Luxious Academy 1: Realm Of T...

By Arcanum_Writes

29.3K 1.3K 89

๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ค ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐: ... More

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
07 | Impressed
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
32 | Helping
33 | Owe Him Again
34 | Maid for a day
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
43 | Zeban's Palace
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
55 | Awake
56 | All Together
57 | Euphoria
58 | Luminous Light
59 | Already
60 | E P I L O G U E

25 | Cast a Spell

431 28 0
By Arcanum_Writes

←----• 25 •----→

"Cast A Spell"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Sari-sarili ang plato namin maging ang baso at kubyertos. Nasa gitna naman ang iba't ibang lalagyanan kung saan nakalagay ang iba't ibang putahe. Rice, vegetable salad, fruit salad, sinabawang karne ng baka. Pritong manok, inihaw na karne ng baboy na hiniwa sa maliliit na parte at maraming lettuce.

"Let's eat!" Sabi ni Firexia at agad kumuha ng kaniya.

"Sam, akin na yung plato mo." Sabi ni Light kaya naman iniabot ko dito. Nilagyan nito iyon ng rice, ulam at lettuce.

"Uyy, Light, ano yan hah?" Mapanuksong sabi ni Firexia dito at natawa nalang sila ng mamula ito.

"M-mga baliw. D-di ba pwedeng nagiging g-gentleman lang?" Sabi nito.

"Haha, whatever you say, Light Thunderous, whatever you say." Sabi ni Arine sa kaniya.

Namumulang iniabot naman ni Light ang plato sa akin. "Thanks." Sabi ko ng matanggap.

Nagsimula na kaming kumain. Una kong kinain ang kanin at pritong manok. Nang maubos ay tsaka ko ginaya ang ginawa ni Firexia ng kainin niya ang lettuce.

Nilagyan ko ng inihaw na baboy sa lettuce bago naglagay pa ng ibang gulay sa loob noon bago sinara at sinubo ng buo.

You know samgyupsal? Parang ganun.

Nagpatuloy ang pagkain namin. Masaya ang lahat at nag ku-kwentuhan pa. Pero si Azriel ay nananatiling tahimik.

I wonder. Ilang salita ang nasasabi niya sa isang araw?

Napahawak nalang ako sa tiyan ko ng maramdamang punong puno ito. Grabe, ang sarap!

"Hmm mabuti at naubos ninyo." Ani ni Nana Wed ng makitang ubos lahat ng inihain niya.

"Ang sarap po kasi." Sagot sa kaniya ni Arine.

"Mabuti naman at nasarapan kayo. Oh siya, lakad na at kanina pa nasa mga silid aralan ang mga guro niyo. Aral ng mabuti hah?"

Sabay sabay na kaming nagsitayo. "Opo Nana, salamat sa masarap na agahan!" Maganang sabi ni Light bago namin sabay sabay na nilisan ang breakfast hall kasabay ang iba pang estudyante.

"Ano ba ang unang klase?" Tanong ko sa katabi ko. Sila Lucas, Aeros, Light at Azriel ay nangunguna at magkakasabay.

Weww, LALA. Lucas, Aeros, Light, Azriel. LALA. Ang kyut haha.

"Ang first class natin ay Spells na ituturo ni Maestro Nate." Sagot ni Firexia.

"Marami na kayong alam na spell?"

"Hmm, pero madalang naming magamit dahil kakailanganin pa namin ng Allowing Spell Dust bago makapag cast ng spell. Pero yung mga Speller talaga ang Element nila, hindi na kailangan nun." Paliwanag naman ni Arine.

"Nandito na tayo." Wala na sa labas sila Lucas. Malamang ay nasa loob na ang mga ito.

"Look at the top of the door." Sabi ni Firexia at itinuro ang itaas ng papasukan naming pinto. Nakita kong nagliliwanag iyon at naglalabas ng kumikintab na bagay na parang glitter.

