NS 14: PRINCE IN COLD ARMOR ✔

By AshQian

107K 4.6K 413

For the people who knew her, Yvonne's life is a lonely painting. The canvass, the colors of paints, and her f... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
DENOUEMENT

Chapter 3

3.5K 160 3
By AshQian

The little girl is simply adorable. Nakahahawa ang ngiti nito habang nakatingin sa asul na Lily. Umuklo si Yvonne at hinaplos ang ulo ng batang babae. Tapos na rin niya ang painting nito at gaya ng kay Prince Raxiine ay hindi niya pwedeng ilapag sa madla. Iingatan niya lang iyon sa loob ng kanyang kwarto.

"Kate?" dumagundong ang malaking boses ng lalaking papalapit.

Nahinto siya at natulos sa kinatatayuan. It's the prince! His attractive and heavy physique filled her eyesight and his loamy scent swirled around, seducing even the silent flowers in the garden. This kind of man admired by the fairer opposite sex can have them swoon in their feet.
Kabadong umurong siya ng kunti palayo sa bata.

"Daddy, look! It's blue like Papa's eyes..." masayang ipinakita ni Kate ang bulaklak.

"Hmn...what did I tell you? Don't go around and talk to strangers," malumanay nitong pinagsabihan ang bata at kinarga. Tumalikod nang hindi man lang siya sinulyapan. Para bang wala siya roon at hindi nito nakita. Kungsabagay, sino ba siya para tapunan nito ng tingin? He is a royalty and she is just a commoner.

"Bye, bye, lady!" sigaw ng bata habang kumakaway sa kanya.

Gumanti siya ng kaway at napangiti na lang sa sarili nang makitang umusad na paalis ang convoy ng prinsepe.

He is hot beyond words like a combination of cold hell and heaven on fire.

Babawiin na lang niya ang tinging humahabol sa mga ito nang mapansin niyang huminto ang parada ng mga sasakyan.

The door of his car flew open and the prince came out. Nagpulasan din palabas ang mga gwardiya nito.

Suminghap siya nang matanaw itong tinunton muli ang kanyang kinaroroonan. That serious and icy pair of eyes are melting her to bubbles.

Sa likuran nito ay nakasilip ang batang babae mula sa bintana ng sasakyan at nakangiti.

"Come with us." Hindi iyon pakiusap kundi utos.

"Huh?" nalilito niyang tanong.

"My niece wants you to come with us. Give me your family details and I'll negotiate with them." Dinakma nito ang kanyang braso at kinaladkad siya.

She didn't get the chance to resist or even open her mouth to refuse. Tuliro siyang itinulak nito papasok sa loob ng sasakyan at ang batang babae ay kumapit agad sa sweatshirt niya. Nakatingala sa kanya. Kumikislap sa tuwa ang mga mata at nakangiti ng malaki.

Natunaw na naman siya.

"Drive," utos ng prinsepe sa driver bago nito isuot ang dark sunglasses at ibinaling ang tingin sa labas.

God, ang gwapo!

Sandali! Ang sasakyan niya...Kakapag-kapag na kinapa niya ang cellphone at nagtext sa kanyang Mommy. Baka mamaya mapagdiskitaan iyon at isumbong sa towing shop. Nakahambalang pa naman iyon sa gilid ng kalye.

"Look at Kate!" Nakangusong inabot ng batang babae ang mukha niya at pilit inaagaaw ang kanyang atensiyon.

"Hm?" magiliw niyang baling dito.

Umunat ito at tinanggal sa kanya ang suot niyang eyeglasses.

"Behave, Kate. Don't disturb the lady. You can both play later when we arrive," umawat ang prinsepe.

Sumimangot ang bata. Ibinalik nito sa kanya ang eyeglasses at gumapang patungo sa kandungan ng lalaki. Kampanteng humilata roon sabay hikab ng malaki. Sa sobrang cute nito'y natutukso siyang kurutin ang makinis at mamumula-mula nitong pisngi. Isiniksik nito ang mukha sa dibdib ng prinsepe at namimilog ang ilong na muling humikab.

Watching both of them is mesmerizing. Kumakati ang mga kamay niyang hawakan muli ang paint brush at lumikha ng isa pang version. Tiyak mamaya pag-uwi niya ay hindi na naman siya papatulugin ng kanyang utak at ng canvass.

Akala niya sa susunod na lungsod lang ang destinasyon nila. Natilihan siya nang makitang ang daang binabagtas ng convoy ay palabas na ng Martirez. Saan sila pupunta? Saan siya dadalhin ng prinsepe?

