Their Chasing Souls

By issawandablue

13.9K 898 150

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 33: Encounter

165 12 2
By issawandablue

Gusto ko lang sana magpasalamat sa mga readers ng CAY na patuloy pa rin ang supporta. This chapter is dedicated to JewelPerez8 kasi nabitin raw siya sa last update.

Thank you guys! Kung may oras kayo ay sana suportahan niyo rin ang new story ko entitled Pisces vs. Aries. Matagal ko na siya naumpisahan pero now ko lang napagpatuloy. Check it out. Thank you ulit!

Yna's POV

Nag-aya na agad si Luna na bumalik sa mga tent namin pagkatapos ng talent night pero hindi pa rin bumabalik si Viel matapos niya magpaalam magbanyo.

Nagalok naman ang kumag and friends na ihatid kami pero bigla silang inutusan nung isang instructor na magligpit ng mga gamit at maglinis sa pinagdausan ng talent night.

"Asan na yun?" Nag-aalalang tanong ni Luna.

Kanina pa namin hinahanap si Viel pero hindi pa rin namin makita.

Pinuntahan na rin namin siya sa banyo pero wala naman siya ron.

Nahihilo na ako sa pabalik-balik na lakad ni Luna. "Ano, sabihin na kaya natin kila Ely o kaya kay Zeke? Baka napano na yun."

"Baka naman nasa tabi-tabi yun nagbabawas bakla. Baka naghahanap ng nature feels." Wika ni Gabby pero hinampas lang siya ni Luna at sinamaan ng tingin.

"Mas maganda sigurong maghiwa-hiwalay tayo. Basta wag tayo lalagpas sa camp." Suhestiyon ko. Sumang-ayon naman sila.

Una akong naghanap sa may bukana ng camp pero sa hindi inaasahan ay bumungad sa akin ang isang sugatang lalaki. Hindi ko masyado makita kung napuruhan ba siya pero parang may kung anong matalim na bagay ang tumusok sa tagiliran niya.

Lalapitan ko na sana siya nang may marinig akong mga yabag. Agad akong nagtago sa likod ng puno.

"Ano Lyra, napuruhan mo ba?" Tanong ng isang boses lalaki.

Pinilit kong silipin kung sino ang mga iyon. Puro mga nakaitim ang kanilang suot at natatabunan ng itim na bandana ang kanilang bibig.

Ang isa ay babae na naka black fitted metallic jumpsuit na walang manggas at black combat shoes. May bagsak at abot beywang na buhok, matangkad at maganda rin ang hubog ng katawan. Ang isa naman ay lalaki. Nakasuot siya ng white sando at black vest, black fitted pants at combat shoes. Matangkad rin at maganda ang pangangatawan.

Agad lumapit ang babae at hinigit ang bagay na nakatusok sa tagiliran ng sugatang lalaki at napasigaw ito sa sakit.

"Mukhang mabubuhay pa 'to." Sagot niya.

"Mabuti, kailangan pa natin siya. Pero sa susunod ay wag ka nang gumamait ng punyal."

Narinig ko naman humalakhak ang babae. "Napakahina mo naman Aries. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin kayang kumitil ng buhay. Isang simpleng punyal lang ang ginamit ko sa kanya."

"You shut up."

"Come on, this is better than guns. Hindi ako katulad ng kambal mo na gusto yata iparinig sa lahat ng narito ang ginagawa niya. "

Kinuha ng lalaki na nag-ngangalang Aries ang punyal sa kamay nito. Ngunit agad na sinunggaban ng sugatang lalaki ang babaeng nag-ngangalang Lyra at aambang sasaktan ito pero naunahan siya ni Lyra at sinukmuraan. Walang nagawa ang sugatang lalaki kundi magpagulong gulong sa sakit.

Kamuntikan pa akong mapasigaw pero biglang tinakpan ng hindi ko kilalang tao ang bibig ko. "You wanna die?" Aniya at umiling naman ako. Pamilyar ang boses niya. Nakaitim rin siya at may suot ring bandana tulad ni Lyra at Aries. Bigla akong kinabahan. "Ang hilig mo talaga sa gulo."

P-papatayin niya kaya ako?

"Hindi kita sasaktan." Aniya na para bang alam niya ang nasa isip ko. Bigla ko tuloy naisip kung isa ba siya sa kanila.

"Buhatin mo na yan." Rinig kong sabi ni Lyra.

"Inuutusan mo ba ako?" Sagot namin ni Aries.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagagawa ko silang tawagin sa pangalan nila in a first name basis. Pero hindi ko magawa dahil alam kong kaunting galaw ko ay maaring buhay ko ang kapalit.

"Achu!" Biglang yumanig ang mundo ko. Pakiramdan ko ay binibilang ko nalang ang nalalabing oras ng buhay ko. Bakit pa kasi ngayon ako nabahing.

