Dosage of Serotonin

By inksteady

25.1M 1.1M 1.1M

Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap supor... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Note
Dosage of Serotonin Book

Chapter 1

822K 31.4K 23.3K
By inksteady


Chapter 1

Have you ever felt like you were going around in circles? That life seemed to follow a certain pattern? It was like running a race, but the finish line kept moving further and further. Parang loop na hindi natatapos; building na walang exit. Parang kahit anong gawin mo, babalik ka lang kung saan ka nagsimula. Gigising, kakain, magtatrabaho, uuwi, matutulog, at uulitin ang lahat ng 'yon sa susunod na araw.

I gazed out the window, lost in thought. The raindrops splattered over the pane as if they were longing for this very moment. They finally broke free from the clouds that had imprisoned them for too long.

The smell of my coffee piqued my senses. Its steam rose from the mug, bearing the soothing aroma of freshly roasted beans.

It was a beautiful morning—a wonderful way to start the day.

"'Wag mo nang kaisipin 'yon, Tita. Kung talagang gusto ka niya, magtatanong 'yon kay Tita Chin kung ano ang number mo," sabi ni Mark, dahilan para maputol ang iniisip ko.

Umupo siya sa tapat ko bitbit ang sketch pad at mechanical pencil niya.

I pursed my lips slightly. "I'm not thinking about him."

"Sus. Dalawang linggo mo na ring bukambibig 'yon. What's his name again? Calix?" He chuckled. "Tunog fuckboy."

"Huwag mong gawing kasingpangit mo ang simula ng araw ko, Mark." Inirapan ko siya.

Muli siyang tumawa. "Bakit ba kasi hindi mo na lang ibinigay? Sana ay hindi ka nagsisisi ngayon."

Marahas akong tumayo at masamang-masama ang loob na tiningnan siya kahit wala naman siyang kasalanan. Two weeks had passed, and I was still annoyed! Kung naibigay ko sana ang number ko, may fling na ako ngayon!

"I told you! The head nurse called. Hayop talaga sa timing!" I took a deep breath and went to the sink to wash my mug.

Narinig ko ang patuloy na pang-aalaska ng pamangkin ko, pero hindi ko na siya pinansin. Ang ganda-ganda ng araw tapos ipapaalala niya lang sa akin ang isa sa biggest life regrets ko?!

I was all set to answer Calix that time, pero ang angas na bigla na lang tumunog ang cellphone ko. The magic disappeared! Our staring contest had ended! The enchanting feeling was crashed! Just because of that freaking phone call!

I was hesitant to leave him there, but at the back of my head, I knew I would see him again. I mean, may after party pa naman. May mutual friends din kami. He even smiled when I showed him my phone was ringing! Para bang ipinapakita niya sa akin na ayos lang.

I had to excuse myself, kasi syempre, trabaho ko 'yon. Kaya lang, talagang kaibigan ang turing sa akin ng langit dahil hindi ko na ulit siya nakausap! Hindi ko naman kasi inaasahang aabot ng apat na oras ang pagpapakalma ko sa pasyente kong nagkaroon ng manic episode. Ni hindi na ako nakapunta sa after party dahil sa pagod. Panigurado kasing lasing na ang mga maaabutan ko roon. I just texted my friends to let them know I had an emergency call.

Sinabi pa ni Anne na ako ang pinag-uusapan nila dahil gusto nilang asarin si Calix. Ibinibida raw ako ng mga kaklase namin noong college. I was happy to know that. At least Calix got a glimpse of how I had lived my life so far.

And so, the next day, I was kind of hoping to see him again, but I found out that he had gone home already.

Lotlot talaga!

Ang pinakanakakainis pa, hindi manlang siya gumawa ng way para makapag-usap ulit kami. Baduy! Boring! Walang kuwentang kalandian!

Bwisit, hindi ko talaga siya type. Maganda lang ang muscles niya at mukhang masarap ka-cuddle pero hindi ko siya type!

"Oh, Vina, aalis ka na?"

Napatingin ako kay Mama na kalalabas lang ng kwarto. Sa kaliwang kamay niya ay inaalalayan niya si Papa paupo sa sofa. Agad ang paglapat ng ngiti sa labi ko sa nasaksihan. Parang mahikang nawala ang inirereklamo ng utak ko,

"Mamaya pa po," sagot ko bago sila lapitan.

