Door of Happiness (Agravante...

Von jhelly_star

122K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... Mehr

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 30

2.6K 73 13
Von jhelly_star

Kabanata 30

Girlfriend

--

Sa malaking kwarto ng hotel kami nagtungo. Ayaw akong bitawan ni Brandon kanina at hindi niya man sabihin sa akin, alam kong galit siya at ayaw niyang sumama ako sa mga Agravante. The Agravantes are powerful so maybe he thinks they will do something bad to me because I made a mess here at Elizabeth's party.

"Son..." Alexandra Monteza came up next to her son and looked at me. Her eyes dropped to Brandon's hand holding my hand at para akong aatakihin sa puso.

Pero hindi iyon ang mas iniisip ko sa ngayon.

"Hindi siya sasama sainyo..." mahinahon ngunit malamig ang boses ni Brandon nang sabihin niya 'yon sa mga Agravante.

Napatingin ang mga Agravante sa kanya. Hinarap siya ni Theodore Agravante na halata pa rin ang galit sa mukha pero bahagyang nabawasan nang magsalita si Brandon.

"Hijo, we need to talk. Hintayin mo nalang si Cassandra..." bumaba ang mga mata niya sa kamay naming dalawa at mas naging seryoso siya. "Dito sa baba. Wala kaming gagawing masama sa kanya."

Hindi pa rin nakinig si Brandon. Hindi niya ako binitawan. The Agravantes are powerful but the Montezas are more powerful. Of course I did research about them. Sigurado akong hindi kami makaka alis hanggat hindi pumapayag si Brandon.

"Brandon, what's the problem?" his father, Matthew Monteza asked and looked at me. Tumingin rin siya sa mga Agravante pagkatapos akong titigan sandali.

"Cassandra didn't do anything. Hindi siya sasama sainyo," ulit ni Brandon.

"Brandon..." si Louissa na tumingin sa aming dalawa.

Hindi siya pinansin ni Brandon at hinila lang ako. "Let's go..."

"Brandon..." pigil ko.

Natigil si Brandon sa akmang pag alis kasama ako at napatingin sa akin. Hawak niya pa rin ang kamay ko at mas lalo ko pa iyong hinigpitan. Tumingin ako sa kanya. I don’t know how I will explain this to him but I know he will allow what I want to happen.

"Please..." I said.

"Cassandra," nahaluan ng pagtataka ang galit niyang mukha.

"Sasama ako sa kanila. Kailangan kong sumama sa kanila..."

A lot of people are watching us and if we stay here any longer, baka kung ano pa ang mangyari sa pamilya ng mga Agravante. This will definitely reach the media. Malaking problema ang mangyayari sa kanila.

Brandon stared at me intently. I looked at him pleadingly. Tumingin siya sa mga Agravante bago muling binalik sa akin ang paningin. Maliit akong ngumiti para sabihing magiging maayos lang ako. He's angry and worried, but I know he would listen to me.

Pagkatapos ng ilang sandali ay sumuko siya nang nakitang gusto ko talagang sundin ang mga Agravante, hindi niya man alam ang dahilan. He looked at the Agravantes again before looking back at me.

"I will wait for you outside," he said very seriously.

I nodded and smiled. He let go of my hand. Dahan dahan akong tumalikod sa kanya at hinarap ang mga Agravante. They were all staring at us. Nang tumalikod si Theodore Agravante ay agad silang nagsisunuran sa kanya kaya sumunod na rin ako, never looking back at Brandon again. Matalim pa ang tingin sa akin ni Elizabeth pero tumalikod na rin siya at mabilis na naglakad pasunod sa mga Agravante.

Ngayon nakayuko ako habang kaharap ang mga Agravante. Nasa sofa silang lahat. Magkakatabi si Elizabeth at sina Louissa sa mahabang sofa habang nakatingin sa akin. Amelia Mendez is also here with a sharp look at me.

"Pasensya na po sa nagawa kong gulo..." ako na ang naunang nagsalita. "Hindi ko po sinasadya--"

"Oh come on! Wag ka nang magpa awa. Pumunta ka talaga rito para manggulo!" putol ni Elizabeth sa akin.

"Eli..." marahang boses ni Michelle.

Yumuko ako. Alam ko naman na may kasalanan rin ako. Dapat hindi ko na siya pinatulan. Dapat nanahimik nalang ako at umalis. Wala na sanang nangyaring gulo. Hindi ko sana nasira ang party na ginawa ng mga Agravante. I'm sure they will have problems in the media because of me.

