"๐‘ด๐’š ๐‘ญ๐’‚๐’ƒ๐’๐’†๐’”" 3 (๐™ฒ๐š˜๐š–...

By air-styper

3.3K 522 34

๐šƒ๐š‘๐š’๐šœ ๐š’๐šœ ๐š–๐šข ๐š๐š‘๐š’๐š›๐š ๐š๐šŠ๐š‹๐š•๐šŽ ๐š‹๐š˜๐š˜๐š” ๐šŠ๐š—๐š ๐š’๐š ๐š’๐šœ ๐šŽ๐š—๐š๐š’๐š๐š•๐šŽ๐š "๐™ผ๐šข ๐™ต๐šŠ๐š‹๐š•๐šŽ๐šœ" 3. ๐šƒ... More

๐™ธ๐™ฝ๐šƒ๐š๐™พ๐™ณ๐š„๐™ฒ๐šƒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ
21๐š‚๐šƒ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
22๐™ฝ๐™ณ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
22๐™ฝ๐™ณ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
23๐š๐™ณ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
23๐š๐™ณ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
24๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
24๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
25๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
25๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
26๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
26๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
27๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
27๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
28๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
28๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
29๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
29๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
30๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ
30๐šƒ๐™ท ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐™ด๐™ฝ๐™ถ๐™ป๐™ธ๐š‚๐™ท
๐™ด๐™ฝ๐™ณ ๐™พ๐™ต ๐šƒ๐™ท๐™ธ๐š๐™ณ ๐™ฑ๐™พ๐™พ๐™บ
๐™ฐ๐š„๐šƒ๐™ท๐™พ๐š'๐š‚ ๐™ฝ๐™พ๐šƒ๐™ด

21๐š‚๐šƒ ๐™ต๐™ฐ๐™ฑ๐™ป๐™ด: ๐šƒ๐™ฐ๐™ถ๐™ฐ๐™ป๐™พ๐™ถ

525 38 8
By air-styper

Ito ay kwentong piksyon at haka-haka lamang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ang Pantasiyang Mundo ng mga Bagay"

Sa kwentong ito ay matutunghayan natin ang isang binatang nagngangalang Zoidus sa taong 5678 ng hinaharap.

Siya ay isang batang nakadiskobre at nakaimbento na ng isang Dimention Machine na kung saan nakapupunta siya sa ibang dimensyon patungo sa ibang mundo.

Ngayon, si Zoidus ay busy sa pag-iimprove ng kanyang machine para sa kanyang darating na science fair.

Kahit na mapanganib ang kanyang pag-iimbento ng mga bagay ay ipinagpapatuloy pa rin niya ito at kanyang sinisipagan para manalo ulit siya ng tropeyo para makuha niya ulit ang maging the best invention of the year.

Kapag manalo ulit siya ay magiging tatlong beses na siyang mananalo ng magkakasunod-sunod.

Kaya naman ayaw niyang magpatalo sa kanyang mga kalaban.

Nang dumating na ang araw ng Science Fair ay madaming dumating na tao para abangan kung sino ang mananalo sa kanila.

Inaasahan ulit ng mga tao na si Zoidus ang mananalo dahil nakikita nanaman ng mga tao ang kanyang kakaibang imbensiyon.

Nagsalita na nga ang announcer na dapat ay ilarawan nila ang kanilang mga sariling imbensiyon.

Sa oras na ito ay may limang kontestant:

Ang una ay si Cyano. Ang kanyang imbensyon ay Robotic Clock.

Ang ikalawa ay si Angelite. Ang kanyang imbensiyon ay Excellent Diamond Detector.

Ang ikatlo ay si Miranite. Ang kanyang imbensiyon ay ang Triple E o Energy Identifying Eyeglass.

Ang ikaapat ay si Zoidus. Ang kanyang imbensyon ay ang Dimention Machine.

Ang ikalima ay ang kanyang karibal na si Lazer. Ang kanyang imbensiyon ay ang The Laser Bow and Arrow.

Si Zoidus at Lazer nga ay palaging nagdedebate sa harapan ng mga audience at mga hurado.

