Luxious Academy 1: Realm Of T...

By Arcanum_Writes

29.3K 1.3K 89

๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ค ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐: ... More

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
07 | Impressed
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
25 | Cast a Spell
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
33 | Owe Him Again
34 | Maid for a day
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
43 | Zeban's Palace
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
55 | Awake
56 | All Together
57 | Euphoria
58 | Luminous Light
59 | Already
60 | E P I L O G U E

32 | Helping

389 31 0
By Arcanum_Writes

←----• 32 •----→

"Helping"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Nasa gitna ako ng pag-iisip kung anong gagawin sasteam ni Azriel ng may maliit na boses akong narinig.

"Where is Kuya Ice?" Tanong ng isang bata na Junior student. Nalaman ko dahil sa kulay ng skirt niya.

"Hello, baby Azee!" Sabi ni Arine at inosente naman siyang tinanguan nito.

Malamang sa malamang ay kapatid to ni Azriel dahil hinahanap niya yung Kuya Ice niya. Si Azriel lang naman yung mala-yelo sa amin.

This girl in front of us has this cute ang friendly features di katulad ng sa kuya niya. May mahaba siyang buhok na astig tingnan dahil sa black ito na may mga blue strands din na buhok.

"Hi Princess, sorry pero mukhang umalis ang Kuya Ice mo. Here, have some." Pag-aalok n Light dito sa kinakain namin. Mabilis nitong kinuha ang tinapay at nginitian si Light at nag curtsy sa harap nito.

"Thank you, your majesty."

Ang layo niya ng milya milya sa Kuya niyang masungit. Psh.

"Tara, upo ka dito." Yaya ni Lucas dito. "Ako nga pala si Kuya Lucas at siya naman si Ate Samantha." Aniya at itinuro ako.

Lumipat ang tingin nito sa akin at nahulog agad ako sa iginawad niyang ngiti.

"Is Kuya Ice courting you?"

"Oo eh- HAH?! ANO KAMO?!" Gulat na tanong ko dito.

Bigla naman itong napanguso. Ang mga kasama ko naman ay nagsitawanan dahil sa sinabi ng batang kaharap namin.

Binabawi ko na! Kilometro lang ang layo niya kay Azriel!

"Hmmm. Sorry for that. I thought you were courted by my Kuya cause you look new to me and you're hanging out with his group. I'm just afraid that Kuya will get old unmarried." Nanlalaki ang mata na nakatingin ako sa batang kaharap namin na kung makapagsalita ay parang matanda na!

"HAHAHAHA! Tatanda talagang di nakaksal yang Kuya mo! Sa ugali palang umaatras na mga babae!"Bulalas ni Aeros at sumubo ng tinapay.

"Don't talk when your mouth is full Prince Aeros Wind. You're acting indecently like you aren't a Prince." Sabi ni Azee na panay pinagdidiinan ang salitang Prince.

Napangnga naman si Aeros dahil sa sinabi ng nakababatang kapatid ni Azri hbang kami ay di na lang napigilan na matawa sa naging reaksyon niya.

"I-itong batang to ah!-" At naputol ang sasabihin ni Aeros ng magsalita ulit si Azee.

"Anyway, other than asking where my Kuya Ice is, I'm here dahil inutusan ako ni Maestro Frit para sabihin kay Princess Firexia ang task niya this time." Ani nito.

"Oh! Oo nga pala! I forgot na magtuturo nga pala ako!" Ani Firexia at dali-daling tumayo at maingat na hinawakan ang dumpy egg niya.

"Mauna na ako sa inyo hah? Sabay ka na ba sa akin, Azee?"

"Yes po."

"Goodluck, Xia!" Sabi ni Arine dito at kinindatan naman siya ni Firexia.

"Sasabay narin ako, Princess Frexia. Magtuturo rin ako ngayon." Anang lalaki na humahangos na huminto sa hararp ni Firexia. Napatikhim ito at tumindig ng maayos.

I smell something... fishy hehehe.

"Pre. Refresh ka muna bago sumama." Nakangising ani ni Aeros at inabutan ng maiinom ang lalaki na agad nitong kinuha at ininom.

"Salamat." Sagot nito kay Aeros na ngisi lang ang sinagot sabay kagat sa tinapay niya. "Tara ma?" Yaya ng lalaki kay Firexia na ngayon ay...

Namumula? BWAHAHAHAHA!!!!

"O-oo." Napatikhim naman bigla si Firexia at muling sumagot. "Oo. Tara na."

"Are you alright, Ate? You turn red-"

"HAH?! Hindi ah!" Sagot ni Firexia sabata at nauna nang umalis.

