We Said Never (City Series #3)

By jowybee

400K 17.4K 13.3K

City Series #3 Selena is afraid of commitment. Ezra is not looking for a new relationship. When these two end... More

We Said Never
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
End
Love, Syl

Chapter 7

9.5K 497 521
By jowybee

Huminga ako nang malalim habang tinititigan ang portal ko. Kanina ko pa sinend kay Papa yung amount na kailangang bayaran, pero hindi pa siya nagrereply.

Eto nanaman tayo sa clearance.

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
Hello are u ok?

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
Buhay ka pa ba?

Humiga ako sa kama ko at hindi pinansin ang notifications ng messages niya. Isang linggo na ang nakalipas nung huli naming kita sa bahay nila nung Valentine's day.. and I have no plan on seeing him again! Sobra sobra kaya ang pag-iwas ko sa Otto Hahn this week!

Ezra's been texting almost every day. Hindi ko pa rin siya nirereplyan. Mabuti na lang at palagi kaming maagang dinidismiss, at kung hindi naman, agad akong dumadaan sa kabilang pintuan kapag nakikita ko na si Ezra na naghihintay.

Ayoko yung naramdaman ko nung gabing 'yon. Ayoko yung pagka-lapit ng mukha namin. Ayoko nang maalala. Ayoko na isipin!

Napadilat ulit ako nang tumunog ang cellphone ko.

From: Papa
Nak sorry mahina tlg ung talyer ngyon

Nagbuntong hininga ako. Last week ko pa sinabi 'to kay Papa, alam ko namang sinubukan niyang maghanap ng pang tuition ko. I know he tried.

May ilang araw pa naman ako bago ang exams namin. Siguro naman magagawan pa 'to ng paraan. Makakahanap pa si Papa ng customers.

"Girl, tapos mo na yung homework natin sa ethics?" tanong ni Olivia sa akin. "Pakopya nga ako!"

"Tanga, sa akin ka pa nangopya," Umismid ako at tumawa. "Siyempre ako rin, wala pang nagagawa!"

"Hayop ka talaga." Tumawa rin siya at tumayo. "Nasa labas boyfriend mo. Kinausap ako bago ako pumasok dito sa classroom."

Kunot noo akong tumingin sa pintuan. Wala na pa yung prof namin dahil first subject palang namin at may ilang minuto pa bago magsimula ang klase.

Nang makita ako ni Ezra na nakatingin sa kaniya, lumunok ako at agad na umiwas ng tingin.

Napalingon na lang ako sa cellphone ko nang bigla 'yon tumunog.

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
I'm not leaving until you talk to me

To: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
Edi manigas ka jan

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
What did I do? Why are you GRRRRR >:(?

From: Ezekiel Raia (Do Not Reply)
Meron ka ba ngayon?

I slammed both my hands on the table and stood up. Agad akong naglakad palabas at humalukipkip sa harap ni Ezra.

"Ano ba? Pumasok ka na sa klase mo." Umiling ako. "Darating na prof namin."

"Why are you avoiding me?"

Suminghap ako at tinignan siya. Ayoko nga ito, eh! Kapag nararamdaman kong may feelings involved, ang usual na ginagawa ko ay nanggo-ghost! Hindi ko ba siya pwede i-ghost in peace?!

"Hindi kita iniiwasan."

"You are." Kumunot ang noo niya. "Ano ba problema?"

Lumunok ako. Gusto kong itigil na natin 'to. Ayoko na. Ayaw kong may idagdag sa listahan ng iniisip ko.

"Wala."

"Ena," Mariin niyang tawag sa pangalan ko.

I could already see other girls looking over at him as they walk past us. Of course. He's Ezra Noestro.

"Please, tell me? Magkaibigan tayo, diba?" He raised both his eyebrows, as if he was genuinely worried.

Tumikhim ako. Hindi naman ako magsisinungaling kung ibang problema ang sasabihin ko sa kanya.. pero isa rin naman sa mga dahilan kung bakit ayaw ko magpakita ay dahil nahihiya rin ako. May kaya si Ezra, may kaya pamilya nila.

Hindi naman siya matapobre. Pero pakiramdam ko hindi ako swak sa mundo nila. Eh, may kaya rin sina Theo. Malaki ang pangalan ng pamilya nila dito sa Baguio.

"Wala, inaantay ko lang tuition ko," mahina kong sabi.

