My Ruthless Devil

By angelo_garnet

2.1K 60 3

My Ruthless Devil (Devil Series #1) Formerly known as Kia's Revenge "I'm not going to be the moon who's const... More

REWRITTEN AND EDITED
My Ruthless Devil
Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 9

16 0 0
By angelo_garnet

Hindi pa man ako nakakaalis ng bahay namin, mukhang sira na ang araw ko.

Ngayong araw lilipat ang half-sister ko dito sa bahay namin. Ang mga maleta niya ay nasa living room na habang ang iba ay dinadala ng mga katulong namin sa magiging kwarto niya—na katabi ng kwarto ko.

I really don’t want her to live with us, pero wala naman akong magagawa dahil gusto talaga ni Dad na dito siya tumira kasama namin.

“Oh, you’re awake now, Kia. You want me to tell the maids to prepare your food?” tanong ni Dad nang mapansin niya akong nakadungaw mula sa second floor.

I smiled. “No need, Dad. I will prepare my food myself,” sagot ko.

I looked at my half-sister. Nakatingala siya sa akin dahil nasa second floor ako habang nasa first floor naman siya.

“Ngayon ka pala lilipat dito, sis,” saad ko. I wanted to puke because I called her “sis.”

Kimberly nodded and smiled at me. “Yes, sis. I’m excited to live with you.”

Nakakairita dahil ibang iba talaga ang ugaling pinapakita niya kapag nandito si Mom at Dad. Dati ay iniirapan niya lang ako, pero ngayon ay nakukuha niya na akong ngitian. Whenever she is with Axel, she would just snob me.

“Do you want me to design your room? Magaling akong mag-design ng room,” sabi ko.

“That is great, Kia. Maybe I should arrange a date just for the two of you para makapag-bonding naman kayo,” singit ni Dad.

Sumang-ayon naman si Kimberly sa suggestion ko kaya pumanhik na siya. When we were outside of her room, I turned to face her.

“Masaya ka naman na dito ka na titira sa mansyon?” tanong ko.

There is no need to pretend since no one is looking at us. Hindi ko na kailangang umakto na para akong isang santo, at hindi na rin niya kailangang umakto na parang gustong gusto niya ako.

“Oo. Dahil ngayon, I finally get what I deserve,” sagot niya.

I smirked and touched her hair. “Deserve mo nga ba talaga ang lahat ng binibigay sa ’yo ni Dad? Deserve nga ba ng isang kagaya mo na anak sa labas ang mga magagarang gamit na nandito sa mansyon?”

Her stare at me sharpened. Tinapik niya ang kamay ko na humahaplos sa buhok niya kanina lang.

“Ano naman kung anak ako sa labas? Ginusto ko bang maging anak ako sa labas, Kia? At oo, deserve ko ang lahat ng mayroon ako ngayon. Responsibilidad ni Dad na mag-provide para sa ’kin, but he was busy caring for you and your brother kaya nakalimutan niya na ako.” She raised an eyebrow. “Whatever you have right now, I deserve those, too.”

Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at umupo sa kama niya. She stood by the door and crossed her arms.

“Kahit magkapatid tayo, hinding hindi talaga tayo magkakasundo. We clearly hate each other. Magkaibang magkaiba ang ugali nating dalawa,” ani ni Kimberly. She rolled her eyes at me.

I raised a brow. “Obviously. At paano pa kita magugustuhan pagkatapos ng ginawa mo sa akin dati? You locked me inside a dark room, and I fainted because of fear! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo,” sabi ko.

Lumapit siya sa akin. Yumuko siya para pantayan ang mukha ko. “Sobrang tagal na n’yan, Kia, pero ’yan pa rin ang source ng galit mo sa ’kin?”

Tumayo ako at hinarap siya. “The fact that you were born because of adultery was enough to anger me.”

Nagkatitigan kaming dalawa. Kitang kita ko sa mga mata niya na ayaw niya talaga sa akin. Kitang kita ko na hindi niya talaga ako gusto bilang kapatid niya.

