ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 21 : Morbuzakh
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 25 : Little Punishment
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 27 : Goblin and Dark Raven
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 44 : Cronos Game 3
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 48 : Nation of Spirits
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 50 : Gargoyles
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 56 : Steps to Hope
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 20 : Dark Cave

14.4K 184 18
By purpleangel23

Maraming Salamat talaga sa inyong suporta!!

i'm so happy!!! Sana subaybayan niyo story ko hanggang sa huli,

marami pa akong pasabog sa story na ito, ahahaha Sana sa mga pasabog na yun magustuhan niyo ^__^V ahahaha kahit ako naeexcite sa story na ito ahahaha

Enjoy reading!!!

+++++

ALICE P.O.V.

Ang dilim sa kweba, wala akong makita kahit isang sinag ng ilaw, hindi ko namalayan na napabitaw ako kay Montblanc


“M-montblanc nasan ka na… huwag kang lumayo takot ako sa dilim” dahan dahan akong naglalakad at kinakapa ang paligid


“Sandali lang Alice, hinahanap ko wand ko, nakalimutan ko kung saan ko nalagay” Tsh! Kahit kelan talaga siya


“Momont, bilisan mo, kahit ako natatakot sa dilim, wala ba yon sa bulsa mo?” naririnig ko sila Sha at Montblanc, kaya sinusundan ko ang mga boses nila


“Don’t move Alice, mababangga ka” boses yun ni Clyde, sinunod ko naman sinabi niya

Narinig ko naman si Prince Azera na nagbanggit ng spell “LAMPROS!” unting-unti ko nakakita ang liwanag galing sa kanyang wand pero hindi pa yon sapat para mailawan kaming lahat

Pagtingin ko sa aking harapan mayroong bato hanggang bewang ko, tama ang sinabi ni Clyde kung dumeretso pa ako ng konti mababangga na ako sa bato, pano niya nalaman yon?


“Nakuha ko na” galak ni Montblanc


“Ano pa hinihintay mo, Momont? Paliwanagin mo na ang wand mo”


“ou eto na..atat! ka Sha---” nagconcentrate si Montblanc at nagbanggit ng spell “--- LAMPROZS!” lumiliwanag na ang kanyang wand pero parang naging lusis ito, supot na lusis

Napahampas ng noo si Sha “Momont… nakakahiya”

“Heh! At least sinubukan ko… uulitin ko ulit… LA---”

Tinakpan ni Sha ang bibig ni Montblanc “Huwag nalang baka kung ano pa mangyari, tignan mo nalang sa bag mo kung may nadala kang light ball”


“Tama ka Sha---” binukasan niya ang shoulder bag pero bago siya maghalungkat tumingin siya kay Prince Azera “--- A-amm… Puwede po bang ilawan niyo po ako Third Prince”


“Ah.. sige---” lumapit naman siya dito

Naglabas ng tatlong maliit na bolang crystal si Montblanc sa kanyang bag, nang inalog niya ang isang crystal nagliwanag ito, ang galing! parang ito ang nagmistulang flash light niya “Kumuha kana ng light ball, Alice” light ball pala ang tawag nila doon

Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang dalawang light ball, inalog ko ito at hindi naman ako nabigong umilaw ito

Lumapit naman ako kay Clyde para ibagay ang isang light ball “Clyde… heto ang isa para sayo”

Sinubukan ko parin siyang kausapin at lapitan, gusto ko lang ganpanan ang pagiging personal maid ko para sa utang na loob ko sa kanya hindi pa kasi ako nagpapasalamat sa lahat ng itinulong niya sa akin

Kung hindi niya tatagapin ito, ayos lang sa akin, wala naman ako magagawa kung linalayuan niya ako, At least pinakita ko sa kanya na hindi ako apektado sa mga ginagawa niya pero sa totoo lang at deep inside… masakit


“Hindi ko kailangan yan, nakakakita ako sa dilim” tumalikod siya sa akin


“A-ah… ganun ba, sige sosoli ko nalang” kaya pala kanina pinahinto ako sa aking paglalakad dahil nakita niya na mababangga ako sa bato   


“Ako Alice bigay mo sa akin---” nakita kong papalapit si Prince Azera “--- kailangan ko yan”


“P-pero Prince Azera may ilaw kana?”


