The Sun in Kings Borough (Mal...

By Mhiyukisshh

36.2K 2K 462

This story is still being edited.Expect typographical errors, incorrect punctuation, incorrect dialogues, and... More

Mhiyukisshh
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29.
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33.
Chapter 34
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37
Chapter 38.
Chapter 39
Chapter 40
THE SUN IN KINGS BOROUGH
Note

Chapter 4

1K 64 25
By Mhiyukisshh


"Papunta na—nandyan na kayo'ng lahat?!" gulat na tanong ko.

"Oo Patch, kanina pa. Kapag dumating ang koryo natin at wala ka pa, parusa ang makakamit mo." may pang-aasar at pagbabanta niyang ani sa akin.

"Oo. Sige na." pagsagot ko tsaka binaba ang tawag.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang kabuuan ko sa harapan ng salamin bago lumabas ng bahay. Nakasuot ako ng itim na leggings at big shirt na tinernuhan ng rubber shoes. Kailangan daw kasi naka-attire kahit practice lang naman. Bakit kailangang naka-ayos?

Wala si Lolo dahil pumunta sya sa Tondo, sa kapatid nya para kumustahin. Yung nanay ko naman, hindi ko alam kung saan pumunta kaninang umaga.

Besides, wala naman akong pakialam kung saan siya pumunta.

"Kings Borough, Manong," saad ko sa sidecar driver.

"Bente cinco, Hija." aniya. Agad naman akong sumakay sa sidecar.

"Sige. Dalian niyo po ang pag padyak kasi nagmamadali ako."

Kung lalakarin simula sa amin papuntang Kings Borough, aabutin ako ng siyam-siyam kaya kahit mahal ang bayad ay sumakay na ako. Ayokong maparusahan ng koryo namin. Baka mag-away lang kami kung malaman ko kung anong parusa ang ibibigay niya sa akin. Nagbayad at bumaba na 'ko ng sidecar. 

"Ang init naman," reklamong bulong ko.

Nakatayo ako bungad sa bandang gilid ng Kings Borough. Maraming mga estudyante rin ang nagpapractice dito. Malawak at mahaba kasi ang espasyo. May mga nag ba-bike, Jogging at zumba. Marami ring nakatayong puno sa bawat gilid kaya mahangin.

Habang naglalakad ako papasok sa loob, marami akong nakakasalubong na mga batang nagtatakbuhan. Sisigawan ko pa sana yung isa dahil nabangga ako kaso hindi ko tinuloy dahil nakasunod yung nanay. 

"From the top!"

Ano? Akala ko ba wala pa yung koryo namin? Eh, rinig na rinig ko yung boses.

"Aba, Aba. Nandirito na pala si ate gurl. Paimportante, gurl? Takbuhin mo ang bungad papunta sa dulo nitong Kings Borough hanggang sa bukana. Limang beses!"

"Ano?! Ang haba-haba nito tapos patatakbuhin mo ako?!" angal ko sa koryo.

"Kung dumarating ka sa tamang oras, edi sana hindi ka na paparushan, ‘di ba? May kasunduan tayo kaya sumunod ka." masungit niyang ani sa akin.

"Uy, Patch. Sorry. Biglang dumating ang koryo natin saktong pagbaba ko ng tawag." 

"Tsk. Sige na, sige na." 

Wala naman akong choice kung hindi sundin siya. Nagstretching muna ako ng buong katawan. Mahirap na, baka sumubsob ako sa pagtakbo.

"Ayy pak! Ang gwapo!" sigaw ng bakla naming koryo.

"Hello. Sorry I'm late. Hindi ko kasi alam itong Kings Borough. So, I—" pinutol ng bakla naming koryo ang sasabihin ni Thorch.

"Papalagpasin ko ito. Pasalamat ka, gwapo ka. Sa unahan ko pumwesto. Marunong ka namang sumayaw?"

Napakunot noo ako sa sinabi nito. Ganoon? Ganun ganun na lang 'yon?

"Hmm, yes?"

"Good! Ang bango bango mo!"

"T-Thanks." medyo naaasiwang pasalamat na lang ni Thorch. 

Masama ang tingin ko sa koryo namin habang pinupusod ang aking buhok. Ngiting ngiti sya habang tinuturuan si Thorch. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lalaking 'to. Nakasuot siya ng sport shorts at black T-shirt.

"Kapag gwapo, hindi parurusahan?" mataray na tanong ko. More on, reklamo.

Napatingin naman ito sa akin at bakas ang irita sa kaniyang mukha, "Girl, tatlong araw na tayong nagpapractice dito. Alam mo na rin ang mga rules and regulations na sinend ko sa GC. Itong si gwapings, Bagong lipat lang sya sa Malabon kaya naman okay lang na—"

"Kahit na! Ang unfair mo!" sigaw ko.

"Ano? Umaarte ka?"

"Oo, Bakit?" 

"E-Enough," awat ni Thorch at pinaghiwalay kami, "Nabasa ko rin sa GC. Nag backread ako kanina na may parusa ang mahuhuli. So, Sige, para fair naman. Anong parusa ba?" mahinahong tanong niya kay bakla.