"See? Natahimik ka. Kasi totoo!"

Amelia smirked.

"That's enough, Elizabeth," Theodore Agravante said in a calm but also cold voice.

Natahimik si Elizabeth at matalim nalang ulit akong tinitigan.

"Cassandra, hindi ko gusto ang nangyari ngayon. Everything went awry and now the party can't go on," si Theodore.

Nangilid ang luha sa mga mata ko at tumango. "Pasensya na po..."

"Anong magagawa niyang sorry mo? Sira na ang party ko. Sinira mo!"

"Elizabeth," mariin na ang boses ni Theodore Agravante.

"Ano ba ang ginagawa mo rito, Cassandra? Why did you come here?" tanong ni Marvino Agravante, hindi ko inasahan na magiging marahan ang kanyang boses sa akin.

Magkatabi sila ni Pauline Agravante. Nakatitig sa akin si Pauline at kahit gusto ko rin siyang titigan pabalik, natatakot akong baka makita ko rin sa kanyang mga mata ang galit dahil sa ginawa ko.

"G-Gusto ko lang po sanang makita ang party na... gaganapin... W-Wala po akong balak manggulo k-kaya pasensya na po kung--"

"Walang balak manggulo? Eh, ano itong ginawa mo, huh?" si Elizabeth ulit.

"Eli," si Louissa.

"Ginulo niya ang party ko, Issa. Sinira nya! At tinulak niya pa ako! Siya pa rin ba ang kakampihan mo? Ninyo?!"

"I didn't do anything to you. Hindi kita tinulak," singit ko at nag angat na ng tingin sa kanya.

"Will you please stop this?" nangibabaw ang boses ni Kylina Agravante.

Napatingin ako sa kanya.

"Gusto naming makipag usap ng maayos kaya sana maging maayos ka rin, Cassandra."

Yumuko ako.

"You messed up Elizabeth’s party and you even pushed her. What if something bad happened to her, huh?"

"Hindi ko po siya tinulak..." umiling ako.

"Sinungaling! Nagsisinungaling siya, tita! Tinulak niya ako!"

Kinagat ko ang labi ko at mas lalo pang nangilid ang luha sa mga mata.

"Gusto mo lang masira ako sa pamilya ko kaya mo ito ginagawa. Gusto mong lumabas akong masama para magalit sila sa akin at ikaw ang paniwalaan nila!"

"Hindi ko gagawin iyan," nag angat ako ng tingin sa kanya. "Ikaw mismo ang gumawa niyan sa sarili mo!" pilit kong sinabi kahit sobrang nanginginig na ang boses ko.

"Shut up! You're just messing with our family! You just want to be in my place kaya kung ano anong kasinungalingan ang sinasabi mo! Mom! Dad! Please! Let's stop this nonsense! Wag kayong maniwala sa babaeng yan dahil ako naman talaga ang tunay niyong anak! Bakit ba pinagdududahan niyo ako?"

Her voice broke, she was crying too. Tumulo ang aking mga luha sa lahat ng galit at sakit na nararamdaman habang pinagmamasdan siya.

"Naniniwala kami sayo, hija. Of course you are our family. Hinding hindi namin paniniwalaan ang babaeng iyan," si Kylina.

"Then bakit pinag uusapan niyo pa rin ang tungkol sa kanya? Gusto niyo siyang paniwalaan, admit it!"

"Eli, no. Of course not..." si Pauline Agravante at hinawakan ang kamay ni Elizabeth.

"Now we know that this girl is just lying. I'm sorry. We will never believe her, Eli. Ikaw lang ang pamilya namin at wala nang iba."

"Kylina is right. Magulo ang nangyaring ito at nagawa mo pang saktan ang pamangkin ko. You just proved to us that you're the one who's not telling the truth," si Rolando Agravante sa akin.

Kinagat ko ang labi ko.

"Let's stop this stupid thing. I regret that I doubted Elizabeth just because of this girl," Kylina Agravante said.

Yumuko sina Louissa, Michelle at Johanna. Ganon rin si Pauline at si Marvino Agravante ay umiigting ang panga. They are all disappointed in me. Wala ni isang kumontra sa mga sinabi nila.

Parang paulit ulit na sinaksak ang puso ko sa lahat lahat. Sunod sunod na tumulo ang luha ko at kahit anong gawin kong pagpapa alis roon, hindi nauubos.

