Chapter 5

948 62 9
                                    

Sinara ko ang bintana ng kwarto dahil sa malakas ang anggi mula sa ulan. Wala rin kaming pasok ngayong araw dahil may bagyo. Wala namang problema sa akin. Masayang masaya pa nga ako. Cancel rin ang practice namin at uurong next next week ang zumba.

Nagdive ako sa kama tsaka binalot ang kumot sa buong katawan. Feeling ko, ako lang yung babalutin ng kumot ang sarili pero nakatutok at nakalagay pa sa number 3 ang bentilador.

"Kakain na tayo. Tumayo ka na riyan, Patch." aya sa akin ni Lolo.

"Opo, Lolo. Ito na." mabilis akong tumayo upang bumaba.

Naabutan kong nag-aahin si Lolo sa lamesa. Mukhang masisira ang diet ko nito. Lalo na't bulalo ang ulam namin. Tamang tama sa malamig na panahon.

"Sa susunod na Linggo pa uuwi ang mama rito." 

"Hindi ko naman po tinatanong," walang ganang sagot ko.

Bumuntong hininga si Lolo, "Sana maintindihan mo, Apo. Kailangan nya rin asikasuhin ang asawa't kapatid mo sa Quezon City."

"At pabayaan nya ako?" mapakla akong tumawa. Sana all diba, inaasikaso?

"Maiintindihan mo rin ang mga ito kapag naging magulang ka."

Hindi na ako sumagot pa. Ayokong sagutin si Lolo hangga't maaari. Siya lang ang meron ako kaya dapat ko sjyang mahalin at pahalagahan.

Busy kami sa pagkain nang may tumawag sa labas, si Aling Minda. Agad naman namin siyang pinapasok.

"Mang Karyo, may binatilyo sa labasan. Hinahanap si Patch. Nakisuyo lang siya na tawagin ko raw si Patch. Kilala ko naman kayo kaya walang kaso sa akin."

"Bakit nya hinahanap ang Apo ko?"  nagkatinginan kami ni Lolo. Hindi ko rin naman kilala kung sino 'yon.

"Hindi sya makasabay sa akin. Pang-isahan lang ang payong ko," sabi pa ni Aling Minda.

"Bakit raw?" tanong ko.

"May kailangan daw syang ibigay sa'yo. Thorn ata pangalan nya? Nakalimutan ko. Pasensya na, tumatanda na ako." nahihiyang aniya.

Naibuga ko ang nginunguyang kanin. Uminom ako ng tubig para mahimasmasan.

Anong ginagawa ng taong 'yon dito?

"Ako na lamang ang pupunta para malaman kung anong kailangan niya sa 'yo," ani ng Lolo kaya agad akong umiling.

"Wag na, Lo. Ako na lang. Mamaya madulas ka pa." nag-aalala kong turan tsaka naghugas bago umalis.

"Mag ingat ka, Patcherie. "

Kumuha ako ng payong bago lumabas. Mabuti naman at medyo mahina na ang ulan. Hindi katulad kanina na akala mo ay mabubutas na ang bubong namin sa sobrang lakas. Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng tindahan sa labasan.

Loko 'to. Mahoholdap 'to sa itsura niya. Nakapolo shirt at pantalon pa. Umuulan na, nakuha pang mag ayos?

"Anong ginagawa mo rito?"

Napatalon pa siya sa gulat dahil bigla akong nagsalita.

"Here's my requirements sa General Mathematics."

"Pwede naman pagpasok na sa School. Pumunta ka rito para lang magpasa niyan? Alam mo bang inistorbo mo ang pagkain ko?"

"I'm sorry. Well, I'm going to Makati kaya ko pinapasa 'to sayo. Hindi rin ako makakapasok sa Lunes." paliwanag niya.

"Okay. Sige na—"

"Shit!" sigaw nya. 

Nang akmang tatalikod na ako ay may biglang humarurot na van malapit sa gawi namin dahilan para tumalsik lahat ng tubig sa amin. Pati ako ay napamura.

The Sun in Kings Borough (Malabon Series #1)Where stories live. Discover now