Their Chasing Souls

Av issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... Mer

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 30: Freshmen trip - Part Four

101 13 0
Av issawandablue

Ynas' POV

"Wag ka ngang maingay." Rinig kong bulungan sa labas. Pero walang kaduda-dudang boses ni Luna iyon dahil sa lakas nito. Nakaramdam ako bigla ng gutom kaya napabangon agad ako at lumabas ng tent.

"Good morning!" nakangiting bati ni Viel. Kasama niyang kumakain ng breakfast si Luna. "Uy kain na. Ang sarap ng breakfast this morning. Tumulong ako sa pagluluto." Pagmamalaki niya pa.

"Tsh. Nahirapan ka talaga sa pagluluto ah?" natatawang sabi ni Luna, tumangu-tango pa ito. "Ngayon ko lang nalaman na ganun pala kahirap magluto ng hotdog at itlog!" Hindi na maawat si Luna sa kakatawa at natawa na rin ako, ngumiwi naman si Viel.

"Masarap naman! Aminin mo." Sumbat ni Viel pero nanatiling nakatawa si Luna. "Yna, halika ka na nga rito, kumain na tayo!" kinuha ko saglit yung paperbag na may lamang pagkain saka ako inalalayan ni Viel. "Ano naman yan?" tanong niya pero hindi ko na siya sinagot at binuksan nalang ang laman non.

Sopas, mansanas, at soy milk ang laman non. Halos lahat ay mga paborito ko. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit pinipilit kunin ni Ely yung paperbag kagabi dahil malamig na raw ang laman nito. Totoong mas masarap lang kainin ang sopas kapag mainit.

"Ay taray oh may paspecial breakfast ang tita niyo. Parang napansin ko yan kagabi. Ganda mo rin ano?" nanunuksong biro ni Luna, nginiwian ko naman siya. "Kaso makakain po pa ba yan teh?! Oh heto pa..." iniabot niya sa akin ang isang paper, nagtataka naman akong tinaggap iyon. "Napakaganda talaga ng umaga natin eh no?! Anong shampoo natin? Nang makabili naman ako!"

"Try mo munang maligo araw araw Luna para magamit mo naman yung shampoo." Seryosong sabi ni Viel, walang halong biro pero talagang natatawa ako sa isip ko.

Napailing naman ako sa kalokohan ni Luna at binuksan ko iyong paperbag na iniabot niya. May laman iyong gatas na naka tetra pack, isang piraso ng saging at sandwich. "Kanino galing to? " tanong ko. Nagtinginan naman silang dalawa ni Viel saki sila lumingon sakin.

"Kay papa Zeke teh! Hinatiran ka rito kaso tulog ka pa nang pumunta siya. Ano bang ginawa niyo kagabi at may biglang pabreakfast ang lolo niyo?" ayun na naman ang nanunuksong tingin ni Luna . "Gusto mo tulungan ka namin? Nangangamoy comeback." Ngumiwi naman ako, agad akong kumuha ng kanin at naglagay ng ulam sa plato ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang pagkain na uunahin ko.

"Anong comeback?" inosenteng tanong ni Viel.

"Wala ka pa non beh, kumain ka nalang diyan." Nangunot naman ang noo ni Viel na para bang pilit iniitindi yon. Minsan ay hindi ko alam paano sasakyan ang biro ni Luna. Talagang sa lahat ng bagay may naiisip siyang isingit.

Bigla namang tumayo si Viel at nagpaalam na kukuha ng karagdagang ulam at tubig.

"Anong comeback ba sinasabi mo? Tigilan mo nga yang mga biro mo baka maniwala ang isang yon." Tukoy ko kay Viel nang talikuran kami.

"Ay besh, comeback ng feelings ang tinutukoy ko." Siniringan ko naman siya at ipinatong ang isang paa sa upuan na para bang nasa bahay lang siya. "Oy ah, yung sinasabi ko sayo, magmove-on kapag may time." Aniya at saka nilantakan ang pagkain niya.

"Hindi mo na kailangan ipaalala. Tigilan mo na nga!" Asik ko.

