♡ The Promise ♡

By nyghtdreamer

97.9K 2.3K 218

He promised me two things. Pero una pa lang, sinira na niya ang pangako niya. Aasahan ko pa bang tutuparin ni... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirteen

3.4K 92 4
By nyghtdreamer

Chapter Thirteen

Ella’s

Nakapangalumbaba ako sa table habang naghihintay na bumalik si Cedric. Um-order siya ng ice cream namin and obviously, nasa isang ice cream parlor kami.

While waiting, iniisip ko pa din yung tungkol sa birthday party na ipinilit ni Mommy at ung sinong Poncio Pilato na nag-sponsor sa birthday ko. Wala akong idea kung sino siya at kung bakit siya nag-sponsor sa birthday ko. At kung tutuusin, hindi ko kailangan ng sponsor!

Nagkukuripot na ba ngayon ang parents ko at nagpa-sponsor pa para sa birthday party ko?! I can’t believe it! But I think, it has something to do with our business.

Oh... whatever! Bahala sila party for animal na gusto nilang mangyari. Magpapakita lang siguro ako doon pero hindi ako magtatagal.

“Here.”

Napaangat ang tingin ko sa naglapag ng ice cream sa sa harap ko at malamang na si Cedric ang nakita ko.

Tipid akong ngumiti sa kanya. “Thanks.”

Yumuko ulit ako doon sa ice cream at kinuha ko ang kutsara noon saka ako sumubo. After that, pinaglaruan ko na lang yung ice cream using the spoon, still thinking about my up coming birthday party kahit na ayaw ko nang isipin, hindi ko pa din mapigilan.

“Ella,” tawag sa akin ni Cedric.

“Hmm?” Sumubo muna ulit ako ng ice cream bago ako nag-angat ng tingin.

“Don’t you really want a birthday party?” he asked.

Tiningnan ko lang siya, thinking why the hell he is asking that when he already knew the answer to his question? Does he really want me to answer that?

Oo, napatawad ko na siya pero hindi ko pa din naman makakalimutan kung ano ang nangyari noon. I only forgive and I don’t think I could forget.

“I will be there,” wika niya habang mataman na nakatingin sa akin

I just smiled, a faint one.

Pagkatapos noon ay hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa matapos na kaming kumain ng ice cream.

Hay... bakit pa kasi nauso pa ang birthday? Sa totoo lang, ayoko na talagang nagse-celebrate ng birthday ko simula noong mangyari yung sa eighteenth birthday ko. It was a big disappointment to me at ayoko nang maulit pa iyon.

Nag-ikot pa kami sa loob ng mall nang hindi gaanong nag-uusap. Naglalakad lang kami at hawak niya lang ang kamay ko sa buong pag-iikot namin. Ni minsan hindi niya ako binitawan.

Paminsan-minsan siyang nagtatanong at sumasagot din naman ako. Pagkatapos, wala na, tatahimik na lang ulit kami.

Mahirap din pala na magsimula ulit. Pareho kaming medyo nagkakailangan. But I wish na sa mga susunod na araw, mawala na yung ilang na 'yon at maging kompotable kami sa isa’t-isa ulit katulad ng dati.

Seven years... seven years kaming hindi nagkasama at ayoko nang may masayang pa na panahon para sa amin.

I want to be with him... always.

Sana lang talaga, this time, hindi na masayang kung ano man ang nauumpisahan namin ngayon.

Hindi na ako hihiling ng kahit ano sa kanya, basta nanriyan lang siya palagi at hindi na ulit ako iiwan. I won’t make him promise me anything basta huwag lang ulit siya mawalala na parang bula.

Dahil parang hindi ko na kakayanin kapag nangyari ulit 'yon.

“Elly,” tawag sa akin ni Cedric na pumutol sa mga iniisip ko.

Nakangiti akong lumingon sa kanya. Ang cute kasi ng tawag niya sa akin, eh.

Elly... ano naman kaya ang itatawag ko sa kanya? Nag-isip ako saglit at may pumasok naman kaagad sa isip ko.

“Yes, Ceddy?” tanong ko.

Ngumiti din siya sa akin. “Elly and Ceddy... cute,” he commented. “How about going to the park?”

“Hmm...” Nag-isip ako for a second. “Sure.”

Nagpunta na kami ng parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Mukhang nainip na siya dito sa mall kaya nagyaya na siya sa ibang lugar. Naiinip na din naman ako kaya pumayag na ako.