"Dapat lang! Dinamay niya pa si tita Amelia na wala namang ginagawang masama. She helps out with the company and has been kind to Mommy for so many years so it’s impossible for her to do such a bad thing!" si Elizabeth.

"Elizabeth is right," si Amelia na humalukipkip. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang mga gawa gawa mong kwento pero hindi na kita papatulan. I don’t have time for someone like you who's worthless and just a gold digger."

She smirked at me.

"We're very regretting that we believed you, Cassandra. Just because you look like our mother..." si Rolando Agravante at umiling, dismayadong dismayado sa lahat.

Hindi ako madalas umiyak. Hindi ako kailanman umiyak sa mga bagay bagay. Dito lang. Dito lang talaga. Kasi sobrang sakit. Every word that comes out of their mouth hurts like hell and I feel like I can't take it anymore. Ngayon palang na nakikita ko ang pagsisisi rin nina Marvino, Pauline at Theodore Agravante ay sobrang dinudurog na ang puso ko.

They didn't let me in. They didn't open the door for me.

Pinunasan ko ang aking mga luha at nag angat ng tingin sa kanila. I bravely met the disappointment and regret in their eyes even though it was so painful for me. Tumango ako.

"Hindi ko po sinasadya ang nangyari," sinabi ko kahit nagbabara na ang lalamunan. "P-Pumunta lang po talaga ako rito para... sumilip at para hindi para m-manggulo. Gusto ko po kasing makita kung paano niyo... icelebrate ang birthday n-niya. Naiisip ko po kasi na p-paano kaya kung ako ang nasa tabi niyo? P-Paano kayang celebration ang mangyayari sa birthday ko?"

Now I pity myself so much.

"Birthday ko rin po ngayon..." namamaos kong bulong.

Yumuko ako at hindi napigilan ang paghikbi. Hindi ko kailanman kinaawaan ang sarili ko pero ngayon... awang awa ako.

"Pasensya na po sa nagawa kong g-gulo. Hindi ko po talaga sinasadya ang nangyari at... hindi ko rin po tinulak si Elizabeth..."

Nanginginig ang mga kamay kong magkahawak.

"Pasensya na po--"

Tumayo si Kylina Agravante dahilan para matigilan ako.

"Akala mo ba maaawa kami sayo dahil lang dyan sa pag iyak iyak mo?" anya. "Get out of here because we have no intention of believing you anymore."

Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Get out! Or maybe you want me to call our bodyguards so they can take you away?"

Hindi ako nakapag salita. Gusto kong magmaka awa na paniwalaan nila ako pero agad agad na niyang pinatawag ang mga bodyguards dahil hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Bumuhos ang luha ko habang nagpupumiglas sa mga hawak nila.

Awang awa na ako sa sarili ko. Pero hindi ko alam kung bakit ayaw ko pa ring tumigil.

"Nakikiusap po ako. Sila po ang nagsisinungaling!" pakiusap ko.

"Tumigil ka na sa kabaliwan mo, Cassandra. Walang maniniwala sayo!" si Elizabeth.

Nakita kong ngumisi si Amelia. Mas lalo lang akong umiyak at wala nang nagawa kundi sumama sa mga bodyguards na pilit akong hinihila palabas.

Tinignan ko si Pauline at Marvino Agravante. Nakatingin lamang sila sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ni Marvino ay nag iwas siya ng tingin at nakita ko ang paulit ulit na paggalaw ng kanyang panga. Kitang kita ko naman ang kagustuhan ni Pauline na pigilan ang nangyayari ngunit nakita ko rin ang pagpipigil niya para sa kanyang pinaka mamahal na anak.

My tears flowed and I felt a series of stabs in my heart. Parang may kutsilyo na paulit ulit akong sinasaksak.

Nagpumiglas ako sa mga hawak ng mga tauhan ng mga Agravante nang nakalabas kami sa kwarto. They let me go but blocked the way back to the Agravantes. My tears flowed and I felt like wanted to get on my knees with so much weakness and so much pain I am feeling.

Parang karayom na tumutusok ang mga salita nila sa puso ko. Sobrang hapdi at sobrang sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Ang pag asa sa puso ko'y unti unti nang naglalaho at ang pagkirot ay paulit ulit kong nararamdaman sa aking puso.

