The Last Petal

By YourstrulyEs

2.1K 1.1K 45

"Do you believe in destiny?" Meet Samantha Vergara, who is undoubtedly a believer of destiny, is the younges... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 14

58 40 0
By YourstrulyEs


Pagdedesisyon





Playing: I won't give up by Jason Mraz

*Play this song as you read this chapter :)






When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well there's so much they hold







Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko at bumilis ang pintig ng puso ko. Gosh! I heard his voice again, my weakness. Pinanood ko siyang kumakanta. Ang gwapo talaga niya, sinabayan pa ng pagkinang ng mga ilaw.






And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?






Iminulat na niya ang mga mata niya at napapansin kong hindi mapakali ang mga ito. I could see from our side that he is looking for me. Kapal din ng mukha kong mag-assume noh?







Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up









Napabaling ako sa likod nang naramdaman kong may ginagawa si Cel. She is waving her hands at them kaya bumalik ang tingin ko sa kanila.







Napansin kami agad nina Dylan maliban kay Kean na busy kakahanap sa akin sa kabilang gilid.






Andito ako, Kean.






Tila bang tumigil ang pag-ikot ng mundo nang mahagilap na ako ng mga mata niya. He locked his eyes on mine.







'Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We've got a lot to learn
God knows we're worth it
No, I won't give up







Iniba na niya ang kaniyang pwesto. Humarap siya sa amin habang patuloy pa rin sa pagkanta. Hindi ko na pinansin ang mga tao sa loob. I can feel that they are looking at me.





Hinaharana ako ngayon ni Kean at kahit ilang oras man siyang kumanta, hindi ako magsasawa. I don't even want him to stop.






Nagpakawala siya ng ngiti habang nakatingin sa akin. Ngiting matamis at kusang nagpakita. For others, it is indeed rare to see him smile, na lalo kang mahihimatay ng di oras ngayon.







"Sam, si Kean ba ang nakikita natin ngayon? Iba talaga ang magic mo, Sam!" Sinisiko ako ngayon ni Cel kaya pinipigilan kong ngumiti sa kilig. Halos araw-araw na nadadagdagan ang kilig level ko dahil kay Kean!







Kung sobra akong nakikilig sa kaniya, paano naman siya sa akin? How did I make his heart beats so fast?








"Grabe kayong dalawa kanina. Halos masuka na ako sa kilig," nag-iinarteng ani Dylan pagkatapos niyang ilapag ang mga pagkain sa mesa.

"Sinabi mo pa! Paano na lang kaya kapag naging kayo na?" Tiningnan ako ni Max at kumindat siya kaya napansin kong tinadyakan siya ni Kean. Tiningnan ko naman si Kean kaya agad naman siyang napaiwas.







Nahihiya ba siya o kaya nakikilig? Paano ba makilig ang isang Kean Francisco, ha? Gusto kong makita!









"Pahirapan mo pa siya, Samantha. I promise you that you won't regret it," ani Justin na nakahulukipkip. Anong ibig niyang sabihin na pahirapin? Suntukin ba ganun?

"Madali lang kasing magselos si Kean. Kaya kung ganun, makikita mo ang ibang side niya. Parang bata!" Bulong ni Dylan kaya napatawa naman ako ng mahina. Talaga ba? Manliligaw ko pa lang naman siya ah

"Shut up, Dylan!" Seryosong ani Kean kaya mas lalong napahalakhak si Dylan habang umiinom ng alak. Biglang tumayo si Kean at kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan sa mesa at huminto siya sa likod ko.

"Hatid na kita, gabi na." Ha? Anong oras na ba? Alas syete na pala ng gabi, ambilis naman ata. Agad kong kinuha ang bag ko kaya napatango na lang si Cel.








Nauna na si Kean pagkatapos kong naisuot ang sling bag ko. Nakaparada na ang kaniyang sasakyan sa harap habang nakasandal siya rito.








Can he stop doing something like that? Showing his gorgeousness and hotness at the same time?! Intention man o hindi?!