Nang makasakay na kami sa kotse niya, noon lang niya binitawan ang kamay ko. Naghinayang naman ako. Pero alangan naman kung habang nagda-drive siya hawak niya pa din ang kamay ko? Baka madisgrasiya pa kami kaya hinayaan ko na lang.

On our way to the park, I felt bored kaya naman kinalikot ko yung mga gamit sa lood ng kotse ni Cedric. Actually, wala gaanong gamit. Hindi katulad sa kotse ko na madaming maliliit na stuffed toys sa harapan at kung anu-ano pang kolorete.

Dito sa kotse niya, puro CDs lang ng mga songs ang nakikita ko. Binasa ko lang yung mga title ng songs.

And I could say that he’s the same old Cedric...

Ganoon pa din yung mga tipo niyang kanta. Mga slow rock.

Ibinalik ko na sa dashboard yung mga CDs at yung maliit naman na compartment sa harapan ko ang binuksan ko.

At sobang nagulat ako sa nakita ko sa loob!

What the heck?!

“Cedric!” sigaw ko na lang bigla na dahilan para bigla din siyang mag-break. Kung hindi lang ako naka-seatbelt baka nasubsob na ako sa dashboard.

“Hey, what happened?” gulat niya tanong.

Nilingon ko siya na may matalim na tingin. Gusto ko siyang suntukin sa mukha ngayon dahil sa kababuyan niya.

Grabe, ang gross!

Tinanggal ko yung seatbelt ko at walang sabi-sabing sinugod ko siya ng hampas.

“Walang hiya ka! Ang baboy mong lalaki ka!” galit kong sigaw sa kanya habang patuloy sa paghampas sa kanya.

“Hey, elly, ano ba 'yon? Teka—aray! Teka sabi, masakit,” pagrereklamo niya habang sinasangga lahat na palo ko.

“Walang hiya ka talaga! Kababuyan mo from States, dinala mo pa dito sa Pilipinas!” nanggagalaiti ko pa ding sabi sa kanya.

“Elly—ouch!” Natamaan ko siya sa mukha.

“Elly your face! Kadiri ka!”

“Ella, sandali nga sabi,” aniya at nahili na niya ang mga kamay kong walang tigil sa pagpalo sa kanya kanina. “Ano ba 'yon?”

Lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

Argh! Bait ba hindi ko naisip 'yon nang nalaman kong galing nga pala siya sa States?

“Calm down, okay? Ano ba 'yon?” tanong niya pa sa mahinahong tono.

“Anong calm down?!” pasigaw ko pa ding tanong sa kanya at gusto ko ulit siyang hampas-hampasin pero hindi makawala ang braso ko sa pagkakahawak niya. “You expected me to calm down when I saw an underwear and condoms in your mini compartment?!”

Nakita kong nagulat din siya sa sinabi ko. Matagal na hindi siya nakapagsalita at matagal ko din siyang pinatay sa mga tingin ko, kaso hindi pa siya bumubulagta hanggang ngayon. LOL!

“Ella...” he finally talked. “That wasn’t mine—.”

“Of course, it was not yours! Dahil panty ang nakita ko!” putol ko sa kanya at napipikon na talaga ako.

Argh! Nakakadiri and to think na hawak niya ngayon ang braso ko!

“Let me explain first, will you?” wika niya sa nagpapaunawang tinig.

“Two minutes,” pagbibigay ko naman ng kondisyon.

“Okay. As I’ve said, that wasn’t mine at hindi ko alam kung kanino. But I clearly remembered na hiniram ng pinsan ko itong kotse ko bago ako umalis ng States. So, I think that was his girl’s underwear,” paliwanag niya.

But I am not convinced. Binawi ko na ang kamay ko at binitawan niya naman ako. Humarap ako sa windshield ng kotse at sumandal sa upuan ko habang nakahalukipkip ang mga braso ko.

Sinara naman ni Cedric yung mini compartment sa harap ko.

“Elly...” tawag niya sa akin at sinubukan niyang hawakan ako.

“Don’t touch me.” Iniwas ko sa kanya ang braso ko.

Hindi talaga ako naniniwala sa kanya! Asa siya! Bwisit! Mangbababae na lang mag-iiwan pa ng ebidensiya.