"That's the Allowing Spell Dust. Pagpasok mo, pwede ka ng makapag cast ng spell kasi nalagyan ka na ng dust pero pag lumabas ka na ng kwartong yan. Wala ng effect. That dust ay gawa ng high teachers. Sinadya nilang gagana lang ang dust sa loob ng klase." Sabi ni Firexia at hinila na ako papasok.

Nang makapasok ay parang wala namang nangyare. Siguro yun ang ibinuhos ni Tita Liza sa amin para makapag cast kami ng spell.

"Dito tayo..." Arine said as she dragged me and Firexia towards a table where the other members were seated.

Pinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Maaliwalas dito. Hindi na kailangan ng anumang ilaw dahil sa malalaking bintana pa lamang na nasa silid ay sapat na ang liwanag na pumapasok. Nakahawi rin sa magkabilang gilid ang mahaba at makapal na kulay pulang kurtina.

Ang kwarto rin ay puno ng mga bookshelves na naglalaman ng mga libro. May bookshelves na mukhang mga bago ang laman at may mga bookshelves naman na mga lumang libro ang laman. May apat na wooden tables ang narito. Ang table and chairs ay hindi basta basta. Basta, parang may kakaiba dito at tiyak kong mahal ito.

May apat din na tables katulad ng sa amin. Dalawa sa harap at dalawa sa likod. Isa kami sa nasa harap. Ang iba ay wala pa, tanging kami pa lamang ang nandito.

Sa harap ay medyo tumaas ng isang dangkal ang flooring. Nandoon sa gitna ang isang teachers table. Walang kalaman laman ang taas non. Sa likod ay may black board din.

Kapag tumingala ka naman ay makikita mo ang apat na naglalakihang chandeliers pero hindi ito kasing laki ng nasa castle of headmasters. Gold with crystals ang style nito.

Kada lilingon ka ay purong kahoy ang mga makikita mo. Mga light brown ang kulay at nakakagaan ng pakiramdam ang magandang atmosphere dito.

Ang tables ay pahaba. Ang sa amin ang pinakamahaba dahil na nga rin nadagdag kami. Ang pagkakasunod sunod namin ay ako, si Firexia, Arine, Light, Lucas, Aeros, at Azriel.

Ang mga lalaki ay nagkukwentuhan. Minsan lamang makisama sa usapan si Azriel.

Anong klaseng tao to? Twenty percent lang ba ang naipon niyang salita sa tanang buhay niya?

Natigil ako sa pag-oobserba sa naturang Spell Room ng marinig na bumukas ang pinto at nagpasukan ang mga babaeng nagtatawan kasunod ang iba pang lalaki.

Sa tansiya ko ay nasa labin-dalawang tao silang lahat. Anim na lalaki at anim ding babae. Pagkarating sa tables ay naghiwa hiwalay na ito ng upo. Nahati sila sa dalawang grupo. Tig tatlong babae at tatlong lalaki.

Ahh, oo nga pala. Tig ta-tatlo lang pala sa babae at lalaki para makabuo ng isang grupo. Nadagdag lang kami ni Lucas sa grupo na to.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng ilang ng maramdamang nakatingin ang mga ito sa amin ni Lucas. But Lucas remain talking to the boys kaya di niya napansin.

"Hello!" Bati ng grupo ng babae sa katabi naming table. Nahihiyang tinanguan ko naman sila bago bumati pabalik.

"H-hello din..."

"Ano nga ulit name mo?" Tanong ng isang lalaki sa kanila. Nabuo naman ang tuksukan sa dalawang bagong grupo.

"Naku! Ainyd, iba ka!"

"The moves na ba yan? Haha!"

"A-ahhayy nako! M-mali ka ng iniisip!" Sabi nito at ikinampay pa ang kamay sa harap ng mukha niya. Natawa naman naman ang grupo namin.

"A-ahh Samantha Luna ang pangalan ko. Sam nalang." Sabi ko sa kanila.

Seryoso, sa mundo ng mga mortal kung saan ako galing, di ako sanay makipagkilala. You see, I have my father and mother's wealth kaya kahit ano nakukuha ko ng madalian. People just come with me dahil kailangan nila ako kaya natuto akong maging mag-isa nalang.