"Bwisit, akala ko kung ano." He let out a breath and gave me a small smile. "Kung pera ang problema, wala 'yon. Akin na ID mo."

"Ez, wag na."

"Pambawi ko na 'to sa'yo, hindi ka nakapag-date noong Valentine's.." he chuckled. "Akin na ID mo, bayaran ko na sa baba tuition mo."

"Darating naman, eh.." Huminga ako nang malalim. "Inaantay ko lang si Papa."

"Ena, sige na. Please?" He grabbed my shoulders and turned me around. Bahagya niya akong tinulak paloob ng classroom. "Parating na prof niyo. H'wag mo na ako iwasan! Meet mo ako mamaya para dito sa ID at clearance mo."

Bago pa ako maka-angal ay umalis na agad siya kasama ang ID ko.

Nagbuntong hininga ako at bumalik sa upuan ko. The rest of the morning, sinubukan ko talagang mag-focus sa sinasabi ng prof namin pero.. hindi ko maiwasang isipin si Ezra. Bakit ba ganito siya ka-bait? Bakit ba kinailangan ko pa siyang kilalanin?

Hindi naman kasi ako ganito. Kapag nararamdaman kong patungo na sa.. attachment. Ayaw ko!

Hindi pwede. Mahal niya pa 'yung Theo na 'yon, at hindi rin naman ako yung tipong nagcocommit! Bakit ko ba siya naiisip? Bakit ba ako nasistress?

"Huy, okay ka lang?" tanong ni Olivia, kaya naman napailing ako. "Nakatulala sa hangin, wow. Lunch na, girl."

Tumikhim ako at tumango. Tahimik akong nag-ayos ng mga gamit ko at lumabas ng classroom. Mukhang maglulunch si Olivia kasama ang boyfriend niya, kaya naman mag-isa na lang akong nag-lakad pababa ng building namin.

"Selena." Rinig kong tawag sa akin ng isang lalaki.

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Chino doon sa taas. He immediately walked down the stairs and stopped once he came near.

"Di ko napansing bumaba ka na ng hagdan. Sabi ni Ez antayin daw kita."

"Ano ka, utusan niya?" Umiling ako. "Sabihin mo sa kaniya, ibalik niya ID ko. At h'wag na siyang mag-abala."

"Actually.." Ngumiti si Chino. "I have an excuse slip for you for the rest of the day. Doon tayo sa AVR."

"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Ano nanaman 'yan? May klase pa ako."

Tumawa siya ay nagkamot ng likod ng ulo. "Napag-utusan lang ako ni Gov. He says your clearance and ID is with him.."

I groaned and shook my head. Dumiretso kaming dalawa ni Chino patungo sa AVR, at laking gulat ko na lang na sobrang daming mga tao dito.

May malaking sign ng SEA GOT TALENT! sa stage at maraming mga estudyanteng nagsisiksikan para lang makakuha ng desenteng upuan.

"Ayun." Chino grinned. "Tara doon, boss. Inaantay ka ni Gov."

Umigting ang panga ko. Pinapunta ako dito para lang makipagsiksikan sa mga estudyante?

Tumikhim si Chino at agad na lumingon si Ezra. Malaki ang ngiti ni Ezra sa akin, at sa likod niya naman ay si Kai na may hawak na gitara.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" mataray kong sabi. "ID ko."

"Wait lang." He smiled. "Wala ba akong goodluck kiss?"

Ramdam ko agad ang init sa mukha ko. Bakit ba kailangan niyang sabihin yung salitang kiss na gano'n?!

"Kiskis ko mukha mo sa pader, gusto mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "ID, Raia. Matatapos na lunch break ko."

Mukhang gulat si Kai sa likod niya sa sinabi ko, at gulat rin si Chino sa tabi ko.

Ano?! Bakit ba sila gulat?!

"Okay, Eloise." Mapang-asar ang tono ni Ezra. "I told one of the guys to buy you some lunch, it'll get here soon. Dito ka muna, please? Kakantahan pamandin kita!"

Huminga ako nang malalim at tumingin sa paligid ko. Alam kong nandito si Theo. Hindi naman gagawa ng katangahan 'tong si Ezra kung wala yung babaeng 'yon.

Agad ko rin nakita yung bwakanang ex niya sa mga upuan sa gilid ng stage. Umirap ako sa kawalan at tumingin kay Ezra.

"Di ka pa tapos?"

"Mcdo lunch mo. Wait ka lang here." He smiled. "Wala talagang goodluck kiss?"