Kaya naman, mas lalong ginagahan ang mga manonood dahil sa kanilang ipinapakita.

"Hey, Zoidus. Siguradong mananalo na ako dito! Basura lang naman ang imbensiyon mo!"

"Huh! Tignan natin mamaya kung sino ang magwawagi sa atin at siguradong ako iyon dahil pinaghirapan kong gawin ito!"

Nang natapos na ang kanikang initan ay ipinakita na nila kung paano ba gumagana ang kanilang imbensyon.

Lahat ng kanilang mga imbensiyon ay gumagana hanggang sa dumating na sa punto na si Zoidus na ang magpapakita ng kanyang imbensiyon.

Gumana naman ang imbensiyon ni Zoidus dahil pumunta siya sa ibang dimensiyon at nakipagselfie siya sa mga hayop doon na ibang dimensyon ng Earth.

Hindi lang hayop kundi mga halaman, puno at mga bulaklak.

Para makabalik siya sa kanilang mundo ay may na-set siyang time para sa pagsasara ng kanyang portal dito.

Dahil doon ay marami nanaman napahangha kay Zoidus sa araw na iyon dahil sa kanyang kakaibang imbensyon.

Kahit ganon ang nangyari ay hindi naman nagpahuli si Lazer sa kanyang sariling imbensyon.

Pero hindi naging sapat ang kanyang ipinakita para makuha niya ang loob ng mga hurado at ng mga manonood.

Sa araw na iyon ay si Zoidus nanaman ang itinanghal na panalo sa kanilang Science Fair.

Kaya naman, nakuha ni Zoidus ang kanyang ikaapat na pagkakasunod-sunod na panalo.

Dahil sa nangyari ay hindi natiis ni Lazer ang apat na pagkakasunod-sunod rin na talo laban sa kanyang karibal na si Zoidus.

Dahil sa galit ni Lazer ay ginamit niya ang kanyang Laser Bow at Arrow para panahin ang Dimention Machine ni Zoidus.

Habang nagsasaya sila sa panalo nanaman ni Zoidus ay nakita nilang galit na galit si Lazer at kitang-kita nilang gusto niyang panahin ang Dimention Machine.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay napana nga ni Lazer ang Dimention Machine kaya naman nagloko ito at nagkaroon ng sparks.

Lumakas nga ang sparks ng machine hanggang sa tumakbo na lahat ng tao dahil aakalain nilang sasabog na ito.

"Lazer! Ba't mo ginawa iyon! Hindi mo tanggap na natalo ka?!"

"Zoidus! Ako dapat ang nanalo sa laban!"

"Paano na natin mapipigilan iyan?!"

Nagpatuloy ang paglakas ng sparks o kuryenteng napakalibot sa Dimention Machine hanggang nakagawa na ito ng bola ng sparks na parang tinatakpan ang Dimention Machine.

Sa oras na iyon ay dalawa nalang sina Zoidus at Lazer ang nakatayo sa harapan ng naglolokong Dimention Machine habang sila'y nag-iinitan pa.

Nakita naman ni Zoidus na mukhang delekado na sa kanilang kinatatayuan kaya naman sinabihan na niya si Lazer.

Umalis naman silang dalawa at tumakbo papalayo ngunit sa hindi inaasahan, bigla silang hinila ng napakalakas na magnet papunta sa Dimention Machine.

Nahila sila kaya naman sila na lamang ay napasigaw.

Ang spark na bolang iyon na nakapaligid sa dimention machine ay automatic na nakalikha ng isang portal patungo sa ibang dimention.

Matapos ang hindi nila inaasahang pagpasok sa isang kakaibang dimention ay nawalan nga sila ng malay.

Sa kabilang banda, hindi naman sumabog ang Dimention Machine ni Zoidus ngunit nakita ng mga tao na hindi na ito gumagana.

Sa nangyaring iyon ay may nakakitang hinigop daw ito sina Zoidus at Lazer nang sila ay paalis na pero huli na ang lahat ng gawin nila iyon.

Kaya naman, nag-alala ang lahat ng mga tao sa sitwasyon ngayon nina Zoidus at Lazer.