"Ahh, ang ganda naman ng pangalan mo. Ako naman si Ainyd." Pagpapakilala niya.

"Pangalan lang ba ang maganda, Nyd?" Tudyo ng katabi niyang babae at tinusok tusok pa ang tagiliran nito.

"Hoy Ainyd! Alam kong mabait ka, pero for your information, Samantha don't want a commitment! Na-busted nga ako kanina e." Nakangusong sabi ni Aeros.

"Haha nakikipag kaibigan lang ako Aeros Wind."

"Ikaw! Ano name mo?" Anang isang babae. Yung katabi ni Ainyd at itinuro si Lucas. Magiliw naman itong ngumiti.

"Ako si Lucas, binibini."

"Ako naman si Shia. Nice meeting you!" Saad nito.

"Wow, iba ang karisma ni Lucas! Akalain mong binati ka ng isang Shia Madrical?" Gulat na sabi ni Light sa kaniya.

"M-madrical? S-seryoso!?" Gulat ding tanong ni Lucas. "Yung isa sa pinakamayamang angkan dito sa Luzarcia!?"

Fvck. That rich?!

"Hmm! Gulat ka noh?" Natatawang ani ni Aeros.

"Haha, wala ang yaman para sa akin. Kaibigan ay kaibigan. Hindi nabibilang ng salapi yun! Kung mayaman ka man o mahirap, pantay pa rin naman tayo, isang nilalang na namumuhay, tumatayo sa parehong lupa, humihinga sa parehong hangin at tumitingila sa parehong kalangitan!" Makahulugang sabi ni Shia.

Napa 'woah' nalang ang lahat dahil sa pagiging mapaglaro niya sa salita. Ang galing!

"Pero mas magiging masaya ako kung maririnig kong magsalita ngayon si Prince Azriel ng Zeban Palace." Dagdag ni Shia at tinignan ang tahimik na si Azriel. Napakunot ang noo nito ng maramdaman sigurong maraming nakatingin sa kaniya at taka kaming tinignan.

"What?"

"Yes! He speak! Haha!" Masayang sabi ni Shia. Kunot noo parin siyang tinignan ni Azriel bago inalis ang tingin dito.

Bigla namang tumayo si Shia at hinila ang upuan papunta sa harap namin at nakipag usap.

"Ahh!" Sigaw ni Shia ng biglang umangat ang upuan niya at ibinalik siya sa table ng mga ka-grupo niya. Mula sa gitna, naglakad ang isang guro papunta sa harap.

"Ughh! I hate you talaga, Teacher Nate! You always make me shocked!" Nakangusong ani ni Shia at napahawak pa sa chest nito. Napailing nalang si Teacher Nate at nang magawi ang tingin sa dulong table na wala pang tao ay napabuntong hininga na lang ito.

"5...4..." bilang ni Firexia at sumabay naman si Arine.

"3...2..."

"Anong binibilang nyo-" natigil ako nang marinig ang malakas na pagtunog ng kampana. "Ano yun?"

"Haha! They never break there tradition! Always being late." Sabi ng isang babae sa dulong table.

"Yung tunog ng kampana, iyon ang significance na simula na ng klase at kapag narinig mong tumunog yun at nasa labas ka pa rin at wala sa klase, you'll mark as late at mapaparusahan ng guidance counselor." Paliwanag ni Arine dito.

Bigla namang napalingon ang lahat ng may pumasok na grupo. Tatlong lalaki at babae. Ahh, yung coloring books. Matino naman ang pag-iitsura ng mga lalaki. Yung mga babaeng kasama nga lang ni Shela ang 'nakakatakot'

"Sorry, we're late." Sabi ni Shela bago umupo sa upuan kung saan naka assign ang grupo niya.

"You're not sorry, Shela." Bagot na sabi ng gurong nasa harap.

"Of course I am!"

