His Endgame [COMPLETED]

Av privatehizei

370K 14.8K 1.7K

Ever since they were little, he has this confusion feelings towards to that innocent looking boy. Growing up... Mer

His Endgame
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Epilogue 2.0
a letter for u
Special Chapter

Chapter 13

9.7K 434 22
Av privatehizei

Soren


Nagising ako bandang ala una ng tanghali. Kinusot ko ang aking mga mata bago bumaba. Naka-amoy ako ng mabangong amoy na nanggagaling sa kusina na agad kong sinundan.


Nagulat ako ng makita si Kiel. Nakatalikod siya mula sakin at siya ang nagluluto.


"K-Kiel..." biglaan kong pag tawag dito.


'Tsaka ko lang napansin na naka uniform pa ito. Talagang namamangha parin ako kapag suot suot niya ang uniform niya. He looks mighty. Nakakatakot tuloy lapitan.


Humarap siya sakin. "You're awake," he stated. "Let's eat."


"Ikaw nagluto niyan?" Turo ko doon sa mangkok. Sinigang pala 'yon kaya mabango ang amoy. Paborito ko kasi.


"No. I just got out from a meeting. Binili ko at pinainit kasi lumamig. I can't cook so..." napangiwi ito.


"Ah, okay lang! Sana hindi ka na nag abala. Kakagaling mo lang pala ng meeting..." pinasadahan ko ulit siya ng tingin at maliit na ngumiti.


"I told you. I'm gonna take care of you." I stood still when he touched my waist and kissed my forehead then walk towards to the table, leaving me dumbfounded. "Soren?" He called me.


Natauhan ako at pinamulahan ng pisngi. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. Why would he do that?! Hindi niya naman kailangang gawin 'yon! Hindi naman ako ang humalik but I'm so embarrased right now!


"That's all?" Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa plato ko. Napatingin rin tuloy ako. Konti lang ang kinuha kong kanin dahil wala akong gana. "You need to eat more, Soren. Hindi pwedeng ganito."


Then he start adding rice and sinigang into my plate. "T-Teka, andami naman niyan! Hindi ko kayang ubusin 'yan!"


"Yes, you can. Konti lang ang kinain mo kaninang umaga." Mariin niya akong tinignan na kinaiwas ko lang ng tingin.


Napayuko ako at kumain nalang. Hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya. He look so stressed. Hindi ba talaga siya nagpapahinga? I can see his dark circles from here! Huminga ako ng malalim at mabilis na inubos ang pagkain.


Pagkatapos ay nagpumilit ako na ako na ang mag hugas pero hindi niya ako hinayaan. He said that I should rest. Kakagising ko lang tapos rest na naman? Ewan ko sa lalaking 'to. Mas kailangan niya ata ng rest kesa sakin.


"Kiel..." I called him. Tinatanggal nito ang uniform nito kaya tumambad sakin ang military shirt niya. Kahit gano'n, sobrang hot niya parin tignan! Mas lalong nadepina ang kanyang mga muscles at abs!


"Yes, hun?" Natigil ako sa pagpapantasya at tumikhim.


"Hindi mo na kailangang pumunta dito. I get it, okay? Busy ka sa trabaho mo, you're a general so I understand. And... may fianceé ka na. You should settle things with her so you'll be in good terms." Mahinahon kong sambit.


"So ayos lang sayo na lumaki ang bata na walang ama?" Nag salubong ang kilay nito. Sumandal ito sa pader habang seryosong nakatingin sakin.


"Well..." to be honest, ayoko. I want my child to grow up with a complete family pero kung ganito lang rin naman, ano pang laban ko 'di ba? I'm just a commoner. And he have a fianceé, no one can change that.


He shooked his head. "Don't argue this matter with me anymore, Soren. My decision is final." He firmly said.


Napanguso ako at pinaglaruan ang mga daliri. "May fianceé ka..."


"Shut up." Inis niyang sambit at kinuha 'yung malaking bag na nasa may pinto. "I'm going to take a shower. Tell me if you're going somewhere." Tinitigan niya ako bago siya umakyat sa bahay.


Natulala naman ako mag isa dito. What should I do? Hindi ko naman akalain na mangyayari 'to. Tapos siya pa 'yung ama ng dinadala ko. I didn't know how stubborn he is. But I know when his words are final and cannot be broken. Alam kong tototohanin niya na aalagan niya ako o kung ano pa man. Ano nalang sasabihin ni Tito?