Muling nag-angat siya ng tingin at inusisa muli ako. "Ano ba nangyari kagabi? Anong eksena niyo may lihim na pagtatagpo at may pabuhat buhat effect pa, matinding injury lang ganon at hindi makapaglakad?!"

"Wala nga, nag-usap lang kami. Ikaw kaya ma sprain." Mahinahong sabi ko pero bakas sa mukha ni Luna na hindi ito naniniwala. "Wag mo ako titigan ng ganyan, dahil wala talaga, wala kang mapipiga sa akin." napabuntong hininga ako at saka kinain yung mansanas na bigay ni Ely, sa hindi malamang dahilan ay napangiti naman ako at kinagatan iyon. Nakakatuwang naisip niya pang nagugutom ako sa gabi.

"Mesherep?" nanunuksong tanong ni Luna, nagulat naman ako dahil ngingisi-ngisi siyang tumitig sa akin, sa kakangisi niya ay bigla naman siyang nabilaukan. Natawa na lang ako.

"Siraulo." Bulong kong sabi habang mahinang tumatawa, ang paningin ko ay naroon pa rin sa mansanas na kinagatan ko.

Agad kong naramdaman na lumingon siyang muli sa akin, inilapat niya ang likuran ng isang kamay niya sa noo ko at ang isang kamay niya ay nasa sariling noo. Agad niyang kinuha ang kamay niya at namilog ang bibig. "Hala siya!" dinuro niya ako at saka mabilis na tumayo at tumabi sa akin. "Hoy Georgina, umamin ka nga, iba na yan!" hinawakan niya ako sa pisngi.

Agad ko namang binawi ang mukha ko sa pagkakahawak niya. "Ano ba! Malagkit ng kamay mo ah." Kumain naman ako ulit at iniwas ang paningin sa kanya.

Pero imbes a tigilan ako ay hinigit niya muli ang mga pisngi ko at pinandilatan ako. "Achuchuchu! Hindi moko maloloko! Ramdam ko na." Pagpapatuloy niya. "Ramdam ko na talaga." Aniya pinitik ang mga daliri pagkatapos nitong kumalas sa mukha ko.

Nangunot naman ang noo. "Ano na naman ba yang iniisip mo?! Masyado kang OA ah, namumuro ka na talaga sakin kagabi pa." mahinaon pero may inis sa tonong sabi ko.

"Bestie I'm so proud of you!" bulalas niya, bahagya kong iniwas ang tainga ko sa sobrang lakas niyang magsalita. "Finally bestie! Nagkamali ako kanina, hindi pala comeback! Lumubog na ang unang barko dahil may iba nang lumalayag!" aniya na siyang tinanguan ko naman kahit wala naman akong maintindihan sa sinasabi niya, napakarami niyang nalalaman na siya lang ang nakakaalam.

Walang tigil siya sa kanyang panunukso. Kinuha ko ang saging na nasa plato ko at isinubo sa bunganga niya para lamang tumigil ito sa pagsasalita. Pinandilatan niya ako ng mata pero hindi ko na siya pinansin. Mabuti na lamang ay dumating rin sa wakas si Viel at ipinagpatuloy namin ang pagkain.

"Nakita niyo ba yung fireworks kagabi?" biglang singit ni Viel habang kumakain.

Fireworks? Parang wala naman akong narinig.

"Ah oo, kaunti lang, hindi ko kasi masyado makita kasi ang tataas ng puno rito." Wika ni Luna.

"Nagkafireworks kagabi?" nagtatakang tanong ko. Wala akong maaalang may narinig o kaya nakitang fireworks kagabi.

"Ay.. Asan ba kayo nagsusuot ni Zeke at hindi mo yun narinig?"

Ngayon ko lang naalala yung narinig namin kagabi. Hindi yun fireworks. Kakaiba ang tunog non at talagang nakakapanindig balahibo.

Talagang paputok lang ba yun?

"Si-sigurado ba kayong paputok yon." Tanong ko at nakita ko naman sa kanilang mukha ang pagtataka.

"Oo naman. Balita ko maraming malalapit na hotel rito sa camp. Normal lang daw yung mga ganun sabi samin nung isang facilitator, lalo na kapag may mga events. Kaya madalas silang nakakakita ng fireworks display. Kahit na medyo liblib ang bahaging ito ng Batangas ay unt-unti na rin raw itong dinarayo ng mga turista."