"No you're not. Kasi kung oo, edi dapat ni isang beses di na kayo late. And oh, boys, bakit na-late yata kayo?" tanong nito sa tatlong lalaki na kasama nila Shela.

"Tsk, itong mga clown na to! Hilahin daw ba kami para sabay sabay kaming ma late!" Inis na sabi nito. Pinagkibit balikat lang ng mga babae ang atumal nito.

"Tsk tsk tsk." At maya maya lang ay umilaw ang badge ng tatlong babae. Pero ang sa lalaki ay hindi kaya nagdiwang ang mga ito.

"What!? Bakit kami lang!?"

"Attention to the three girls which are Miss Shela, Nela, and Sandy. You three break rule number five for the hundredth time..."

"I'm proud of it." Nakangising ani ni Shela. Napailing nalang ang ilan.

"...so you must three go on detention room later after the whole class." Napanganga nalang ang tatlong babae.

"Bakit detention!? Dapat guidance di ba!?"

"It's because he's tired of seeing your faces there, Miss Shela. Now let's proceed to my class." Inis na inalis ni Shela ang tingin sa guro. Ngayon, focused na ang lahat sa harap.

Teacher Nate walk towards the table and presses his to hands on it na parang tinutulak ito pero hindi.

"Miss Samantha. Can you stand up?" Sabi nito na nakatingin sa akin. Taka ko pang itinuro ang sarili ko. Tumango naman siya. Lahat ay nakatingin na naman sa akin. Inirapan naman ako ni Shela the impaktita and I did the same thing.

"Yes, Teacher?"

"I've watch the elemental game held yesterday, and nakita ko ring nag cast ka ng spells."

Tumango ako.

"At ang pag cast mo ng spell ay tama. And you did the indirect spell." Sabi niya kaya't napakunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"There are three kinds of Spell. The first one is indirect spell kung saan kapag nagcast ka ng spell ay diretso na sa opponent mo. The second one is direct spell kung saan sa kamay mo mismo lalabas ang naturang spell para ipanlaban sa opponent mo. And the last one is ang wand spell na kung saan gumagamit ng wand para magawa either ng sabay ang dalawang naunang methods."

"Ahh..." napatango tango nalang ako maging ang iba. "So, yung pang-una yung ginawa ko?"

"Right, and now, I want you to cast a spell but make it a direct spell kung saan sa kamay mo mismo lalabas ang spell. Remember, casting a spell is mildly difficult dahil isang maling bigkas lang ay maaring ibang spell ang magawa mo and worst, it may affect the speller which is yourself." Paliwanag niya.

"Now do it. I want you to cast a spell for fire." Ani niya. "Do note, focus on what you are doing." Paalala niyang muli.

Huminga ako ng malalim ay napalunok bago iniangat ang kamay sa tamang pwesto at binuksan ito. Pumikit ako at muling huminga ng malalim at inisip ang spell for fire.

Fiero, oo tama.

Dinilat ko ang mata at nag concentrate sa kamay ko. "F-fiero..." usal ko at parang boltahe naman ng kuryente ang naramdaman ko papunta sa kamay ko at napaatras pa ako ng bigla itong mag-apoy!

Pero laking gulat ko ng umakyat ang apot papunta sa sleeves ng blouse ko at nagsimula itong masunog!

"Shit!" I cussed as I tap the fire but it's damn hot! "Ahh!"

"Sam!" Sir Nate called me nervously. But I began to breathe heavily and fainted.

But before I'd lost in darkness, I felt a cold hand touch my blazing hand...

Continue Reading

You'll Also Like

98.9K 4.1K 63
โ—ˆโ—ˆBOOK II of Curse Sagaโ—ˆโ—ˆ At this time, I'm desperate to resurrect the curse of mine, my Cursed Guardian. Kim Dwight who had been known as the reinca...
7.9K 399 64
Legend Of The Stars #2 (Completed) โ€ขAlignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the s...
98.5K 3.3K 113
(Completed) Book 3 of TCPAA: In a world on the brink, they proclaim, "The game is not yet over. We are the Royal Bond, destined to bring an end to it...