Her brow arched as she nodded. Sa bahagyang pag-aayos ng salamin ay kapansin-pansin ang mga mga mata niya na may natural na sungit at lamig. Ang buhok na may kaunting puti ay malinis na naka-bun. Just by looking at her, one would understand that she wasn't one to mess around with.

I bit my lower lip and sat beside my father.

"Good morning, Papa." I kissed him on the cheek. "Uminom ka na ba ng gamot mo?"

Lumayo si Mama sa amin para pumunta sa kusina. When I returned my focus to my father, he was already giving me a puzzled expression.

I smiled at him. Dala ng katandaan ay halos puro puti na ang buhok niya. His face and neck lines made him seem much older than he was.

Now that I think about it, I hadn't imagined seeing him in this state—old and sick. He was a loving father and husband. He used to take me everywhere he went, play with me endlessly, and always know me by name.

But now, his amber-colored eyes—which mirrored mine—were staring at me as if it were the first time he had seen me.

"Sino ka?" tanong niya.

Something throbbed in my chest. I was more of a papa's girl. Strikta kasi si Mama at hindi ko siya madalas makakwentuhan dahil natatakot ako sa masasabi niya.

"Duh!" I grinned. "Pangalawang anak n'yo po ako ni Vivienne. Si Vina!"

Kumunot ang noo niya bago dahan-dahang umiling. I swallowed hard but kept my smile on anyway. He had Alzheimer's disease. Sina Mama at Kuya Rexter lang ang kilala niya.

Hindi na rin siya nakasagot sa akin dahil dumating na si Mama bitbit ang pagkain niya.

"Huwag mong pagurin ang tatay mo."

Tumayo ako para makaupo si Mama. Hindi rin naman nagtagal at sinimulan na niyang subuan si Papa. Pansin ko ang pagngiti ng huli, marahil ay naaantig sa ginagawang pag-aalaga ng asawa.

Forty-five years of marriage, and my father was still so smitten.

"Anong oras ang pasok mo?" kuha ni Mama sa atensyon ko.

"Alas-nueve po."

Tumango siya. "Narinig ko ang pang-aasar sa 'yo ni Mark. May boyfriend ka na ba?" Ibinaba niya ang kubyertos at mariing tumingin sa akin. "Ano ang trabaho n'yan?"

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. "Wala 'yon, Ma. Nagbibiruan lang ho kami."

"You're at the right age to get married, Vina. Hindi naman kita pipigilan d'yan kahit na ikaw ang nagsusustento sa pag-aaral ng pamangkin mo. Your brother has to learn his lesson," she said in a monotone. "Kung mag-aasawa ka, huwag kang kukuha ng kagaya ng asawa ng kuya mo na puro paglulustay ng pera ang alam."

I licked my lower lip. "Opo, Ma. Kaya ko pa namang pag-aralin si Mark. Hindi naman malaki ang tuition fee niya."

Lumabas si Mark mula sa kusina, nahihiyang nakangiti sa akin. Kung titingnan, pwede na kaming mapagkamalang magkasintahan. I was only six years ahead of him.

"Mark, kailan ka ba kasi makakatapos? Pinahihirapan mo nang husto ang Tita mo. Limang taon lang ang Architecture pero pitong taon ka na sa college." Tuluyang tumigil si Mama sa pagpapakain kay Papa. "Idagdag mo pa 'yang si Rebecca! Palagi na lang iniiwan si Thalia rito. Sino ang mag-aalaga sa batang 'yon? Ako? Hindi na naisip na ako rin ang nag-aalaga sa Papa n'yo!"

Nagkatinginan kami ni Mark sa biglaang pagsigaw ni Mama. She was referring to my younger sister, who happened to be a single mother.

"Lola, graduating na po ako this school year..." mahinang sagot ni Mark.

"Sinabi mo rin 'yan last year! Hindi ka naman napapa-barkada pero ang tagal-tagal mong gumraduate!"

"Ma!" sabat ko, bahagyang gulat sa takbo ng usapan. "Sinabi ko naman pong kaya ko, 'di ba? Hindi naman malaki ang allowance ni Mark, at saka pwede naman tayong mag-hire ng mag-aalaga kay Papa o kay Thalia—"

"Gastos pa rin 'yon!" putol niya sa akin. "At pwede ba, Vina? Huwag mong i-tolerate ang pagbubulakbol ng pamangkin mo! Minsan ka na nga lang umuwi rito, puro ganyan pa ang maririnig ko sa 'yo."