"Narinig mo yun?"

"May tao." Sabi ni Aries at ramdam kong papalapit ang yabag niya sa pwesto namin.

Mamamatay na yata kami. Shit.

"Get out." Ma-awtoridad na sabi nung Aries. "Get out or I'll kill you." Halos namanhid ang buong katawan ko. Nakakatakot ang mga taong ito. Kung pwede sanang tumakbo ay gagawin ko. Pero hindi ko magawang gumalaw.

Narinig ko namamg humalakhak ulit si Lyra. "Really Aries? Kaya mo?" Tumawa mula ito pero hindi siya pinansin ni Aries.

Palapit na palapit siya sa pwesto namin. Kulang nalang ay magpakita ako para naman matapos na yung thrill ngunit nagulat ako nang biglang tumayo yung lalaking kasama ko, lumabas siya sa pinagtataguan namin at hinarap sila.

"Can you really kill me?" Tanong nito kay Aries. Hindi man kita ang mukha niya ay ramdam kong ngumisi siya.

"Anong ginagawa mo ron at bakit ka nagtatago? At isa pa, napakasakitin mo na yata ngayon?" Wika ni Aries.

"Well, hinahanap ko kayo. Marahil nga ay hindi ako sanay sa lugar na'to, masyadong malamig ang klima rito. Hindi ako sanay."

Nagugulat ako sa pangyayari. Sa paraan ng kanilang pag-uusap ay nasisigurado kong magkakakilala sila.

"Whatever. Buhatin mo yan, total narito ka na rin naman." Utos ni Aries sa kanya.

Pinilit ko ulit silipin ang ginagawa nila. Agad lumapit yung lalaking kasama ko kanina at binuhat ang wala nang malay na lalaking sugatan. Naunang maglakad papalayo yung Lyra at Aries.

Nakita ko pang nilingon ako nung lalaking kasama ko kanina saka sumunod sa mga ito.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay nakahinga na rin ako ng maluwag.

Sino sila at bakit nila ginagawa yon?

End of flashback.

"Uuuy! Tulala ka na naman." Nabalik ako sa ulirat nang tinabihan ako ni Luna. Inilapag niya yung mga order naming frappe at pasta.

Narito kami ngayon sa Cafe Avenue. Pagkatapos kasi namin dumating sa school galing Batangas ay nagaya itong si Luna na kumain muna kaya andito kami ngayon at dala dala ang mga gamit namin.

"Baka may iniisip lang Lunabels."

"Naku Gabby, ano naman iisipin niyan? Aah, kung sa bagay. Kaw ba naman kantahan tignan ko lang kung makatulog ka pa sa kakaisip." Humahagikhik ang dalawa saka nila nilantakan ang pasta.

Inirapan ko sila at sinimulang inumin ang frappe. Kagabi pa nila kasi ako tinutukso pero wala akong gana makipagdaldalan. Mas iniisip ko yung nangyari kagabi at nakita kong MIB, o tawagin nating men in black.

Hindi namin kasama si Viel dahil sinundo agad siya ng mommy niya. Hindi na rin siya pinilit ni Luna dahil medyo nag-aalala pa rin ito. Naabutan namin si Viel kagabi na nasa tent at nagpapahinga na pala. Nauna na raw kasi siya at masama ang pakiramdam niya. Kaya si Gabby naman ang kinaladkad ni Luna sa cafe.

"Grabe! Kailangan ko yata ng isang linggong pahinga." Si Luna.

"True ka diyan Lunabels, gusto ko matulog buong linggo. Nakakapagod yung trip na yon. Okay lang lahit hindi muna umawra!" Natawa naman ako kay Gabby. Matagal ko na siyang kilala dahil kaibigan rin siya ni Luna nung high school pero hindi kami gaanong naging close dahil nasa kabilang section siya.

Kung lalake itong si Gabby ay siguro tinutukso ko na sila ni Luna sa sobrang close nila. Gwapo kasi si Gabby, matalino at mabait rin. Hindi mo mahahalata sa itsurang may puso siyang babae. Lalake pa rin manamit at pormadong-pormado.

"Pano yan kung magtatrabaho ka na?" Tanong ko sabay lingon kay Luna.

"Eh wala pa ngang makitang trabaho. Ang baba nung sweldo ron sa mga shop saka gusto full time." Ngumiwi siya saka ininom yung strawberry frappe niya.

"May alam ako Lunabels, bagay ka don." Natatawang sabi ni Gabby.

"Asan naman? Oy Martinez, hindi ako nagbebenta ng katawan ah."

"Gaga, hindi ka pwede ron. Tignan mo naman bilbil mo. Iba to, may pinsan akong naghahanap ng tutor ng anak niya. Kaso nga lang tuwing Sabado tas tatlong oras lang kaya paniguradong hindi ganun kalakohan ang sweldo."