“Bakit? Edi dispell ko… basta kapag galing sayo, hindi ko tatanggihan” kukunin na sana ni Prince Azera ang light ball sa kamay ko pero nagulat ako na kinuha ito ni Clyde


“Nagbago na isip ko, kukunin ko na, kailangan na natin umalis” saka siya nagpatuloy maglakad


“Ano!!? Teka!! Ibigay mo nga sa akin yan” sumunod naman si Prince Azera sa kanya

Hinawakan ako sa balikat ni Montblanc “Pasensya kana kay Clyde, pabago bago talaga isip niya, alam kong iniiwasan ka niya pero huwag kang magalala hindi ka niya matitiis”       


“Sa tingin mo…”

Ngumiti siya sa akin “Kilala ko si Clyde, malungkot lang siya dahil aalis na ang kanyang personal maid” nauna siyang maglakad sa akin pero bago niya ipinagpatuloy ang paglalakad, huminto siya at lumingon “Pero alam mo, simula ng makasama ka at naging personal maid ni Clyde, nakita ko sa kanya kung gaano siya kasaya kapag kasama ka niya”

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot sa mga sinabi ni Montblanc

Nakita kong malungkot ang mga mukha nila “oh! anung itsura yan?”


“Mamimiss ka namin Alice” pumunta sa balikat ko si Sha at yumakap sa leeg ko sumunod naman si Montblanc na yumakap sa akin “Tama, si Kuya Sha mamimiss ka namin, huwag mo kami kalimutan Alice nandito lang kami mga kaibigan mo” maikli lang ang pagsasama namin nila Montblanc pero napamahal na sila sa akin


“Masyado naman kayo, hindi pa nga natin alam kung matutuloy ang pagalis ko, kung matutuloy man, mamimiss ko rin syempre kayo, Maraming Salamat sa inyo, sa lahat ng tulong niyo” masaya ako at nakakilala ako ng mga mabubuting kaibigan katulad nila


“Ano pa ginagawa niyo diyan, bakit hindi pa kayo sumusunod!?” sigaw ni Prince Azera


“nandiyan na Prince Azera” kumalas na sina Montblanc sa pagkakayakap sa akin at nagumpisa na kami maglakad

====

Hindi ko akalain na, malayo ang tinitirhan ng Morbuzakh kanina pa kami naglalakad sa loob ng kweba, habang palayo kami ng palayo, pasikip ng pasikip naman ang dinadaanan namin


“Napakahaba naman nitong kweba, saan bang lugar ang kwebang ito? Nasa Nokama pa ba tayo?” tanong ni Montblanc


“Sa pagkakaalam ko, nasa mismong ilalim parin tayo ng kaharian ng Nokama” sagot ni Prince Azera

Sa haba ng aming nilakad nakalabas din kami sa makitid na daanan bumungad sa amin ang malawak na lugar pero may tatlong pang daanan para ulit naming pasukan


“Dulo na ba ito ng kweba? Bakit may papasukan pa tayo? alin naman diyan sa tatlo ang papasukan natin?” tanong ni Montlanc


“Dumaan tayo sa gitna” turo ni Prince Azera


“Walang tamang daan dahil ito ang dulo ng kuweba, ang sabi ng Hari pagdating natin sa dulo ng kuweba makikita natin ang pinto kung saan nakatira ang Morbuzakh” paliwanag ni Clyde


“Pano mo masasabi na dulo ito, meron pang tatlong daanan natitiyak kong isa diyan ang magdadala sa atin sa dulo ng kuweba kaya ang napili ko ang gitna” usal naman ni Prince Azera


“Tsh! Osige pagbigyan ang kamahalan, mauna kanang pumasok sa gitna” inis na sinabi ni Clyde

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad, nauna silang pumasok sa gitna at nahuli naman ako sumunod sa kanila dahil sa masyadong madilim at mabato ang paligid hindi ko naiwasang matapilok

Nahulog ang hawak kong light ball at nawalan ito ng ilaw, sa sobrang dilim hindi ko alam kung saan ito gumulong