.....

Makalipas ang maraming minuto ay unti-unting nagkamalay ang dalawa at matapos nga nilang imulatang kanilang mga mata ay napakalibot sa kanila ang mga bagay na gumagalaw at nagsasalita.

Pero para hindi matakot ang mga tao sa kanila ay nagpakilala kaagad ang kanilang pinuno sa kanilang lugar.

"Yo! Welcome sa Pantasyang Mundo ng mga Bagay! Huwag kayong mag-alala, hindi kami nangangagat!"

Pagkatapos na sinabi ng kanilang pinuno ang bagay na iyon ay sumayaw sila at kumanta.

Ginawa nila iyon kasi huling 1000 years pa silang nagkaroon ng bisita ng katulad nilang tao.

Kaya nagkasiyahan silang lahat.

"Oy! Lazer! Patay na ba tayo?"

"Siguro! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari."

Nagpatuloy ang kanilang kasiyahan pero napahinto ang lahat ng nagtanong si Zoidus kung bakit sila sumasayaw.

Agad namang sinabi ng kanilang pinuno na sumasayaw sila dahil nagkaroon ulit sila ng bisitang tao sa kanilang mundo makalipas ang maraming taon.

Tinanong rin ni Zoidus kung sino siya kaya naman nagpakilala na siya na siya si Pinunong Cellphone.

Siya ay mabilis daw na makipagcommunication sa kanyang kapwa.

Hindi rin daw alam ng kanilang pinuno kung bakit pumunta sina Lazer at Zoidus sa kanilang mundo ngunit masaya sila dahil namimiss nilang may tao ulit na bumisita sa kanilang mundo.

Tinanong naman agad ni Lazer kung sino ang huling bumisita sa kanilang lugar.

Sinabi nitong si Mr. Zoidus E. Lazer.

Nagulat ang dalawa dahil ang lolo ng dalawa ang huling bumisita rito sa mundong ito.

Tinanong din ng kanilang pinuno kung sino sila at kung bakit sila bumisita rito.

Nagpakilala sina Zoidus at Lazer at naisip ng kanilang pinuno na kapangalan nila ang huling bumisita rito.

Nagulat ang kanilang pinuno ng sinabi nilang ang huling bumisita sa kanilang lugar ay ang kanilang lolo at sila ang kaniyang mga apo na hindi na matukoy kung ilang great.

Sinabi rin ni Zoidus na aksidente silang nakapunta rito dahil sa kalokohang ginawa ni Lazer.

Pagkatapos silang naguusap-usap ay ipinasyal ng kanilang pinuno sina Lazer at Zoidus sa kanilang lugar.

"Wow! Ang ganda naman dito. Napakahigh technology ang mga tirahan. Diba Lazer?"

"Hmft. Oo. Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa akin."

"Pero delekado pa rin iyon."

Ipinasyal nga ng kanilang pinuno ang paboritong pasyalan ng kanilang lolo.

Ito ay ang "Everything Park." Kasama na rin dito ang Amusement Park.

Dahil sa tagal nilang paglilibot sa kanilang parke ay umupo saglit sina Zoidus at Lazer.

"Ow! Ang lambot ng upuan."

"Oo nga no Lazer. Akala ko matigas ang upuan na ito."

Bigla ngang nagsalita ang kanilang upuan.

"Ang bigat niyong dalawa!"

Nagulat na lamang sina Lazer at Zoidus.

Kaya sila ay tumakbo doon.

"Hoy! Bakit kayo umalis?!"

Nagpatuloy ang kanilang pamamasyal hanggang sa Amusement Park.

Sumakay sila ng Train Ride.

Sinabi ng kanilang pinuno na hindi basta-basta ang train ride na ito dahil papunta ito sa underground hanggang sa core.

"Mga visitors, nakalimutan kong sabihin sa inyo ang tawag sa dimenyong ito ay Earthings."

"Ibig sabihin, Earth plus Things ay Earthings."

"Hindi lang iyan Lazer, may ang mundong ito ay isang pantasya sa ating mundo. Pero dito ay hindi na pantasya kundi totoo na."

