Depths Of Love

By 10thlttr

766 145 0

Adrestia Isla Mejares is afraid of commitment. Being in a relationship is something she couldn't think of hav... More

Depths Of Love
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
EPILOGUE
✨Message from Jah✨

Chapter 08

19 4 0
By 10thlttr


"How was your exam, Addie? Tell me. Mahirap ba?" tanong ni Tati while scribbling something thru her laptop.


"Medyo nahirapan lang talaga ako doon sa part na masyadong complicated na ang mga tanong about Math."




Kahapon lang ako nag take ng entrance examination at masasabi kong hindi talaga siya madali. May iilan sa mga inaral ko ang lumabas sa exam pero may iilan ding bago para sa'kin. Hindi ako prepared roon. Ang hirap!




Matapos ko ngang sagutan lahat, dumiretso na kaagad akong umuwi at natulog buong maghapon. Nakakapagod kasi talaga siya. Feeling ko nga, three-fourths ng utak ko iyong nawala dahil sa exam na iyon. Entrance exam pa lang nga iyon how much more kung sa mismong course na 'di ba?





Kailangan ko talagang paghandaan ng mabuti itong course na balak kong pasukin. Isa itong matinding labanan!



"You know what, Addie? You're so fortunate," Tati said.

"Fortunate? Sure ka ba riyan, Tati? Ikaw nga itong sureball na secured na ang future e."


"What I mean is... Mabuti ka pa, kasi you can freely choose the course you want for college. Samantalang ako, ito. Stuck with my parents love for politics," malungkot na sabi nito.



Napapaisip rin talaga ako paminsan-minsan e. May mga taong nasa kanila na nga ang lahat pero may kumukontrol naman sa mga galaw nila, sa mga dapat nilang gawin. Alam mo iyong tipong, you're blessed at some point pero wala kang freedom to choose what you really love? At na realize ko na hindi talaga perpekto ang buhay kasi hindi naman lahat ng bagay sa mundo ay makukuha mo.


May mga bagay na kailangan mong pagsikapang abutin o mga pagkakataon na dapat mong baguhin para magkaroon ka ng isang peaceful na pamumuhay.



Kailangan ko pang magtrabaho ng ilang taon para may maitustos ako sa pang araw-araw. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asang darating din ang araw na maabot ko ang lahat ng mga pangarap ko. Maghintay ka lang, Addie. Hindi naman parating ganito ang sitwasyon mo.


I sighed at that thought.



Ilang buwan nalang, magiging isang ganap na college student na ako at hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon. I'm ready to conquer the real world.


"Addie? Sino pala ang sasama sa'yo sa graduation?" tanong ni Ally.


"Okay lang talaga. H'wag niyo nang alalahanin iyon."


"Si Lola Besing nalang kaya ang dumalo sa graduation mo? Uuwi naman daw kasi si Mama  three days before our graduation e."



"Naku, h'wag na. Mapapagod lang si Lola Besing niyan. May iniinda pa naman iyong rayuma. Aabalahin mo pa."



Matanda naman na kasi ang Lola ni Ally at tsaka madali na itong mapagod. Baka makasama pa sa karamdaman niya.



"Addie? Si Tita ko nalang kaya? Bagets pa iyon at sigurado akong magkakasundo kayo nun," suggestion naman ni Hope.


"Guys, okay lang talaga kahit wala akong kasama sa darating na graduation at tsaka sabi naman ni Mrs. Sanchez na okay lang na sila ang sumama sa mga kagaya kong walang makakadalong guardian. So, solve na ang problema natin," paninigurado ko sa kanila.


"Let's eat na muna girls," Tati said at inilapag sa mesa ang iilang paborito naming snacks.


Narito kami ngayon sa canteen. Kakagaling lang kasi namin sa aming mga classrooms for final fitting sa toga. Isang week nalang kasi ang hihintayin at graduation na.


"Paano? Mauuna na ako ha? Kailangan ko pa kasing pumunta ng botika para sa mga ineresitang gamot ni Lola," pagpapaalam ni Ally at habang kumakaway at mayamaya ay nagsimula nang maglakad.

"Ako din. I need to go. Mom's waiting for me kasi," si Tati at sinundan si Ally.

"Ikaw, Addie? Aalis ka na rin?" tanong ni Hope.