Ang malas ko naman, kailangan kong makita ang light ball bago pa ako maiwan nila “Ah… Sha… Montblanc… Prince Azera… Clyde…” Eeehh!! Ayoko maiwan dito agad kong hinanap ang light ball

Habang nakaluhod akong kinakapa ang sahig may napansin akong maliit na liwanag parang kasing liit ito ng alitaptap pero hindi ito gumugalaw, naisipan kong lapitan ito

Malapit ko na itong malapitan at malaman kung ano ang bagay na yun pero biglang nakarinig ako ng kaluskos at nawala ang ilaw na kanina ko pa tinitignan

Kinabahan bigla ako, ayoko ng ganito! Natatakot na ako, sa sobrang takot hindi ako gumalaw sa kinalalagyan ko pilit kong tinitignan ang dilim sa harap ko baka sakaling makita ko ulit yung liwanag kanina

Waah!! ang tagal naman nila hindi ba nila napansin na nawawala ako

Pinakiramdaman ko ang paligid, ang naririnig ko ay patak ng tubig hanggang sa nakarinig ulit ako ng kaluskos, nanigas ulit ako sa takot, nararamdaman ko na ang pintig ng ugat sa buong katawan ko

Nakarinig at nakaramdam ako na humihinga, napansin kong may dalawang umilaw na kulay asul sa mismong harap ko sa paglapit ko dito… “Hoy! Engot”


“Huuwwaaaaahhh!!!!---” Sa gulat ko, nakasandal na ako sa bako bakong pader, engot? Engot daw…isang tao lang ang nagsasabi sa akin non “---C-clyde ikaw ba yan?”

Unting-unti na ako nakakakita ng liwanag, galing ito sa light ball na hawak niya “hindi ka kasi nagiingat, ayos ka lang ba?---" walang hiya talaga siya, ginulat niya ako, agad akong tumungo sa kanya, lumapit naman siya sa akin at ibinigay ang light ball “---mabuti naman…”

Pagkabigay niya sa akin ng light ball hinanap ko agad yung maliit na liwanag na nakita ko, para kasing butas yun, na may liwanag sa loob


“Ano ba hinahanap mo? kung yung light ball na nahulog mo, nakuha ko na”

Hindi ko na ito makita, baka nga alitaptap lang yun at lumipad na “Ah hindi yan… meron kasi akong nakitang liwanag kanina… pero bigla itong nawala, hayaan mo na, sundan na natin sila baka hindi pa sila nakakalayo” naglakad na ako para pumasok, kung saan pumasok din sila Montblanc at Prince Azera

Pero bago pa man ako makapasok humarang sa harap ko si Clyde, nagtaka naman ako sa ginawa niya “Bakit? Clyde…---” diba nilalayuan mo ako?nailing ako dahil nakatitig lang siya sa akin “--- a..ah k-kailangan na natin sundan sila baka---” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap


“nakakainis, hindi ko matiis na hindi ka makita, hindi ko matiis na hindi ka kausapin at hindi ko matiis na hindi ka pansinin… Masaya ako kapag kasama kita Alice, hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka na sa tabi ko… pero wala akong magagawa… alam kong desidido ka ng bumalik sa inyo… kaya bago ka umalis at iwan ang mundong ito, kahit ngayon lang at kahit sa konting oras dito ka muna sa tabi ko at hayaan mo akong yakapin ka” gusto kong manatili dito sa mundo nila pero kailangan ko talagang bumalik sa mundo ko

Hinayaan ko si Clyde na yakapin ako, naramdaman kong humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin dahil sa ginawa niyang yon bumilis ang tibok ng puso ko kaya hindi ko maiwasang mapayakap din sa kanya ng mahigpit


“Hala!!---” dahil sa narinig namin, nataranta kami at agad kaming kumalas sa pagkakayap “--- bakit tayo bumalik sa dati?” lumabas sila kung saan kami unang ding lumabas, tumingin sa amin si Montblanc “---Oh! nandito pala sila, Prince Azera, bakit nauna kayo sa amin?”