Nanghihina akong umalis at bumaba ng hotel. Wala na masyadong tao sa baba, wala na rin akong nakikitang naka gown. Siguro umuwi na ang mga imbitado sa party. Tanging mga taga linis at kung sino sino pang stuff ng hotel nalang ang naroon.

Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko habang naglalakad ako palabas. The wind blew my messy hair when I got out of the hotel and I felt the cold of it. But I didn't care. I continued to walk even though I am getting too weak by the minute.

Hindi ba nila nararamdaman? Ako ang anak nila. Ako ang pamilya nila. Why is it so easy for them to tell me those things? Bakit kay dali nila akong saktan?

Sa mga napapanood ko sa tv, nararamdaman nila kapag anak nila ang nasa kanilang harapan. Magaan ang loob nila at masaya sila kapag kasama siya.

Pero bakit parang hindi naman ganon ang nararamdaman nila sa akin? Bakit parang wala lang ako sa kanila?

Bakit ganon?

"Cassandra!" I heard Brandon's voice.

Nilingon ko siya at hindi ko namalayan na nasa may tapat ko na pala siya. Nasa malapit na ang kotse niya. Lumapit siya sa akin at nakita ko agad ang pag aalala sa kanyang mga mata.

"What happened? Why are you crying? What did they do?" sunod sunod niyang tanong at narinig ko rin ang galit sa kanyang boses.

I didn't want to cry in front of him but I couldn't help it. My heart hurts so much and I have no choice but to cry to let it all out. At sa ngayon wala akong ibang gusto kundi mayakap siya.

Inangat ko ang aking mga kamay at tumakbo papunta sa kanya. Naramdaman ko ang mabilis niyang pagkakatigil. Binaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at doon tahimik na umiyak at humikbi. Sa kabila ng pagkakatigil, mabilis niyang sinuklian ang yakao ko. Napapikit ako nang nakaramdam ng init ng kanyang yakap. Mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko.

"Shh... I'm here... I'm here..." he said gently kahit ramdam ko pa rin ang kanyang galit.

Pumikit ako at hindi na napigilan ang paghagulgol. Nasa likod ko ang kanyang isang kamay at nasa ulo ko naman ang isa, mas lalo pa akong niyayakap. At sa mga oras na iyon, even though I was overly hurt by everything that happened, I felt comfort. I felt peace. Kahit panandalian lang.

Humiwalay ako sa kanyang yakap at pinunasan ang aking mga luha nang bahagya nang kumalma. He also caressed my cheek and gently wiped away my tears. Nag angat ako ng tingin sa kanya. I can still see the anger in his eyes but I can also see the concern.

Sa kabila ng sakit at bigat na nararamdaman, ngumiti ako sa kanya. Siya ang nagpatahan, yumakap at nanatili sa aking tabi sa mga oras na ito kung kailan sobra sobra akong nasasaktan.

I didn't plan to have a boyfriend when I came here to Manila because I wanted to put my family first. That's more important than to be in a relationship. But I didn’t expect him to change that perspective of mine.

From the beginning, he has always been by my side. Nung nagkasakit ako pina inom niya ako ng gamot at siya pa ang bumili ng pagkain na kailangan kong kainin, sinasamahan niya rin ako minsan, tinutulungan rin sa store minsan, he was always concerned about me, he was always by my side. Kaya hindi ko na rin napigilan at naamin ko na rin sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Alam kong sa sitwasyon ko ngayon hindi dapat ako nagboboyfriend. Hindi naman dito nakatutok ang atensyon ko palagi. I'm still studying hard and of course, I'm still doing my best to make the Agravantes believe me. Pero malaki ang pasasalamat ko na dumating siya sa akin.

"Are you feeling better now?" Brandon asked softly, hinahaplos ang pisngi ko.

Tumango ako. "Thank you for the... hug and... thank you for waiting for me here..."

His eyes were serious and I knew that even though he wanted to ask me a lot of question, he just chose to keep it to himself. I was a little surprised because I thought he would ask me about what was going on but he didn’t.

Parang may humawak na mainit na kamay sa aking puso dahil napagtanto ko na kahit sobrang dami niyang gustong itanong, iniisip niya pa rin ang kalagayan ko. Alam niyang hindi ko sasabihin ang nangyayari. Alam niyang iiyak lang ulit ako.

Sa mga mata at labi niyang nagpipigil ngayon, alam kong iyon ang iniisip niya. Hindi na siya mahirap basahin para sa akin dahil kapag ako ang kaharap niya, hindi niya maitago ang kaunting emosyon na ayaw niyang ipakita sa kahit na sino.