Nanatili akong tahimik at walang imik habang nag-uusap sila tungkol ron sapagkat ayokong mag-alala sila lalo na at hindi naman ako sigurado kung ano talaga ang narinig namin ni Zeke.

Pagkatapos kumain ay agad na nagtungo si Luna at Viel sa assembly. Naiwan ako rito sa camp nang sabihan ako ng isa sa instructor namin na huwag munang sumali sa mga pang-umagang activities dahil sa namamagang paa ko. Pabor naman sakin yon lalo na at hindi pa ako nakakarecover sa ginawa naming pagakyat ng burol kahapon. Hindi ko rin gusto ang activity ngayong umaga kaya naman mas mabuting nang makapagpahinga ako nang maayos. May mga mangilan-ngilan namang instructor ang natira sa camp para magbantay kaya hindi ako masyadong nangangamba mag-isa. Mabuti na lamang rin at ipinaghanda na agad ako nila Luna ng lunch kaya hindi ko na poproblemahin ang pagkain ko, mga ala-una pa raw kasi ang balik nila.

Nakikinig lang ako ng music sa phone ko at nanonood ng mga kung anu-anong videos. Akala ko ay kaya kong libangin ang sarili ko sa ganoong paraan pero makaraan ang dalawang oras ay nabagot rin ako kaya napagpasyahan kong saglit na igala ang sarili ko sa camp.

Ang totoo ay wala naman masyadong pwedeng gawin sa camp maliban sa tignan ang mga naggagandahang mga puno sa paligid. Hindi gaanong mainit ang lugar sapagkat napapalibutan ito ng mga nagtataasang puno. Naririnig ko rin ang mga huni ng ibon, nakaramdam tuloy ako ng kapayapaan, bagay na wala sa siyudad. Yung sariwang hangin ay talaga namang nakakapanabik, pakiramdam ko ay ngayon lang ulit ako nakalanghap ng malinis na hangin.

Patuloy ko lamang iginala ang sarili ko sa camp nang may marinig akong pagragasa ng tubig. Agad kong naisip na baka ilog iyon at hindi nga ako nagkamali. Hindi ko alam kung iyon ba yung ilog na napuntahan namin kahapon sapagkat kahit may liwanag ang pagpunta namin sa ilog kagabi ay madilim pa rin ang paligid sa kalayuan. Lalapit na sana ako sa may pampang ngunit bigla na lamang may tumahol na aso na siyang ikinagulat ko.

Golden retriever.

Napakalaki niya ngunit napakaamo ng mukha. Noong una ay nag-isip pa ako kung nais ko siyang lapitan, ngunit hindi rin nagtagal ay siya mismo ang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Ang cute mo naman kahit napakalaki mo. Anong ginagawa mo rito at nasaan ang amo mo?" tanong ko na para bang kausap ang tao habang hinihimas ang medyo makapal na balahibo nito. Akmang yayakapin ko siya nang bigla na lamang may humarang sa pagitan namin na at tumama iyon sa punong nasa gilid ko. Paupong napatumba ako at natuliro, at halos hindi makagalaw sa pwesto ko. Nababalot ng takot ang buong katawan ko at bumilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay bigla kong hinarap ang aking kamatayan. Mabilis pero ramdam ko kong muntikan na talaga akong madaplisan. Marahil isang dangkal nalang ang pagitan ng pana at ng aking mukha.

Nang bumalik ang diwa ko ay agad kong hinila ang collar ng aso at saka kami nagtago sa may pinakamalapit na puno. Napapapikit ako ng mata habang yapos ang asong hawak ko.

Nakaramdam akong ng yabang sa malapit na marahil ay yung taong tumira ng pana na iyon. Hindi ako sigurado pero malakas ang lang kutob ko ng oras na yon. Mas napakapit ako sa pagkakayakap sa aso at mas ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman kong papalapit ang mga yabag. Naririnig ko ang malulutong na paghakbang ng mga paa niya sa mga tuyong dahon. Bigla na lamang tumigil ang paghakbang nito at mas lumakas pa ag kabog ng dibdib ko.

