Lost Village Arc: COMPLETED

By Eccadsonive

2.9K 445 105

The Adventure Of Lumina [Volume 1] You need to gather the 4 keys to enter the Lost village but where will yo... More

Lost Village Arc
Prologue
Chapter 1: A Sudden Mission
Chapter 2: Deisn Wood
Chapter 3: The strange guy
Chapter 4: Be my party
Chapter 6: Time balance
Chapter 7: Ancient Characters
Chapter 8: An old friend
Chapter 9: The Light and shadow
Chapter 10: Heureuse Mendehl
Chapter 11: Desire Forest
Chapter 12: Aura Link
Chapter 13: Illusions
Chapter 14: Douleur Earthany
Chapter 15: The Shield
Chapter 16: Candies
Chapter 17: Switching Twins
Chapter 18: Fight Starts
Chapter 19: Fell down
Chapter 20: Janua Airany
Chapter 21: Those Feelings
Chapter 22: The four deities
Chapter 23: Arrival
Chapter 24: Nuelie Waterhany
Chapter 25: Healed
Chapter 26: Promise
Chapter 27: Here we are, Lost Village!
Chapter 28: Everyone's Location
Chapter 29: White Gryphons' Vice Captain
Chapter 30: Confrontation
Chapter 31: Rase Lostein
Chapter 32: 10 Hours Left
Chapter 33: The law to forbids
Chapter 33: The Law To Forbids (Part 2)
Chapter 34: Embracing Of Lightning
Chapter 35: Heure's Last Fight
Chapter 36: To Where I Belong
Chapter 37: The Summoner And The Summoned
Chapter 38: The Lost Village Finale
EPILOGUE
SOON
ABOUT THIS BOOK/NOVEL

Chapter 5: Meet the Client

76 12 6
By Eccadsonive

Chapter 5: Meet the Client

Tanging ang sasakyang pangdagat lamang ang pwede naming gamitin na transportas'yon upang makaalis sa islang 'to. Inabot pa kami ng kalahating araw mahanap lang ang bangkang ginamit ni Thud papunta dito. We found it near at the Deisn Wood kung saan ko siya natagpuan pero nakakapagtaka dahil hindi ko na maramdaman ang aura ng limang golem na nakaharap ko kahapon.

Pagkakuha namin ng bangka ay agad na kaming sumakay at nagsagwan paalis. Sa wakas ay makakaalis na rin ako sa lugar na 'to. Sapat na damit lamang ang dala ko at ang batong iniutos ni tanda sa'kin, bukod do'n ay wala na akong ibang dinala.

Isang oras ang makalipas nang umalis kami sa isla, nasa gitna pa rin kami ng dagat. Hindi na namin matanaw ang isla pero masama ang pakiramdam ko dito, para bang hindi maganda ang mangyayari.

"Seriously Thud, where are we?" Naiiritang tanong ko habang pinagmamasdan ang subrang lawak na karagatan.

Panay ang pagsagwan ko habang tinitingnan niya ng mabuti ang mapa na hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha. Kalapit bayan lang naman 'yong lugar ng kliyente pero bakit inabot kami ng ganito katagal?

"I think, we are lost!" Nagpatuloy ako sa pagsagwan hanggang sa tuluyang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

"LOST? SA GITNA NG DAGAT?" sigaw ko dahil sa subrang pagkainis.

"Oi! Oi! Sandali!" Parang gulat na gulat na sabi nito na para bang pinipigilan niya ako.

"Bakit na naman?" Iritang tanong ko.

"Bakit mo binitawan 'yong sagwan?" nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang sinabi niya. Tiningnan ko ang mga kamay ko at wala na nga itong hawak. Lagot na!

Bigla siyang tumayo at tumalon sa dagat ng walang pasabi. Pero dahil talaga atang puro kamalasan na lang ang aabutin ko sa lalaking 'to ay sumabit ang paa nito sa bangka kaya maging ako ay nahulog.

-~•~-

Naramdaman ko ang pag-pump ng kung sino sa dibdib ko kaya unti-unti akong nagmulat pero lahat ata ng katinuan sa katawan ko ay bumalik nang makita ko ang lalaking walang ibang binigay sa'kin kung hindi kamalasan na unti-unting inilalapit ang mukha niya sa'kin.

"AAAAAAAH!" Sigaw ko sabay sipa sa kanya ng malakas bago pa man maglapat ang hindi dapat. "BASTOS! MANYAK!"

