Unexpectedly You

By ariamariaaa

9.6K 530 82

Roni and Borj met when they were in highschool. But will their friendship last if love comes their way? Hi... More

Chapter 1: The First Time I Saw Him
Chapter 2: Junior Year
Chapter 3: Borj
Chapter 4: Start of our Friendship
Chapter 5: Falling in Love
Chapter 6: Twist of Fate
Chapter 7: Confession
Chapter 8: AstroCamp
Chapter 9: Avoidance
Chapter 10: Prom
Chapter 11: M. U. - Misunderstanding
Chapter 12: Sweet Sixteen
Chapter 13: Memories
Chapter 14: Graduation Letter
Chapter 15: Changes
Chapter 16: My Leap of Faith
Chapter 17: Anniversary Getaway
Chapter 18: New Beginning

Chapter 10.1: Prom (Roni's POV)

471 29 8
By ariamariaaa

Maagang dumating sila Yuan, Roni at Jelai sa venue ng prom ngunit hindi agad sila dumiretso sa venue hall gawa na rin ng pakiusap ni Roni.

"Hmm. Kuya, Jelai. Pwede bang dun muna tayo magstay dun sa mga resto-bar sa." wika ni Roni sabay turo sa isang resto-bar sa loob ng hotel. Hindi agad mapapansin ang resto-bar na ito dahil medyo tago na ito at kung hindi mo lilibutin maiigi ang ground floor ng hotel ay hindi mo talaga ito mapapansin.

"Ano bang nangyayari sa'yo Ronalisa? May problema ba?" tanong ni Yuan

"Kuya Yuan, punta na lang muna tayo dun sa tinuturo ni Roni, please." pakiusap naman ni Jelai

"Ang labo niyo namang dalawa, kung nagugutom kayo eh may pagkain naman sa prom." wika muli ni Yuan

"Kuya, sige na please." pakiusap naman ni Roni

"Oh sige na nga pero kailangan mong sabihin sa akin kung anong nangyayari sa'yo, okay?" tugon naman ni Yuan.

Tumango na lamang ang dalaga. Agad na nagtungo ang tatlo sa resto-bar sa loob ng hotel.

"Sis, okay ka lang ba? Akala ko ba desidido ka na na kausapin ulit si Borj. Nagbago na ba isip mo?" tanong ni Jelai sa kaibigan

"Teka, teka anong meron kay Borj. May hindi ka sinasabi sa akin noh Roni? Kaya pala ang tagal ko ng hindi nakikita si Borj sa bahay, hindi pala kayo nag-uusap ah. Anong nangyari? Umamin ka dahil kung hindi aalis tayo dito." pananakot ni Yuan sa kapatid

Huminga ng malalim ang dalaga at humugot ng lakas ng loob bago magkwento sa kanyang kapatid. 

"Kasi kuya, ano kasi.. Paano ko ba sisimulan?" wika ni Roni

Saglit na tumahimik at tumitig si Yuan sa kapatid, naramdamanan naman ni Yuan na tila hindi komportable si Roni na ikwento ang nangyari at kahit paano ay nahuhulaan at may idea na rin siya sa posibleng dahilan ng hindi pag-uusap ng kapatid niya at ni Borj.

"Hay Roni. Sige, huwag mo ng sabihin kung hindi mo kaya tutal may idea na naman ako kung bakit e. Pero ito lang Roni, hanggang kailan tayo magtatago dito. Hindi rin magtatagal kailangan mo na ring harapin si Borj." wika ni Yuan

"Alam ko naman 'yun Kuya kaso hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Pagkatapos ko siyang iwas iwasan, paano ko siya lalapitan. Paano kung ayaw na niya pala akong makausap?" nag-aalalang tanong ni Roni

"Roni, pwede ba yun. Si Borj 'yun. Malabo ata ang sinasabi mo. At saka.. okay, sasabihin ko na plano na rin namin nila Junjun na magkausap kayo. At gusto rin ni Borj na makausap ka na ulit." wika ni Jelai sa kaibigan

Sa narinig ni Roni ay mas lalo siyang kinabahan at tila sasabog na ang puso niya sa bilis ng pagtibok nito.

"Jelai, mas lalo ata akong natakot na kausapin si Borj." tugon muli ni Roni

Saglit na tumahimik ang tatlo ng biglang magring ang cellphone ni Jelai. 

"Hello, Missy. Nandyan na kayo ni Jane? Ah, paakyat na ka.." saglit na tumigil si Jelai dahil sumesenyas sa kanya si Roni na huwag sabihin na magkasama na sila.

