NS 14: PRINCE IN COLD ARMOR ✔

By AshQian

114K 4.9K 423

For the people who knew her, Yvonne's life is a lonely painting. The canvass, the colors of paints, and her f... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
DENOUEMENT

Chapter 7

3.6K 161 4
By AshQian

Banayad na umiling si Yvonne at ngumiti na lang. Napapadalas na ang pagiging tulala niya habang nasa harap ng canvass. Kung dati natatapos niya sa loob ng isang araw ang kanyang painting ngayon ay inaabot na siya ng tatlong araw bago niya mailapat ang buong detalye. Pilit kasing umaagaw sa utak niya si Prince Raxiine.

Tumayo siya at nilapitan ang painting ng lalaki. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito roon. Ang mukhang iyon na kahit hinulma niya lang sa pamamagitan ng kulay at tinta ay may kakayahan pa ring patigilin ang kanyang paghinga.

Before, she treasured the moment of silence thinking the wonders of sceneries around her. But now, that silence she used to keep becomes a world full of him and his memories. Ngumuso siya at ibinaling ang tingin sa portrait ni Kate na katabi lamang. Doon ay napangiti naman siya dahil sa alaala ng kasiyahan habang magkasama sila ng bata.

Mahihinang katok sa pinto ang nagpatigil sa pagmumuni-muni niya. Dagling tinungo ng dalaga ang pintuan at binuksan.

"Dad?"

"We need to talk, Yvonne," nasa anyo at boses ni Johan ang pagkabalisa.

"About what, Dad?" nagtataka niyang tanong. Bumundol ang kaba. May nangyari ba sa kapatid niya? Baka nadisgrasya na naman. Noong huli ay nalaman na lang nilang na-hospital dahil muntik nang mabalian ng binti dahil sa extreme sports.

"Follow me."  Her father gestured the study room downstairs and led the way.

Sumunod siya sa ama. Nadatnan nila sa loob ng silid ang Mommy niyang halata rin ang ligalig sa mukha. Mailap ang mga mata nito at hindi makatingin sa kanya. Naupo siya sa kabukod na sofa habang ang mga magulang ay magkatabi sa couch na na nasa kabilang ibayo ng centertable.

"Dumalo ka ba sa prince's ball?" tanong ni Johan.

"Opo, dumalo po ako."

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang.

"Anak, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol dito at kung nagdesisyon akong hindi man lang hiningi ang opinyon mo."

"Tungkol saan po ba, Dad?"

"Ikaw ang ipinalit ko kay Yvienne bilang potential bride ng prinsepe."

Tumigil ang patak ng oras sa paligid niya. Pati buong sistema niya ay huminto. Ang kanyang hininga, ang tibok ng kanyang puso ay tila nasadlak sa gapos. Hindi niya gaanong binigyan ng pansin ang sinabi ni Prince Raxiine noong gabi ng ball. Inisip niyang pakulo lamang iyon ng lalaki lalo pa at una na nitong binanggit na ginawa nito iyon para makaiwas sa kakulitan ng mga babaeng nakatakda para rito.

"Dad..." pumiyok ang boses niyang naginginig. Hindi makapaniwalang nagawa siyang ipagkanulo ng mga magulang.

"Yvonne, darling...may ipinadalang mensahe ang Andromida Conglomerate kanina lang. Ikaw ang napili ng prinsepe at inutos niyang doon ka na tumira pansamantala sa Ragenei Castle. Sisimulan na raw ang  training mo bilang prinsesa bago ang kasal ninyo. Baka bukas may darating na delegate mula sa kaharian nila para sunduin ka."

"Mom, Dad, paaalisin ninyo ako rito? Hindi po pwede! Nandito ang buhay ko! Masyadong superficial iyang arrange marriage na iyan. Mahal ba ako ng prinsepe? Siguradong hindi. At paano ang mga babae niya roon sa Ragenei? Hindi bawal sa kanya ang magkaroon ng mistress. Parte iyon ng kultura nila. Hindi ako para roon," mariin niyang pahayag.

"Anak, tumanggi na ang kapatid mo. Wala na akong mukhang maihaharap sa prinsepe kung pati ikaw ay tatanggi pa," mabilis na agap ni Johan.

Umiling siya. She had trouble absorbing this whole thing. Pero malinaw sa kanya kung anong gusto niya. Hindi mahirap mahalin ang prinsepe. Ngunit hindi siya magpapakatanga para lang pasukin ang buhay na alam niyang hindi para sa kanya. She lived to paint and to tell stories through the beauty of creations. Hindi niya iyon bibitawan.