“Fck, Johnas!” narinig kong bulog niya at humarap siya sa bintana sa side niya.

Tsss! Asa talaga siyang maniwala ako sa palusot niya!

Ilang saglit kaming ganoon lang at maya-maya lang ay nag-umpisa na ulit siyang mag-drive. Wala na namang pansinan hanggang sa makarating kami sa park.

Lumabas agad ako ng kotse pagkahinto at sumunod naman siya sa akin.

“Ella...” Hinawakan niya ako sa braso pero pumiksi lang ako para matanggal 'yon at nagtuluy-tuloy lang ng lakad.

Bahala siya sa buhay niya. Napakalaking jerk niya talaga! Nakakabwisit! Hindi na siya nahiya sa balat niya at dinala niya ang kababuyan niya dito sa Pinas?

Hah! Ang sarap niyang patayin!

“Ella, naman... maniwala ka naman sa akin, o,” pakiusap niya at niyakap niya ako mula sa likod.

“Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” Pinipilit kong tanggalin yung mga kamay niya.

“Bibitawan lang kita kapag naniniwala ka na sa akin,” aniya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin.

Mabuti na lang medyo madilim na at kaunti na lang ang mga tao kaya walang nakakapansin sa amin dito. Kasi nakakahiya kapag nagkataon na maaga pa at maraming taong namamasyal dito sa park!

“Please...” he begged.

Itinigil ko na ang pag-aalis ng mga kamay niyang nakapulopot sa akin at nanahimik na lang ako.

Naiiyak na kasi ako. Isipin ko pa lang na may iba siyang babae na nakakasama, nasasaktan na ako. Yun pa kaya na obvious na may ginawa silang milagro?

Pinipigilan ko yung mga luha ko pero kahit ano pang pigil ko ay kusa pa din silang bumagsak sa mga pisngi ko.

Naramdaman ko ang pagluwang ng pagkakayakap niya sa akin at ang tuluyan niyang pagbitaw. Nang iharap niya ako sa kanya ay hindi na ako nagmatigas pa pero yumuko ako para hindi niya makita ang mukha ko.

Pero kahit anong tago ko sa mukha ko ay pinilit niyang ianggat ang mukha ko at nakita niyang umiiyak ako.

“Ella, h’wag kang umiyak, please,” sabi niya at imunpisahan niyang punasan ang mga luha ko. “Wala ka naman dapat iyakan dahil sinabi ko sa 'yon yung totoo. So, please, stop crying.”

Pinilit kong kumalma pero paminsan-minsan pa ding may tumutulong luha mula sa mga mata ko na agad din naman niyang pinupunasan.

“H’wag ka nang umiyak. Hindi ko naman yun gagawin sa ibang babae,” patuloy niya sa pagpapatahan sa akin. “Gusto ko sa 'yo lang,” dagdag pa niya na nagpaangat ng tingin ko sa mukha niya.

Nang makita ko ang mukha niyang wagas kung makangiti ay bigla na namang nabuhay ang inis ko sa kanya.

“Bastos ka talagang lalake ka!” pabulyaw kong sabi kasabay ng pagtulak ko sa kanya palayo sa akin.

Pagkatulak ko sa kanya ay tinalikuran ko ulit siya at naglakad ako palayo. Narinig ko pa yung malulutong niyang tawa sa likuran ko.

Grrr! Napaka-pervert na talaga niya!

“Elle, h’wag kang mag-alala. Hindi pa naman natin yun gagawin ngayon,” pahabol niya pang sabi habang papalayo ako sa kanya. “Sa susunod na kapag pinakasalan mo na ako.”

Kasunod noon ay ang mas malulutong niya pang tawa at ang pag-iinit ng mukha ko sa sobrang hiya.

~~~o~~~

two or three chapters to go.

please, leave comments. :)

♥♥♥NYX♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

97.5K 3K 55
Maibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakata...
2.1K 7 18
DICLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author. They are not even distantly inspired...
115K 919 39
Teaser: Lahat ng tao ay may halaga at misyon sa mundo, pero isa lang ang alam ko ang hindi mo mapredict sakung anong kaakibat nitong kaguluhan sa buh...
26.5K 727 34
REMINDERS!!! This is a girlxgirl story kung ayaw mong magbasa ng ganitong kwento, edi wag. In this story kailangan mo maging open minded at kung homo...
Wattpad App - Unlock exclusive features