Forget Me Not

By Mysteriouswhy

713 497 65

Psychology Series 1 : Short Term Memory Loss Jamie has a Hyperthymesia, a rare illness that lets her remember... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Author's Note
Open Letter

Chapter 4

60 54 0
By Mysteriouswhy

Ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita o nagte-text man lang ni Gab. Gusto ko siyang kumustahin pero hindi ko alam kung paano dahil hindi naman siya nagrereply at hindi pa rin ako lumalabas ng bahay. 

Sa muling pagkakataon, ngayon na lang ulit ako pumunta ng Aklatan. Biglaan iyon kung kaya't nagulantang rin silang tatlo sa dating ko. Kaagad akong binati ni Kuya Ben, gayun din si Nathan at Ate Mae na lumapit sa akin at niyakap ako.

"Kumusta? Medyo maputla ka pa yata dapat hindi ka muna pumasok." Nag-aalalang tanong ni Ate Mae.

"Kaya ko naman, Ate Mae. Ilang araw na rin akong nasa bahay lang..." Pagdadahilan ko. Nilibot ko ang tingin ko ngunit walang Gab na nagpapakita at nangungulit. "Ate, si Gab ba... hindi pa rin pumupunta rito?" Nanghihinang tanong ko. Napabuntong hininga naman si Ate Mae.

"Hindi pa, Jamie." Tugon ni Ate Mae. Mapait akong napangiti at tumango kahit na sa loob loob ko ay kung ano ano na ang naiisip ko.

"Wala pa rin talaga? Sige, salamat Ate Mae. Iche-check ko lang din ang stocks." Sabi ko, matitinigan ang pagkabahala at pagkalungkot sa aking boses.

Dumiretso ako sa stock room para kunin ang papel at saka lumabas muli para ayusin at tingnan ang mga stocks sa bookshelves. Medyo hindi man okay ang pakiramdam ko ngayon, ay pinipilit kong libangin ang sarili ko nang kahit papaano ay mawala sa isip ko ang mga bumabagabag sa akin.

Sobra akong nakatutok sa mga libro hanggang sa manlabo ang paningin ko at mahilo. Nabitawan ko ang hawak ko at napahawak sa tuhod ko, tila'y ako ay babagsak.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Nathan sa likod ko at sa braso ko na animo'y inaalalayan ako. Nanlalabo ang paningin ko at nandidilim na rin ngunit nakita ko pa ang paglapit ni Ate Mae at Kuya Ben para sana tulungan ako bago ako mawalan ng malay. 

¤~¤~¤~☆~¤~¤~¤

Nagising akong habol ko ang hininga ko at todo umaagos ang mga luha ko. Ilang beses kong sinasambit ang pangalan ng taong espesyal sa akin. Alanganing oras na naman ako nagising. Ilang araw akong hindi makatulog nang maayos dahil sa bangungot. Minsan pa nga'y ayoko na lang matulog sa takot na baka bangungutin na naman ako.

Hindi malaman sa sarili ko ang gagawin. Ni hindi ko rin alam kung ano na ang mga kinikilos ko. Mas lalo akong nababaliw nang may mga senaryo na naman ang hindi nagpapapigil sa utak ko.

Flashback. . . 

Maganda ang panahon noong araw na iyon. Sobrang saya namin lalo na't para sa batang tulad ko ay gusto ko lang maglaro ng maglaro. Wala akong kapatid kaya naman nanbg makilala ko si Bonnie at ang kuya nitong si Kuya Javert, naging malapit agad ang loob ko sa kanila lalo na kay Bonnie na maituturing kong bestfriend. 

Tanging mga maliliit na boses lang namin ang maririnig lalo na ang mga tawa namin. Amoy araw na nga siguro kami pero ano naman ang malay ng batang tulad namin na ang tanging gusto lang ay ang maglaro ng maglaro. 

"Huling makarating sa puno na iyon, panget!" Sigaw ni Bonnie saka tumakbo papalapit sa puno na iyon. Dahil uto uto pa ako, tumakbo rin ako papunta sa punong iyon ngunit dahil alam kong hindi ko siya mauunahan,sinegundahan ko na siya,

"Unang makarating sa punong iyon, mas panget!" Sigaw ko rin, dahilan para mapatigil siya at sumimangot sa akin.

"Ang daya mo naman ehh!" Pagrereklamo ni Bonnie na nagkakamot pa ng ulo. 