Magsasalita pa sana ako, pero tumayo na siya at hinawakan ang braso ni Papa. Naiwan kami ni Mark na nakatulala nang tuluyan silang pumasok sa kwarto.

Mark chuckled, but I knew it was fake. "Kapag ako talaga nakatapos ngayong taon, i-ki-kiss ko 'yang si Lola. Baka pagod lang 'yon, 'no?"

Pilit akong ngumiti at pabirong ginulo ang buhok niya kahit na mas mataas siya sa akin. "Oo naman. Hindi ka pa ba sanay ro'n? Basta, mag-aral ka. Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka sa school."

He gave me a salute. "Yes, Ma'am."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Siraulo."

Sakay ng taxi patungo sa hospital ay maraming gumugulo sa isip ko.

Kuya Rexter, Mark's father, was an accountant. If only his wife knew how to handle their finances, he could really provide for his family. Kahit tuloy dalawa lang ang anak ay hirap na hirap sila sa buhay. Si Mark, sa edad na twenty-four, ay hindi pa nakakatapos ng pag-aaral. He was having a hard time, kahit kita ko ang pagpupursigi niya.

Si Rebecca naman, ang bunsong kapatid ko, ay may anak sa pagkadalaga. Hindi sana magiging problema 'yon kung kaya niyang sustentuhan ang anak niya. Ang kaso, pati pag-aalaga sa bata ay iniaasa niya kay Mama.

I grunted inwardly. Ugh, what a morning.

"Good morning, Doc!" the nurses greeted me as I made my way to their station.

I smiled at them. "Good morning. Patingin ng chart ng patient ko."

Agad na iniabot iyon sa akin ng nurse kaya inilagay ko na ang order ko para sa pasyente. Pumasok muna ako sa opisina para ilagay ang mga gamit ko bago muling lumabas para mag-rounds. Mamayang hapon naman ay may mga naka-schedule akong outpatients.

It went on for hours. Isa sa mga pasyente ang nagkaroon ng panic attack kaya medyo natagalan ako. Ni hindi na ako nakapag-lunch dahil nalipasan na ako ng gutom.

Chin and I had planned to open our own private clinic, but it was put off because she needed more time with her family. Hindi siya magiging hands-on lalo at bine-breastfeed pa si Trevor.

I was on the way back to my office after wrapping up my work for the day when something... or someone... caught my eye. Hindi ko alam kung totoo ang nakikita ko o niloloko lang ako ng mga mata ko dahil siya ang laman ng utak ko sa nakalipas na dalawang linggo, pero tuluyan akong napatigil sa paglalakad. I blinked a couple of times to clear my vision, and when I got a good look at his face, my hands went cold.

Goodness, gracious. Bathalumang Ether must've heard my silent prayers earlier this day!

Dressed casually in a black polo shirt and well-fitted denim jeans, Mr. Calix Dylan Fujimoto, the guy who could turn heads without even trying, walked into the hospital.

Agad na tumahip sa kaba ang dibdib ko. I tried to play with my fingers inside my coat to keep my nerves at bay, but it didn't help at all.

Kahit naglalakad lang ay ang gwapo-gwapo niyang tingnan. He stood tall and confident, his broad shoulders and straight back imposing air of dominance. It was as if he had total control over the space, and we were just guests in his kingdom.

Gago, parang two weeks ago lang, hiningi niya ang number ko!

Napatingin ako sa kasama niyang matandang babae. Pansin ko pa ang paglambing ng mga mata ni Calix nang balingan ito. Pumunta silang dalawa sa nurses' station habang ako ay naiwang nakatayo roon, pinanonood ang bawat galaw nila.

Shet, parang nagutom ako bigla.

"Doc!"

Napatingin ako kay Yesha, isa sa nurses na kasundo ko. Kumaway siya sa akin bago tuluyang makalapit sa kinatatayuan ko.

"Sino'ng tinitingnan mo d'yan?" tanong niya. "'Yong apo ba ni Lola Harriet?"