"I'll take you home," he said in a serious tone.

He took my hand and pulled me into his car, no longer waiting for me to say something or even agreed. Nagpahila ako sa kanya. He opened the door of his car for me and I went inside. He closed the door and turned to get on the other side.

Huminga ako ng malalim habang umiikot siya. Tumingin ako sa hotel kung saan nandoon pa rin ang mga Agravante at nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso.

Nang nakapasok si Brandon sa loob ay agad ko rin namang iniwas ang tingin ko roon.

"Did Elizabeth hurt you?" tanong ni Brandon habang nagmamaneho pauwi sa bahay ko.

Elizabeth... unti unti na akong naiinis sa pangalan na iyon.

"No..." marahan kong sagot.

Tumango siya at hindi na nagsalita. Seryoso niyang pinapatuloy ang kanyang pagmamaneho.

"Ikaw... naniniwala ka ba sa kanya?" dahan dahan kong tanong maya maya.

Nilingon niya ako pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Naniniwala ka ba sa sinabi niya? Na... tinulak ko siya?"

"No," mabilis at walang pag aalinlangan niyang sagot.

This time, nilingon ko na siya. Nakatutok ang seryoso niyang mga mata sa kalsada.

"Sinabi mong hindi mo siya tinulak kaya hindi mo siya tinulak. Kung ano ang sinabi mo, iyon lang ang paniniwalaan ko."

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Tinitigan ko siya.

"Paano kung tinulak ko nga talaga siya... Are you going to be mad at me?" halos pabulong kong tanong.

Nilingon niya ako, seryoso pa rin ang mga mata.

"No..." he said with certainty.

"Bakit?"

"Dahil alam kong hindi mo naman gagawin 'yon."

Napatitig ako sa kanya. Binalik niya ang kanyang paningin sa kalsada. Kumirot ang puso ko sa saya at lungkot rin na naramdaman. Hindi ko alam na pwede palang maramdaman ang dalawang emosyon na iyon nang sabay. Nag iwas ako ng tingin at naisip kung paano akong hindi pinaniwalaan ng mga Agravante.

Bakit kung sino pa ang hindi ko pamilya... sila pa ang naniniwala sa akin?

Nilingon ko si Brandon at malungkot na ngumiti. Pero kahit ganon... nagpapasalamat at masaya pa rin ako na may isang taong naniniwala sa akin. May isang tao pa rin na kung ano lang ang sinabi ko, iyon lang paniniwalaan. Para sa akin, sapat na 'yon.

Hindi na nga nagtanong pa si Brandon tungkol sa kung ano ang nangyayari. Alam kong nagtataka siya, nagagalit at gustong malaman ang totoo, pero nagawa niya pa ring pigilan ang sarili niya para lang hindi na bumigat pa ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang nararamdaman ko pero... nagpapasalamat ako sa kanya.

He wanted to wait for me to tell him voluntarily my problem, kung ano ang nangyayari. Malaking bagay na iyon para sa akin.

"Nabalitaan ko ang nangyari. Ayos ka lang ba?" tanong ni Audrey na sobrang nag aalala.

Kalat na sa buong school ang nangyari kagabi. I expected it because the whole school was invited to Elizabeth's party kaya natural lang na kakalat ang nangyari kagabi.

"Yeah..." I smiled slightly at her.

Nandito kami sa field at kasama namin si Arjun na nag aalala rin sa akin. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanilang dalawa dahil marami akong iniisip nitong mga nakaraang araw but Audrey doesn't seem to be that irritated with Arjun anymore.

"Kalat na sa buong school ang nangyari. Bakit ka ba pumunta roon, Sandra?" tanong ni Arjun.

"Alam niyo na ang sagot dyan..."

Namilog ang mga mata ni Audrey at napatingin kay Arjun. "Pati siya? Wag mong sabihing..."

Tumango ako. "Alam niya na."

"What?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Masyado akong maraming iniisip nitong mga nakaraang araw kaya... pasensya na."

"Maraming iniisip? O baka naman busy ka sa..." ngumisi siya, nagbago agad ang mood.

Alam ko agad ang gusto niyang sabihin kaya umirap nalang ako sa kawalan.

"Busy saan?" kuryosong tanong ni Arjun.

"Sila na ni Brandon," ani Audrey at umirap kay Arjun.

"Ano?"

Maliit akong ngumiti kay Arjun na nagulat sa nalaman.

