When Two Broken Souls Collide...

By 2KG4LOFBLOOD

2.7K 65 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... More

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 8
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 13
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 23
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 26
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 29
WTBSC 30
WTBSC 31
WTBSC 32
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 40
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 47

33 0 0
By 2KG4LOFBLOOD

Maria Bella

"Sigurado ka na ba dito Bella?" Ilang beses nya na bang sinabi ang tanong na 'to sa akin mula kanina? Tamad akong tumingin kay Adisson saka ako bumuntong hininga sa kanya saka ako umiling. Naglalakad na kami ngayon papasok ng airport at hindi ko sya natiis dahil pinuntahan nya ako sa ospital kaya nasabi ko sa kanya ang lahat at ngayon nandito sya para ihatid ako o baka pigilan ako? Kanina pa nya akong tinatanong kung sigurado ba ako.

"Paano si Sir Damon?" Agad akong napatingin kay Adisson dahil sa sinabi nya para pigilan sya sa susunod pa nyang sasabihin sa akin saka ako napalingon kina Cohen dahil baka marinig nila si Adisson.

"Hinahanap ka nya Bella. Alam mo bang maghapon at magdamag na si Sir Damon na nagbabantay sa tinutuluyan natin? Hinihintay ka nya at mukhang wala syang balak na tigilan ka hangga't hindi ka nya nakakausap." Natigilan ako dahil sa sinabing 'yon ni Adisson pero ipinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi nyang 'yon. Simula ngayon ay dapat sinusubukan ko na syang alisin sa sistema ko.

"Sabihin mo na lang sa kanya na lumipat na ako ng ibang matutuluyan at lumipat na rin ako ng ibang trabaho."

"At anong trabaho naman ang sasabihin ko sa kanya? Bilang asawa ng ex-boyfriend mo? Yon ba ang sasabihin ko?"

"Basta huwag na huwag mong sasabihin sa kanya lahat nang ito." Seryosong sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga na lang sya sa akin. Tumigil kami sa paglalakad nang sa may pila. Hanggang dito na lang pwede si Adisson.

"Hija, let's go." Napalingon ako sa Mama ni Cohen saka ako tumango sa kanya. Nakita ko naman na nakatingin rin sa akin si Cohen.

"Kaylangan ko nang umalis."

"Mamimiss kita. Huwag mong kakalimutan na kontakin ako kapag nandoon ka na huh?" Sabi nito sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya bago ko maramdaman ang mahigpit nyang yakap sa akin. Kahit ilang buwan pa lang kaming nagkasama ay naging malapit na talaga sya sa akin. Sya lang ang naging kaibigan ko dito sa Maynila.

"Pakibigay nga pala nito kay Sir Damon." Sabi ko sa kanya nang kumalas ako sa yakap nya at iabot sa kanya ang cellphone na bigay sa akin ni Damon. Nagtataka naman syang tumingin sa akin.

"Sa kanya 'yan kaya kaylangan ko na 'ang isoli sa kanya. Sabihin mo na lang sa kanya na sobra akong nagpapasalamat sa kanya." Sabi ko sa kanya saka nya tinaggap ang phone na hawak ko at yakapin ulit ako ng mahigpit.

"Mag-iingat ka doon ah?"

"Oo. Sige na, kaylangan ko na talagang umalis." Sabi ko sa kanya kaya napipilitan syang binitawan ako. Binilinan nya pa ako bago ako tuluyang nakalayo sa kanya.

Ngayong paalis na ako ay hindi ko mapigilan ang maisip ang lahat nang taong iiwan ko para kay Cohen. Si Ravanni, sobra ko syang nasaktan pero hindi man lang sya nagalit sa akin. Hanggang ngayon ay parang nasa isip ko parin ang lahat nang sinabi nya sa akin. At si Damon, hindi ko man lang sya nakausap sa huling pagkakataon. Pero siguro mas mabuti na din 'to dahil kahit naman anong sabihin nya hindi na magbabago ang desisyon ko at 'yon ay ang piliin si Cohen para sa ikakabuti ng lahat. Naputol lahat nang iniisip ko nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Cohen sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nang makita ko ang ngiti nya sa akin ay unti unting nababawasan ang guilt na nararamdaman ko. Patunay 'to na tama ang naging desisyon ko.

At kasabay ng pag-alis ko ngayon ay ang pagka-limot ko sa lahat nang nararamdaman ko hindi lang para kay Damon pero maging sa lahat nang nararamdaman kong sakit na idinulot nya. Sa huling pagkakataon ay nagbuga ako ng hangin na bumabara sa lalamunan ko para mapakalma ang sarili ko saka ko mahigpit rin na hinawakan ang kamay ni Cohen saka ako tumingin sa kanya.