Kumunot ang noo ko. "Kilala mo?"

"Oo! Pasyente ni Dr. Santiago si Lola Harriet. Na-confine last month, tapos ngayon, regular check-up na lang."

Tumango ako at saka muling tiningnan si Calix at ang lola niya. May kausap siyang nurse, kaya kahit masama ang loob ko sa pagpapaasa niya sa akin, nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa opisina ko kasama si Yesha. Hindi naman makapal ang mukha ko para bigla na lang makisali sa usapan nila.

"Saan ka uuwi?" tanong ni Yesha.

Tumingin ako sa kanya. "Sa bahay ko syempre. Tuwing Linggo at Lunes lang naman ako umuuwi sa bahay nina Mama. Bakit?"

"You're looking for a tenant, 'di ba? Ang sabi mo ay walang gumagamit ng second floor ng bahay kaya ipapa-renta mo," saad niya. "May nahanap ka na ba?"

I sighed. "Wala pa nga, eh. May kakilala ka ba? May sinubukan kasi ako dati, kaya lang ang kalat lagi ng mga gamit."

She pursed her lips. "Nabanggit kasi ni Lola Harriet sa akin last time na naghahanap ng marerentahan 'yong apo niya."

Agad akong napatigil sa pag-aayos ng sarili nang marinig ang sinabi ni Yesha. Calix's face flashed through my mind, and the thought of us living in the same house thrilled me.

Shocks, ang dumi ko.

"You mean..." I said as I shifted my weight. "The guy earlier?"

She nodded. "Pero hindi ko naman sinabi na may kakilala ako o ano. Baka lang interesado ka kasi ang tagal mo nang naghahanap."

"I'm actually looking for a girl," I replied. "But that's not a bad idea, Yesh."

Unti-unti ang paglapat ng ngisi sa labi niya. "Landi mo."

I rolled my eyes, grinning. "Tell me something I don't know."

Tumawa siya kaya napatawa na rin ako. Ilang minuto pa akong nag-ayos bago lumabas ng opisina. Si Yesha ay ipinatawag ni Dr. Santiago kaya nakasimangot siya nang iniwan ako.

Tumingin ako sa pwesto kung nasaan si Calix at ang lola niya ngunit mukhang wala na sila kaya nakaramdam ako ng panghihinayang. Sana pala ay pumalakpak ako kanina o sumigaw para mapansin niyang naroon ako.

Come on. I'm here! Ask for my number again!

I was disappointed when I got home without seeing his shadow. Malapit lang ang bahay sa ospital at kung tutuusin ay kayang lakarin, pero nag-taxi pa rin ako dahil nakakapagod ang araw ko.

Tita Jane, my mother's sister, owned the two-story house. She hadn't gotten married, and she didn't have any kids. She gave the place to my mother when she died five years ago, and my mother let me have it.

Matapos ang kaunting renovation ay inilipat niya sa pangalan ko ang titulo. Ginastusan ko talaga ito dahil gusto kong magkaroon ng mini gym and mini dance studio sa bahay. Kaya lang, naaaksaya ang space sa second floor lalo't walang gumagamit. Hindi namin inalis ang ibang materyales sa bahay gaya ng malaking grand piano na iniwan ni Tita at ibang mga furniture.

Muling nanumbalik sa akin ang mukha ni Calix kanina. Simula kasi noong hingin niya ang number ko, hindi na talaga niya nilubayan ang utak ko. Tapos ngayong nakita ko ulit siya, may parte sa akin ang humihiling na sana ay mapansin niya ako.

Sinubukan kong hanapin siya sa social media pero naka-private ang accounts niya.

"My god, ako ang hiningian ng number pero parang ako ang na-reject..." bulong ko sa sarili.

Ipinikit ko ang mga mata at isinandal ang ulo sa headboard ng kama ko.

Back in college, Calix was the first person who stood out to me. He was a real eye-catcher. Gwapong-gwapo siya habang nag-aayos ng mga upuan sa activity center kung saan kami nag-o-orientation. Despite his sweat, he looked hygienic. Isa pa, his masculine frame was to die for. Hindi lang dalawa o tatlong beses kaming nagkatitigan kaya may parte sa akin ang umasa na kakausapin niya ako.

Pero gaya ngayon, wala. Paasa lang!