"Tsk! Tinutulungan na nga dami pang reklamo," bulong nito na hindi ko alam kung bulong ba talaga kasi narinig ko naman.

"Tinutulungan? Eh kung lunurin na lang kaya kita?" Tanong ko habang inaalala ang nangyari bago ako tuluyang mawalan ng malay sa tubig kanina.

Sumabit ang paa niya sa akmang pagtalon kaya maging ako ay nahulog at nataob ang bangkang sinasakyan namin. Lumangoy ako pataas para makaahon nang bigla na lang siyang kumapit sa paa ko at pilit iniaangat ang sarili niya. Kaya sa halip na makaahon ako agad ay tuluyan akong nawalan ng hininga at nawalan ng malay.

"Tatalon-talon pa kasi, hindi din naman pala marunong lumangoy!" Pagpaparinig ko sa kanya kahit pa katabi ko lang siya.

"Ang ingay!" Reklamo niya habang tinatakpan ang tainga. Kaasar talaga dapat nalunod na lang 'to kanina eh.

"Nasaan 'yong mapa?" Tanong ko habang pilit pinapahinahon ang sarili ko.

"Huh?" Tanong nito habang nakalagay pa rin ang daliri niya sa tainga. Nanadya ba siya?

"Nasaan ang mapa?" Kaunti na lang talaga, malapit nang maubos ang pasensya ko.

"Huh?"

"ARGH! TANGGALIN MO KASI 'YANG DALIRI MO SA TAINGA MO NANG MARINIG MO AKO!" Sigaw ko na halos mapaos pa ako.

Tinanggal niya 'yong nakatakip sa tainga niya, sa wakas narinig niya din ako eh 'no, "So ano nga?"

Kailangan ko pa rin ba talagang ulitin? Kailangan ba talaga? "Nasaan 'yong mapa?" Nanggigigil na tanong ko sa pangatlong pagkakataon.

"Nabitawan ko," sagot nito saka inilibot ang paningin sa kinaroroonan namin.

"Ah oka- ANO!?" Gulat na tanong ko pero hindi man lang ako pinansin ng lalaking 'to, natigilan siya bigla nang hindi ko alam. Huminga na lang ako ng malalim at tiningnan ang tinitingnan nito.

Bumungad sa 'kin ang malawak na buhangin at ilang mga puno sa 'di kalayuan. Tuyo na ang damit ko dahil ko sa init na siguro ay kanina pa tumatama sa'kin habang wala akong malay pero saan nga ba kami napadpad?

"Nandito na tayo," biglang sabi niya, hindi ko alam kung sa'kin ba niya sinasabi 'yon o kinakausap niya lang talaga ang sarili niya.

"Nandito na tayo... Saan?" Tanong ko para maging malinaw, malay ko ba kong ina-assume niya na nandito kami kahit hindi naman talaga 'to 'yong lugar. Bigla siyang nag-umpisang maglakad kaya sumunod na lang ako.

"Land of Seeth, nandito ang kliyente natin," seryoso ba talaga siya? Nandito ba talaga kami? Baka naman pinaglololoko lang ako nito?

"Sigurado ka ba na dito 'yon?" Tanong ko, sa dami ng pinagdaan ko sa loob lang ng halos dalawang araw, hindi ko na alam kung pagkakatiwalaan ko ba mga sinasabi ng lalaking 'to.

"Familiar ang mga aura sa lugar na 'to kaya hindi ako pwedeng magkamali." Nakahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Mukha namang may kabuluhan ang sinasabi niya kaya siya na lang ang bahala, wala din naman akong alam sa lugar na 'to.

"Lumina," tawag nito kasabay ng paglingon niya sa sa'kin.

"Oh?" Taas kilay kong tanong, 'wag niyang sabihing hindi niya alam kung saan nakatira ang magiging kliyente namin?

"Kung maglalakad lang tayo, aabutin tayo ng limang araw bago makarating sa bahay niya." Nakahinga ako ng maayos nang mukhang seryoso at matinong pag-uusap ang magaganap. Minsan lang 'to 'no kaya susuportahan ko siya.

"Hindi naman siguro tayo nagmamadali 'di ba?" Tanong ko pero isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mukha niya. Bigla na naman akong kinabahan, mukhang may naiisip na naman siyang hindi maganda.

"May ideya ako kung paano tayo makakapunta ng mabilis doon." Ideya? Sinasabi ko na nga ba eh, may gagawin na naman 'tong hindi maganda.

