagawa. Pero ngayon ay matagal na daw silang tumigil sa kanilang maling ginagawa. Kung noon ay nangunguha sila nang mga aalipinin, ngayon ay sila na mismo ang nagliligtas. At dahil iyon matapos mamatay ang dating namumuno sa kanila kaya sila nagbago. Tsaka may bago na rin silang panginoon na siyang sinusunod nila sa lahat nang anumang bagay na ipag-utos nito sa kanila.

Matapos ang mahabang lakaran kanina ay dinala nila kami sa isang tagong lugar na pinapalibutan ng kuweba. Nasa loob kami ngayon nang isang malaking kweba na may malaking butas sa ibabaw kaya maliwanag naman. Maraming babae at mga bata dito sa loob, pero mas lamang naman ang mga kalalakihan dahil ilan sa kanila ay mga batang dating hinuli at gagawin sanang mga alipin buti na lang at nailigtas sila nang mga nakakatanda.

At maliban sa kweba ay may iba pang lagusan palabas ang kweba kung saan naroon naman ang maliit nilang baryo. Doon naman ay naroon ang malaking tirahan ng kanilang kanang-kamay ng kanilang Pinuno.

"Ayos na ang lahat, Kamahalan, hindi niyo na kailangan pang matakot." saad ng isang matandang babae.

Nasa loob kami ngayon sa isang malawak na silid. I think  social hall nila. Puro matatanda na lalaki at babae ang karamihan sa amin dito sa loob. Masaya silang nag-iinuman, kumakain, at nagkwe-kwentuhan. Wala pa si Haya sa tabi ko dahil nagbibihis pa siya. Ayoko ngang maghiwalay kami dahil baka may mapahamak sa isa sa amin. Kaya nga ako nag-aalala dahil baka napaano na iyon.

Ngumiti na lamang ako sa matanda. Di rin nagtagal ay dumating na nga si Haya sa tabi ko. Mabuti na lamang at walang masamang nangyari sa kaniya. Dali-dali ko siyang tinawag at pinatabi ko siyang umupo sa tabi ko. May masama lamang akong nararamdaman dito sa loob. Hindi ako sigurado pero naghihinala lamang ako sa kanilang lahat. Isang tanong lang, paano nila nalaman na ako ay isang Reyna? Coincidence lang ba lahat nang mga pangyayari? Lalo na no'ng time na niligtas kami, nagkataon lang nga ba?

Napalinga-linga ako nang biglang tumahimik sa paligid. Kung saan-saan dumadapo ang paningin ko. Anong nangyayari?

"Haya, umalis na tayo." bulong ko.

"Ganoon din po pala ang nararamdaman ninyo?" bulong niya naman. Tumango lamang ako bilang sagot dahil ayaw lang naming makahalata sila.

"Masama ang kutob ko." bulong ko.

"Pero paano po tayo makakatakas? Nakapalibot sila sa atin, Kamahalan." bulong niya. Tama siya wala kaming t'yansang makatakas dito. Pero kung may pagkakataon tityempo kami. Kung sino man ang pinuno nila delikado ang buhay namin sa kaniya. Masama lang talaga ang kutob ko na parang may hindi tama.

Biglang tumahimik ang paligid. Ang lahat ay puno nang tuwa sa kanilang mga labi. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa pagtataka. Napahawak na lamang ako sa kamay ni Haya na siyang namang ikinasinghap ko dahil sobrang lamig nito. Napatingin ako sa kaniya at napansin kong namumutla siya at pinagpapawisan nang malamig. Hindi ko maipaliwanag ang pangyayari kaya tumingin na lamang ako sa lugar kung saan nakatuon ang pansin niya.

"K-Kamahalan, u-umalis na tayo." pati ang boses ni Haya ay nanginginig. Wala na kaming magagawa pa kaya tumayo na ako at gano'n din si Haya pero nang makatayo na kami ay may kung sino naman ang dumating. Ngayon alam ko na kung bakit nagkakaganito si Haya.

Tinago ko sa aking likuran si Haya at mahigpit itong hinawakan para hindi siya matakot. Muli naman akong tumingin sa kaniya. Kinakabahan man ay kailangan kong protektahan si Haya. Pero bakit siya nandito?! Paano niya kami natunton?