"No, Dad! Ayaw ko..." nabilaukan siya nang lumitaw sa pintuan ang malaking bulto ng lalaking laman ng pag-uusap nila.

Prince Raxiine of Ragenei blocked the entire frame of the door like a viking warrior. His smolthering eyes locked on her, buckling her knees and fastened her feet on the floor. What is he doing here?

"Your highness!" gimbal na bulalas ng kanyang mga magulang.

His glare slowly drifted towards her parents on the other side. "I'm here to collect my bride, Johan. The notice you received earlier came off late."

"Of course, your highness. My daughter is ready. We've just having discussion about your wedding when you came in."

"Dad!" she tried to protist but realized it will be useless.

"Good." Tumango ang prinsepe at muling bumaling sa kanya. Ang kamay nitong nakahawak sa hamba ng pinto ay tila higanteng kuko ng isang agila. Tiyak wala siyang takas oras na bihag siya nito.

Pigil-pigil niya ang pagpatak ng mga luha nang lapitan siya ng kanyang Mommy. Niyakap siya nito at hinaplos ang kanyang likod.

"You'll be okay," alo nito.

But how? She didn't know anything of the life she wouldn't even considering to live?

"Higness, my apology that you have to pick her up personally. Akala namin may darating na delegate mula sa Ragenei," muling nagsalita ang Daddy niya.

Inalis ng prinsepe ang kamay sa hamba at hinulog sa bulsa ng pantalon nito. The white heavy jackets defined the strength of his broad shoulders weighing down to his impressive build. He has the command in every stroke of his words and actions.

"No worries, Johan. Besides, she is worth a trip." Pansin niya ang pagtatagis nito ng mga bagang habang nagsasalita.

He must have known and he is probably upset. Pero dapat naisip din nitong hindi niya igigiit ang sarili kung sino siya lalo pa at hindi naman siya interesadong maging isa sa mga potential brides nito o ang mapabilang sa harem ng babae nito sa Ragenei.

"M-mag-iimpake lang ako," mahina niyang sabi.

"No need, I can provide you with everything at Ragenei. We'll have to catch a flight in less than twenty minutes." Emphasizing his point by showing her the wristwatch he is wearing.

"Hindi rin ba ako pwedeng magbihis man lang?" sikmat niyang sinipat ang sarili.

Goodness, nakapajama pa rin siya. Anong iniisip nito? Pupunta siya ng airport na ganoon ang tindig niya? Baka pagkamalan siyang tumakas sa mental hospital.

"You'll have wardrobe in my plane, change outfit anytime you want while on board."

Nagkuyom siya ng mga kamao. This man has everything prepared. When he caught her hand and pulled her, she gave up all the chances of fighting for her luck. Lalo lang siyang natilihan pagdating sa labas nang makitang napapaligiran ng mga army nito ang buong bahay nila. He brought almost half of his forces to ensure that she can't escape.

Hinayaan siya nitong magpaalam sa mga magulang. Niyakap niya ang mga ito. Kataka-takang ayaw makisama ng mga luha niya kahit umiiyak na ang kanyang kalooban. Nangibabaw sa kanya ang galit ngayon. Sa kabila ng yaman at impluwensya nila sa Yala, kitang-kita niya ang kawalan nila ng magawa laban sa isang Andromida. Nagmistula silang maliit na batong nakadikit sa isang dambuhalang bundok.

"We'll be off, Johan," nagpaalam ito sa mga magulang niya.

Hindi niya na sinubukang dungawin ang tahanang iniwan habang lulan ng helicopter sa himpapawid. Deretson sa kawalan ang mga mata niya. Sa unang pagkakataon naging hungkag ang tanawin sa kanya.

"Fix your face, it's annoying."

His rough voice crossed over the headphones she's wearing but she ignored him.

"Why don't you tell me straight? Ayaw mo sa akin?" hamon nito.

"Papakawalan mo ba ako kung sasabihin ko?"

"No."

Suminghap siya at pinilipit ang mga kamay sa kandungan. "I'm not saying that I don't like you. But becoming your wife is not meant for me."

"So, you like me?"

"Hindi mo ako sineseryoso, kamahalan."

"I'm always serious when it comes to bullying you, BlueLily. May utang ka sa Ragenei. You fooled their Crowned Prince. Kung hahatulan ka base sa batas doon, pwede kang pugutan ng ulo."

"Tinatakot mo ako?"

"Hindi. Alam kong matapang ka kaya hindi iyon ang parusang ibibigay ko. I'll make you the Crowned Princess and see to it that you get the fair attention you hated the most."