The guy then chuckled and asked Azee to go with him too na agd sumama paalis para sundan si Firexia.

"Yun nga pala si Blaze. Fire elementalist din. May gusto siya kay Firexia since then at ganun naman din si Firexia sa kaniya. Nahihiya lang magkaaminan." Ani Light at uminom ng drinks niya.

Confirmed. May fish nga hehe.

After a while...

Matapos naming magkwentuhan sa open field ay nagdesisyon na kaming pumanhik sa sari-sarili naming dorm room dahil padilim narin.

Nang nasa sarili ng kwarto ay pabagsak na humiga sa sariling kama si Arine. Ako naman ay dumiretso sa sarili ko ring kama at inilagay doon ng dahan dahan ang itlog.

Hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa isip ko kung paano mababantayan ni Azriel ang itlog ng hindi ito nagagamitan ng elemento niya ng hindi sadya.

"Lalabas lang ako saglit." Paalam ko kay Arine.

"Sige, balik ka kaagad hah? Malapit na mag-dinner." Sabi niya habang naghahanda ng damit pamalit dahil maliligo na siya.

"Hmmm." Kinuha ko ang itlog at isinama ito sa pag-alis. Mas mabuti ng lagi ko itong kasama. Baka may mangyari na namang di inaasahan.

Pagkalabas ng dorm ay dumiretso ako sa school senior facilities at hinanap ang high teachers room. Halos panghinaan na ako ng loob ng hanggang ngayon ay nakakailang ikot na ako sa mga hallways ay hindi ko pa rin mahanap kung nasaan. Nahihiya naman din ako magtanong sa pailan-ilang estudyante na nakakasalubong.

"Are you finding something?" Natigil ako sa paglalakad ng makarinig ng isang panlalaking boses. Nang harapin ko ito ay nakita ko ang isang lalaki nakasuot ng simpleng T-shirt at pants na pinaresan ng rubber shoes.

Mukha naman siyang safe at hindi adik.

Ikaw ang adik Samantha.

Dahan dahan akong tumango. "Bago lang kasi ako dito. Hinahanap ko yung room kung saan nagpapahinga yung mga high teachers. Kailangan ko kasing makausap si Sir Fier."

"Sakto, doon din ang punta ko. Kakausapin ko yung ibang High Teachers. Tara?" Sabi niya sa akin. Nag-aalangan pa ako nung una pero sumama na rin ako.

Umikot pa kami sa ground floor ng school facility bago huminto sa isang pintuan na may nakalagay na sign sa taas na Faculty.

"Teka." Sabi ko sa kaniya ng akma na niya itong bubuksan. "High teacher ang hinahanap natin. Sure akong wala siya sa faculty."

"Magkakasama ang faculty members at high teachers. Trust me. Tama itong pinuntahan natin." Sabi niya at kinindatan ko. Tuluyan na niyang binuksan ang pintuan at sumilip doon bago tuluyang pumasok.

"Good evening po. Nasa loob po ba si Sir Fier?" Tanong niya sa isang teacher na namamahinga habang nakaupo sa teachers chair nito.

"Ahh, Ash, ikaw pala. Oo nandyan siya sa loob."

"Salamat po. Tara." Aya niya sa akin papunta sa isa pang pintuan na nasa loob ng faculty room. Nang buksan niya yun ay narinig ko ang mga tawanan doon.

"See? I told you nandito siya." Sabi niya sa akin at itinuro ang natawang si Sir Fier.

"Tara." Yaya na sa akin papasok.

"Ash, hindi ka pa rin marunong kumatok." Nakabusangot na ani ni Sir Frit dito na tinawanan ng kasama ko.

"Hahaha, you know me well."

"Oh, bakit nandito ka? At Sam? Bakit kasama mo siya?" Takang tanong ni Sir Fier ng mapansing nandito pala kami. Nakatingin din sa amin ang iba pang high teachers at faculty member na nandoon.

"Ahh hinahanap ka niya. May sasabihin yata. Nakasalubong ko lang siya sa hallway kaya sinabi ko na." Explain ng kasama ko.

"Ahh sige. Ano ba yun, Sam?" Tanong ni Sir Fier at lumapit sa akin. Ang kasama ko naman na nagngangalang Ash ay nakiupo na sa sofa kasama ang ibang pang guro. Agad na nakitawa si Ash sa mga ito. Halatang kasundo niya ang mga guro.

"Ahh tungkol po sana kay Azriel."

"Oh bakit? Inano ka? Naku, talagang yun-"

"Ayy hindi! Hindi po." Sabi ko at kinampay pa ang kamay sa harap ko.