"Kung ano man 'yan, alam kong hindi magiging magandang ideya kaya 'wag na lang." Sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad, nilagpasan ko siya at naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

Makalipas ang dalawang oras ng paglalakad, dumaan na kami sa may mga kabahayan, sa kagubatan, at mga ilog pero hindi pa rin kami nakakarating sa bahay ng magiging kliyente namin. Alam ba talaga ng lalaking 'to kung saan kami pupunta? Pakiramdam ko kasi nawawala na kami eh.

"Thud, sigurado ka bang tama ang dinadaanan na'tin? Baka naliligaw na tayo?" Tanong ko for the tenth time.

"Sabi ko naman sa'yo eh, may alam akong madaling daan para makarating agad tayo, ayaw mo naman." Pa'nong hindi ako aayaw eh lahat na lang ng ginagawa niya ay nagbibigay ng kamalasan sa'kin.

Akmang aapak ako sa pinakahuling bato nang biglang mag-slide ang paa ko kaya nahulog ako sa tubig, isang hakbang na lang eh, makakatawid na ako, kaasar! Nandito kami ngayon sa isang ilog na hindi ko alam kung pang-ilan na sa mga nadaanan namin mula kanina.

"Ayos ka lang?" Tanong niya habang iniaabot ang kamay niya sakin para tulungan akong umahon. Sa lagay kong 'to mukha pa ba akong okay?

Iniabot ko ang kamay niya at hinila niya ako paahon. Sinubukan kong tumayo agad pero bumagsak din ako sa lupa dahil siguro sa subrang pagod ng mga paa ko sa layo at hirap ng mga dinaanan namin.

Bigla siyang umupo patalikod sa harap ko, "Mukhang hindi mo na kayang maglakad, sumakay ka sa likod ko." Suggestion niya, ayaw ko sana ng ideyang 'to kasi alam ko naman na maging siya ay pagod na rin. Isa pa, hindi ko alam kung magaling na ba talaga siya. Pero dahil sa hindi ko na talaga kayang maglakad ay pumayag na lang ako, mas matatagalan lang kami kung magrereklamo pa ako.

"Kumapit kang mabuti!" Utos niya, napakunot ang noo ko, hindi naman siguro ako mahuhulog kahit hindi ako kumapit ng mabuti ah? Maglalakad lang naman siya hindi b-

"AAAAAAAAAAAAH!" Malakas na sigaw ko nang mag-umpisa siyang tumakbo. 'Yong takbong halos pumikit na ako dahil wala din naman akong nakikita sa subrang bilis niya. Balak yata talaga akong patayin ng lalaking 'to

Bigla siyang huminto kaya dumilat na ako. Siya 'yong tumakbo pero ako 'yong tudo habol ng hininga dahil sa ginawa niya. Sana sinabi man lang niya na ganito ang gagawin niya para at least nakapaghanda ako.

"Sabi ko sa'yo eh, mabilis tayo makakaratin-" malakas ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya.

"Ibaba mo na nga ako!" Utos ko na ginawa niya naman agad. Bumungad sa harap namin ang isang malaking bahay na halos napapalibutan ng mga tuyong baging. Lumang luma na kung pagmamasdan ito, para bang ilang daang taon nang walang nakatira dito.

Nilibot ko ang paningin ko at tanging mga kahoy at halaman lamang ang nakikita ko, wala bang kahit isang tao man lang dito?

"Tulad ng bahay na tinutuluyan mo, nakatayo din ito malayo sa mga tayo. Pumasok na tay-"

"Hep! Hep!" Hinarangan ko ang daraanan niya kaya napahinto siya agad. "Sigurado ka bang ito 'yon? Baka mali ka lang, bumalik na tayo," pagpupumilit ko. 'Yong aura ng bahay na 'to ay mas malakas pa sa aura na nararamdaman ko sa bahay ni tanda, hindi ko alam kung ano ang maaaring naghihintay samin sa loob nito.

"Anong ingay 'yan?" Natigilan ako nang marinig ang boses ng isang babaeng puno ng awtoridad mula sa likuran ko. Tumindig ang lahat ng balahibo ko nang maramdaman ang aura nito na hindi ko man lang napansin kanina bago siya sumulpot.

"Nandito kami para sa misyon," deretsyong sabi ni Thud. Hindi niya man lang ba naisip na kailangan niya muna 'tong batiin? Paano kung bigla na lang kami nitong sugurin at prank lang pala 'yong misyon? Napalunok ako at lumingon sa babae, nanlaki bigla ang mga mata ko nang sinalubong ako ng matatalim nitong mata.