Matapos iyon ay napakamot na lang rin ako sa ulo. Walang nag-udyok na magsalita sa amin at bigla na lang siyang tumakbo papunta sa mga magulang namin. Kinabahan pa ako noon nang makita kong kausap niya a ng mama niya sa takot na sinumbong niya ako, dahilan rin para hindi ko siya sundan. Ang akala ko rin kasi ay galit siya sa akin ngunit napangiti na lang ako at napahinga ng maluwag nang makita ko siyang bumabalik sa akin na may kasamang bola.

Naglaro kami ng volleyball kuno kahit na ang bola namin ay maliit at basta batuhan na lang kami ng bola. Napansin kong ako lagi ang dumadampot ng bola kapag nahuhulog ito at medyo napapagod na rin ako kaya nagreklamo na ako.

"Ang duga mo naman. Ako na lang lagi yung kumukuha ng bola!" Pagmumukmok ko.

"Eh ikaw naman lagi nakakahulog ng bola eh!" Pagdepensa niya naman.

"Bakit kapag nakakahulog ka ng bola, ako pa rin yung kumukuha?" Nakanguso kong sabi.

"Eh aking bola naman ito ahh." Sabi ulit ni Bonnie.

"May ganon ba? Ang daya naman! Ayoko na nga maglaro!" Sabi ko at akmang iiyak na.

Sumisinghot-singhot na ako at napapakamot na ako sa mata kong nagluluha na. Alam kong bibigay rin siya sa takot na magsumbong ako kaya hindi ako umaalis sa harapan siya at pasimpleng inaantay siyang kunin ang bola.

"Hala! Jamie... Sorry na. Huwag ka na umiyak, please!" Pagpapatahan niya sa akin at niyakap pa ako para lang humingi ng sorry. "Sige na. Ako na ang kukuha ng bola." Sabi niya na agad na nagpangiti sa akin.

Pinagmasdan ko lang siyang lumapit sa bola. Nang makuha niya iyon, tumigil siya saglit para tumingin sa akin. Kumaway kaway pa siya habang sinisigaw ang pangalan ko sa malayo.

"Jamie! Jamie! Wooohooo~~!" Natatawa na lang kami pareho sa kahibangan namin. Sigaw lang kami ng sigaw.

"Bato mo yung bola, Bonnie!" Sigaw ko at iniakma ang kamay ko na sasalo sa bola.

Hinihintay ko lang siyang batuhin yung bola ngunit sa halip na matuwa ako, hindi ko alam na ang sumunod na mangyari ay ang sisira sa kabataan ko. Nakarating ang bola sa akin, hindi pa man iyon nasasalo ay napasigaw na ako.

"BONNIE!!!"

Si Bonnie...

S-si Bonnie... 

N-nakita ko ang buong pangyayari sa harapan ko mismo. 

Nakahandusay at duguan. N-nasagasaan siya ng kotse na dumadaan na hindi man lang tumigil para tulungan si Bonnie. 

End of Flashback. . .

Para akong baliw habang nakaupo sa kama at mariin na nakahawak sa ulo ko habang paulit-ulit na nagre-replay na naman sa utak ko iyon.

"Tama na... Ayoko na, please!" Paghagulgol ko. 

Sumunod na naramadaman ko na lang ay ang bisig ng kung sino. Ang akala ko pa'y si mama iyon ngunit naamoy ko ang pamilyar na pabango. Unti unting humina ang pag-iyak ko at halos lumuwa pa ang mga mata ko nang makumpirma ko kung sino iyon. Halos sampalin ko ba ang sarili ko para lang masabing hindi panaginip ito.

"Gabriel...?" Pagtawag ko sa pangalan niya at sisinghot-singhot pa.

"Jenny, Okay ka lang ba?" Mababakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"I-ikaw nga...Gab." Naluluha kong sabi at niyakap siya pabalik ng mahigpit. 

Aminimin ko man na galit ako sa kanya dahil ngayon lang siya nagpakita muli matapos ang ilang linggo na bukod sa flashbacks, ay nag-aalala rin ako sa kanya. Tila ba'y sa sandaling ito na nasa bisig niya ako, mas naramdaman ko ang pangangailangan ko sa presensiya niya. 

"Na-miss kita..." Bulong ko, hindi ko rin alam kyng narinig niya ba iyon.

"Shushh... Nandito na ako. I'm sorry kung ngayon lang ulit ako nagpakita." 

¤~¤~¤~☆~¤~¤~¤

Kinabukasan, naisipan kong magpahangin at magpunta sa puntod ni Bonnie kasama si Gab. Habang naglalakad kami, halos tumungo lang ako sa takot na baka may maalala na naman ako sa kalsada. 

Hindi ko maiwasang makurot sa tagiliran si Gabriel dahil sa biglaang pagkawala niya. Ni hindi man lang siya nagsabi o kung ano man. Takot na takot akong baka may nangyari na rin sa kanya o baka nakalimutan na niiya ako.