Pinagbuksan niya ako ng pinto at napatigil ako bago ako tuluyang makapasok. "Hindi ka ba uminom?" Tanong ko sa kaniya at biglang namula ang pisngi ko dahil inilapit niya ang kaniyang mukha.

"Kung uminom ako, aanyayahan pa ba kitang ihatid?" Ngumisi siya bago niya inilayo ang kaniyang mukha. "M-malay mo!" Nauutal kong sigaw habang papasok sa passenger's seat. Kahit kailan talaga!








Kung pwede ko lang sana gawin 'yun sa kaniya para matulala rin, noon ko pa siguro nagawa! Humanda ka na lang, Kean Francisco.









"I'll try not to bother you kung magkasama kayo ni Enzo. But if he did something I don't want, you can't stop me." Seryosong wika ni Kean nang makarating na kami sa tapat ng gate namin.








Ang pagkakaalam ko sa kaniya ay matigas ang ulo niya pero nagkamali ako. Nginitian ko siya at tumango. Kung talaga para sa isang tao, gagawin mo ang lahat para mapasaya siya at mapasayo. That makes me like him even more.









"Thank you, Kean. Goodnight," ani ko at binilisan kong itinulak ang gate. I always tell myself to look back and this time, hindi na ako nagdalawang-isip.








Nakatayo lang siya habang nakapamulsa. Hinihintay niya akong makapasok sa loob. Sa estilo niya ngayon parang hindi ko siya manliligaw.








Gusto kong sumigaw ng napakalakas kaso nga lang gabi na. Baka nakatulog na ang ibang kapit-bahay.






Ahhhhh! Sana kakayanin pa ng puso ko!






"Okay. I'll be right there in any minute now." Bumaba ako agad nang marinig ko ang boses ni daddy at nakita ko si mommy na nasa bar counter.

"Morning, mommy daddy." Inilapag ko ang aking wallet sa mesa at kinuha ang tumbler ko. Hindi pa sila nakaalis? They usually go to work so early, mga 4 or 5 o'clock ay andoon na sila sa opisina nila.

"Morning, sweetheart. Nga pala, mamayang gabi, we have a party to attend." Hindi ko masyadong isinaulo ang sinabi ni daddy. I dont usually attend parties especially about businesses.

"Pass po ulit ako ngayon," tugon ko at lumapit si mommy sa akin. She gave me a worried look habang nakahawak siya sa balikat ko. "Sam, it's time for you to meet new people naman. There are a lot of well-known musicians who will be attending tonight."








Gusto ko pero tinatamad ako eh. I can't survive when it comes to events like those. Hindi ako social butterfly at feeling ko makakagawa ako ng eksenang hindi inaasahan eh.








"Next time na lang, my. I promise." I showed my pinky as I grabbed my wallet. Wala nang magawa sina mommy at daddy kundi hayaan na lang ako. Pero kung may party ulit, then I will definitely go.











Lumabas na ako ng bahay, "Hindi ako susunduin ni Kean ngayon?" tanong ko sa sarili habang kinakapa ang cellphone sa bag ko. I guess I need to take my car na lang ngayon.

"Sam! May balita ako!" Sa malayo pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Cel. Ano na naman ba ang chika neto?

"What?" Hinahabol niya ang kaniyang hininga ng makalapit na siya sa akin. "Pupunta ang La Musique ngayon dito. Baka raw matuloy ang plano nila three years ago."









Ano?! Bakit ngayon lang? They should have done that in the past years. Nagtaka ako sa naging desisyon ng La Musique University, sana naman ay hindi dahil sa akin kung bakit nila iyon naisipan.








"Morning," bati ni Kean nang makasabay namin siya sa elevator. Ilang months na siya nanliligaw at sa mga buwan na 'yon ay muntik na akong mamatay talaga sa kilig.





Hatid, sundo, binibilhan ako ng pagkain, roses and chocolates. Everything kumbaga ay ibinibigay niya.