"Rest assured, I don't bite." Paninigurado nito na para bang nababasa niya ang nasa isip ko. Pero kahit pa sinabi niya 'yon, iba pa rin ang dating ng mga mata niya. Para bang kakainin niya kami ng buhay.

Mas lalo akong kinabahan nang makita kong nag-umpisa nang maglakad papasok si Thud ng bahay kahit pa nasa harapan ko pa 'rin ang may ari nito. Paano ba 'to, anong gagawin ko? Hindi niya ako dapat iwan dito.

"May pagkain ka ba dito?" Tanong ni Thud mula sa loob. Ano ba naman 'yan? Kailan ba siya matututong gumalang?

"Pumasok na tayo" aya ng babae at tumango na lang ako bilang sagot. Nauna siyang maglakad kaya pinagmasdan ko siya mula sa likod.

Makasuot siya ng isang napakahaba at kulay itim na damit na sumasayad sa sahig. Chignon style ang pagkakaayos ng buhok niya na mas lalong nagpapadagdag ng awtoridad niya.

"Anong pangalan mo, hija?" Biglang tanong niya habang nasa daan kami.

"Lumina," sagot ko na para bang hindi sigurado. "Lumina po"

"Lumina? what a beautiful name, by the way let's talk about the detail after meal, alam kong malayo ang pinanggalingan niyo kaya siguradong gutom na kayo." Mukha nga, eh nanguna pa ngang pumasok 'yong baliw kong kasama para kumain eh.

"P-Pasensya na po kayo sa kasama ko," paumanhin ko kahit pa natatakot pa rin ako sa aura ng babaeng 'to.

"No worries, sanay na ako sa kanya." Saad nito na nagpatigil sa paglalakad ko. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, mukhang hindi niya napansin ang paghinto ko. Magkakilala sila? 'Yon 'yong pagkakaintindi ko sa sinabi niya eh.

"Halika dito hija!" Aya niya nang malayo na siya sakin.

-~•~-

Habang kumakain ay wala akong tigil sa paglilipat-lipat ng tingin sa dalawa, totoo kayang magkakilala sila? Pero bakit hindi sila nag-uusap o nagsasalita man lang?

Natapos lang ang buong hapunan nang walang kahit na sino sa amin ang bumasag ng katahimikan. Ngayon ay naglalakad na kami papunta sa isang lugar na ang kliyente lang namin ang may alam.

Pumasok kami sa isang kwarto, sa gitna no'n ay huminto siya na ginaya naman namin ni Thud dahil nakasunod lang naman kami sa kanya. Itinapat niya sa hangin ang palad niya at unti-unting lumalabas doon ang isang itim na bagay na parang isang usok. Lumabas sa kanyang palad ang itim na bagay at bumuo ito ng isang pabilog na pintuan.

Spatial Magic! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Ito ang unang beses na nakakita ako ng paggamit ng kapangyarihan at nakita ko pa ito ng malapitan.

"Sumunod kayo sakin," sabi niya saka pumasok sa itim na bagay na nasa harapan namin kaya sumunod naman kami.

Her magic is what we called Spatial Magic, the attribute that allows her to manipulate the fabric of space. Kaya niyang pumunta sa isang lugar kahit pa napakalayo nito by just using this magic.

Napapikit ako nang bumulaga samin ang isang nakakasilaw na liwanag sa dulo ng nilalakaran namin. Nang dumilat ako ay bumungad sa harap ko ang isang bato na kasing laki ng isang pintuan sa isang mansion. Kung tutuusin ay mukha talaga itong isang pinto dahil sa pagkakahulma nito.

Inilibot ko ang paningin ko para pag-aralan ang lugar kung nasaan kami at halos napaatras ako dahil sa gulat. Wala kami sa labas pero wala din kami sa loob, hindi ko maintindihan kung anong klaseng lugar ba ito. Pakiramdam ko ay nasa loob kami dahil sa mga estrakturang makikita sa kinatatayuan namin pero 'yong hangin, 'yong atmosphere at buong lugar nagsasabing nasa labas kami.

"Ito ang pinto na magdadala sainyo patungong sa Lost Village- the 'Inogapo', now then, are you ready to talk about the mission?"




Continue Reading

You'll Also Like

867K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
1.4K 101 96
Saenzyll & Ethan is dreamlike to each other because they waltz into each other's life only they can see in their wildest dreams. 🎀 epistolary + narr...
11.2M 503K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #02 â—¢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
9.9M 495K 80
â—¤ SEMIDEUS SAGA #04 â—¢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...