"Boyfriend ko na si... uh... Brandon," sabi ko.

"Kailan pa?" tanong niya.

"Nung... isang linggo pa..."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

Iritado siyang nilingon ni Audrey. "Kailangan niya pa bang sabihin sayo? Kailangan ba lahat ng nangyayari sa kanya alam mo?"

Napatingin si Arjun sa kanya. "Nagtatanong lang naman ako. Hindi niya agad sinabi sa akin--"

"Bakit pa nga niya kailangang sabihin sayo? Ano ka ba niya? Kaibigan ka lang naman niya, ah?" mukhang iritado talaga si Audrey.

"Exactly. Kaibigan niya ako kaya dapat sinabi niya. Ikaw kaibigan ka rin niya kaya sinabi niya sayo. Bakit sa akin hindi?"

"Bakit gusto mo pang malaman? Wag mong sabihing nagseselos ka? Gusto mo si Cassandra kaya ganyan ka maka react?"

"Ano?" kunot noong tanong ni Arjun.

"Tumigil nga kayong dalawa!" halos manlaki ang mga mata ko sa mga pinagsasasabi nila. "Ako ang may kasalanan, okay? Arjun, sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Gaya ng sinabi ko, masyado akong maraming iniisip nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na nasabi pa. Pasensya na."

Humalukipkip si Audrey at inirapan si Arjun. Kunot ang noo ni Arjun habang pinapanood si Audrey na ganon pero hindi na niya pinatulan pa.

Brandon:

Magkita tayo. I have a gift for you.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang nabasa ang text ni Brandon. Tinignan ko ang dalawa na magka away pa rin sa harapan ko, tahimik lang sila at hindi nag uusap. Si Audrey pairap irap maya maya habang si Arjun naman ay pasulyap sulyap sa kanya.

Hindi magandang iwan ang dalawang ito sa ngayon pero...

Tumayo ako.

"Oh, saan ka pupunta?" puna agad ni Audrey.

"May pupuntahan lang ako. Babalik rin ako agad," paalam ko.

"Sus. Magkikita lang kayo ni Brandon, eh..."

Kumaway nalang ako sa kanila bilang pagpapa alam at umalis na roon. Hindi ko alam kung may mangyayari na naman bang world war between them pero bahala na sila dyan.

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi. Inaamin kong mabigat pa rin ang dibdib ko ang lahat ng mga salitang binato nila sa akin. Naalala kong ito ang pinaka kinatatakutan ko kaya wala akong lakas ng loob magpakilala sa kanila noon. Ngayon nangyayari na nga.

I sighed.

Nagbubulungan, nagtitinginan at nagtatawanan ang mga students na nadadaanan ko. Syempre ako ang pinagbubulungan nila at ang nangyari kagabi ang iniisip nila. Sigurado akong sobra na akong katatawanan sa mga estudyante rito sa lahat ng gulong nasangkutan ko.

Pero kahit ganon, taas noo pa rin akong naglakad at walang tinignan ni isa sa kanila. Ayaw kong magpa-apekto dahil alam kong kapag ginawa ko 'yon, mas lalo lang akong kakainin ng sakit na nararamdaman ko.

Sabi ni Brandon magkita kami sa may cafeteria namin kung saan maraming bench at puno. Nagtungo ako roon habang dinadaanan ang mga estudyanteng hindi maka move on sa nangyari kagabi.

Mawawalan na sana talaga ako ng pakialam nang nakita ko si Brandon na naghihintay sa akin sa bench sa may tabi lang ng napaka laking cafeteria. Naalala kong kilalang kilala nga pala siya rito sa buong school. Pinag uusapan na kami simula pa nung nangyari sa halloween party at siguradong mas lalo kaming pag uusapan ngayong magkikita kami rito.

Wala naman talaga akong pakialam sa iisipin ng iba pero... masyado naman yata akong napag uusapan rito? Bago palang nga ako sa schooo na 'to!

Tumayo si Brandon galing sa pagkakaupo sa bench nang nakita niya ako. Seryoso ang mga mata niya. Nawala naman ang confidence ko dahil sa mga students na nakatingin lalo na dahil nasa harapan ko na siya!

Ang gwapo niya. Bagay na bagay talaga sa kanya ang uniform ng college students. Kulay dark blue na coat at slacks. Tapos may kulay asul at puti na necktie. Kahit naka coat kitang kita ko ang napaka laki niyang braso. Uminit ang pisngi ko dahil talagang naiisip ko ito ngayon sa ganitong sitwasyon ko.