Napabuntong hininga naman si Luna at tinitgan si Gabby. "Oh sige na nga, papatusin ko na yang pag tutor, kailangan ko talaga eh."

"Oh sige, sabihan ko ang pinsan ko."

"At saka ka magtrabaho dito sa cafe." Biglang singit ko at lumingon naman sila sa akin. "Simula next week, papasok ka na rito sa Cafe Avenue Luna, mas mataas ang sahod nila rito kumpara ron sa dati mong trabaho."

Nanlaki ang mata ni Luna. "Ha? Joke ba yan? Wag ka nga!"

"Oo nga kulit. Basta itetext ko nalang sayo yung detalye mamaya."

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya, tumango ako at bigla niya akong niyakap. "The best ka talagang pasaway ka!" Aniya at hinalikan ako sa pisngi.

"Oh bongga! Andami mo raket Lunabels."

"At iyon ay dahil sa inyo. La sige magorder pa kayo sagot ko." Utos ni Luna kaya natawa naman kami. "Teka paano pala ako natanggap rito?" Hindi ako agad nakasagot.

Ang totoo niyan ay nagkausap kami ni Ely bago yung trip. Pinakiusapan ko siya kung pwede niyang ipasok si Luna sa cafe, pumayag naman siya at sinabing siya na raw bahala magpasok kay Luna.

"M-malalaman mo rin next week."

"Ay pasuspense ang tita niyo. Baka may kapit tong kaibigan mo kaya ka natanggap."

"Hahaha wala akong paki. Basta salamat talaga sa inyong dalawa. Umorder na kayo at sagot ko." Tinawag niya yung waiter at agad na nagorder.

Kung anu-ano pa ang napagkwentuhan namin. Paano ba naman ay andami naming inorder. Natawa nga ako sa huli dahil umabot ng isang libo ang bill ni Luna. Agad siyang nagsisi na nilibre pa raw niya kami.

***

Pagdating sa bahay ay si Manang Ging lang nadatnan ko. Wala pa si mommy at daddy. Si Kuya ay malamang ay kasama ang mga barkada. niya.

"Anong oras po uuwi sila mommy?

"Naku hija, kakatawag lang ng mommy mo at parating na raw sila. Magbihis ka na muna."

Agad akong nagtungo sa kwarto at nagbihis, bumalik ako sa sala at napansin ang dalawang plane tickets na nakapatong sa side tables.

"Manang?"

"Ano yon hija?"

"Para saan po ang tickets na'to?"

"Basahin mo nalang hija nang malaman mo." Wika ni manang at natawa pa ito.

"Kayo talaga Manang. Nagulat lang kasi ako. Bakit may tickets rito." Agad kong binuksan ang mga nakatuping papel at binasa iyon. "Aalis sila mommy at daddy? Biglaan naman yata."

"Baka may kinalaman sa negosyo niyo hija."

"Pero hindi naman po sumasama si mommy sa mga lakad na may kinalaman sa negosyo. Laging sila tito ang kasama ni daddy na nagaasikaso ng mga yon."

"Aba malay ko hija. Hindi naman nila sa akin sinabi. Mabuti pa ay antayin mo nalang ang mommy mo." Aniya at tumalikod. Napangiwi naman ako. Gino-goodtime yata ako ni Manang.

Pagkarating nila mommy ay agad ko siya tinanong. Pupunta raw sila ng Cebu dahil may aasikasuhin silang mahalagang bagay. Wala silang sinabi kung tungkol saan yon.

"Bukas ay maaga ang flight namin. Wala ka namang pasok bukas hanggang weekends kaya yayain mo nalang ang mga kaibigan mo na mag-overnight." Wika ni mommy

"Pwede naman ako sumama mommy, limang araw kaming walang pasok."

Nilapitan ako ni mommy at niyakap. "Baby, saglit lang naman kami ron. Saka hindi naman kami magbabakasyon ng daddy mo."

Kung saglit lang sila bakit ayaw nila ako isama? Wala naman akong balak maging pabigat.

"Kung hindi kayo pupunta ron para magbakasyon o para sa negosyo. Ano naman pong gagawin niyo?"

Hindi agad nakasagot si mommy. Biglang sumulpot si daddy at naupo sa sofa.

"Anak, wag ka nang makulit. Maghohoneymoon lang kami ng mommy mo." Aniya sabay kindat kay mommy. Ngumuso naman ako. Gusto kong magtampo pero masyado naman yatang childish ang gagawin ko.

Wala ring narating ang pagpupumilit ko. Kaya minabuti kong magpahinga nalang sa kwarto. Binabagabang pa rin ako sa isiping napapadalas yata ang pagsisikreto nila mommy sa akin
Alam kong mali pero minsan talaga hindi ko mapigilan ang maghinala.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...