"Tara?"





////











Pinagmasdan ko si Cohen na nakahiga sa kama nya at payapang natutulog. Kakatapos lang ng session nya kaya siguro ay nakatulog sya. Mag-dadalawang buwan na kami dito sa America at patuloy parin ang pang-gagamot kay Cohen. At sa awa naman ng diyos ay nagakakameron naman daw ng improvements ang kalagayan nya.

"Bella?" Napatayo agad ako s akinauupuan ko at lumapit kay Cohen nang bigla syang magising.

"Anong masakit sayo? Anong nararamdaman mo?" Tanong ko agad sa kanya pero katulad ng mga nakaraang mga araw ay binigyan nya lang ako ng matamis na ngiti at kinuha ang kamay ko saka nya inunan 'yon sa pisngi nya. Palagi nya 'tong ginagawa kapag bigla syang nagigising mula sa pag-tulog.

"Natatakot lang ako." Mahinang sagot nya sa akin kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Huwag kang matakot, nandito lang naman ako." Nakangiting sabi ko sa kanya pero mas lalo nya lang inilapit sa pisngi nya ang kamay ko.

"Ngayon oo, paano bukas, sa isang araw at sa mga susunod pang araw? Kakayanin mo pa ban-"

"Napag-usapan na natin 'to di ba? Wala kang dapat alalahanin kundi ang pagpapagaling mo."

"Kapag gumaling na ako, nandito ka parin ba?" Tanong nya sa akin habang nakapikit ang mga mata nya at nandoon ang atensyon sa kamay ko. Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Palagi na lang syang takot at tinatanong ako ng mga bagay na 'to.

"Papakasalan kita di ba? Kaya paano pa kita iiwan?" Nakangiting sabi ko sa kanya at pilit na pinasaya pa ang boses ko para hindi na sya mag-isip pa ng kung ano ano.

"You will marry me. Yan na lang ang pinanghahawakan ko para piliing mabuhay pa Bella. Gusto kong mas makasama pa kita ng matagal kaya gagawin ko ang lahat para gumaling. Sana mahintay mo ako." Sabi nito at ngayon ay nakangiti na sya sa akin at deretsong nakatingin.

"Maghihintay ako." Nakangiti ring sabi ko sa kanya at pinipigilan ang sarili ko na huwag nanaman maluha sa kalagayan nya. May kung anong kurot sa puso ko kapag nakikita ko syang ganito katakot na mawala ako at hindi ko maiwasan na masaktan kapag ganito sya.

"Can you comb my hair against your fingers?"

"H-Huh?"

"You always do that before. Every time I'm afraid, sad, stress or even angry. Would you do that again for me?" Pilit akong ngumiti sa kanya at saka ako tumango. Marahan ko namang sinuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri ko kaya nakita kong pumikit na ulit sya hanggang sa makatulog sya.

Walang nagbago at palagi kaming ganito ni Cohen. Pero sa totoo lang ay mas gusto ko pa syang makitang ganito sa akin kesa makita syang nahihirapan huminga at parang nakikipaglaban na sa kamatayan kapag umaatake ang sakit ng dibdib nya. Ang sabi pa naman ng doctor ay hindi sya pwedeng ma-stress o maging emosyonal dahil baka mapalala non ang kondisyon nya kaya ginagawa ko ang lahat para hindi sya makaramdam ng kahit na anong lungkot. Palagi kong ipinaparamdam sa kanya na hindi ako napilitan sa desisyon ko. Isa pa ay gusto ko na talaga syang gumaling dahil nahihirapan din akong makita syang ganito.

//


"Ano pong sabi ng doctor?" Salubong ko agad kay Mama dahil nakita kong mukhang namomroblema sya. At kahit pati ako ay naguguluhan na. Halos hindi ako makahinga nang bigla kong makita na umubo ng dugo si Cohen saka bigla itong nag-seziur.

"Kaylangan na daw makahanap ni Cohen ng donor para sa lungs nya. Naapektuhan na ang kabilang lungs nya kaya lumalala na lalo ang kondisyon nya. Kapag hindi pa agad tayo nakahanap ay baka....baka mawal-"

"Akala ko po ba ay bumubuti na ang lagay nya?" Pagputol ko sa sinasbi ni Mama dahil ayokong marinig ang huling sasabihin nya.

"Hindi ko din alam hija. Ang sabi ng doktor, nagka-meron sya ng komplikasyon dahil sa matinding bacteria. Sabi nila baka daw dahil sa physical contact natin sa kanya. Ngayon kaylangan na syang ilipat ng ibang kwarto at hindi natin sya pwedeng lapitan hangga't hindi sya nagiging stable." Sabi ni Mama at hindi na nito napigilan ang sarili at napa-iyak na. Mabuti na lang at nasa likod nya si Papa kaya nahawakan sya nito bago sya bumagsak sa sahig.