"Details of your family?" he asked again.

Tumingin siya rito. "Where are we going? I mean, I can't-"

"We're taking you to La Salvacion. I know this is uncalled for but you are in good hands. This is for my niece."

Kumurap siya. La Salvacion? Sa home province nito? Ito ang magiging unang pagkakataon na lalabas siya sa kanyang lungga sa loob na mahabang panahong nagkulong siya sa sarili niyang mundo.

"Ako na ang tatawag sa amin. But I can't stay there for long," sabi niyang hindi malaman kung bakit hindi niya makontra ang lalaking ito. Ganito nga siguro ang authority ng isang prinsepe. Ang salita ay nagiging batas.

Bumaba ang paningin niya sa batang babae na nakatulog na sa mga bisig nito bitbit ang asul na Lily na kanyang binigay kanina. Noong dinner banquet sa bahay nila nakita niya kung paano ito naligalig dahil sa pag-iyak ng bata. Hindi na nga nito alintana ang paligid dahil nakatuon lang ito sa pagpapatahan sa pamangkin nito.

"You'll be compensated for this, don't worry."

"Hindi na iyon kailangan." Muntik na niyang makalimutan na kapag mayaman lahat ay pinaiikot ng mga ito gamit ang salapi. Ultimo buhay ng tao ay kayang bilhin, dugtungan at wakasan. Depende sa kung anong nais ng mga ito.

***

That excuse he gave her might not be acceptable but he can't have Kate throwing tantrums on this trip.

Raxiine observed the girl beside him from his peripheral view. When the hood of her sweatshirt fell down, the hair tumbling over her shoulder glistened in kohl black. Her eyebrows are writhing atop her thick and sweeping eyelashes. Eyes are calm, nebulous, and earth-brown like breathing pair of gold in that small framed face with a cute button nose and puffy, saccharine lips in the shape of a heart.

Pasulyap-sulyap ito sa kanya at sa daan. Ngunit madalas nagtatagal sa kanyang mukha ang panakaw nitong tingin. Hindi niya matukoy kung sa ilalim ng maluwag nitong kasuotan ay nagtatago ang isang dalagang nasa tamang gulang na o ang minor de edad na nakikita niya sa mukha nito. Although, her eyes showed him the kind of maturity fitting for a grown-up woman of her twenties. She has a gentle and quiet spirit he has seldom seen from most of the girls her age.

Pagdating nila sa boundary ay seneyasan niya ang driver na sumignal ng pasasalamat sa mga police ng Yala na escorts nila papunta roon. Pagtawid nila sa hangganan ay naghihintay naman ang mobile patrol unit ng La Salvacion Police upang ihatid sila nang ligtas pauwi ng Sky Garden.

"Connect me to Astrid," he commanded from his guard in the front.

"You are connected, highness," sabi ng guard makaraan ang saglit na pagkalikot sa communication.

"Astrid, get me a VIP card..." his muscles radiated when the head of the woman next to him fell on his shoulder.

Nakatulog ito.

"Name, your highness?"

He fucking did not ask her name. Sumabit ang mga mata niya sa bulaklak na hawak pa rin ni Kate.

"BlueLily," aniyang kinuha ang bulaklak. Naalala niya ang nasa painting na ni-regalo sa kanya. It was equally beautiful.

"Copy that, your highness."

Hindi nagtagal ng ilang segundos ang gulat na dumaan sa mga mata ng babae nang muli nitong buksan ang paningin habang nakahilig sa kanyang balikat. Kumurap-kurap ito at agad tumuwid sa pag-upo. Mahigit kinse minutos na silang nakahimpil doon sa naka-reserbang parking area para sa kanya sa basement.

He did not try waking her up. Naisip niyang baka gaya rin ito ni Kate na may sumpong kapag ginising ng sapilitan. Mahina siya sa pagpapatahan ng iyaking mga bata. Kaya pinili niyang maghintay na lang muna roon hanggang sa magising ito pagkat hindi rin naman niya mabubuhat ng sabay ang dalawa.

Inayos nito ang eyeglasses at isinuot muli ang hood. Hinawi ang buhok na napunta sa mukha at isinabit sa tainga. How she handles herself with that interval of few seconds is impressive. Putting herself together. Locking in her confidence. Her strongest weapon is her calmness and fluidity. She knew she did nothing wrong. She knew she is fine the way she is and that is admirable.