"..paakyat na ako, nandito ako sa lobby. Sige magkita na lang tayo sa diyan." wika ni Jelai

"Sis, dito muna ako. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. Iisipin ko muna kung ano ang mga sasabihin ko kapag nakita ko na si Borj." saad ni Roni

"Sige sis kung 'yan ang gusto mo." sagot naman ni Jelai

"Sige Jelai, sasamahan ko muna 'tong baby sister ko at mukhang kailangan ng heart to heart talk nito e. Naku ikaw talaga Roni." mapang-asar na sabi ni Yuan sabay pisil sa mukha ng kanyang kapatid.

"Aray kuya, masakit!" angal naman ni Roni

"Sige mauna na ko sa taas pero sumunod kayo agad huh, sigurado magtataka sila kapag hindi ka nakita Roni." saad ni Jelai

"Ikaw na bahala magdahilan sis. Sabihin mo natraffic, nalate ng alis sa bahay. Basta ganun." pakiusap ni Roni sa kaibigan

Nakaalis na si Jelai at naiwan ang magkapatid sa nasabing resto-bar. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa ngunti hindi rin nagtagal ay nagsalita na si Yuan.

"Roni, alin ang totoo, gusto ka ni Borj o gusto mo si Borj?" tanong ni Yuan sa kapatid

"Kuya!" sigaw ni Roni sa kapatid

"Ano? Nagtatanong lang naman ako e. At saka Roni, wala namang masama sa nararamdaman niyo kung talagang gusto niyo ang isa't-isa. Bakit kayo na ba? Sasagutin mo na ba siya kung manliligaw man siya sa iyo? May plano ba kayong gawing masama ni Borj?" tanong muli ni Yuan sa kapatid

"Kuya naman e, kung anu-ano naiisip mo. Siyempre wala kaming balak na masama ni Borj." sagot ni Roni sa kapatid

"Eh yun naman pala e, anong minumukmok natin dito. Roni, kung anuman ang nararamdaman mo, normal lang 'yan, wala naman akong problema kay Borj, sa halos araw-araw ba naman na nasa bahay natin siya eh nakita ko naman na mukhang mabuting tao naman siya, magalang at marespeto siya kila Mommy at Daddy at nakikita ko kung paano niya kayo alagaan na mga kaibigan niya. Ang sa akin lang e, mga bata pa rin naman kayo at siyempre gusto ko lang i-remind sa iyo yung limitiations kapag sa ganitong edad at ang pangako mo kay mommy na no boyfriend hanggat hindi ka pa 18years old or hindi ka pa graduate." mahabang litanya ni Yuan

"Kuya, huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman nakakalimutan 'yan at alam ko din ang limitations ko. Ang gusto ko lang naman maging kaibigan ulit si Borj, he's really special para sa akin and I can't bear yung idea na hindi ko siya makakausap at masisira ang nasimulan naming friendship ng dahil lang sa nararamdaman namin para sa isa't-isa. Gusto ko lang talaga iparating sa kanya how he means to me and kung sana makakapaghintay siya hanggang sa pwede na ko pumasok sa relationship. Pero sa ngayon kuya, gusto ko lang talaga mabalik yung pagkakaibigan namin, 'yung walang ilangan, 'yung hindi ko kailangang umiwas. Gusto ko lang ulit maging komportable sa kanya." tugon naman ni Roni

"Yun naman pala e, alam mo naman pala ang gusto mong sabihin e. Eh bakit pa tayo nandito?" tatawa tawang tanong ni Yuan sa kapatid

"Kuya naman e. If I know excited ka lang makita si Missy e." pang-aasar naman ni Roni sa kapatid

"Alam mo ikaw, tama ka naman diyan. Kaya, ano tara na ba?" tanong ni Yuan sa kapatid

"Wait lang kuya, 5 mins? Please." Pakiusap ni Roni

Maya maya pa ay tumunog na rin ang cellphone ni Roni. Tiningnan ni Roni ang mensahe sa kanyang cellphone

Hi Roni. Where are you? Pupunta ka ba sa prom? - Tonsy

"Oh kita mo na hinahanap ka na ng barkada mo. Nabubulok na tayo dito, mabubusog na rin ako sa juice. Nakadalawang baso na ko ng mango juice, Roni. Umakyat na tayo." aya muli ni Yuan sa kapatid.

Nagdalawang isip pa ang dalaga ngunit sa huli ay pumayag na rin ito. Bago sila pumunta sa venue hall ay may nakitang flower shop si Yuan sa loob ng hotel. Bumili ito ng 3 roses, 1 pula at 2 dilaw na rosas. Napangiti naman si Roni dahil batid niya na kay Missy ibibigay ng kapatid ang pulang rosas.