"Panginoon! Masaya kami at nakabalik ka na!" sigawan nila at tuwang-tuwa pa sila sa pagdating niya.

Napalitan ng katahimikan ang buong paligid nang galit akong sumigaw. Masama ko siyang tinignan.

"Anong ginagawa mo dito?! Paano mo kami natunton?! Alam ba ng mga tao rito na masama kang tao, na sa likod ng maskarang 'yan ay mamamatay tao?!" nagsimulang magbulong-bulungan ang lahat hanggang sa may isang matanda ang lumapit sa akin nang nakangiti.

"Mahal na Reyna, nagkakamali ka sa inaakala mo. Ang aming pinuno ay maba—" biglang pinutol nang kanilang Pinuno ang nais nitong sabihin sa akin.

"Ayos lang, Ginoong Chang. Ahm...maaari bang ihatid niyo ang panauhin natin sa aking tirahan? May pag-uusapan lamang kami." utos niya sa mga tao dito sa loob.  Bigla naman akong nagtaka. Napaisip ako dahil parang narinig ko na ng boses na iyon.

"Masusunod po, Panginoon!" masigla nilang tugon at pagkatapos ay hinatid nila kami palabas. Habang papalayo kami ay hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa kaniya hanggang sa nawala na nga siya sa paningin ko. Hinawakan ko na lamang sa kamay si Haya dahil tulala pa rin ito. Hindi ko na alam ang gagawin. Nakaligtas nga kami sa pagdukot pero nandito naman kami sa puder ng taong dumukot kay Haya.

Someone's POV

Kararating ko lamang kasama ang aking mga tauhan sa aking bakasyunan. Masaya pa akong dumating dahil sa wakas ay magkikita na rin kami. Sa pagsabotahe pa lang ng plano ni Pinunong Ying ay sobra-sobra na, ano pa kaya't hawak ko na ang Reyna? Buti na lamang at mabilis akong kumilos.

"Maghanda kayo ng maraming makakain dahil may panauhin ako mamaya." utos ko sa mga nasa kusina.

"Nais ko ring ayusin niyo ang mga silid para sa mga panauhin ko." utos ko muli.

"Bilisan niyo!" masigla kong saad. Para akong nasa alapaap ngayon dahil sa nararamdaman kong tuwa. Sobrang saya ko.

"Dalhin sa akin ang Reyna. La la la la~" napapakanta pa ako dahil sa tuwa.

"Ah…"

"Ano?" tanong ko. "Pwede bang dalhin niyo na sa akin ang Reyna ngayon din? Narinig mo naman ako, hindi ba? Bilisan niyo bago pa masira ng araw ko." sabi ko. Muli akong nagpatuloy sa aking paglalakad.

"Pinuno, wala pong dumating na karwahe noong nakaarang araw." napahinto ako nang marinig ko ang sinabi niya. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya.

"A-Anong sabi mo?" 'di makapaniwalang tanong ko.

"Walang Reynang dumating noong nakaraan, Pinuno. Kaya nagtungo ka—" agad ko siyang sinunggaban ng kuwelyo. Nanlilisik na ang aking mga mata dahil sa mga sinasabi niya.

"P-Pinuno, huminahon po kayo! Hayaan niyo po sana akong magpaliwanag." saad niya.

"Ano?! Paano naman ako hihinahon?!" agad naman akong tumigil nang maaalala kong walang alam ang mga tagasilbi kaya naman hinila ko na lamang paloob ang pinagkatiwalaan ko sa bagay na ito. Hindi ko inaasahang mapapalpak pa ang mga binabalak ko. Nauwi lamang sa wala ang lahat.

Nang nakarating na kami sa aking silid aklatan ay agad siyang lumuhod.

"Patawad po, Pinuno. Wala po talagang dumating na kahit sino dito maliban po sa inyo. Habang naghihintay kami ay nag-utos ako sa ilang mga tauhan niyo po na lumabas at mag-imbestiga. At sa hindi inaasahang pangyayari ay nalaman na lang naming dalawang araw nang patay ang mga inutusan niyo po. Nagkalat po ang mga bangkay nila kaya agad din naming kinuha at sinunog. Iyon lang po ang iuulat ko." paliwanag niya.