Nakipagsukatan siya rito at nakita niya ang aliw sa titig ng lalaki. Wala talaga siyang panalo. Sa maikling panahon na nagkasama sila ay kabisado na agad siya nito. Wala na siyang choice kundi ang humingi ng tulong kay Yvienne.

Sa airport ng Puerto Luiza nakalapag ang private airplane nito. Hindi lang dalawa kundi tatlong airbus, nakatatak ang flag ng Afro Ragenei at ang mismong logo ng Crowned Prince. Hindi niya maitikom ang bibig sa pagkamangha. Nakahilera sa gilid ng daraanan nila sa VIP hallway ang mga tauhan at royal attendants ng prinsepe. Kulang na lang ay saluhin ang mga paa niya para maisampa siya sa loob ng eroplano.

Pagdating sa looban ay may sariling salon at boutique kungsaan siya pipili ng maisusuot at mag-aayos ng sarili. Kompleto sa personnel. Ang cabin na pahingahan ay dinaig ang six star hotel ng mundo. Mayroong fine dining na umaapaw ang masagang pagkain.

Nahawi ang makapal at kulay Maroon na tabing at lumabas siya mula sa dressing area ng boutique. Suot niya ang asul na gown na gawa sa mga replica ng balahibo ng katutubong ibong Pupu ng Afro Ragenei. Backless at may slit na abot sa gitna ng kanyang hita. Katerno niyon ang headband na tila koronang balahibo at kumikinang ang mga diyamante. Ang buhok niyang nakabagsak sa kanyang likod ay mistulang sutlang alon na kakulay ng gabi.

Wala siyang sapatos o kahit sandals ngunit nakabalot ng mamahaling tela ang kanyang mga paa. Mula roon ay naaamoy niya ang halimuyak ng mga bulaklak sa pabangong ibinuhos doon ng royal attendants.

Nagtungo siya sa harapan ng prinsepeng kampanteng nakaupo sa couch. Pang-tatlong bihis na niya iyon. Ang dalawang damit na nauna ay hindi nito nagustuhan. Nag-angat ng tingin ang lalaki mula sa binabasang magazine at hinagod siya ng malagkit na titig mula sa kanyang mga paa paakyat sa kanyang ulo.
Napapitlag siya ng dumampi sa nakahantad niyang hita ang mga daliri nitong tila nagsisindi ng boltahe ng kuryente.

He raised an eyebrow. "Get used to my touch, woman. You are mine, every inch of your skin is mine."

Nilunok na lamang niya ang piping paghihimagsik at hinayaan itong haplusin ang sensitibo niyang balat pababa sa kanyang binti. Napupugto ang hininga niya sa kiliting nararamdaman. Ang pag-angat ng pagnanasa sa mga mata nito ay indikasyon na nagustuhan nito ang ginagawa at nagbibigay iyon ng kilabot sa kanya.

"Highness..." sinubukan niyang umurong palayo ngunit hinawakan nito ang binti niya. Muntik na siyang matumba.

He held her tight and put her in place.
Pumitik ang daliri nito at anim na lady in waiting ang mabilis na lumapit sa kanila.

"Bring the princess to her cabin and prepare her snacks," utos nito. "I'll be in the cockpit if you need anything." He stood up and turned towards the door after giving her a cold glance.

Nanunuot sa laman niya ang mala-karayom na talim ng sensasyong iniwan nito sa kanyang balat. Hinabol niya ng tanaw ang lalaking naglalakad palabas hanggang sa pumakabilang pinto ito ngunit nanatili sa kanyang balintataw ang malapad nitong likod at tindig nitong magiging kulungan niya.

Bumaling siya sa anim na attendants na matiyagang naghihintay sa kanya. Hudyat iyon para sa mga ito. Tinangay siya ng anim sa kanyang cabin na may sariling dining table. Habang nakaupo siya sa kama at ang mga kamao ay nilulubog sa lambot niyon ay abala ang mga ito sa paghahanda ng kanyang miryenda.

"I'm not yet hungry. Can you please leave me for a moment?" may pakiusap sa kanyang tono.

Tumingin sa kanya ang mga ito at yumuko habang nakadiin sa dibdib ang kamay tanda ng paggalang. Tahimik na lumabas ang mga ito. Hindi pa man din nagsara ang pinto ay nabulid na ang mga luha niya pababa sa kanyang pisngi. Ang takot at desperasyon ay ngayon lang tuluyang lumukob sa kanya. Wala siyang magawa. Natatakot siya sa lalaking iyon. Hindi lang pamilya niya ang kayang lamunin ng kapangyarihan nito kundi pati ang kanyang kalayaan.

Ibinagsak niya ang sarili sa higaan at nanangis.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...