"Tatakbuhin ninyo ang dulo hanggang bukana nang paulit-ulit at pabalik balik ng limang beses."

Tumango na lang si Thorch. Tinapik pa niya ang balikat ng bakla na ikinatili nito. 

Potangina. Ang landi. 

I snorted. Iniwan ko na sila doon at nagsimulang tumakbo. Naiinis lang ako kasi ilang minuto lang akong late, grabe yung parusa. Mas nauna pa nga akong dumating sa Thorch na 'yon tapos hindi sya parurusahan? Itong baklang koryo naman namin por que gwapo. Hays. Kainis!

"What's with that face?"

Inis kong nilingon si Thorch na kasabay ko na pa lang tumatakbo. Hindi ko napansin.

"Ang laki nitong Kings Borough. Umurong ka doon sa kabilang slide. Naaalibadbaran ako sayo," pagtataboy ko habang sinesenyasan pa siyang lumayo.

"Ayoko nga. Kung gusto mo, ikaw ang umurong," natatawang aniya. Kinindatan pa ako nito bago tumakbo ng mabilis na ikinanganga ko.

Siraulo talaga! Nakakasira ng hapon!

Binagalan ko na lang ang takbo para hindi ko sya maabutan. Mas mabagal, mas maraming energy ang matitipid. Nauna siyang matapos sa pagtakbo habang ako naman nakakatatlo pa lang. Pinipigilan ko talagang hindi lumingon kung saan sya naka-upo para mag pahinga. Alam ko namang nakatingin siya sa akin. 

Nang matapos ay umupo ako sa isang mahabang silya. Pinanood kong mag practice ang mga kaklase ko. Laban na namin sa isang linggo ng zumba kaya kailangang maganda, pulido at perpekto ang sayaw namin. Gusto ko rin naman manalo dahil kapag nangyari yon, hindi na namin kailangang mag comply sa subject ni Ma'am. Sigurado pasado na kami sa kaniya.

Inabot kami ng ilang oras sa pagpapractice. Binigyan naman kami ng break ni bakla na bumili ng mga street foods kasi may nag lalako.

"Libre daw tayong lahat ni Thorch!" sigaw ni Benjamin na ikinatuwa ng mga kaklase ko.

"Talaga? Ang gwapo na, ang bait bait pa! Tara, chibog!" walang hiyang sigaw ni bakla.

Nagsitayuan lahat ng kaklase ko. Kanya-kanya silang punta sa mga kariton na may iba't-ibang tinda. Calamares, mais, fishball, pizza, shake, at dirty Mami.

Kinuha ko na lang ang tubig at Skyflakes para kainin. Gustuhin ko mang kumain ng mga 'yon, kailangan kong pigilan ang sarili ko. May diet list at schedule ako kaya no choice talaga.

Para silang mga hindi nakakain ng ilang taon. Mga gutom na gutom. Gaano ba kayaman itong si Thorch at nilibre buong kaklase namin? Kung mayaman siya bakit siya nasa public school ngayon?

Pabida na naman ampota. Kagigil.

"Ano 'yan?" takang tanong ko nang iabot sa akin ni Jelly ang limang calamares at isang softdrinks.

"Ipinabibigay ni Thorch. Ikaw lang daw kasi ang hindi kumakain. May gusto ata sa 'yo." maissue nitong aniya.

"Ibalik mo 'yan sa kanya at pakisabing hindi ko siya type," nandidiring sabi ko.

Tumango lang sya. Pinanood ko siyang lumapit kay Thorch. Iniaabot ni Jelly ang calamares sa kaniya. May sinabi pa siyang ikinatawa ni Thorch. Tinaasan ko sya ng kilay nang tumingin siya sa akin. Tanging pagkagat at pagnguya lang ng calamares ang isinagot niya sa akin.

"Lugaw tayo!" aya ng Presidente namin.

Pumayag naman silang lahat kasi masarap at affordable ang lugawan sa may palengke. Sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng Kings Borough. Tapos na rin kasi ang practice. Kanya-kanya silang mundo. May nagcecellphone, nagdadaldalan, tiktok, live sa facebook at kung anu-ano pa. Isinuot ko na lang ang earphone. Binuksan ko na rin ang radio sa cellphone. Ganitong oras kasi pinatutugtog ang mga kanta ni Skusta Clee. Napasimangot ako nang ibang kanta ang narinig ko.

"And I will take you forever,"

Inalis ko ang earphone. Narinig ko kasing kumakanta ng mahina si Thorch na nasa likuran ko. Isang earphone lang sinuot ko.  Sabay na sabay talaga 'yung naririnig kong tugtog sa pagkanta nya. Hindi ko na kinaya. Lumingon na ako. Nakasuot rin sya ng earphone.

"Ang ganda ng kanta, 'no?" nakangiting tanong nya. "Kasing ganda mo." 

Continue Reading

You'll Also Like

2K 315 54
╔═════ ══════╗ ⤿CELIN #01 : HARANA⤾ ╚═════ ══════╝ - : an epistolary "Hermosa Arya Celin" -°.-' he shows how much he loves her girlfriend b...
945K 32.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.9K 102 51
an epistolary ; hanna and yael
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...