Dahil sa galit at inis ay pinagbabato ko ang mga gamit ko. Wala na akong pakialam kung mamahaling gamit pa man iyan. Paano nangyari ito?! Sinong gagawa nito?!

"Maliban po roon, Pinuno," muli akong napatingin sa kaniya.

"May sulat pong iniwan." sabi niya.

"Saan? Anong sulat? Ibigay mo sa akin ngayon din!" pagmamadali ko sa kaniya.

"Iniwan ko lamang ito sa lamesa niyo, Pinuno. Hindi ko na itinago sa akin dahil baka mawala pa a kamay ko kaya tinago ko na lamang dito." sagot niya at sabay punta niya sa lamesa ko. May kinuha siyang sulat at saka niya binigay ito sa akin. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang tinatanggap ang telang may sulat. Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa nabasa ko na nang buo ang nakasulat.

Naitapon ko ang sukat sabay takip ko ng bibig ko. Napatakbo ako pagkatapos dahil sa takot. S-Siya? B-Bakit kailangang siya pa?! Ang lalaking iyon!

"Ah!" natumba ako nang may nabunggo akong tao. Galit ko siyang tinignan pero agad ko rin iyon binawi.

"P-Pinunong Ying!" hindi ko inaasahan ang pagdating niya.

Pinagsawalang-bahala ko na lamang ang mga nalaman ko ngayong araw. Kailangan ko munang harapin ang malaking taong nasa harapan ko. Malalagay sa panganib ang buong angkan ko lalo na ang buhay ko kapag may nalamang impormasyon ang Pinuno tungkol sa aking pagtataksil.

Inayos ko ang sarili ko bago ko siya hinarap. Ngumiti ako nang pilit sa kaniya.

"Ah, Pinuno, ano't napadalaw ka sa aking tirahan? Hindi ko inaasahan ang pagdating mo kaya wala akong naihandang makakain." sabi ko.

"Pinunong Qi, may nais lamang akong malaman." bigla akong kinabahan.

"A-Ano po iyon, Pinuno?" tanong ko.

"Anong ginagawa mo dito a panahong may kailangan tayong atupagin. Pinuntahan kita dito dahil hindi ka man lang nagpaalam, kaya nagtataka tuloy ako kung anong ginagawa mo dito?" para akong binuhusan ng malamig na tubig at tinuyo sa naglalagablab na mga apoy. Pinagpapawisan na ako dahil sa kaba.

"W-Wala naman, Pinuno, nais ko lamang magpahinga saglit dahil sa mga pangyayari. At dahil naghihintay pa tayo sa paghahanap sa Reyna ay mas minabuti ko na lamang magpahinga. Paumanhin kung hindi ako agad nakapagpaalam, Pinuno." palusot ko. Seryoso niya akong tinignan kaya napangiwi na ako.

"Humph! Bumalik ka rin bukas dahil marami pa tayong gagawin." utos niya. Tatalikod na sana siya nang muli akong nagsalita.

"Aalis na kayo kaagad, Pinuno?" tanong ko.

"Gano'n na nga dahil may pupuntahan pa ako. Napadaan lamang ako dito dahil alam kong dadating ka. Sya, aalis na ako." saad niya.

Para akong binunutan nang tinik nang nakaalis na nga siya ng tuluyan, pero parang may mali sa sinabi niya. Hindi pa rin ako kampante dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na alam niyang darating ako? Alam niya na kaya? Pero bakit hindi pa rin siya kumikilos?

Hindi bale na nga may problema pa rin ako. Ngayong araw na ito ay darating dito si Pinunong Kang. Kailangan ko pang magpaliwanag dahil palpak ang kinalabasan dahil may taong sumira. At hindi ko iyon mapapatawad.

Pinunong Ying's POV

"Nais kong bantayan niyo ang kinikilos ni Pinunong Qi. May kung ano lamang akong naaamoy na masangsang. Mag-ulat ka lagi sa akin kung may impormasyon ka ng nakakalap." utos ko.