These past few weeks nagiging busy na siya. Minsan nga eh hindi ko siya nakikitang pumapasok, ewan ko ba kung bakit. Sumisipot lang siya kapag mga gig na nila.









"Morning." Nginitian ko lang siya at agad akong umiwas ng tingin. Hindi mawala sa isipan ko ang tungkol sa mga nasabi ni Cel kanina kaya nawawalan ako ng ganang makipag-usap ngayon.

"Baka hindi kita maihatid mamaya kasi may kailangan akong puntahan. Maybe tomorrow, susubukan kong sunduin ka." Tiningnan ko siya at nakita kong nakatutok siya sa cellphone niya. Busy na naman siya?









Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami. Kumaway siya sa akin bago kami tuluyang naghiwalay ng landas. Baka nga nagiging busy na siya ngayon. Ewan ko ba kung bakit nalulungkot ako ngayong araw na ito.










"Andiyan na si maam!" Sigaw ng kaklase ko habang papunta siya sa upuan niya. "May kasama siyang lalaki at babaeng nakasuit." Bigla namang lumapit ang mga iba para makichismis.







Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at bumungad ang isang lalaki at babae. They both look so professional at napansin kong may pin sila sa coat nila.










"This is Mr. Joseph Heraldo, representative of La Musique University here in the Philippines."







Napalitan ang seryoso niyang mukha ng ngiti. "We will be producing an audition this week at lima lang ang mapipili namin to have an exclusive contract to study in La Musique University in France."










Sa France? I thought sa London? Sabagay ang main campus kasi ay nasa France kaya siguro roon ang pinili nila. Lumingon ako sa paligid at nakikita ko sa mga mukha nila ang pagkasabik.











Maya-maya'y nagkatama ang mga mata namin ni sir Joseph at ngumiti siya sa akin. He definitely knows me. Nakakahiya! Naalala ko na naman ang nangyari noon na hindi ako sumipot at hindi tinanggap ang alok nila.








Buti na lang ay magpapaudition sila ngayon kung hindi baka mainggit na naman si Janine kung ang gagawin ng La Musique ay pipili ng estudyante. Hays!








"Sam, pinapatawag ka ni dean." Napalingon ako sa kaklase kong tumabi sa akin. Tiningnan ko si Cel at tumango siya para pumunta na ako. Jusko, kinabahan ulit ako. Ano na naman kaya ang sasabihin ni dean?










Nasa tapat na ako ng opisina niya nang makarinig ako ng mga boses galing sa loob. Great! Pamilyar ang boses. Boses ni sir Joseph at alam ko na kung tungkol saan ang sasabihin nila.







"Ms. Vergara is here." Tumayo si dean at inilihad niya ang kanyang kamay sa direksyon ko. "Good morning po." Hindi na ako nagdalawang-isip na bumati. "Take a sit."

"So, Mr. Joseph told me na ikaw ang napili nila as one of the judges sa audition na magaganap next week."








Ha? Ako? Ba't ako? Bigla akong napressure, hindi naman ako magaling para makapagjudge sa isang audition. Bakit ba kasi ako naisip nilang kunin?!








"We were amazed by your solo perfomance last time at hindi kami nagsisi na ikaw ang napili namin years ago to study in La Musique University."







Andito na, mababalikan na ang nangyari three years ago, jusko! Help me please!






"But we didn't expect you to turn it down. Kaya ngayon, I hope you'll accept our invitation." Hindi sila galit? They even gave me a second chance! I can't run away this time, kailangan ko nang maging palaban.









They showed me a contract at binasa ko ang ito. Sagot na nila ang lahat for two years?! Nadagdagan ng isang taon ngayon! Hindi ako makapaniwala pero teka nga lang.








"Sorry for asking but kasali na po ba ako sa limang mapipili sa audition?" Tanong ko sa kanila at umiling sila. Phew! Mas lalong gumaan ang loob ko. Ayoko kasing maukha ang spot ng iba kung hindi naman ang magau-audition kagaya nila.

"Thank you, Ms. Vergara. Can't wait to see you soon in France." Nakipagkamay si sir Joseph at tinanggap ko agad ito. Ako ang hindi makapaghintay kaya!