Sumakay na nga sila sa Train Ride at hindi nila inaasahang gagamit pa sila ng dalawang seatbelt at isang posas para sila ay sumakay dito.

Pero sa kanilang pinuno ay nakamagnet ito ng mahigpit sa bakal ng Train Ride kaya hindi niya kailagan ng mga seatbelt at posas.

Dahil muntik ng naaksidente ang kanilang lolo dahil hindi niya nakayanan ang bilis ng Train Ride.

Nagsimula na ngang umabante ang train ride ng 640 km/hr ang bilis.

Mas mabilis pa ng dalawang beses ang Train Ride kaysa sa Bullet train sa mundo nila Zoidus at Lazer.

Kaya walang nagawa sina Zoidus at Lazer kundi sumigaw ng malakas.

Mas malakas pa noong tumuloy sila sa underground hanggang nakapunta sila sa core.

Hindi naman sila nasunog dahil sa barrier ng Train .

Napakahigh-tech na rin talaga ang kanilang teknolohiya ang dimensiyon o mundong ito.

"Ah! Buti hindi tayo nasunog!"

"Oo nga, Zoidus! Tignan mo sa gilid! May mga bakal na gumagalaw pa rin!"

"Oo nga! Iya ay ang mga iron at nickel na may buhay! Napakapantasya talaga ang lugar na ito kapag ikwento natin pagbalik sa ating mundo."

Nagpatuloy ang kanilang train ride sa Earthing Core at parang nagra-ride na rin sila sa loob ng isang bulkan na may maraming magma.

Dito namangha ang dalawa dahil pati sa core dito ay nay namumuhay na mga kakaibang bagay.

Pagkatapos non ay dumaan sila sa ibang tunnel papataas ulit sa papunta sa ibabaw ng lupa.

Hanggang natapos ang napakabilis nilang Train Ride.

"Haist! Nahihilo na ako. Baka masuka pa ako."

"Lazer, ang hina mo naman pala sa mga ganong ride."

"Haist! Ayoko ko ng sumakay niyan. Pero nag-enjoy pa rin ako ng ganon pala ang pinakailalim ng lupa dito."

Tinanong ng kanilang pinuno kung nag-enjoy sila sa Train Ride na iyon at napa-oo nalang sila.

Nagpatuloy silang namasyal Amusement Park hanggang sa gusto nina Zoidus at Lazer na bumili ng meryenda.

Sa kasamaang palad ang meryenda ng mga bagay ay maliliit na turnilyo at maliliit na pirasong bakal at ang inumin nila ay isang basong grasa.

"Aw! Pinuno, mukhang hindi edible sa amin ang meryenda."

"Oo nga po, hindi talaga," sabi naman ni Lazer.

Dahil hindi edible sa kanila ang mga meryendang inilalako ng mga bagay, binigyan na lamang ng kanilang pinuno ng dalawang chewing gum para sa kanila.

Kahit hindi sila nabusog ay iyon naman ang pinakamasarap ng chewing gum na kanilang natikman sa buong buhay nila.

Pagkatapos non ay ipinasyal ulit ng pinuno sina Zoidus at Lazer sa Amusement Park.

Nakita nila ang higanteng Ferris Wheel.

Napag-interesan naman ng dalawa na sumakay sila dito.

Kaya naman sumang-ayon na rin si Pinunong Cellphone sa kanilang nais.

Sumakay nga sila rito at napansin nilang napakabagal rin ng pag-ikot ng kanilang Ferris Wheel dito kompara sa kanilang mundo.

Sa oras na ito ay nag-enjoy sina Lazer at Zoidus.

Nagkwento rin si Pinunong Cellphone na ang kanilang sinakyan na Train Ride at itong Ferris Wheel ay imbensyon lahat ni Mr. Zoidus E. Lazer.

Sinabi niyang nainggit siya noon ng husto sa kanya dahil sa nakatuon na lamang ng pansin ang katulad niyang bagay sa kanya at sa kanyang imbensiyon.

Dahil daw sa kanyang inggit ay plinano niya itong sirain at ibalik siya sa kaniyang dating mundo.