“Hindi mo talaga gustong tumira ako dito, ’no? Medyo plastic ka rin, Kia. Kapag nandito si Dad ay mabait ka sa ’kin, pero kapag wala na siya ay lumalabas ang tunay mong ugali,” sabi ni Kimberly at mahina pang natawa.

I laughed because of what she said. “You are such a hypocrite, sis. Hindi ba at plastic ka rin naman? You were just like me so don’t act like we're all good. Kapag wala si Dad, masungit ka rin naman sa akin, ’di ba? Pero kapag nasa paligid lang si Dad ay akala mo kung sino kang mabuting kapatid,” sambit ko.

I rolled my eyes. “Being in the same room with you makes me sick,” saad ko at lumabas na ng kwarto niya. “You’re like a stinky smell in a garden full of roses.”

•   •   •   •   •

“Bakit hindi ka pinapansin ni Alexis? Bakit nagalit ’yon sa iyo?” Sinundot-sundot pa ni Paula ang bewang ko habang nagtatanong siya.

Binalingin ko ng tingin si Alexis.

Kanina niya pa ako hindi kinakausap. Last subject na namin ito sa morning classes namin at magla-lunch break na pero kahit isang “hi” ay hindi niya nagawa.

I think hindi talaga siya sang-ayon na nanliligaw sa akin ang kapatid niya. He doesn’t like it. Naiintindihan ko naman siya. He’s really protective of me, of us.

“Just let him be, Paula. Hindi naman niya matitiis si Kia. Siya rin mismo ang unang kakausap,” sabat naman ni Yvette.

Nag-focus na lang ako sa klase kahit na pasulyap-sulyap pa rin ko kay Alexis. Hindi lang ako sanay na tahimik siya.

Pumunta kami sa canteen pagkatapos ng last class namin sa umaga. Tatayo na dapat ako pero pinigilan ako ni Alexis.

“Ako na ang o-order ng sa ’yo. ’Wag ka nang tumayo,” sabi niya at naglakad na paalis.

“I-order mo na rin kami!” walang hiyang sigaw ni Raine. Napatingin tuloy sa kan’ya ang mga tao sa paligid’ pero parang wala lang ’yon sa kan’ya.

Tumango naman si Alexis at nag-wave pa ng kamay habang nakatalikod sa amin.

Ilang sandali pa ay nakita ko na si Alexis na papunta sa gawi namin habang may dalang dalawang tray. May staff pa ng cafeteria na nagbubuhat ng ibang tray na nasa likod niya.

Sa kabilang banda naman ay nakita ko rin si Axel na papunta sa direksyon namin habang may dalang dalawang tray.

The atmosphere suddenly changed. Mukhang magkakaroon pa nga ng away ang magkapatid.

“Here’s your food, Kia.”

“I brought food for you, baby.”

Sabay na nagsalita ang magkapatid.

Napakagat na lang tuloy ako sa ibabang labi ko nang magpalitan ng matatalim na tingin ang dalawa.

Sabay rin na lumapag ang dala nilang tray sa lamesa na gumawa ng ingay.

“Hi,” sabi ko dahil sa pagkailang.

Kinuha ko naman ang tray na may lamang pagkain na ibinigay nila sa akin. I gave them a smile.

“Let’s eat?” I asked them both.

Mac and cheese ang dala ni Axel habang carbonara naman ang dala ni Alexis.

Tumabi sa akin ni Alexis dahil doon naman talaga ang upuan niya habang si Axel naman ay nasa harap ko.

We silently ate. Walang nagsasalita. Ang mga babae ko namang kaibigan ay walang sinasabi, ngunit pasulyap-sulyap sa amin.

“What are you doing here, kuya?” Alexis asked all of a sudden.

“I’m here to join Kia have lunch,” Axel answered at sumandal pa sa upuan niya.

“Stop courting Kia, kuya,” sabi ni Alexis.

Axel smirked and he shot his right brow up at his brother. “Why would I do that, huh? Bakit? Gusto mo rin ba siya?” mapaglaro niyang tanong.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatingin ako kay Alexis na nasa tabi ko ngayon.

“I don't like her. She’s my best friend ever since so she is like a little sister for me.” He glanced at me before throwing his glance back to his brother. “You’ll just hurt her, kuya. I can’t let you hurt my best friend. Marami kang babae. You’re a playboy, a casanova.”