Hindi lamang ako komportable sa kinalabasan ng lahat. Hinding-hindi ko tatanggalin ang mga mata ko sa kanila. Walang makakapigil sa mga nais ko. At hinding-hindi nila ako mapipigilan.

Disha's POV

Tatlong araw na kaming naririto at hindi pa rin nagpapakita ang taong iyon. Mabuti na rin iyon dahil baka may masamang mangyari pa sa amin. At isa pa gumagawa na kami ng paraan para makaalis sa lugar na ito. Aalis rin kami kapag tulog na ang lahat. Buti na lang talaga at pinapayagan kami ng mga matatanda na lumabas ng tirahan. Kahit papaano eh nagkakaroon kami nang pagkakataong kabisaduhin ang mga pasikot-sikot. Pero kinailangan din naming mag-ingat dahil may mga bantay pa rin kami.

"Kamahalan, nais po kayong kausapin ng aming pinuno." agad na nagpantig ang pandinig ko at biglang kinabahan sa ulat nang matandang babae.

"Anong kailangan niya?" seryoso kong tanong.

"Hindi ko po iyan masasagot, Kamahalan. Ipagpaumanhin niyo po." sagot niya.

"Kung nais niyo na pong mamaya na pumunta ay tawagin niyo lamang ako. Nasa labas lamang po ako, Kamahalan. Maiwan ko na po kayo." paalam niya at isinara niya na nga ng pinto.

Tinignan ko nang nag-aalala si Haya. Niyakap ko na lamang siya para mawala ang takot at pangamba niya.

"Magiging ayos din ang lahat. Babalik din ako kaagad. Kukunin ko rin itong pagkakataon para makaalis na tayo at makabalik na tayo sa Palasyo. Pero kung hindi man mangyari ang inaasahan natin ay itutuloy natin mamayang gabi ang lahat, ha? Kaya 'wag kang matakot. Makakauwi din tayo." sabi ko.

"Maraming salamat, Kamahalan." sabi niya.

Isa matamis na ngiti ang iniwan ko a kaniya bago ako umalis. Hinabol ko ang matanda buti na lamang at naabutan ko pa siya. Ngumiti lamang siya sa akin na para bang ayos lang ang lahat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag hindi umubra ng plano ko. Makakaalis pa kaya kami nang buhay?

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad. Hanggang sa nakarating na kami. Medyo malayo-layo nang kaonti ang nilakad namin mula sa tirahan. Maganda ang lugar puno ng mga bamboos ang paligid. At sa dulo nito ay may isang kubo na medyo kalakihan naman.

Nang nasa tapat na kami ng kubo ay nagpaalam na sa akin ang matanda. Ang pinuno nila lang daw ang maghahatid sa akin papauwi. Hindi na ako nakaangal pa dahil kumaripas na nga ito.

Nilakasan ko na lamang ang aking loob at pumasok na nga ko nang tuluyan. Napansin kong tahimik ang paligid sa loob kaya nagpasikot-sikot na lamang ako.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin ito nahahanap. Hanggang sa may narinig akong nahulog na balde sa may labas. Sinundan ko na lamang at laking gulat ko na lamang nang may nahagilap ang mga mata ko. Isang imahe ng lalaki sa labas. Para bang may ginagawa ito at abalang-abala.

Napahinto ako sa pag-usisa nang mapansin ko ang itim na maskarang nakabit sa may sampayan. Lumabas na lamang ako sa pinagtataguan ko.

"Sino ka ba talaga?! Ha?!" galit kong sigaw na siyang ikinalingon niya.

Napakurap-kurap ako at napasinghap dahil sa gulat.

"I-Ikaw...?"

Anong ginagawa ni H-Hyun...dito? Hindi ko maintindihan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 125 14
If Snow White has seven dwarfs, then our Anathea has Seven Princes'. Once a Princess has become a Concubine and a Queen. "Moving to a foreign land i...
4.4K 193 94
She's a warrior, not a princess. She held the sword, no crown on her head. She was destined to fly, not to sit on a throne. An armour hugged her body...
80K 3.3K 71
COMPLETED [Under Revision] She was not inform Born to be weak Until she lost everything Everyone betrayed her And then, she met the princes She's us...
98.1K 3.5K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...