"Aray~~! Bakit na naman ba?" Pag-ngawa ni Gabriel habang mariin na hinihimas ang kanyang tagiliran.

"Nakakainis ka kasi, Gabriel! Bakit bigla kang nawala? HIndi ka man nagpasabi! Saka ka na lang susulpot!" Galit na sabi ko. Napakamot naman siya sa ulo niya at inirapan ko lang siya.

"Sorry na kasi... May inasikaso lang ako." Mahinahon niiyang tugon. 

"May inasikaso ka dyan? Tsk! Oo na..." Sabi ko naman. Gusto ko pa sanang tanungin kung ano iyon kaya lang baka wala na ako sa lugar para makiusyoso pa sa buhay niya. 

Nang marating namin ang mismong puntod ni Bonnie, naglagay ako ng bulaklak at tinanggal ang mga dahon na nakakalat sa puntod niya. Tahimik na tumulong si Gab. Napansin kong kanina pa siya nagpapabalik balik ng tingin sa lapida ni Bonnie at sa akin.

"Sino siya?" Pagtatanong ni Gab pagkatayo ko.

"Bestfriend ko." Mahinang tugon ko.

"She died at such a young age..." Mahina at mahinahon na pagko-komento ni Gab, halatang pinag-iingatan ang mga salitang bibigkasin.

"Namatay siya noong 4 years old siya..." Tugon ko. Muli, tila parang may nakabara na naman sa lalamunan ko, at nagsimulang magluha ang mga mata ko. "N-namatay siya sa harapan ko." Tugon ko, hindi ko maiwasang pumiyok dahil sa pagpipigil ng luha ko.

"I-I'm sorry to hear that..." Sabi ni gab na matitinigan ang pag-aalala at pagkamahinahon sa boses. 

Sumunod na nangyari, nakita ko na lang ang sarili ko na nagku-kwento na sa kanya about sa nangyari. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin at kung minsan ay pinipisil ang kamay ko para lang lakasan ang loob ko.

"Ang masaklap pa doon, dahil rin sa hyperthymesia ko, ultimong maliliit na detalye, naaalala ko. Pati ang mukha at ang plate number ng sasakyan... Ang lugar, ang bola at ang damit niya. Lahat ng iyon, hindi ko makalimutan. Lahat ng iyon, dala-dala ko pa rin hanggang ngayon." Sabi ko at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "A-ako sana 'yun ehh. Kung hindi ko sana ipinagpilit na siya nag kumuha ng bola... edi sana ako yung nasagasaan."

"Huwag mo sabihin 'yan... I'm sure na naiintindihan ka ni Bonnie. Bestfriend kayo 'diba? Ayaw niya sigurong makita ang kalaro niyang umiiyak dahil sa kanya." Pagko-comfort niya.

"Pero kahit na... Kung buhay pa sana siya, baka sobrang ganda na ng buhay niya. Matalino siya, mabait at friendly. Eh ako... kung ako lang sana ang--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pinutol niya ito dahil inunahan niya akong magsalita.

"Don't say that nga kasi... Kung wala ka, paano na ako? Ikaw kaya ang anghel ko." Kusa akong napangiti at tumahan nang marinig ko ang mga katagang iyon. Tulad niyon, kusa ring lumandas ang kamay ko sa braso niya. "Aray!!! Bakit ka ba nanghahampas bigla bigla?" Nakanguso niyang tanong.

"Nakakainis ka kasi... Nage-emote pa ako pero pinapakilig mo ako." Natatawa kong sabi kaya tumawa na rin siya. 

"Ano, arat? Sa tambayan." Pag-anyaya niya at tumango naman ako habang nakangiti. Bago namin lisanin ang puntod ni Bonnie, nagdasal muna kami at nagtirik ng kandila. 

¤~¤~¤~☆~¤~¤~¤

"Hindi ka rin pala nakakapunta sa Aklatan?" Pagtatanong ni Gab nang makarating kami sa usual spot namin sa tambayan. 

"Oo, pero minsan naman ay dumadalaw naman si Ate Mae sa bahay" Tugon ko. "Ikaw ba? Kumusta ka naman?" Pagtatanong ko sa kanya.

"So far so good, I guess." Nakangiti niyang sabi. 

"Ano ba naman yang sagot na 'yan. Habaan mo naman yung sagot mo." mahinahaon ngunit mapagtaray kong sabi. 

"Soooo faaaaaar soooo gooooood naman, I guesssss" Pagbibiro niya. Halos matameme ako dun. Ang epal talaga nitong Gabriel na 'to. Tila hindi rin maintindihan ng utak ko kung dapat ba akong tumawa o magalit.