"H-Hindi." Yon na lang ang nasabi ko bago ako umalis doon at hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nasa garden na ako ng ospital. Walang kahit na sinong tao doon at mabiti 'yon dahil walang makakakita sa akin. Doon ko inilabas ang kanina ko pang pinipigilan na emosyon ko.

Napa-upo na lang ako dahil sa panghihina saka ko mahigpit na naikuyom ang mga kamay ko. Bakit naman ganito? Mababalewala ba lahat nang isinakripisyo ko para kay Cohen? Bakit palala pa ng palala ang sakit nya? Ngayon mas bumabalik na sa akin ang guilt na pilit kong kinakalimutan. Dahil kahit saan man kami makarating alam ko na sa akin nagsimula ang lahat nang ito. Ako ang isa sa mga naging dahilan kung bakit lumalala ang kalagayan nya. Siguro kung umpisa pa lang inayos ko na sana naagapan agad ang sakit ni Cohen. Pero hindi kaya nahihirapan sya ng ganito.

"Kasalanan ko 'to." Umiiyak na sabi ko sa kawalan habang mariin na nakapikit at nakasubsub sa parehas kong mga tuhod. Pero napa-angat ang ulo ko nang may maramdaman akong biglang nag-lagay s balikat ko ng isang jacket. Nakasuot sya ng makapal na jacket at sombrero. May makapal rin na scarf sa leeg nya kaya hindi ki makita ang mukha nya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinunasan ko ang luha ko saka ako napatingin s paligid.

"S-Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nag-bigay sa akin ng jacket. Hindi ko sya makilala hindi lang dahil sa suot nya kundi dahil sa nakatalikod rin sya may lamp post kaya mas dumilim ang parte ng sa mukha nya.

"W-Who are you?" Pag-uulit ko sa wikang engles dahil baka isa syang foreigner pero hindi parin sya nag-sasalita at nakatayo lang sya sa harap ko. Napahawak ako s jacket na nakalagay sa balikat ko at pasimpleng inamoy 'yon nang dahil sa ideya na pumapasok sa isip ko. Pero naipiglas ko lang ang ulo ko dahil imposible 'yon dahil wala namang nakakaalam kung nasaan ako maliban sa pamilya ko at kay Adisson. Nakumpirma ko naman ang iniisip ko nang mapagtanto ko na walang amoy ang jacket na 'yon. Basta lang ito amoy bago at walang kahit na anong amoy ng pabango.

"T-Thank you Mister but I need to go." Sabi ko sa kanya at saka ko hinawakan ulit ang jacket para hubadin 'yon nang bigla syang lumapit sa akin at hindi hinayaang mahubad ko ang jacket. Isinara nya ang zipper non kaya nakulong ang mga braso ko sa loob.

"H-Hey! What a-are you d-doing? Unzip t-thi right now." Nangingig na sabi ko s akanya dahil nakakaramdam na ako ng takot sa lalaking kaharap ko ngayon. Nagsisimula na akong kilabutan sa mga ikinikilos nya.

"M-Mister." Nauutal na sabi ko parin sa kanya pero sa halip na gawin nya ang sinasabi ko ay hinila nya ang jacket na suot ko palapit sa kanya kaya mas lalong umikli ang distansya na meron kami. Sandali, dito na ba 'yong parte na sasaksakin ako ng palihim ng killer?

"P-Please don't kill me. I'll give y-you everything. Please Mister. Don't k-kill me." Pagmamaka-awa ko sa kanya pero hindi parin sya nag-sasalita kahit na naiyak na ako sa takot sa kanya. At sa halip na malamig at matulis na bagay sa leeg ko o sa tagiliran ko ang maramdaman ko habang nakapikit ako ay isang malambot na palad lang ang naramdaman ko sa pisngi ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang malamig nyang daliri na marahan na pinunasan ang luha ko. At nang mag-bukas ako ng mga mata ay huli na ang lahat. Nakita ko na lang ang sarili ko na tinitanaw na lang ang malapad nyang likod na tumatakbo palayo sa akin hanggang sa mawala na sya sa dilim.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog noon dahil sa tindi ng pinagsamang kaba at takot na naramdaman ko kanina lang.













xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

259K 11.2K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
5.3K 102 18
Ice Rodriguez..... isang babae...na nghahangad ng payapang buhay...sa highschool.. pero maguguho ang lahat ng iyon dahil lang sa isang mayabang na la...
159K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
278K 17.3K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...