I know he won't notice at first but... what if he found out? I heard that he's kinda hated gay. I don't know if that's true and I'm not sure. Paano nga kung totoo? Baka may gawin saking masama si Tito. Worst, he'll kill me. I'm his butler and I've been working for him for years so I know what life rotates around him. Siguro nga'y ganoon rin sa mga anak niya. I would not be surprised if Kiel's like that too.


But they won't kill unless it's necessary.


Ano kayang magiging reaksyon ng magkakapatid kapag nalaman nila? They knew I'm gay but be pregnant with Kiel's child? What kind of bullshit is that, right? If everyone found out about that this, they'll surely freaked out. They will say bad things about me and I don't want that. Kaya ayoko munang ipagsabi sa iba.


Yes, carriers are normal and it's rare pero hindi parin maiiwasan ang mga taong mapanghusga. They called us "abnormal" and "salot" then they will looked at us with full of disgust. Kaya talagang hindi ko rin pinagkakalat that I am a carrier. Since it's rare, many scientists would just knock into our house, asking if we can be their test subject. How absurd, right?


Kaya hindi rin biro ang buhay ng isang carrier.


Kung pwede nga lang ay tumira muna ako sa malayo, 'yung lugar kung saan kunti lang ang tao. So I can find peace.


Pagkatapos mag isip isip, umakyat ako sa kwarto para kunin ang aking laptop. Nagulat ako ng makita si Kiel na kakalabas lang ng banyo. Nakatapis ang pangibaba nito ng tuwalya habang pinupunasan niya ang kanyang buhok. I gulped hard.


Mabilis akong nag iwas ng tingin kahit pulang pula na ang mga pisngi.


"You only have one room?" Tanong niya.


"Y-Yeah."


Hindi kasi ako sanay na may nakikitulog dito sa bahay. Hindi naman sa ayaw ko. Hindi rin talaga ako mahilig mag imbita ng tao dito. Ang mga barumbado niya lang na kapatid ang napunta dito kahit hindi ko naman sila pinapayagan. Kahit nga si Ream, hindi nakakapunta dito.


"Can I sleep in your room, then?" Mabilis akong napalingon sa kanya. Hindi na naman sinasadya na mapatingin sa nasa ibaba niya kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.


Feeling ko sasabog na ako!


"Maliit lang 'yung kama ko."


"It's fine."


Tumango ako. "S-Sige. Kunin ko lang 'yung laptop." Tumango rin siya kaya mabilis akong nag tungo sa kwarto para kunin ang laptop. Hindi ko narin siya pinansin paglabas at pagbaba ko ng hagdan.


Gumawa ako ng resignation letter. Bukas ay ibibigay ko 'to kay Tito. Walang kasiguraduhan na mabubuhay ako kaya mabuti ng maaga palang ay makapagbigay na ako. At para rin makahanap ng bagong butler si Tito. Kung palarin man akong mabuhay, mas gugustuhin kong ituon ang sarili sa aking anak.


Kinagabihan, hindi ko napansin na bumaba si Kiel kaya tinignan ko ang kwarto. My heart melted when I saw him sleeping peacefully. Gusto ko sana sabay kami kumain pero alam kong pagod na pagod siya. Iniwan at tinakluban ko nalang ang pagkain.


Hindi ko maiwasang mapangiti ng makitang nag iwan siya ng pwesto para makahiga ako. Mabuti nalang medyo mahaba ang kama kaya kasya parin siya. Napahikab ako bago humiga sa tabi niya.


Kinabukasan, hindi ko nakita si Kiel. Nilibot ko ang bahay pero hindi ko siya makita. Nakita ko ang pagkain na nasa lamesa. Sunny side up egg lang ito at kanin. I smiled for no reason.


Kinain ko 'yon at napangiwi ng malasahan ang alat. Sobrang alat! Isang kutsara ata ang nilagay niya dito! Mabilis kong sinuka 'yon sa lababo at uminom ng malamig na tubig. I don't want to waste his effort pero hindi ko talaga kayang kainin. Baka samain lang ako pati ang baby.


Pinakain ko nalang 'yon sa aspin na nasa labas at nag luto nalang ulit ng panibagong sunny side up.


Pagkatapos kumain, saktong bumukas ang pinto at nakita ko si Kiel na naka sweat pants at naka-sando. May towel pang nakasabit sa balikat nito. Pawisan siya at namamasa narin ang sando dahil sa pawis.


Halos tumulo ang laway ko sa nakita.