Remember that you and your family are not settled yet, Sandra! The Agravantes don't want to believe you anymore so you need to find a way for them to believe you again!

Lumapit si Brandon sa akin. Lalabas na yata ang puso ko sa sobrang bilis non. Lumunok ako at nagbaba ng tingin sa kanyang leeg dahil hindi ko siya kayang tignan ng matagal sa mga mata.

"Are you feeling better now?" tanong niya at inangat ang kamay para ilagay sa likod ng aking tenga ang takas na buhok na nasa may mukha ko na.

Mas lalo lang dumami ang nagbulungan sa paligid. Pakiramdam ko halos lahat sila nanonood na sa amin!

"Yup. Uh... salamat ulit kagabi. Pasensya na rin kung nabasa ko ang damit mo..." nahihiya kong sinabi dahil talagang basang basa ang damit niya kagabi dahil sa mga luha ko!

"That's okay. You can cry on me whenever you want..."

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kalaunan ay ngumiti ako.

"Thank you..."

Maliit rin siyang ngumiti at bumalik na naman sa kanyang mga mata ang mapaglaro niyang side. Nanliit ang mga mata ko.

"Ano ang regalong sinasabi mo?"

Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. "Are you excited with it?"

Umirap ako. "Hindi, ah. Nagtatanong lang..."

He chuckled and then handed me a small blue green box. Napatingin ako roon at parang tumalon ang puso ko sa gulat at excitement! Nanlaki ang mga mata ko at nabasa sa box ang 'Tiffany&Co'. Iyon siguro ang brand ng laman?

"A-Ano yan?" mangha kong tanong at nag angat ng tingin sa kanya.

"Take it and see..." he said.

My eyes dropped again to the box. I slowly raised my hand and took his gift for me.

Hindi naman ganon kalaki ang box. Hindi rin naman kasing liit ng box na katulad ng lalagyanan ng singsing. Sakto lang ang laki niya. Wala akong ideya kung ano ang laman noon kaya medyo nagtataka ako pero mas naeexcite ako!

Dahan dahan kong binuksan ang kulay blue green na box. Pagkabukas ko noon ay may nakalagay sa loob na tela, kulay blue green rin ang kulay at sigurado akong nasa loob noon ang regalo sa akin ni Brandon.

Binuksan ko ang tela at pinagmasdan lang ni Brandon ang magiging reaksyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang may nakuha akong bracelet sa loob! Nilabas ko iyon at mas lalo pang namangha nang nakita ang kulay gold na bracelet. It had a heart, key, diamond and padlock pendant and I was even more amazed!

Mabilis akong nag angat ng tingin kay Brandon. "W-What is this?"

He smiled at my reaction. He took the bracelet in my hand and took my wrist. He slowly put the bracelet on it and I still couldn’t recover from the overwhelming amazement and shock!

Ngayon lang ako nakakita ng ganon kagandang bracelet at hindi ko man kilala ang brand, sigurado akong mahal iyon! Pinanood ko si Brandon na haplusin ang kamay ko pagkatapos niyang masuot ang bracelet sa akin.

Tumingin siya sa akin.

"Wear this wherever you go. Don't take it off..." he said.

Hindi pa rin ako makapaniwala. "B-Bakit mo ako binibigyan ng ganito? At tsaka... m-magkano ito? Sigurado akong mahal 'to!"

He chuckled. Binaba niya ang kamay ko pero hindi niya na binitawan iyon.

"It doesn't matter if it's expensive. I want you to tressure it, take care of it, kahit iyon nalang ang kapalit," he smirked.

"Pero bakit? Hindi ko naman birthday, ah?"

"Kailangan ba kapag birthday lang magreregalo?"

Naiirita na ako dahil hindi niya sinasagot ang tanong ko. Magkano 'to? Siguradong mahal to at hindi niya naman ako kailangang bigyan ng ganito!

He chuckled and pulled me closer.

"It's just my gift for my girlfriend. Can't I give you a gift?"

"Oo nga pero... mahal to, diba?" tumingin ako sa kanya.

"It doesn't matter," ulit niya.

Binaba ko ang tingin sa bracelet na nasa pulsuhan ko. Kinagat ko ang labi ko at ayoko sanang ipakita ang sobrang pagkakatuwa sa regalo niya kaya lang napapangiti talaga ako.