Bahagyang nawala ang ngisi ni Axel, pero mabilis din itong bumalik.

Naramdaman ko ang tingin ng mga kaibigan ko sa paligid.

“I changed, Alexis. I was a playboy before I liked Kia, but I stopped being one. And don’t worry, I will not hurt my baby,” Axel said and looked at me.

My heart beat suddenly became fast. Pakiramdam ko ay matutunaw ako dahil sa tingin niya. Pakiramdam ko ay para akong ice cream na nakabilad sa mainit na sinag ng araw.

“I don’t believe you, kuya. Saksi ako kung paano mo paiyakin ’yung mga babaeng naging ka-fling mo,” pagkontra naman ni Alexis.

Parang natatakot tuloy ako na tuluyang magtiwala sa kany’a dahil sa narinig ko. Paano kung pati ako ay magawa niyang paiyakin?

We’re still in the stage of courtship. I’m willing to know him more. I’m willing to know every single detail about him. Mas mabuti na sigurong masaktan ako habang nalalaman ang totoo kaysa mas masaktan ako kung magugulat na lang ako na kaya niya palang gawin ang isang bagay na makakasakit sa akin.

“You don’t need to believe me now, Alexis, because I will prove it to you and to everyone that I am really sincere about my feelings for Kia. I will prove that I really like her, and I will prove that I’m really deserving of her love,” Axel answered.

Para namang may humaplos sa puso ko. He’s such a sweet talker. Nakakatunaw ng puso ang mga salita niya na para bang hinaharana nito ang puso ko.

Hinaplos si Axel ang pisngi ko at inilagay ang buhok na nakaharang sa mukha ko sa likod ng tenga ko.

Naiilang ako dahil nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Isa pa, we’re showing a public display of affection.

Naririnig ko na ang mga impit na tili ng ibang students na nakatingin sa amin.

“See you later, baby. Iiwan ko na muna kayo. Finish your food,” malambing niyang saad. He quickly kissed my left cheek that immediately made my cheeks turn red.

Tumayo na si Axel. Kinindatan niya pa ako bago siya tumalikod at lumabas ng cafeteria.

“Oh, my Kia! Sobrang nakakakilig!” Raine screamed and hit my shoulder.

Napangiwi naman ako dahil nasaktan ako sa paghampas niya. Hindi pa rin ako sanay na nanghahampas siya tuwing kinikilig o kaya ay masaya.

“Masakit!” Ibinalik ko ang hampas niya.

Parang mapupunit na ang gilid ng labi ko dahil sobrang laki ng ngiti ko ngayon.

“Ano’ng nakakakilig doon? Kadiri nga, eh,” kontra naman ni Alexis na ngayon ay pinagpapatuloy na ang pagkain niya.

Parang ayaw ko na tuloy kumain pa. Busog na ako sa mga matatamis na salita at halik ni Axel.

Feeling ko talaga ay nabi-bitter lang si Alexis sa amin ng kuya niya. Baka naman naman kailangan niya na talagang magkaroon ng girlfriend para hindi na siya ma-bitter.

“Bitter ka lang talaga sa kanilang dalawa. Palibhasa wala ka pang girlfriend,” pang-aasar naman ni Wendy kay Alexis.

Inilapit ni Alexis ang mukha niya kay Wendy. “Bakit? Gusto mong ikaw na lang maging girlfriend ko?” tanong niya dito.

Namula naman kaagad ang pisngi ni Wendy.

Ganito pala ang pakiramdaman nang makapanood ng nakakakilig na pangyayari. Ganito rin siguro ang naramdaman nila kanina habang pinapanood kami ni Axel.

“Ayoko sa ’yo! ’Di kita type at pangit ka!” Umiwas nang tingin si Wendy habang namumula pa rin ang pisngi.

Basta ako, hindi ako makakatulog mamayang gabi dahil sa kilig.

✿ • —— ∞ —— • ✿

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
6.8K 111 42
"The unfortunate events that happened in our life cannot be undone but a lesson learned from it will makes us stronger and wiser to dealt the another...