When Two Broken Souls Collide...

By 2KG4LOFBLOOD

2.1K 64 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... More

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 8
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 13
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 23
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 26
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 29
WTBSC 30
WTBSC 31
WTBSC 32
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 47
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 40

29 1 0
By 2KG4LOFBLOOD

Maria Bella

"Oo nga pala bukas na ang balik natin sa Maynila." Sabi ko kay Ravanni na hanggang ngayon ay malawak parin ang ngiti. Ngayong nakikita ko syang masaya nakakaramdam na ako ng takot na baka mas lalo ko syang masaktan kapag hindi ko nasuklian ang nararamdaman nya sa akin ngayon.

"I forgot. Are you sure you want to go back already? You know, I can stay here longer with you."

"Alam kong marami ka na ring naiwan na trabaho sa Maynila kaya kaylangan mo na rin bumalik. Isa pa isang linggo lang ang leave ko sa trabaho."

"About that, aren't you thinking of leaving your job with Damon? Kaya naman kitang bigyan ng trabaho sa company namin with a higher position. Alam ko na magaling ka kay-"

"Hindi na kaylangan. May kontrata ako kay Sir Damon kaya kaylangan kong magtrabaho parin sa kanya. Maliban na lang k-kung sisantehin nya a-ako." Napapabuntong hininga na sagot ko sa kanya. Sana nga sisantehin nya na lang ako para mapalayo na ako sa kanya at makalimutan ko na sya.

"Yan ba ang sinabi sayo ni Damon sa kontrata? Alam mo pwede ka namang mag-resign as soon as valid ang reason mo. You don't need to bare with him every day."

"T-Talaga?"

"Of course. Hindi ka ba binigyan ng kopya ng kontrata mo?" Tanong nya sa akin at naalala ko naman na hindi ko na nga pala naisipan na basahin 'yon dahil pinirmahan ko agad. Napahampas naman ako sa noo ko dahil sa pangyayaring 'yon.

"Are you alright?"

"Oo pasensya na." Yon na lang ang naisagot ko sa kanya hanggang sa maya maya ay bumalik na sya sa ginagawa nya. Hindi ko talaga sya mapigil sa ginagawa nya dahil 'yon daw ang utos ni Nanay. Wala akong magawa kundi maawa sa kanya dahil siguradong manaya ay pagod na pagod nanaman sya at pagdating namin ng Maynila, alam ko na maraming trabaho ang naghihintay na sa kanya. At isa pa kahit na madami syang mahahalagang bagay na naiwan sa Maynila hindu nya talaga ako balak iwan dito at bumalik sa Maynila ng hindi ako kasama. Samantalang si Damon iniwan na ako dito ngayon.

"Kanina ko pa napapansin na parang malalim ang iniisip mo? Mind to tell me?" Rinig kong sabi ni Ravanni sa tabi ko. Naglalakad na kami pabalik sa bahay. Bakit kaya hindi na nakabik si Nanay?

"Wala nag-iisip lang ako ng pwede kong lutuin para sayo mamaya."

"No need to make such an effort Bella. Ako ang nanliligaw kaya huwag ka nang mag-abala pa." Nakangiting sabi nya sa akin saka nya hinawakan ang kamay ko. Mabilis naman akong napaiwas sa kanya sa hindi malaman na dahilan. Nakita ko naman agad kung paano nawala ang ngiti nya.

"What's wrong?"

"N-Nagulat lang ako." Sabi ko sa kanya at saka ko hinawakan ang kamay nya. Deretso lang ang tingin ko sa daan at hindi ko na lang pinansin ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang paninitig nya sa akin. Kaylangan kong subukan na may maramdaman ako sa kanya.

"Nay nandito na po kami!!" Sabi ko agad nang makapasok kami ng bahay. Unang sumalubong sa akin si Delaney.

"Nasaan si Nanay?"

"Nasa kwarto po." Sabi lang nito sa akin. Naagaw naman ang pansin ko ng bulaklak na nandoon sa may gilid ng upuan namin. Naglakad ako papalapit doon at tiningnan kung may nakalagay doon na sulat kung kanino galing pero wala akong nakita.

Tulips.

"Kanino galing ang mga 'to?" Seryosing tanong ko habang nakatingin parin doon sa mga bulaklak.

"Nakita na lang namin 'yan dyan." Napalingon ako nang marinig ko ang boses na 'yon ni Aki. Kilala ko ang nga bulaklak na 'to at hindi ako pwedeng magkamali pero imposible.

"Just ask Nanay Odette." Sabi naman sa akin ni Ravanni pero di parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Tandang tanda ko pa kung kelan ko huling natanggap ang ganitong klase ng bulaklak. At sa buong buhay ko sya lang naman ang nagbibigay sa akin ng ganitong bulaklak.