Papasok na sana venue hall ang magkapatid ng biglang naisipan na naman ni Roni na umalis at magtago muna muli. Napagpasyahan niya na huwag ng ipaalam sa kapatid at agad din siyang tumakbo at naghanap ng lugar na pwedeng pagtaguan.

Sa huli ay naisipan na lang niya na magCR at saka bumalik sa resto bar kung saan sila tumambay kanina.

----

"Kuya Yuan!" sigaw ni Jelai ngunit bakas sa mukha ng dalaga ang pagtataka

Nagtaka din naman si Yuan sa gustong ipahiwatig ni Jelai, ng nagsalita lamang si Missy ay saka lang niya naunawaan ang ibig pakahulugan ni Jelai.

"Hi Kuya Yuan. Where's Roni?"

"Si Roni?" napaaisip sandali si Yuan at duon niya narealized na tumakbo at nagtago na naman siguro ang kapatid "Teka, kasunod ko lang kanina e. Baka nagCR lang. By the way Missy, you look good. Ito nga pala para sa'yo." Inabot ni Yuan ang red rose kay Missy na may ngiti sa kanyang mukha. Alam niyang aasarin siya si Jelai at hindi nga siya nagkamali kaya inabutan rin niya si Jelai maging si Jane ng yellow roses. Nagpaalam at nagdahilan na lamang si Yuan na pupuntahan muna ang mga kaklase nito pero ang totoo ay babalikan niya ang kapatid sa resto-bar dahil malakas ang loob niya na bumalik ang kapatid niya duon.

Agad na tumakbo si Yuan at bumalik sa resto-bar at hindi nga siya nagkamali dahil naroon ang kapatid niya. 

"Anak ng tinapa naman Roni. Halika na huwag nating sayangin ang gabi. Alam ko at bakas sa mukha ni Borj na hinahanap ka niya." aya ni Yuan sa kapatid

Nang mga sandaling iyon ay nakatanggap ng magkakasunod na text si Roni.

"Sis, nasaan ka na? Pumunta ka na dito." -Jelai

"Roni, I know you're here already. I hope nasa venue hall ka na." - Tonsy

Bago tuluyang tumayo ay nireplyan niya muna ang mga kaibigan.

"Yes, sis aakyat na ako."

"Don't worry, Tonsy. Nandito na ako sa hotel. I'll see you guys in a while."

"Hulaan ko, nagutom na rin mga alaga mo sa tiyan kaya pumayag ka ng umakyat noh?" Pang-aasar ni Yuan kay Roni

"Nye. Ewan ko sa'yo." kunwaring inis na wika ni Roni sa kapatid. 

Papasok na ang magkapatid sa venue hall ng biglang magring ang phone ng dalaga.

Nagtaka naman ito ng makita na tumatawag si Tonsy. Sinagot agad ito ng dalaga.

"Hello, Tonsy?"

"Look, Roni. I don't know where you are right now but you have to hear this -

Nandito po ako sa harap ninyong lahat para maghandog ng isang awitin. I dedicate this song to a very special girl, I hope you're listening. Sana naririnig mo ito. I just want to say I miss you. Para sa iyo ito.

Saglit na napahinto si Roni at naramdaman niya ang pagsikip at pagkabog ng kanyang dibdib. Saglit na nawala sa ulirat ang dalaga.

Nakapasok na sila Roni at Yuan sa venue hall at hindi sila agad napansin nila ng mga kaibigan dahil may ilan ding estudyante silang kasabay na pumasok. Umupo ang magkapatid sa isang sulok na lamesa, hindi masyadong kita ang pwestong inupuan nila mula sa stage. 

"Did you hear it Roni?" tanong ni Tonsy

"Yes, Tonsy I heard it and I can clearly see him. Thank you." sambit ng dalaga sa kaibigan

Natapos ang dalawang kanta ni Borj, ng matapos ang kanta at nagbukas ang ilang ilaw sa venue hall ay yumuko si Roni sa may lamesa para hindi agad siya mapansin. Napakamot na lamang sa ulo ang Kuya Yuan niya.

Matapos ang kanta nila Borj ay muli siyang nakatanggap ng mensahe mula kay Tonsy.

Where are you Roni? I think it's about time na kausapin mo na si Borj. - Tonsy

Nireplayan naman ni Roni ang kaibigan. 