"Eh ano?" Takang tanong niya at biglang ngumisi. "Baka naman gusto mo akong tanungin about kay Azriel dahil may gusto ka sa kaniya? Sige, sige. Favorites ba? Ahmmm-"

"Sir." Busangot kong sabi sa kaniya na tinawan niya naman.

"Okay, okay. Sabi nga magseseryoso na ako. So ano?"

"Alam ko pong alam nyo kung saan nagpupunta si Azriel kapag lumalabas ng Academy."

"Oh, how sure you are?" Tanong niya sa akin sabay taas ng kilay.

"Kasi, high teacher ka? At hilig nyo pong asarin si Azriel?" Sabi ko.

"You got me there." Aniya at natawa pa. "Sige alam ko, now, bakit?"

"Ahh tungkol po sa dumpy egg. Nahihirapan po kasi si Azriel na hawakan yun. Gusto ko po sanang makausap siya tungkol dun kaso mukhang wala siya ngayon dito sa academy." Pahayag ko sa kaniya.

"Tama ka. Wala nga siya dito. So, anong gusto mong gawin ko?"

Doon ako tumindig ng ayos. "Ahh, pwede po bang samahan nyo ako sa lugar kung nasaan siya?"

Mataman niya akong tinitigan. Napalingon lingon pa siya. Tinitignan kung may nakikinig ba pero lahat ay busy sa pakikipag kwentuhan. "Halika sa labas. Mga baliw!" Tawag nito sa mga kasamahan. Nagtinginan ito sa gawi namin.

"Mga aminado talagang baliw." Aniya kaya binato siya ng throw pillows ng mga ito. "Alis lang ako saglit!" Paalam nito at hinila na ako palabas ng kwartong iyon.

"Magandang gabi." Bati niya pa sa ibang naroon na bumati rin pabalik. Nang makalabas kami ay lumiko pa kami sa isa pang hallway para lumayo sa faculty room.

"Sige, pagbibigyan kita pero isang beses lang to hah?" Sabi niya sa akin. "Sundan mo ako."

He leads our way through out the school facility. Dumaan kami sa café at pumunta sa pinaka likod ng school. "I'll do the teleportation. Sana lang hindi mahalata guidance. Ahhh, bahala siya. Humawak ka sa balikat ko." Sabi niya na agad ko namang sinunod. "Let's go."

Parang may hangin na kung anong namuo sa paligid at sa isang kisapmata, ng magmulat ako ay nasa ibang lugar na kami.

"Teka, kakahuyan to ah?" Taka kong sabi at pinalibot ang tingin sa kabuuan ng lugar.

Kakahuyan nga!

"Tama. Dito ka rin ba naglalagi dati? Delikado dito." Sabi niya sa akin na mabilis kong inilingan.

"Hindi talaga siya delikado. Delikado lang kapag naramdaman ng mga nakatira dito na may masama kang intensyon." Paliwanag ko na ikinangiti niya.

"Tama. Sa tingin ko'y nasa lawa siya. Bumalik kayo kaagad hah?" Sabi niya.

"Sige po. Salamat Sir."

"Walang anuman." Aniya sabay kindat at naglaho.

So, siya pala ang naramdaman naming malamig na hangin noon. Si Azriel pala.

Huminga na ako ng malamin at nagsimulang tahakin ang diretsong daan papunta sa lawa. Hinigpitan ngunit may pag-iingat kong hinawakan ng ayos ang itlog na hawak ko.

Medyo nahirapan akong makaaninag dahil madilim narin. Palingon-lingon din ako at nagbabaka sakali na makasalubong si Leon, ngunit mukhang namamahinga na ito.

Nang marinig ang tunog ng tubig ay tinahak ko na ang daan ng mabilis ngunit tahimik. At sumalubong sa akin ang nagnining-ning na lawa dahil sa buwan.

Napalingon ako sa isang gawi ng makarinig ng parang may binato na kung ano sa tubig.

At kasunod non ang isang buntong hininga.

Azriel...

Sinilip ko siya mula sa malaking bato at tama ako. Nandoon nga siya.

Hawak niya ang isang bato. Nagtataas baba ang kaniyang balikat na parang hinihingal. Mula sa bibig niya ay lumalabas ang isang usok. Malamang dahil sa steam niya.

Alam nyo yung sa Korea? Kapag malamig? Parang may lumalabas na usok sa bibig nila when they talk? Ganun. Ang konyo.

Napabuntong hininga na naman ito at napahigpit sa hawak sa bato na ngayon ay nagyeyelo.

Ahh, he's trying to control his elemental steam.

Doon na ako dahan dahan lumabas mula sa malaking bato. Marahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.