"Bell-"

"Aki bakit hindi mo na lang ito ibigay kay Emily?" Sabi ko na lang saka kinuha ang bouquet ng tulips at iniabot 'yon kay Aki. Tiningnan naman nya ako ng may ngisi at parang tinatanong ako ng mga titig nya kung seryoso ba ako.

"Bakit ko naman sya bibigyan ng bulaklak?"

"Dahil gusto mo sya hindi ba?" Sabi ko sa kanya. Ayokong isipin ni Ravanni na may ibang ibig sabihin sa akin ang bulaklak na ito.

"Sino namang may sabi sayo na gusto ko sya? Hindi sya ang tipo ko." Sagot lang nito sa akin saka sya lumabas ng bahay at iniwan ang kamay ko sa ere na may hawak ng bulaklak. Napabalik lang ako sa reyalidad nang biglang kinuha ni Ravanni 'yon sa tabi ko.

"Is this your favourite flower?" Seryosong sabi sa akin ni Ravanni. Mabilis naman akong umiling lang sa kanya.

"So what's your favorite then?"

"W-Wala."

"Wala? May ganon bang bulaklak?" Pilosopong sabi nya sa akin saka nya ibinalik ang bulaklak sa akin at naupo doon sa upuan naming kawayan na nasa sala.

"Wala akong paboritong bulaklak." Sabi ko lang sa kanya at saka ako naupo doon sa may tabi nya. Ipinatong ko na lang sa may lamesita ang bulaklak na 'yon at kinalimutan ang iniisip ko tungkol sa nagbigay non.

"I don't believe you because you have and it's tulips." Napatingin ako dahil sa sinabi nya. Ganon ba ako kadaling basahin?

"Hindi ko gusto ang mga bulaklak na 'ya-"

"I admit, I already gave countless of bouquets of flowers for so many girls and I know if they want it, hate it or they think of something with those flowers."

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo." Yon lang ang nasabi ko sa kanya. Nagulat naman ako sa kanya nang bigla syang sumandal sa balikat ko. Rinig na rinig ko ang mahaba nyang buntong hininga.

"I love you Bella even you are such a big liar." Seryosong sabi nya sa akin habang nakapikit ang mga mata.

"Kaya patawad." Sabi ko sa kanya at inabot ko nang kamay ko ang mukha nya at pinakiramdaman ko sya. Kahit ang palad ko ay kayang sabihin na napaka-gwapo nya. Hindi ko na sya kaylangan titigan para malaman kunv gaano sya kaperpekto.

"Ehem! Bella pwede ba kita makausap?" Napapitlag na lang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na 'yon ni Nanay.

"B-Bakit po?"

"Sumunod ka na lang sa akin." Sabi lang ni Nanay kaya sinundan ko na sya palabas ng bahay hanggang sa makarating kami sa may ilalim ng mangga kung saan may upuang kawayan. Naupo naman ako doon at nagtatakang tumingin kay Nanay dahil mukhang may seryoso syang iniisip.

"May problema po ba Na-"

"Bumalik na kayo ng Maynila."

"Oo nga po Nay. Babalik na po kami bukas ng umag-"

"Umalis na kayo ngayon." Pagputol nya sa sinabi ko. Lalo akong nagtaka sa sinabi nya.

"Bakit po? Gabi na." Nakita ko naman ang malalim na buntong hininga ni Nanay saka sya lumapit sa akin at seryoso akong tiningnan.

"Basta bumalik na kayo ng Maynila ngayon."

"Bakit po? Hindi ko po kayo maintindihan?"

"Hindi ko pwedeng ipaliwanag sayo ngayon pero alam kong ito ang mas makakabuti sayo. Ayokong mahadlangan ng sinuman ang kaligayahan mo. Kaya mas mabuti pang lumayo ka na lang dito sa probinsya." Lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Wala akong maintindihan.

"Ano po bang ibig nyong sabihin? Hindi ko po talaga kayo maintindihan."

"Basta makinig ka na lang sa akin. May sasakyan naman si Ravanni at alam kong ligtas ka sa kanya. Ngayon na kayo bumalik ng Maynila. Sige na habang hindi pa masyadong gabi."

"Pero Na-"

"Sundin mo na lang ako Bella!" Sigaw nya sa akin at kita kong seryoso sya. Ano ba ang nangyayari?

"Dahil ba ito sa nagdala ng bulaklak? Kay Cohen ba galing ang mga 'yon?" Seryosong sabi ko kay Nanay nang mapagtanto ko kung bakit sya nagkakaganito.

"Galing sina Mayor Alcasedo dito kanina." Nagulat ako sa sinabi ni Nanay. Ano naman ang gagawin ng tatay ni Cohen dito?

"Sinisingil ka nanaman po ba nila sa mga utang natin sa kanila? Ginigipit nanaman po ba nila kayo at tinatakot na i-reremata ang lupa natin?" Kinakabahan na tanong ko kay Nanay pero umiling lang sya sa akin.