“Alice!!!---” patakbong lumapit sa akin si Prince Azera “---Pinagalala mo ko!! Ok ka lang ba?!! bakit ka namumula?” tumingin siya kay Clyde “--- ano ginawa niya sayo”


“A-ah… wala… Prince Azera wala siyang ginawa” paliwanag ko sa kanya

Ngumiti ng pang asar si Clyde “Tapos ka na ba Prince Azera? Nakita mo na ba ang dulo ng kuweba sa pinasukan mo? baka gusto mo pang pumasok sa dalawang daanan hihintayin ko kayo dito”   

Naasar naman si Prince Azera “Ou sige na, ito na ang dulo ng kuweba, kahit saan kami pumasok diyan, dito parin kami makakalabas”


“kung ito ang dulo ng kuweba nasan ang pinto ng Morbuzakh?” tanong ni Montblanc


“Patayin niyo ang mga hawak niyong light ball at wand” utos sa amin ni Clyde

Bakit namin papatayin ang hawak naming light ball?


“Pero Clyde, bakit? masyadong madilim kapag ginawa natin yon” Angal ni Montblanc


“Huwag Clyde takot ako sa dilim” angal din ni Sha


“Mas madilim, mas maganda… kapag pinatay niyo ang ilaw huwag na kayong gumalaw para hindi kayo madisgrasya, dahil ako lang ang nakakakita sa dilim, ako lang ang gagalaw, sandali lang naman ito---”paliwanag ni Clyde sa amin, tumingin sa akin si Clyde “--- natatakot ka ba Alice, sabihin mo lang sa akin” biglang nagiba ang pakikitungo sa akin ni Clyde hindi katulad kanina, umiling ako sa kanya


“Ako na bahala kay Alice” sabi ni Prince Azera


“H-hindi na Prince Azera, kaya ko sarili ko hindi na ko natatakot, nandito naman kayo”


“Pagbilang ko ng tatlo, papatayin niyo na ang liwanag ng light ball… 1… 2… 3…” Unting- unti ng dumidilim hanggang sa hindi na namin makita ang isa’t isa

Nagulat ako ng may biglang nagtakip ng bibig ko at binuhat ako pero dahan dahan niya naman ako ibinaba sa isang lugar, sigurado ako si Clyde ang gumawa sa akin nun pero bakit?


“Ouch!” narinig kong nasaktan si Prince Azera   


“Ayos lang po ba kayo Third Prince?” tanong sa kanya ni Montblanc


“A-ah, Ou” sagot ni Prince Azera


“Diba sinabi kong huwag kayong gagalaw once pinatay ang liwanag, pinanganak ka talagang pasaway at hindi sumusunod ng instructions Third Prince”


“Ok fine! Now what?” usal ni Prince Azera


“Maghintay lang tayo ng sandali, sigurado lang ako nandito lang yon”

Pero hindi nagtagal, may napansin akong maliit na liwanag, yun yung nakita ko kanina


“Sandali ano ang liwanag na yon” tanong ni Prince Azera


“Pinto yan---” pinto? Panung naging pinto yan? “--- yang maliit na liwanag na nakikita natin ay isang keyhole” ah.. butas talaga ang nakita ko at hindi alitaptap “--- alam ko na dito lang natin makikita ang pinto pero ang tanong nasaan ito? sinabi sa akin ni Alice kanina na may nakita siyang liwanag noong nahulog niya ang kanyang light ball at nawalan ito ng ilaw kaya inutos ko sa inyong patayin ang light ball para makita ko kung ano ang nakita ni Alice at nagbaka sakaling tama ang hinala ko…. Sa tingin ko naman hindi ako nagkamali, yan na ang pinto kung saan nakatira ang Morbuzakh”

Pagkatapos magpaliwanag ni Clyde biglang bumukas ang pinto at nasilaw kami sa liwanag na lumabas dito

May nagpakitang tao sa pinto pero hindi namin maaninag dahil sa liwanag galing sa kanyang likod

Sa paglapit niya sa amin, nakita namin ang isang matandang lalaki na may mahabang balbas, mahabang buhok at isang malaking pointed hat


“Ano ba ang meron at maingay dito sa labas? Hindi niyo ba alam nakakaistorbo kayo sa tulog ko”


++++++

Sana magustuhan ninyo ang UD ko..^__^V

COMMENT/VOTE po kayo 

Godbless and Have a nice day!! ^__^V

Salamat ulit sa pagbabasa! labs labs labs

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...