"Good morning hun..." bati niya ng makita ako. "Have you eaten?"


I blinked numerous times. "Y-Yes."


"Mhm. Does it taste good?"


"Ang alin?"


"The sunny side up."


Natanga ako sa kanya. "Uh..."


"Please be honest with me."


I sighed. "Masyadong maalat kaya pinakain ko sa aso sa labas."


Siya naman ang napabuntong hininga. Napakamot ito sa kanyang batok. "I'm really sorry. Hindi talaga ako marunong mag luto... but I will try."


"Bahala ka," natatawa kong sambit. "May meeting ka ba ngayon?"


"Hmm, I don't think so. Why? Are you going somewhere?" Kinuha niya ang towel sa balikat at pinunasan ang kanyang pawis sa mukha. "I'm sorry. Nag jogging ako kanina. Do I smell bad? Should I take a shower?"


Mabilis akong umiling. "H-Hindi na. Wala naman akong naaamoy," lies. He doesn't smell bad. Actually he smell so good. Nabalutan na nga ng amoy niya ang buong bahay and I'm not complaining about it. "Pupunta akong mansion mamaya. I'll talk to Tito."


"Okay. Is it about our baby?"


Natigilan ako. "Hindi, Kiel. I'm going to resign."


Sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri. "Then I'll drive you there. I have nothing to do."


Tumango tango ako. "Maliligo lang ako. Gusto ko ring mag grocery. Naubusan na ako ng stock."


"Sure."


Walang nagsasalita sa amin hanggang makarating sa mansion. Dala dala ang resignation letter, pumasok kami sa loob. Nakita ko si Mirror na palabas narin sana ng mansion at nagulat nang makita ako. Mabilis siyang ngumiti at lumapit sakin.


"Soren! How are you? Sorry hindi kita nabisita. I've been busy." Napakamot ito sa batok.


"Ayos lang. Hindi rin naman ako nag tagal sa hospital."


"So, you're okay now?" Tumango ako. "Great! Are you free? We could drink coffee outside."


Nag alinlangan ako.


"He's busy." Napatingin ako kay Kiel. Ganoon rin si Mirror at napangisi.


"Really? Well, that's too bad. Next time, then?"


"Ye—"


"There will be no next time. Fuck off, Auclair." Madiing sambit ni Kiel at hinila ako papunta sa loob.


"Teka! Aray!" Mabilis niyang binitawan ang pagkahawak sakin at napabuntong hininga.


"I'm sorry." He whispered while caressing my wrist.


"O-Okay lang. Bakit naman sinabi mo 'yon kay Mirror? Magkaaway ba kayo?"


He frowned. "No."


"Bakit mo sinabi 'yon? Wala namang kaso sakin kung ayain niya ako sa labas. Wala narin naman akong gagawin kasi wala akong trabaho." Napahawak ako sa aking baba habang nagiisip. "Akala ko ba friends kayo?"


"We are. That's just how we treat each other." He looks deadly. He clenched his jaw before turning his back on me. "Ibigay mo na ang resignation letter. I'm gonna wait for you in the garden."


Tumango ako. Mabilis akong nag punta sa office ni Tito. Ngumiti ito ng makita akong pumasok.


"Oh, Soren! I'm glad you're okay!" Mabilis itong lumapit at niyakap ako. "Pasensya na at hindi na kita nadalaw. Upo ka. Do you want some tea? Water?" Mahina akong natawa atsaka umupo.


"I'm fine, Tito. May gusto lang po akong ibigay sa inyo." Nilahad ko sa kanya ang resignation letter.


Pinakititigan 'yon ni Tito bago tinanggap.


"I'm really sorry, Tito, but I'll resign. I need to. Alam kong marami na kayong nagawa para sa akin lalo na sa pamilya ko and I'm super thankful to you. Sobrang nagpapasalamat po ako dahil sa inyo. You gave me everything I need. I want to serve you until the end but something important happened and I need to resign."


"Can you tell me why?"


Yumuko ako. "I'm sorry but I can't. This is unprofessional and I'm sorry."


Mahinang natawa si Tito. "No, no, it's okay. It's kinda sad you're resigning but you won't do this for something useless. I understand, Soren. I'll accept your resignation."


I smiled at him then he hugged me.


Fortsett Ć„ les

You'll Also Like

241K 13.9K 49
(Numero Series #2) "Magiging CPA rin ako" is the personal mantra of Crist Second Estevar. To be a Certified Public Accountant is his priority. He's p...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...