"Kung hindi po ay bakit sila nagpunta dit-"

"Hinihingi ka nilang kabayaran sa lahat nang pagkaka-utang natin sa kanila. Kukunin nila lahat nang ari-arian natin kapag hindi tayo pumayag sa gusto nila! Nasa kanila na ang mga titulo at nagbigay sila ng palugit na kapag hindi natin nabayaran 'yon ay kukunin nila sa atin ang lahat. Lahat Bella!" Halos matigilan ako sa lahat nang sinabi ni Nanay. Talaga bang wala na silang awa sa katulad naming mahihirap? Hindi nya man lang tinatanaw na malaking utang na loob ang pag-suporta namin ng ilang termino sa pamilya nila. Itinuring silang kaibigan ni Nanay at pinagkatiwalaan sa ari-arian namin tapos ay ganito ang gagawin nila sa amin? Hindi pa ba tapos ang galit nila sa akin? Kung ganon ay para saan ang bulaklak? Pampalubag loob ganon ba?

"Magkano pa ba ang pagkakautang natin sa kanila?"

"Hindi mo kayang bayaran kaya mas mabuti pang umalis ka na lang at hayaan mo na ito sa akin." Seryosong sabi nya sa akin pero umiling lang ako.

"At saan naman din po kayo kukuha ng ipambabayad sa mga Alcasedo? Nay baon na tayo sa utang." Halos maiyak nang sabi ko sa kanya at hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

"Isasangla ko na sa bangko ang bahay natin para makabayad sa kanila. Idadagdag ko na rin ang ipon natin para makabuo ako ng pantubos kaya wala ka nang dapat pang alalahanin. Bumalik ka na ng Maynila dahil 'yon lang ang maiitulong mo sa akin."

"Pero Nay bahay po natin 'yan. Malaki ang interes sa bangko kaya lalo lang tayong malulubog sa utan-"

"Ako na bahala sa lahat. Ang gusto ko lang ay maging maayos kayong magkakapatid. Bumalik ka ng Maynila at ipagpatuloy mo ang nasimulan mong trabaho. Magsikap ka para pagdating ng araw hindi ka matulad kay Nanay. Naiintindihan mo ba ako? Huh Bella?" Deretsong tingin na sabi sa akin ni Nanay at kitang kita ko sa mukha nya na nahihirapan na sya kaya mabilis ko syang niyakap at hindi ko na rin napigilan na maluha dahil sa bigat ng pasanin na dinadala nya at tinitiis nya para sa aming magkakapatid.

"Hindi ko kayo pababayaan Nay. Tutulungan ko kayo. Pangako."

"Maging maayos lang kayo ay masaya na si Nanay. Kayo lang ang mahalaga sa akin." Sagot sa akin ni Nanay saka sya kumalas sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Kaya makinig ka na lang sa akin. Bumalik ka na ng Maynila ngayon dahil babalik ang mga Alcasedo bukas ng umaga at ayokong madatnan ka pa nila dito dahil siguradong pipilitin ka nila sa gusto nilang mangyari." Seryosong sabi sa akin ni Nanay kaya tumango na lang ako sa kanya.

Hindi ko na itatanong pa kung bakit ako ang gustong maging kabayaran ng mga Alcasedo sa pagkakautang namin dahil alam kong si Cohen ang may pakana ng lahat nang ito. Gusto kong magalit sa kanya dahil minamanipula nya ang lahat nang tao gamit ang pera nila at impluwensya. Ang akala ko pa naman ay iba sya sa mga magulang nya pero hindi pala.

"Ravanni babalik na tayo ng Maynila." Salubong ko agad kay Ravanni nang makapasok na kami ng bahay.

"I know. Anong orad ba tayo buka-"

"Ngayon na."

"W-What? Seryoso ka ba dyan?" Nagtatakang tanong nya sa akin pero dumeretso lang ako sa kwarto ko at inayos lahat nang dadalhin ko at pati na rin ang nga gamit ni Ravanni. Narinig ko pa ang pagtatanong ni Ravanni kay Nanay pero hindi ko na 'yon pinansin pa.

Sa pangalawang pagkakataon aalis nanaman ako sa lugar na ito na nasasaktan at mabigat ang loob.

Pagdating ko sa Maynila ay gagawa ako ng paraan para mabayaran na ang pagkaka-utang namin sa mga Alcasedo. Kung kaylangan kong ipagbili ang buhay ko kay Damon ay gagawin ko na para makakuha ako ng malaking advance sa trabaho ko. Hindi na ako papayag na alisputahin pa ng pamilya ni Cohen ang pamilya ko. Sapat na 'yong ako ang tinapaktapakan nila. Sobra na kung idadamay pa nila ang pamilya ko.



















xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

33.4K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
8.2K 332 51
A story of a typical teenagers who happens to walk in the same journey but with different challenges. Sabi nila ang pinakamasayang yugto daw ng buhay...
452K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...