Gagawin na sana iyon ng kanilang pinuno ngunit hindi niya nagawa dahil sa mga sinabi ni Mr. Zoidus E. Lazer sa kanya na "Pinuno, huwag mo sana gawin ang iyong binabalak. Tignan mo sila, sila ay masaya. Ayaw mo bang nakikita silang masaya?"

Sinagot agad ng kanilang pinuno ang kanyang tanong na gusto niya silang maging masaya pero naiingit siya dahil sa napapasaya niya ito ngunit hindi ito magawa ng kanilang sariling pinuno.

Nagpatuloy ang pagkukwento ni Pinunong Cellphone.

Dahil sa sinabi ni Pinunong Cellphone kay Mr. Zoidus E. Lazer ay "Huwag ka ng mainggit sa akin, hindi lang naman ako ang nagpapasaya sa kanila dahil ikaw rin. Dahil pumayag kang gumawa ako ng imbensiyon at pinayagan mo silang sumakay doon sa mga iyon kaya sila ay naging masaya.

Doon na humingi ng pasensiya si Pinunong Cellphone sa kanya dahil sa pagbabalak niyang sirain ang kanyang mga imbensiyon at dahil na rin sa inggit.

Mula noon, tumira na raw si Mr. Zoidus E. Lazer sa kanilang dimensiyon o mundo at hindi na muling bumalik pa sa planetang Earth.

Marami raw siyang naiambag sa kanilang mundo gaya ng modernong teknolohiya.

Bago daw siya mamayapa ay may biro pa siyang nasabi ito ay ang huwag nilang sirain ang kanyang mga imbention dahil pinaghirapan niya raw ang mga ito para mapasaya sila.

Pagkatapos ng magandang kwento ni Pinunong Cellphone, napagisip-isip din ni Lazer na mali talaga ang ginawa niya sa pagsira ng imbensiyon ni Zoidus dahil pinaghirapan din niya iyon.

Humingi nga si Lazer ng tawad kay Zoidus sa kanyang pagsira sa Dimention Machine dahil sa sobrang pagkainggit at palagi siyang natatalo.

Agad rin namang pinatawad ni Zoidus si Lazer sa kanyang kasalanang ginawa nito sa kanya.

Sinabi rin ni Lazer na tinatanggap na niya ang kanyang pagkatalo at sa susunod ay mas gagalingan pa niya para siya rin ang manalo sa paligsahang iyon.

Pagkatapos ng napakatagal nilang pagsakay sa Ferris Wheel ay agad na ipinasyal ni pinunong Cellphone sina Zoidus at Lazer sa puntod ng kanilang lolo.

Binigyan nila ito ng kandilang nagsasalita.

"Ow, kayo ang kanyang apo?"

"Opo, kandila. Siya ang aming great, great, great......., grandfather. Alam mo ba Lazer kung bakit ako gumawa ng Dimention Machine? Siya kasi ang aking inspirasyon ko at talagang magaganda ang kanyang naisulat simulat noong nabasa ko ang kanyang huling libro na paalam mahal kong Earth. Dito ko naisip na dito pala siya pumunta," sabi ni Zoidus.

"Ganon pala. Ako naman, ginawa ko ang imbensiyong ito dahil rin sa kanya. Nabasa ko ito sa una niyang libro. Ito ay ang kanyang Good Morning Earth."

Sinabi rin ng kanilang pinuno na marami din siyang naisulat na libro dito.

Kaya naman tinanong nila kung pwede silang gumawa ng kopya ng lahat ng kanyang libro dahil inspirasyon talaga ng dalawa si Mr. Zoidus E. Lazer.

Pumayag naman si Pinunong Cellphone.

Pumunta agad sila sa munting library noon ng kanilang lolo at agad nilang inumpisahan ang paggawa ng copy ng kanyang mga sampung libro.

Wala pang isang oras ay natapos na nila ito hanggang biglang yumanig ng malakas.

Lumabas nga agad sila sa library at nakita nila ang mga dalawang malalaking halimaw.

Ito ay ang mga kinatatakutang mga halimaw sa kanilang mundo na napatulog dati ni Mr. Zoidus E. Lazer.