"Panget mo ka-bonding." Nakakunot ngunit natatawa kong sabi. 

Muling tumahimik ang paligid at mga pagpagaspas lang ng mga dahon sa puno ang maririnig. Hindi gaanong ka-tirik ang araw at mahangin. Tamang tambayan kapag naghahanap ka ng kapayapaan. 

Marahan akong napaindayog nang magpatugtog si Gab. Ang ipinatugtog niyang kanta ay isa sa mga kantang nagpapakilig sa akin, ang "It's You" ni Sezairi. Ngunit mas lalong nagkagulo ang mga paru-paro sa akin nang sabayan ni Gab ang kanta. 

"So take my hand now, see me
'Cause you've made me into this man
I promise I'll treasure you, girl
You're all that I've needed
Completing my world" 

Napangiti ako at hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Tila sa sandaling ito ay tumigil ang takbo ng mundo at nagblurred ang paligid dahil tanging sa kanya lang nakapokus ang mga mata ko. Ngunit hindi ko alam na ang naramdaman ko noong sandaling iyon ay may mas ikakasabog ko pa pala... iyon ay noong tumingin rin siya sa akin ng diretso. Walang bakas ng pagkagulat sa kanya at ngumiti pa siya na tila hindi niya inalintan ang pagtitig ko sa kanya, bagkus ay itinuloy niya ang pagkanta niya habang nakangiti.

"You
You're my love, my life, my beginning
And I'm just so stoked I got you
Girl, you are the piece I've been missing
Remembering now

All the times I've been alone, showed me the way
Led me here, led me home
Right through that door straight to you
You're my love, my life, my beginning
It's you" 


Ito na yata yung time na lahat ng 'Sanaol' ko noon ay bigla kong binawi. Hindi ko alam na isang lalaki palang nagngangalang Gabriel ang magpapatibok sa puso ko ng ganito. Hindi ko rin alam kung paano at kung kailan. Basta, ang alam ko lang... 

"Gab?" Pagtawag ko sa kanya. Tinaas niya ang kilay niya at ipinagpatuloy pa rin ang pagkanta niya. "Mahal kita."

Hindi ko alam at wala na akong paki kung makalimutan man niya ito sa mga sumunod na segundo, minuto, oras o kung ano man... Dahil handa kong ipaalala at iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. 

~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~
Author's Note : Eyyy~~! How's this chapter? Ang sabi ko sa sarili ko, walang lovelife involved dito. Hindi ko rin alam kung bakit nagkagusto si ghorl kay boiii.  

I would really like to recommend that song, yung "It's You" by Sezairi. Bukod sa bet ko yung kanta, may funny backstory din ako dun HAHHAHA

To share you that story, since we are still under this pandemic, wala pa munang face to face, right? So, while we are having a class, nagpa-breakout session ang teacher namin and in each breakout rooms, may tatlong students. 

This guy, classmate ko siya nung face to face but we are still under the same school. Adviser niya yata ang teacher namin nung time na iyon and nagulat ako ka-group ko siya sa breakout session na iyon. 

I was like, "Classmate pala ulit kita?" and "Are you sure na nandito ka dapat?", and that time, alam ko na naliligaw na siya. HAHAHHAH but he still managed to participate sa group namin. 

He then later on recommended this song (kasama sa task namin kasi our lesson is related sa streaming and such). On the other hand, I recommended "12:45" by Etham. You should check it out, too. hehe

So ayun, hindi na ulit siya naligaw sa gmeet namin. After that, nakita ko yung tracker para sa tasks namin sa ibang subjects, nasa ibang section yung name niya, gals! HAHHAHHA

Shawawt sa mga naliligaw din dyan sa online class... 

Okay, I'm sorry sa kadaldalan ko. Bye and have a great day ahead!

VOTE       ll      COMMENT      ll      FOLLOW

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 70K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
10M 501K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
6.6M 179K 55
⭐️ α΄›Κœα΄‡ α΄α΄κœ±α΄› ʀᴇᴀᴅ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± κœ°α΄€Ι΄κœ°Ιͺα΄„α΄›Ιͺᴏɴ ᴏɴ α΄‘α΄€α΄›α΄›α΄˜α΄€α΄… ⭐️ ʜΙͺΙ’Κœα΄‡κœ±α΄› Κ€α΄€Ι΄α΄‹Ιͺɴɒꜱ ꜱᴏ κœ°α΄€Κ€: #1 ΙͺΙ΄ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± (2017) #1 ΙͺΙ΄ α΄‹ΚΚŸα΄ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...