Sobra ang ngiti ko ngayon simula nang makalabas na ako sa opisina. Ang puso ko, malalaglag na! Hindi na ako makapaghintay na sabihin ito kay Cel at...







Sasabihin ko ba kay Kean? Ilang buwan na lang ay ga-graduate na kami. I don't know kung kaya ko siyang iwan. Ito ang hindi ko naisip kanina habang binabasa ang kontrata! Jusko naman, Sam!







"Sam! Ano sabi ni dean?" Excited na tanong ni Cel kaya ngumiti ako sa kaniya ng pilit. "Oh, ano yan? Ba't ganyan mukha mo?" Siguro kay Cel ko muna sasabihin at hihingi na lang ako ng advice sa kaniya.







Nasa Eli's cafe kami ngayon at wala pa ang White Rose para tumugtog ngayon. "Grabe talaga ang saya ko para sa'yo! Sana naman hindi na magaya ang nangyari dati." Inirapan niya ako at hinampas ang braso ko. I guess that won't happen again. I hope.

"Eh si Kean? Alam na ba niya o may plano kang sabihin sa kaniya?"

"I dont know, Cel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Yumuko ako nang makaramdam ako ng kirot sa puso ko. Taena! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Takot ako, baka iwan niya ako kung sasabihin ko sa kaniya. He might give up, para piliin ko ang La Musique." Nagsimula nang tumulo ang luha ko kaya hindi ko na napigilan ang pagbuhos nito.

"He might let you choose it, right?" He will push me to choose my career over love. Cliché nga eh! Andaming cliché na nangyari sa buhay ko ngayon simula nang dumating siya.






Tapos na ang audition, hindi sumali si Cel dahil ayaw niya. She wants to stay here at gusto niyang sumali agad sa isang orchestra after we graduate. Well, Janine is one of the five students who passed at hindi na ako nagulat.






Ilang linggo na ang nakalipas at hindi ko pa nasasabi kay Kean. Humahanap ako lagi ng tamang tiyempo para sabihin sa kaniya pero hindi natutuloy. Ang duwag ko kasi!







"Graduation na pala natin next month. What's your plan after we graduate?" Narinig ko ang tanong ni Kean pero hindi nagsink in sa utak ko.





Ito na ata ang tamang araw para sabihin sa kaniya. Kinakabahan ako ng sobra! I hope it will went well.





"Uhmmm, wala pa. Ikaw?"




Jusko! Hindi kaya ng bibig kong sabihin kay Kean ang lahat. Hindi ko mailabas ang katotohan.





"Plinaplano ko pa lang." Bumaling siya sa akin at ngumiti ng napakatamis. I'm going to miss his smiles. Naging tahimik ako sa buong biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay.







Tumulo na naman ang luha ko. Ayoko talagang iwan si Kean. There is only one way to not let that happen. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Cel.





"Cel! Hindi ko talaga kaya! I already decided to reject La Musique," naiiyak kong sabi sa kaniya habang nakapikit. I want it so bad kaso nga lang ayokong masaktan si Kean.

"Ha?! What the hell, Sam! Ito na yun eh sana naman tanggapin mo na. Alam kong gusto mo ito, Sam. Pero bakit mo ito naisipan?!" Nacelle is mad, I could tell. Pero hindi niya ako mapipigilan.

"Sorry, Cel pero kailangan eh," kalmado kong sabi.

"It is because of Kean? Alam na ba niya? Gosh, Sam! I want you to be happy pero this is for your own good kasi."






Wala na akong maisip na ibang paraan kundi ito. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako kung wala siya sa tabi ko, kung hindi ko siya makikita sa loob ng dalawang taon.








"Dont worry, Kean might understand it," ani Cel. Sana nga maiintindihan niya pero hindi ko lang alam. Should I turn La Musique down again?











........

Hello, kung may nagbabasa man.🤗Thank you for reading chapter 14.

Please dont forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW for updates.

-Es

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...