"Oo e. May shift pa 'ko."


"Samahan nalang kita papunta roon."


"Hindi ka pa uuwi?" takang tanong ko.


"Ayoko. Badtrip sa bahay e," kibit-balikat niyang sagot.



Pagkarating namin sa café humanap kaagad ng puwesto si Hope at naupo. Doon raw muna siya tatambay kasi ayaw niya pa raw talagang umuwi sa kanila. Hindi na ako nagpumilit pang tanungin siya at dumiretso na kaagad ako sa locker upang magbihis.



Isasara ko na sana ang pinto ng locker ko nang may mapansin akong kumikinang na bagay sa may paanan ko.


Kuryoso ko iyong tinignan at kinuha. It's a silver necklace na mayroong maliit na cross na pendant.


Kilala ko itong pendant na 'to ah? Sa pagkakaalam ko kay Mama ito. Ito ang isa sa dalawang pendant ko simula noong bata ako. Pero ang ipinagtataka ko kung bakit ito narito? O hindi kaya kapareho lang ito sa pendant na ibinigay ko noon sa kababata ko.


"Nandito lang pala iyan."

Nagulat ako nang biglang may magsalita sa gilid ko.

Lumapit si Gino sa'kin at kinuha ang hawak kong kwintas.

Taka akong napatingin sa kanya.

"Sa'yo ba iyan?"


"Oo. Naiwala ko siguro ito kanina nung nagbibihis ako. Akala ko tuluyan na itong nawala e. Importante pa naman sa'kin 'to," sagot niya habang hinihimas ang kwintas gamit ang hinlalaki niya.



"I hope you don't mind but sino ba ang nagbigay sa'yo niyan?" kuryosong tanong ko.


Tinanong ko na just to make sure.


"Si Isyang. Iyong kababata ko," sagot niya habang nangingiti.


Nanlaki ang mga mata ko. Siya nga talaga iyon.



"Pordo? I...ikaw ba si P-pordo?"



"Bakit alam mo ang nickname ko?" taka siyang napatingin sa akin.


"Pordo, ikaw nga! Pordong iyakin 'di ba?" natutuwang sabi ko.



Kaya pala parang pamilyar sa akin si Gino. Siya pala iyong kababata kong si Pordong iyakin. Wow! Ang liit ng mundo.


"Kaya pala pamilyar iyang mga ngiti mo, Addie. Ikaw pala iyong dating bungal noong mga bata pa tayo," sabi niya hawang natataw.



Siniko ko siya. "Wow naman 'no? Ungkatan ba ito ng past ha?"



Pagkatapos ng shift namin, nagkayayaan kaming kumain sa fishballan sa labas ng café.



"Ikaw nga itong tawag nang tawag sa akin ng Pordo e. Nakakahiya kaya. Hindi bagay sa kagwapohan ko," mayabang na sabi niya.


"Woah! Masyado ka naman atang mahangin ngayon. Galing ka bang vulcanizing shop?"


"Ang alam ko lang, sadyang biniyayaan lang talaga ako ng ganitong klase ng kagwapuhan," he said at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay.


Ang hangin talaga o.

Naka-tatlong stick pa lang ako ng kwek-kwek habang si Gino naman ay naka-anim na. Walang pinagbago ang taong 'to. Ang siba pa rin kumain pero in fairness sa kanya, hindi siya tumaba. Napapaisip tuloy ako kung saan napupunta ang mga kinakain niya.



"Maiba ako. Saan na pala kayo nakatira ngayon at tsaka kumusta na si Nanay Celia?" tanong ko habang ine-enjoy ang pagkain.


"Uhuh! Interesado ka na sa buhay ko? H'wag kang mag-alala, Addie. Dadalhin din kita roon."


Inihatid ako ni Gino sa tapat ng dorm at mayamaya pa ay umalis na rin siya kasi may dadaanan pa raw siya.



Ang liit talaga ng mundo. Biruin mo 'yon, I found my kababata na twelve years ko nang hindi nakikita at isa pa, pareho pa kami ng pinapasukang café. Ang galing!




Hanggang kailan kaya ako magugulat sa pakulo ni Ginoong Tadhana?


Baka sa susunod, ang tatay ko na naman ang makita ko pero parang ang labo ata. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa 'yon e.













































————-——-———–———————-—-

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...