"Let's move out," he commanded and the doors opened up. He scooped the little girl carefully in his arms and went out of the car.

Bumaba na rin si BlueLily. Yeah, what a nice name he got for her. Blue Lily, the chosen flower of the Prince of Afro Ragenei. Napailing siya. He is not a sentimental guy and he is not fond of the superstition called destiny.

"This way." He led the way to the elevator.

Tahimik itong bumuntot sa kanya. Habang lulan ng platform paakyat sa kanyang unit. Kumislot si Kate. Nagbabadya na namang umiyak.

"Shhh...hey, daddy's here..." alo niya sa bata.

"Mommy?" nanaginip yata ito at nagpumilit lumipat kay BlueLily na maagap namang sinalo ang bata.

"She's heavy," aniyang binakuran sa mga bisig ang babae para alalayan.

"Okay lang, kaya ko," walang pag-aatubiling sabi nito.

Pinulot niya ang bulaklak na nabitiwan ni Kate at ipinaubaya na muna ang bata rito. His bodyguards are boarding in a separate elevator. Halos kasabay lang nilang dumating ang mga ito sa kanyang unit. Inakay niya papasok sa loob ang babaeng karga ang kanyang pamangkin at itinuloy nila ang bata sa kanyang kwarto.

"Tatawag lang muna ako sa amin," nagpaalam si BlueLily matapos ibaba sa kama si Kate.

Tumango siya. "Tell them you're with me. If they're familiar with the Brilhart in Yala, I am a family friend."

Napansin niya ang pag-ilap ng mga mata nito. "Okay," at tumango bago siya iniwan.

***

"Ano iyon, dad?" Nawindang si Yvonne sa isinagot ng kanyang ama sa kabilang linya matapos niyang i-kwento ang encounter niya kay Prince Raxiine.

"You can stay there. Magbakasyon ka muna at mamasyal ka riyan. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mommy mo."

"Nagbibiro po ba kayo? Hindi ako pwedeng magtagal dito. May mga tatapusin pa akong paintings na kailangan para sa exhibit next week."

"Yvonne, wala akong problema sa pag-pi-painting mo. Ang concern ko ay iyang pagkukulong mo sa sarili mo rito sa bahay."

"But, Dad, I'm fine!"

"No, this time you are going to listen to me. Stay there and have a break. Enjoy the place and tell me about the prince when you come home."

Anong ibig nitong sabihin? Mag-e-espiya siya? Kokontrahin pa sana niya ang ama ngunit binabaan na siya nito ng tawag.

Pumihit siya ngunit nag-ugat sa sahig ang mga paa nang bumulaga sa kanya ang prinsepeng nakahambalang sa pintuan.

"You can paint?" tanong nito.

Marahan siyang tumango.

Matagal siya nitong tinitigan bago tumalikod at iniwan siya roon sa terrace. Pinakawalan niya ang buntong-hininga at pinukol ng tingin  ang mga tanawing nakalatag sa kanyang harapan. In spite of the rapid evolution happening in this place, its beauty remained undefiled.

Dinig niya ang kaluskos mula sa kitchen pagbalik niya sa loob ng unit. She ignored it and had a quick assessment of the striking interior of the living room instead. The masculine elegance is too strong plus the royal grace of the prince, blending in with the minimal furnishing. Isang LED wall, long black centerpiece, leather couch, bookcases packed with hard and softbound paperbacks, and a bar in the corner. It feels like the safest place to stay.

Natigil siya sa pagmamasid nang kumanta ang door chime. Hindi na siya sumubok na buksan ang pinto, halata kasing computer-operated iyon. There he comes, sweeping her off with his vigor. He glanced at her while opening the door.

"Come in, Astrid."

Isang babaeng blonde ang pumasok. May bitbit na mga shopping bags ng iba't ibang signature clothing line. Yumukod muna ito, nagbigay-galang sa prinsepe, pagkuwa'y tumingin sa kanya.

"Some of the items you've requested are out of stock, your highness," nagpaliwanag ang babae.

"It's alright, that can't be done," sagot ng lalaki. Kinuha nito ang ilan sa mga shopping bags at dinala sa couch. "I don't know of your fitting, so bear with these clothes for the meantime. Use the other room, if you need to change later." Bumaling ito sa kanya.

"Thank you," tumango siya at sinulyapan ang blonde na nakamata sa kanila, lalo na sa kanya.

Pagkaalis nito ay bumalik sa kusina ang prinsepe at siya naman ay sinilip ang laman ng shopping bags.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...