A phone call interrupted my train of thought. Dis-oras na ng gabi kaya alam kong si Chin, Anne, o Yesha lang 'to. And so, with my eyes still closed, I answered the call.

"Ano'ng kailangan mo? Patulog na ako," bungad ko sa tawag. "Pero kung magyayaya ka ng shot, g lang." I chuckled.

The person on the other line chuckled, too.

Kumunot ang noo ko at unti-unting iminulat ang mga mata.

I looked at my phone, and my lips parted a fraction when I saw it was an unknown number!

"Uh..." he trailed off.

Yes, he! The voice sounded so fucking nice and deep!

"Vina? Is this your number?"

Para akong aatakihin nang tuluyang mabosesan ang nasa kabilang linya. Bahagya kong inilayo sa bibig ko ang cellphone para paulit-ulit na paypayan ang sarili.

Oh my god! It was Calix! Mula sa pagkakasandal sa headboard ay diretso akong napaupo.

Fuck, Rovina! Get your shit together! You have to act professionally! Huwag kang maharot dahil dalawang linggo ka niyang pinaghintay ng tawag!

Huminga ako nang malalim bago nag-isip ng isasagot sa kanya.

Okay, breathe in, breathe out. Pogi lang 'yan. Si Vina ka!

"Uhm... Who's this?" I asked. "I'm sorry about that. I mistook you for a friend."

Good grief, the Oscars must give me the best actress award for this!

"Si Calix," he replied. "I'm sorry for disturbing you at this hour, but I just want to ask if you're still looking for a tenant. Nabanggit kasi sa akin ni Nurse Yesha kanina..."

Tahimik akong napasinghap. Yesha and her big mouth!

"Tenant? What do you mean?"

"Uhh..." he hesitated. "I'm inquiring, Vina."

Hindi ko alam kung ilang libong mura ang napakawalan ko sa utak ko.

I mean, ano'ng sasabihin ko sa kanya?! Hindi ko naman siya sobrang kilala! Isa pa, bet na bet ko siya! Baka mamaya, mabuntis ako kapag dito siya tumira! Ni hindi ako sigurado kung papayag si Mama may lalaking tumira dito. We agreed to have a female tenant only!

Napansin niya siguro ang pananahimik ko kaya muli siyang nagsalita.

"You could set the house rules, if ever. I promise not to invade your personal space."

My heart began to pound as I looked around my room, thinking of him. I didn't know why I was so hesitant when I knew deep down, I couldn't allow him! Bawal ang lalaking tenant... lalo kung siya! Baka imbes na landlord-tenant ang relasyon namin, isipin kong mag-asawa kami!

But then I couldn't stop myself from thinking.

My life was nothing but a never-ending cycle. I grew up weighing the consequences of my decisions with great care. Every choice I made was scrutinized and evaluated, as I was instilled with the belief that even the smallest misstep could have a huge impact on my life. Bawat galaw ko, sinisigurado kong hindi ako maaapektuhan. Ni wala akong ginawang hindi ko pinag-isipan nang mabuti.

But right now, I want to do something reckless. Hindi ko sigurado kung dahil ba ito sa tinatamad na ako sa ikot ng buhay, dahil gusto ko lang sumubok ng bago, o dahil may parte sa puso ko na gustong malaman kung saan ako dadalhin nito.

I let out a long, deep sigh and then smiled.

"Sure."

Parehas kaming natahimik. Iniisip ko pa kung sasabihin ko ba ito kay Mama, pero sa dulo ay napagdesisyunan kong huwag na lang. Isa pa, hindi pa naman sigurado kung dito titira si Calix. Kikilalanin ko muna siya.

I knew it was a drastic move, but I figured I'd pay the price afterward.

For the time being, I allowed myself to indulge my desire to try something different.

"So," he said softly, "see you tomorrow?"

I covered my mouth to stifle a scream.

Rovina, you finally have something to look forward to.

Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 1M 50
THE LOSERS' CLUB SERIES #1 Have you ever been so smitten with someone that you were just so grateful they existed? Tipong makita mo lang siya, solved...
2.9K 346 20
In a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
180K 6.3K 61
[COMPLETED] Series II Started: December 9, 2022 End: March 31, 2023 Stole my Heart side story. Basahin nyo po muna yung Stole my heart. Paano mag-mov...