"Wala, gago. Asa ka pa. Chix ka ba, ha?"

"Ouch. Di mo ako chix? Kiss nalang sa chix." He pouted and pointed to his cheek. Ngumiwi naman ako at pinakitang nandidiri ako sa kanya kaya naman napangiti ulit siya. "Hindi talaga ako magpiperform eh! Nakisingit lang ako para makantahan ka."

Inirapan ko siya at tumingin sa stage. He immediately walked up to the stage and grabbed a microphone.

"Hello," Tumawa siya. "Singit lang talaga ako dito."

Nagpigil ako ng tawa habang nagsasalita si Ezra sa stage. Humalukipkip ako at bumalikas para umalis na pero agad akong pinigilan ni Chino.

"Dito ka lang!" Tumawa siya at pinaupo ako.

"I don't work hard when it's easy, I put in work when it's hard. Girl, I never believed in love until I had yours." Ngumiti si Ezra, kaya naman rinig ko agad ang pag-tili at buntong hininga ng ibang mga babae. "This is more than a season, and I'm not just sprung. I'm not afraid to tell you that you're the one.."

"Ena!" Rinig ko sa tabi ko. Mukhang kararating lang ni Polo kaya naman hingal na hingal siya.

"Uy," I greeted him back. "Saan ka galing?"

"Uh.." He chuckled. "Nowhere."

"The one I wake up thinking 'bout. The one I can run to when I'm feeling down. Life is all good when you're around." Tumingin ako kay Ezra sa stage at sakto ay lumingon rin siya sa akin. He raised both his eyebrows and smiled. "Girl, nobody from the past is beating you right now."

"Naks naman!" Humiyaw si Apollo kaya naman nagsi-hiyawan na rin ang ibang mga estudyante dito sa AVR.

Hindi ko alam kung bakit umiinit nanaman ang mukha ko. Alam ko namang hindi totoo. This is all just for show.

"Ibang klase talaga kamandag ni Selena, oh." Umiling si Apollo. "Yan, napa-move on mo kay Theo?"

"Tanga," Siniko ko siya at lumingon kay Theo na nakahalukipkip lang ngayon.

Nakatingin lang siya kay Ezra, pero hindi naman lumilingon sa direksyon niya yung lalaki. I could clearly see how she rolled her eyes and shook her head before standing up and heading to the backstage.

"'Cause you don't come with drama, so I want you 'til the world ends. You're way more than worth it.. and I don't feel like I deserve it." Patuloy na kumakanta si Ezra. "You got the pieces.. you're my kind of perfect."

Nang matapos si Ezra ay bumaba na agad sila ng stage at dumiretso sa inuupuan namin. Umalis si Apollo sa upuan niya para makaupo doon si Ezra.

"Maganda ba? Kilig ka, 'no?" He laughed.

"Sintunado ka."

Tumawa naman siya at inakbayan ako. "Di naman boses pambato ko. Pagmamahal talaga!"

"Kadiri." I cringed. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Palagi mo nalang sinisira trip ko. Magbreak na kaya tayo?" he jokingly asked.

Bago pa ako maka-sabat ay pumalakpak na ang ibang mga estudyante dahil naroon na si Theo sa stage. May keyboard rin doon at mukhang kakanta siya dahil may mic stand rin.

Nagsimula siyang kumanta, pero hindi pamilyar yung kanta sa akin. Lumingon ako kay Ezra at mukhang wala siyang balak na tumingin doon sa stage dahil nagcecellphone na lang siya ngayon.

"Alam mo 'tong kanta?" I asked him. Baka naman kanta nila 'yan dati?

Umiling siya. I nodded and looked at Theo on stage. Maganda naman ang boses niya. Halatang maganda rin ang diction niya sa mga salita.

"Watching reruns of Glee, being annoying, singing in harmony.. I bet she's bragging to all her friends saying you're so unique."

Napataas ang kilay ko. She? Huh?

"So when you gonna tell her that we did that, too? She thinks it's special, but it's all reused. That was our place, I found it first. I made the jokes you tell to her when she's with you.." Theo continued to sing.

Lumingon ako kay Ezra na nakatingin na sa kanya ngayon. Nakakunot ang noo niya at umiigting rin ang panga.

Oh. I get it now.

She's singing about Ezra and I? And her? And them?

"Tangina," Tumawa si Chino sa tabi ko. "Anong kanta 'yan?"