Ngumiti ako at nag angat ng tingin kay Brandon. "Thank you. I love it!"

"I'm glad you love it. I thought you will just get angry with me for buying you an expensive gift," he chuckled.

"Nagagalit talaga ako! How much is this, huh?"

Ngumuso siya. "Don't think about it. It's my gift for you. Don't you like it?"

"I said I love it!"

"Then I'm happy," he smiled.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya pero sa huli nangiti rin. Umiling ako at muling tumingin sa bracelet na napaka ganda. Pinisil pisil ni Brandon ang kamay kong hindi niya pa rin binibitawan hanggang ngayon.

"Malandi ka talaga!"

Sabay kaming napatingin ni Brandon kay Elizabeth na bigla nalang sumulpot sa kung saan. Naglalakad siya palapit sa amin sa galit na galit na mga mata at alam ko agad na gagawa siya ng gulo.

Agad akong nilagay ni Brandon sa kanyang likuran. Nakita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Nakangiti siya kanina pero ngayon seryoso nalang at halos galit na.

Mariin akong tinitigan ni Elizabeth.

"Elizabeth, don't make a fuss here," Brandon said.

"Wag kang magpaloko sa babaeng yan, Brandon. She's a gold digger bitch!"

"I said don't talk ill on Cassandra in front of me, Elizabeth! Tumigil ka na!"

Napatingin na sa amin ang mga dumadaan na students. Sigurado akong maaagaw namin ang atensyon nila dahil parehong kilala si Brandon at Elizabeth. At kilala na rin ako ng buong school! At ang alam pa nilang lahat ay nililigawan ni Brandon si Elizabeth pero ang totoo pala ay ako ang...

At ngayon galit na galit si Elizabeth.

"Totoo naman ang sinasabi ko, eh! Manloloko siya! Niloloko ka lang niya dahil gusto niya ng pera at kung ano ano pang luho! Wag kang magpaloko sa kanya, Brandon!"

"Tumigil ka na nga!" singit ko at umalis sa likuran ni Brandon.

"Manloloko ka! Nung una ang pamilya ko, ngayon naman si Brandon? Para saan? To get money? Are you really that desperate? Why don't you work hard so you will not look miserable!"

Nanlaki ang mga mata ko nang idamay niya ang mga Agravante. Hindi ko inasahan na kaya niyang sabihin iyon ng ganon ganon lang. Hindi ba dapat siyang nag iingat sa mga sinasabi niya dahil baka mabuking siya? Mukhang hindi niya makontrol ang sarili niya kapag galit, ah?

Hinawakan ni Brandon ang braso ko at muli niya akong tinakpan mula kay Elizabeth.

"That's enough. Umalis ka na, Eli," mariing sinabi ni Brandon.

"I can't believe you! Paano mo ako nagagawang ipagtabuyan para lang sa babaeng yan? Manloloko siya, Brandon!"

"I said leave!" Brandon said angrily.

Natahimik si Elizabeth. Muli akong umalis sa likuran ni Brandon at agad niyang hinawakan ang kamay ko. Pero hindi ako nagpapigil. Hinarap ko si Elizabeth na punong puno ng galit ang mga mata para sa akin.

"Manloloko? Alam nating dalawa kung sino ang manloloko rito..." bulong ngunit mariin kong sinabi sa kanya.

"How dare you!" sigaw niya at agad naabot ang buhok ko!

"Elizabeth!" umalingawngaw ang galit na boses ni Brandon at agad akong hiniwalay kay Elizabeth.

Nilagay niya ako sa kanyang likod. Medyo nagulo ang buhok ko.

"Don't you dare hurt my girlfriend again, Eli!" Brandon voice made the students jump in shock.

Natahimik si Elizabeth habang nanlalaki ang kanyang mga mata, naka awang ang labi at parang tumigil ang mundo sa narinig kay Brandon.

"G-Girlfriend?" halos pabulong niyang tanong.

"Yes. Cassandra is now my girlfriend so don't you dare hurt her again," walang kasing riin ang boses ni Brandon at hinila niya ako palayo sa mga students na nagulat rin at nagbubulungan.

Naiwan si Elizabeth na gulat, tulala at mukhang maiiyak na.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

390K 20.5K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
22.1M 656K 52
"Curiosity killed the kitty Miss Adams." My body stiffened. Slowly I turned around just to see Mr. Parker standing in front of me with hands in his...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...