Hmm. Tonsy, may ballpen at papel ka ba diyan? Pahingi naman ako oh. Baka si Ate Bianca meron, ihingi mo naman ako. And magkita tayo dito sa may table sa may likod malapit sa may pinto. Sorry sa abala. But please help me, Tonsy. - Roni

Agad din namang dumating si Tonsy, dali daling nagsulat si Roni at nakiusap muli kay Tonsy kung maari ba niyang iabot ang sulat kay Borj. 

Nakangiting sumunod si Tonsy. Di nagtagal ay sumunod na rin si Roni kay Tonsy at sa hindi kalayuan ay nakita niyang nagsasayaw si Jane at Borj, nakaramdam ng kirot sa puso ang dalaga at naalala niya 'yung araw na kinausap siya ni Jane. 

"Roni ano ka ba? Hindi ka dapat magselos at huwag ka ng aatras, okay?" wika ni Roni sa sarili

Nakita ni Roni na naiabot na ni Tonsy kay Borj ang sulat at nakita rin ng dalaga ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Borj. Pilit na ring pinipigilan ni Roni ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa halo-halong nararamdaman niya at hindi nagtagal ay dali dali na ngang nagtungo sa kanya si Borj.

----

Saglit na nagtitigan sila Roni at Borj at ng hindi na makatiis ay binasag na ni Borj ang katahimikan.

"Hmm, Roni. Pwede ba kitang maisayaw?" nakangiting alok ni Borj habang inilalahad ang kanyang kamay kay Roni

Ngumiti at tumango naman si Roni.

"Roni" "Borj" halos sabay na sabi ng dalawa sa isa't-isa. Natawa na lamang sila.

"Sige ikaw na muna." nakangiting wika ni Roni

"Roni, gusto ko lang malaman mo na masaya ko dahil kausap kita ulit ngayon, hindi mo alam kung gaano kahirap ang araw-araw kang nakikita pero hindi ko magawang makausap ka. Pasensya ka na, nabigla siguro kita nung araw na nagtapat ako ng nararamdaman ko para sa'yo. Sorry, hindi ko namang intensyon na guluhin ka pero gusto ko lang malaman mo din na sincere ako sa nararamdaman ko para sa'yo." wika ni Borj kay Roni

"Sorry din, Borj. Alam ko namang hindi tama ang iwas iwasan ka. Pasensya ka na, pero hindi ko lang talaga magawang pakalmahin ang sarili ko sa tuwing naiisip ko na kakausapin mo ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin, kung ano ang dapat maging reaksyon ko. Siguro nga kasi mga bata pa rin tayo at ngayon ko lang din kasi nararamdaman ang ganito. Borj, gusto ko lang din malaman mo na you are really special to me. And ayoko ng idea na hindi kita makakusap at masisira ang friendship natin ng dahil lang sa nagustuhan na natin ang isa't-isa. Sa ngayon, Borj what I can offer you is my friendship dahil to be honest hindi pa ko ready na pumasok sa relationship at ayaw ko rin namang suwayin sila Mommy at Daddy. Borj, can we be friends again?" tanong ng dalaga kay Borj

Ngumiti naman ang binata at batid niya na maaring iyon nga ang hilingin sa kanya ni Roni.

Tumango ang binata at sinabing, " Friends lang, pwede bang ako ang maging counterpart ni Jelai, can I be your boyfriend este guy besftriend?" nakangiting wika ni Borj

"Ikaw talaga Borj. Yan namiss ko sa'yo e, mga kalokohan mo. Pero yes, pumapayag na ako. Borj, simula ngayon ikaw na ang guy bestfriend ko. Friends?" nakangiting tugon naman ni Roni.

Niyakap ni Borj si Roni at saka bumulong, "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Roni. Gusto ko lang malaman mo na I meant every words na sinabi ko noong Astrocamp. I really like you, I really do and I can wait no matter how long it takes because you are truly worth the long wait, Roni" 

Hindi maunawaan ni Roni ang emosyong nararamdaman niya. Gusto niyang umiyak ngunit alam naman niyang sa sarili niya na masaya siya dahil sa wakas nag-uusap na sila muli ni Borj.

Yumakap din naman si Roni sa binata at bumulong,

"Sayaw na tayo, nakatingin na ata ang kapatid ko." natatawang wika ni Roni


-----

Continue Reading

You'll Also Like

788K 29.4K 105
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
464K 31.5K 47
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
206K 4.3K 47
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...
108K 3.2K 31
"she does not remind me of anything, everything reminds me of her." lando norris x femoc! social media x real life 2023 racing season