Sinabi ng kanilang pinuno na napatulog niya ito gamit ang kanyang imbetong sleep powder na matatagpuan lang dito sa mundong ito.

Hindi raw alam ni Mr. Zoidus E. Lazer kung anong petsa sila gigising pero sinisiguro niyang matutulog sila ng mahimbing.

Papatayin sana nila ito habang tulog ngunit may naamoy si Mr. Zoidus E. Lazer nang lumapit siya kaya siya ay nahimatay.

Mabuti nalang daw ay nailigtas nila ito at hindi na muling nilapitan ang mga halimaw.

Ang pangalan ng mga halimaw ay Enigmalosaurus na isang hayop na halimaw at ang Carnivoplant na halamang halimaw.

Sinabi ng pinunong Cellphone na ang tanging paraan matalo ang Enigmalosaurus ay dapat may makatama sa kanyang puso.

Sa Carnivoplant naman ay dapat may makasira sa loob nitong crystal.

Kaya naman hindi nagdalawang isip na gamitin ni Lazer ang kanyang imbensiyong pana.

"Heto rin sa iyo, Zoidus. Tig-isa tayo ng aking imbensiyon. Subukan mo rin ang aking pinaghirapan dahil nasubukan ko rin kung paano talaga gumana ang iyong imbensyon kahit na napwersa itong."

"Sige. Narinig natin ang kwento ni Pinuno. Dapat social distancing para hindi tayo maabot ng poison."

Inumpisahan nila ang kanilang teamwork.

Si Zoidus ang lumaban sa Enigmalosaurus at kay Lazer naman ay ang Carnivoplant.

"Roar! Hindi niyo kami matatalo, tao! Diba Carnivoplant!"

"Shaaa! Tama ka, Enigmalosaurus!"

Linabanan nga nila ang dalawang halimaw gamit ang kanilang mga hindi ordinaryong pana.

Dahil sa sinabi ng pinuno ang kahinaan ng mga halimaw ay madali nila itong napuksa ng isang pana lang.

Dahil sa nangyari ay naging masaya sina Zoidus at Lazer dahil natalo nila agad ang mga ito.

Hindi lang sila masaya kundi pati na rin ang lahat ng mga bagay doon.

Sa kabayanihang ginawa ng dalawa ay naiukit silang dalawa sa kanilang kasaysayan na sila ang ikalawa at ikatlong bayani sa kanilang mundo.

Dahil din doon ay naging magkaibigan sina Zoidus at Lazer.

Inamin din ni Zoidus na maganda ang imbensyon ni Lazer at pinuri din naman agad ni Lazer ang kanyang imbensiyon kahit siya ay nainggit sa una.

Pagkatapos ng lahat ng iyon ay gusto ng bumalik sina Lazer at Zoidus sa kanilang mundo.

May naisip naman ang kanilang pinuno.

Agad nilang pinuntahan kung nasaan ang Lumang Dimention Machine ni Mr. Zoidus E. Lazer.

Nagulat nalang ang dalawa na sa tinagal-tagal na ng machine ay hindi pa ito nangangalawang dahil lagi nila itong nililinis.

Sabi ng kanilang pinuno na ayaw nila itong gamitin dahil malaki ang kanilang respeto kay Mr. Zoidus E. Lazer.

Dahil daw apo niya ang mga ito, sila daw ang pwedeng gumamit ng machine na ito.

Binuhat na nga ni Zoidus at Lazer ang mga libro.

May ipinindot nga si Zoidus sa machine papunta sa dimensyon ng kanilang mundo.

Bago sila pumunta ay namaalam sila sa isa't-isa at siguradong mamimiss daw nila ang isa't- isa.

Pumasok na nga sina Zoidus at Lazer sa portal.

Nang nakalabas na sila dito ay nagsara ay biglang nagsara ang portal at nakabalik na sila sa kanilang mundo.

Masaya ang lahat ng tao dahil bumalik sina Zoidus at Lazer.

Agad naman humingi ng pasensiya si Lazer sa mga tao dahil sa kanyang maling ginawa at sinabi niya rin hindi na maaulit iyon.