Gulat pa siyang napalingon sa akin at itinutok ang isang pointed ice. Muntik pa akong matumba dahil sa ginawa niya. Mabuti at naitukod ko agad ang kamay ko at nahawakan ng maigi ang itlog na dala.

"Tsk! Pwede ka namang sigurong magsalita!?" Inis na sabi niya bago dinisappear ang hawak na pointed ice bago hinagis sa lawa ang nagyeyelong bato.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at balik sa pagiging malamig.

"Tutulungan ka."

"At saan mo naman ako tutulungan? At tsaka paano ka nakalabas ng academy? Ninakaw mo sa library yung book of spell?" Tanong niya ng di nakatingin sa akin.

"Hoy! Tinulungan akong makalabas ni Sir Fier ano! At tutulungan kitang ma control yang elemental steam mo para mahawakan mo na tong dumpy egg ng walang pag-aalinlangan." He then scoffed.

"What do you think you are? A high teacher? I can manage myself. You can't help me either dahil una sa lahat, you've lost your memory. No one can help me but myself." Aniya sa masungit na tono.

Bwiset na to! Tutulungan na lang eh!

"Tsk! Napaka sunget mo! Ikaw na nga ang tutulungan eh!"

"Sino ba kasing nagsabi na tulungan mo ako?" Taas kilay niyang tanong kaya lalo akong nainis at nanahimik na lang.

Kumuha na lang din ako ng bato at naghagis sa lawa. Pansin ko lang. Wala talaga si Leon the Tiger. Saang lupalop kaya ng kakahuyan naroon ang isang yon para mamahinga?

Mula sa peripheral vision ko, kita kong muli siyang kumuha ng may kalakihang bato sa tabi niya at hinawakan ito. Muli niyang kinontrol ang sarili pero hindi pa rin siya nagtagumpay. Muling nagyelo ang bato. Akmang ihahagis niyang muli ang pinagyelong bato ng pigilan ko siya.

"Wag. Akin na lang."

"Tsk." Inis na sabi niya at hinagis ang bato na nasalo ko naman. Namangha ako dahil nagmukhang crystal ang bato dahil sa yelong ginawa niya.

Hindi din ito masiyadong madulas. Sakto lang at hindi ito nalulusaw. Astiggg.

Nang makailang beses na siyang pumalya ay doon na ako humarap ng upo sa kaniya at nagbigay ng suhestiyon.

"Try mo kayang maging kalmado. Tanggalin mo yang pagkakakunot ng noo mo at tanggalin din yang gumugulo sa isipan mo. Then think of what you want to happened. Baka gumana." Sabi ko sa kaniya.

Mataman niya naman akong nilingon at pinagmasdan. Ang titig niya ay parang hinuhukay ang pagkatao ko. Nailang akong bigla kaya't napaiwas ako ng tingin.

Rinig ko ang buntong hininga niya. Muli siyang kumuha ng bato at hinawakan ito. Pumikit siya at huminga ng malalim. Payapa na ang mukha niya. Doon ko siya malayang napagmasdan.

Si Azriel ay may maputing bagsak na buhok. Hindi yon uban hah. Natural na kulay yon ng buhok niya. Actually, grayish pala siya not white. Ang kulay niya ay mas maputi pa yata sa babae. May matangos siyang ilong at mapupulang labi. Medyo singkit din ang mata niya. At ang mata niya na nakatago sa talukap niya ay kulay asul, kasing lamig niya ito kung makatitig.

Ilang minuto ang lumipas bago dumilat si Azriel at tiningnan ang hawak na bato. Maging ako ay tiningnan ang mangyayari. Hanggang sa lumipas pa ang ilang minuto.

Sinubukan kong hawakan ang balikat niya na ikinagulat niya. Pero imbes na tanggalin ay pinakiramdaman ko ang temperatura niya.

"Azriel! Gumana! Hindi ka na sobrang lamig!" Sabi ko sa kaniya. Pinagmasdan niya ang batong hawak. Hindi ito nagyelo katulad ng iba.

At ang sunod na nangyari ay hindi ko inaasahan.

Azriel just smiles genuinely...

Continue Reading

You'll Also Like

14.4K 778 64
KINGDOM SAGA CHRONICLES ๐ŸƒEZORA KINGDOM: THE CURSE OF THE DEVIL ALTAR๐Ÿƒ Sera and Hiro are best of friends, growing up with each other and holdin...
587K 26.7K 68
TAGLISH- A Girl who live's in a very tall tower inside of a very dangerous mystic forest,she's the shadow lady who was born to be alone and sad...
98.5K 3.3K 113
(Completed) Book 3 of TCPAA: In a world on the brink, they proclaim, "The game is not yet over. We are the Royal Bond, destined to bring an end to it...