Nang wala akong maramdamang kahit ano pagkatapos ang ilang segundo ay marahan kong iminulat ang aking mga mata at saka ko ginalugad ng tingin ang paligid ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Halos tumalon ang puso ko sa gulat na biglang may tumambad na lalaki sa gilid ko. "And what are you doing with my dog? Don't you know that this is a private property?" tanong pa nito. May hawak siyang bow sa kanyang kamay. Marahil ay siya ang may-ari ng panang pumuntirya sa gawi namin kanina. Imbes na matakot ay bahagya akong nahimasmasan. Iba kasi ang inaasahan ko, akala ko ay masamang tao ang gustong kumuha ng buhay ko sa mga oras na yon ngunit hindi siya mukhang kriminal. Kung tutuusin ay napakaganda niyang lalaki. Mukhang ka-edad ko lang. Medyo moreno at bahagyang singkit ang mata. Matangos ang ilong at may prominenteng panga. Maganda ang korte ng mamula-mula niyang labi. Mukhang matangkad rin siya lalo na ron sa suot niyang black shirt at shorts.

"Nakikinig ka ba? I said this is tresspassing." Agad akong bumalik sa ulirat sa lakas ng pagkakasabi niyang iyon.

"S-sorry, hindi ko alam." Wika kong tila nagmamakaawa habang ang paningin niya ay nakatutok sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kayang kaya niya ulit akong panain sa mga oras na iyon, kinabahan ako kung makakakaalis ako ng buhay. Pero sa hindi inaasahan ay malalim na buntong hininga lamang ang pinakawalan niya.

"Mabuti nalang at si Cooper ang nakakita sayo." Marahil tukoy niya roon sa aso niya. "Maraming nagkalat na guard dogs sa property na'to like German Shepherd and Doberman. You're lucky na isang mabait na Golden retriever lang ang nakaharap mo." Aniya na parang bang nabigyan ako ng pangalawang buhay sa oras na iyon.

"Kaw nga 'tong muntik na akong patayin. Wala man lang sorry." Mahinang bulong ko ngunit napakatalas ng pandinig niya para marinig pa iyon.

"What did you say?" ramdam ko ang inis niya.

"W-Wala. P-pasensiya ka na, galing kasi ako sa camp diyan sa malapit. Hindi ko namalayang napunta na pala ako rito sa property niyo." Paliwanag ko.

"Okay, you may go." Aniya saka bigla nalang akong tinalikuran hila ang aso niya. Pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako trinaydor ng katawan ko nang habulin agad sila. Agad iya akong nilingon nang maramdaman ang presensya ko sa kanilang likuran. "Are you following me?!" asik niya, napakasungit talaga.

"A-ano. Kasi hindi ko na maalala yung daan pabalik." Panimula ko, hinarap naman niya ako pagkatapos. "Pwede mo bang ituro kung saan ang pabalik ng camp?"

Nangunot ang noo niya bago muling magsalita. "Nagawa mo nga ang gumala sa kakahuyan pero ang makabalik roon ay wala kang kakayanan." Gusto kong matawa nang bahagya sa misteryoso at malalim niyang pagsasalita. "I'm not that familiar to places outside our property." Aniya at tinignan ang kanyang aso. "But this man can help you." Tukoy niya sa alaga. "This man is well-trained, maaari ka niyang samahan hanggang sa bukana ng lupaing 'to." May kung ano siyang pinaamoy sa aso at at may isinenyas pa rito. "Go, follow him, he knows his way back." Aniya at inginuso niya pang sundan ko na ang aso niya. Tinalikuran rin niya ako pagkatapos na siyang hudyat naman na sundan ko ang alaga niya.

Totoo ngang nakarating kami sa may bukana ng property nila. May nakalagay kasi na no tresspasing at private property. Mabuti na lamang at ilang hakbang pa ay naging pamilyar sakin ang daan na iyon. Nilingon ko ang alaga niya ngunit wala na ito. Napakatalinong aso.

Agad akong bumalik sa camp at talaga namang ipinagpapasalamat ko na nakabalik pa ako ng buo. 

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...