Sinuportahan rin agad ni Zoidus ang sinabi ni Lazer "Na kung hindi sana niya ginawa iyon ay hindi sana namin makukuha ang mga kopyang libro ng ating lolo na hindi gaanong kilala sa ating lugar, ito ay ang mga libro ni Mr. Zoidus E. Lazer na isinulat niya sa Dimenyon ng mga Bagay o mas tawagin nilang Planet Earthings.

Gusto sana kunin ng mga tao ang mga libro para basahin pero sinabi ni Zoidus na gagawa muna sila ng mga maraming kopya ng mga librong ito para mabasa ng lahat.

Sa suporta kanina ni Zoidus kay Lazer ay magkukumbaba pa ring sinabi ni Lazer sa paghingi ng tawad sa kanila at pati kay Zoidus.

Sinabi ni Lazer na sila na ni Zoidus ay magkaibigan.

Kaya naging masaya lahat ng mga tao dahil ang dating magkaribal ay naging magkaibigan na.

Gumawa nga sila ng madaming kopya ng mga libro ni Mr. Zoidus E. Lazer at ibinahagi ng libre nina Zoidus at Lazer.

Naging sikat ang mga libro ni Mr. Zoidus E. Lazer at di kalaunan ay nagkaroon na ito ng librong may bayad dahil ito na ay naging popular na libro sa kanilang mundo.

Tsaka naging makasaysayan na nga sina Zoidus at Lazer sa mundo ng Earthings, naging makasaysayan din sila sa kanilang mundo dahil sila ang nakatuklas sa pagpapatuloy ng libro ni Mr. Zoidus E. Lazer at sila ang the best seller of all time ng kanyang mga libro."

Sa sumunod na kanilang Science Fair ay nanalo ulit si Zoidus ngunit hindi na muling nagpakita si Lazer ng pagkainggit at pagkainis kay Zoidus dahil ginawa niya naman lahat ng kanyang best kaya naman malugod niyang tinanggap ang kanyang pagkatalo at inisip niyang mas gagalingan niya pa ulit sa susunod para matalo na niya si Zoidus.

Wakas...

Petsang Inumpisahan at Tinapos:
May 08, 2021

Continue Reading

You'll Also Like

68.5K 3.6K 30
๐Ÿฅคแ€„แ€ซแ€ทแ€›แ€ฒแ€ทแ€€แ€šแ€บแ€แ€„แ€บแ€›แ€พแ€„แ€บ แ€กแ€œแ€„แ€บแ€ธแ€แ€”แ€บแ€ธ๐Ÿฅค ๐ŸŽŸ๏ธ๐“๐ก๐ž ๐‹๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ž๐Ÿ ๐Œ๐ฒ ๐’๐š๐ฏ๐ข๐จ๐ซ๐ŸŽŸ๏ธ แ€”แ€พแ€…แ€บแ€–แ€€แ€บแ€™แ€ญแ€˜แ€แ€ฝแ€ฑแ€žแ€˜แ€ฑแ€ฌแ€แ€ฐแ€แ€ฒแ€ท แ€œแ€€แ€บแ€‘แ€•แ€บแ€•แ€ฝแ€ฒแ€™แ€ญแ€ฏแ€ท... แ€€แ€ญแ€ฏแ€€แ€ญแ€ฏ แ€‘แ€šแ€ทแ€บแ€€แ€ญแ€ฏแ€™แ€แ€ปแ€…แ€บแ€œแ€ฒแ€›แ€•แ€ซแ€แ€šแ€บ... ...
40.2K 2.4K 22
๐๐จ๐จ๐ค # ๐Ÿ ๐จ๐Ÿ ๐“๐ก๐ž ๐‘๐š๐š๐ณ ๐ฌ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ. Love or betrayal? Consumption of betrayals. Internal betrayal? Yes! Will they be overcome? Or W...
45.4K 1.4K 33
Haruno Sakura finds herself falsely accused of murder and unwillingly became an Akatsuki member. Seeking justice for herself, she accepts Sasuke's 'c...
275K 13.5K 61
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...