You're My Favorite Model

By Novellezza

1.7K 1.4K 1.2K

Satana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may is... More

#YMFM
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
You're My Favorite Model

Prologue

93 51 82
By Novellezza

"Kailangan na nating umalis dito," sabi ni mama habang hawak ang dalawang maleta.

Hinila ako ni mama palayo kay papa. Hindi ko sila maintindihan dahil masyado  pa akong bata. Wala akong alam sa nangyayare. Ano nga ba ang nangyayare?

Naglakad kami patungo sa sasakyqn at binuksan iyon tapos ay sumakay na kami ni mama sa van nakita ko na andoon din sila ate. Hanggang sa nakarating kami sa malaking bahay pero wala masyadong  kapitbahay. Hindi ako pamilyar doon, dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay.

Nanatili lang akong tahimik at pinapnood sila mama sa ginagawa nila. Napatingin na lamang ako sa paligid. Okay naman dito maaliwas,maganda maglaro at higit sa lahat walang marites. Kaya lang wala naman akong kalaro pero sanay naman na ako noon, na walang kalaro. Bumaba ako ng sasakyan habang nakatingin sa mukhang palasyo ang bahay.

"Malaki ba Brie?"tanong ni mama habang buhat ang kaonting gamit. Tumango lamang ako bilang sagot kay mama.

"Ito na ang magiging  bahay natin. Umalis tayo sa dati nating bahay dahil ayaw na ng papa mo sa atin. Wag ka sanang magalit sa akin. Eto ang tama," sabi ni mama sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango na lamang ako. Wala akong magagawa andito na kami. Hiwalay na talaga sila mama at papa at wala na akong magagawa doon.

"Sige po ma,"sabi ko nalang at tumuloy nang pumasok sa malaking bahay. Pagtapak ko pa lamang ay parang yayamanin na talaga ang bahay. Marmol ang tiles at sobrang kintab na parang naging salamin na dahil makikita mo ang sarili mo. Mayaman ba kami? Diba hindi naman? Nagtulong-tulong lang siguro talaga sila ate dito, para dito kami malipat.

May napansin ako sa labas at may nakita akong bata, pero hindi ko siya pinansin dahil wala akong paki-alam sa kaniya, dahil mas gusto  ko maging mapag-isa.

"Hoy! Ako si Rune," sabi niya at iniabot ang isang pirasong candy pero hindi ko kinuha yon, kaya linapag na lamang sa harapan ko.

"Nako naman kaibigan na nga linalayuan pa" sabi niya sa akin at umiling iling. Pinanood ko lamang ang mga kinilos siya at ramdam ko sa mukha ko na poker face lang ako. Ngunit dahil hindi ko siya pinansin ay iniwan niya na lamang ako sa kinakatayuan ko.
Naglakad patungo sa bike niya at lumayo na.

Bakit niya naman ako binigyan ng candy? Para saan 'to? Kinuha ko 'yon, at tinignan ang tatak ng candy. Hindi ko kilala ang candy na ito pero mukha namang masarap.

Naglakad ako papunta sa tapunan ng basura sa amin at binato yon doon, pero para akong nakonsensya dahil may nga taong nagugutuman. Kaya bumalik ako at kinuha ko 'yon, at inilagay nalang muna sa bulsa ko. Hindi pa naman madumi ang basurahan na iyon dahil kakabili pa lamang non at wala pang natatapon doon. Pagkatapos non ay pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Napadaan ako sa kusina at nakita ko sila mama sa mesa at nag uusap-usap sila.

"Ilipat na natin siya ng school," rinig ko sa usapan nila mama pinanood ko sila. Hindi ko na pala makakasama ang mga naging kaklase ko dati. Ililipat ako ng school? Saan naman kaya? Hindi na ako sa dati kong school?

Ilang araw ang lumipas ay nagiging ka close ko na si Rune,dahil masyado siyang makulit. Napapasaya niya na ako. Wala kasi masyadong  tao rito. Siya lang ang dumadayo para makipag-laro sa akin na appreciate ko naman lahat ng effort niya na dumayo rito sa amin kahit kalayuan.

Tinatawag niya akong demonya dahil sa pangalan ko. Hinayaan ko nalang muna yon kasi parang totoo naman ngunit  ilang araw ang lumipas ay nanibago ako dahil hindi na siya bumalik pa rito. Kaya bumalik ako sa pagiging tahimik at hindi lumalabas ng bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

54.7K 1.1K 33
Mayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afrai...
1.1M 29.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
3.5K 214 55
Bestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided...
7.2K 133 42
Si Aphrodite Allure ay ang pinaka magandang babae kuno sa buong bayan ng La Union. The elegant Allure like her is making the men in town became crazy...