"Rinig ko 'yan sa spotify ko nung kailan." Tumango si Apollo. "Pinapakinggan ni Gia."

"Oh, man." Kai chuckled.

Hindi ko maiwasang isipin kung anong lugar ba ang mga pinuntahan nila ni Theo noon. May nakakita ba sa amin sa old starbucks? Am I reading into this song she's singing too literally?

At bakit naman ako maaapektuhan? Hindi naman ako totoong girlfriend.

"Do you call her, almost say my name? 'Cause let's be honest, we kinda do sound the same.."

"Ang layo kaya ng Theo sa Selena," Apollo mindlessly said. Siniko naman siya ni Chino.

Ezra refused to look at his friends. Naka-tingin lang siya kay Theo na kumakanta ngayon.

"Gutom ka ba?" tanong ni Ezra sa akin sabay hawak sa kamay ko. "Tara, alis na tayo. Ginawan ka na ng excuse slip diba?"

"Diba nagpabili ka?" I told him.

"Sabihan mo si Jolo, inyo na yung binili nila." Malamig na sabi ni Ezra kina Chino. Tumango naman sila at nag-ayos ng upo.

Ezra grabbed my hand and led me through the crowd. Rinig pa rin ang boses ni Theo kahit na palabas na kami ni AVR. Tumikhim si Ezra pagkalabas namin at nilagay ang kamay niya sa ulo niya.

"Where do you want to eat?"

Nagkibit balikat ako. Ayaw ko namang puntahan ang usual na pinupuntahan nila ni Theo noon. I may be a fake girlfriend, but I don't want to be known as a rebound girl. Hindi na nga ako nagcocommit sa kung sino-sino, tapos iisipin ng iba na nagsettle ako bilang rebound lang?

"Saan mo gusto? Sa malapit lang?" he asked. "We have the rest of the day."

"Bakit mo ako inexcuse sa mga klase ko? Wala naman akong severe dysmenorrhea." I showed him the excuse slip.

"Chino already gave a copy of that to your block's secretary," saad niya habang naglalakad kami patungo sa parking area. "Sorry about.. Theo."

Tumigil kaming dalawa pagkarating namin sa civic niya. Binitawan niya ang kamay ko at inunlock ang sasakyan niya bago ako pagbuksan ng pintuan.

I remained silent as he went around the car and sat on the driver's seat. Tumikhim ako at tumingin sa labas.

"Maganda 'yun, diba? At least alam mong nagwowork. Naniniwala ata." I tried to let out a laugh. "Turns out limang buwan lang kailangan para makipagbalikan sa ex."

Tahimik lang siya. Bakit siya tahimik? Sana naman mag-agree! Sayang yung limang buwan na pagkukunwari naman, ah.

"Is that.. Nat?" tanong ni Ezra habang palabas kami ng parking ng SLU. Nandoon si Nat at Vale, at hawak hawak nila ang kamay ng isa't isa. No one else was in the parking area, so it was easy to spot them.

"SI VALE?" Tumaas bigla ang boses ko. "ANO?!"

"Shhhh!"

"TANGA KA BA? NAKITA MO BA 'YON?"

"Ena—"

"EZEKIEL RAIA, TIGNAN MO KASI!"

"I'm just as shocked as you are."

Nakalabas na ng building yung sasakyan ni Ezra pero nakatingin pa rin ako sa loob ng parking kahit na hindi ko na sila nakikita.

Grabe.

Vale.. and Natalia?

Ngumuso ako. Bakit kaya nandito si Natalia? Saturday naman ngayon, at Main Campus lang ang may klase. Ang haba naman ng buhok ni Vale kung binibisita pa talaga siya ni Natalia!

"Grabe." Umiling ako. "May lovelife na pala best friend ko? Bakit kaya hindi niya kinikwento 'yon sa akin?! Bakit siya, may lovelife? Ako, wala?!"

"Ano ako, patatas?"

Lumingon ako sa kaniya. Nangaasar ang kaniyang ngiti kaya naman umiling ako.

Noestro..

You have no idea how confused I am right now because of you.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 285 47
Ruth & Tadeo Flying Letters Series #1 🖇️Completed ©slpycat 2021
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2M 76.6K 164
Sml? An epistolary.
2.1K 239 38
Aezy Michelle Elizondo, the girl who loves to play guitar and sing, needs to leave Zaldavia City and transferred to her new school, where she met Dam...