Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62.2K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 50

43.2K 1K 208
By letmebed1

Anne Del Rio

PARANG sampung taon ang hinintay ko bago dumating ang gabi. Nakaligo na ako at nakabihis pero wala pa rin yong sinasabi ni Jillian na susundo sa akin. Tutubuan na ako ng ugat! Utang na loob Jillian! Nasaan ka ba?! Naiinip na ako.

“Miss Anne, Kumain muna po kayo ng dinner.”

“Utang na loob Manang punong puno na ng pagkain ang kwarto at daig ko na ang kamoteng tinutubuan ng ugat dito! Kung hindi dadating si Jillian uuwi na ako!” lumabas na ako at diretsong naglakad dito sa hallway palabas ng resort.

“Miss Anne, baka magalit po si Mam Jill pag lumabas kayo ng gate.”

Kahit para akong pilay maglakay dahil di pa tuluyang magaling ang paa ko pinilit ko pa ring marating ang gate.

“Miss Anne.” Tawag ulit sa akin pero hindi ako lumingon. Tuloy ako sa paglalakad.

“Hayaan mo siya Manang kung gusto niyang lumabas.”

Bubuksan ko na sana ang gate pero narinig ko si Jillian na nagsalita. Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses niya at nakita ko siyang nakatayo malapit sa akin. Hindi ko man lang siya napansin dahil sa kagustuhan kong makaalis na dito.

Nagkatitigan kami pero halatang hindi naman niya ako pipigilan kahit lumabas pa ako.

Pero okay lang. Ang mahalaga alam kong nasa maayos siyang kalagayan. Hindi siya napaano.

Umiwas na ako ng tingin at tuluyan na akong lumabas ng gate.

Pagdating ko dito sa gilid ng kalsada agad akong nag-abang ng taxi.

“Pinaiiral mo na naman yang pagiging masungit mo.”

Nakasunod na pala siya sa akin.

“Wala naman sayo kahit magsungit ako, kahit maging mabait ako wala pa rin sayo. Kahit anong gawin ko Jillian wala na sayo! Sobra ka na!” sigaw ko sa kanya saka ko siya itinulak nong magtangka siyang hawakan ang braso ko.“Ibang iba ka na. Hindi na ikaw yong bakulaw na minahal ko. Yong bakulaw na hindi ako pinapaiyak. Yong bakulaw na….na laging nagpapalakas ng loob ko. Hindi na ikaw ‘yon!”

Iyak ako ng iyak dito sa gilid ng daan. Manhid na ba talaga ang puso niya? O talagang wala lang akong halaga para sa kanya kaya maging ang nararamdaman ko ay hindi na rin mahalaga pa para sa kanya?

Huminga ako ng malalim para maibsan ang sakit na nararamdaman ng aking puso.

Magpapara na ako ng taxi nong pigilan niya ang kamay ko.

“Ang hinihiling ko lang sayo ay maghintay ka na sunduin ka. Pero hindi ka makapag hintay, pinapairal mo na naman ang kasungitan mo.”

“Dahil naiinip na kasi ako. Napapagod na akong mag-isa.”

“Bumalik ka na sa kwarto, susunod ako sayo.”

Natigilan tuloy ako sa pag iyak dahil sa sinabi niya.

“Hindi ka na naman ba susunod sa sinabi ko?”

“Masakit na kasi ang paa ko….” Reklamo ko sa kanya.

“Hay! Sige na, ihahatid na kita.”

Lumuhod ulit siya sa harapan ko at sumampa na ako sa likod niya.

Nag iinarte ako dahil ito lang ang paraan para mayakap ko ulit si Jillian. Sobra na akong nagtatampo sa kanya kasi parang balewala na talaga ako sa kanya.

“Kapag sinabi kong magpahinga ka. Kailangan sundin mo ako.”

“Oo.” pag sang ayon ko sa kanya habang buhat niya ako dito sa likuran niya.

Hinatid niya ako dito sa kwarto at akmang lalabas na siya nong pakiusapan ko siyang samahan muna niya ako dahil nahihirapan akong kumilos mag isa. Pumayag naman siya.

Ang hirap umarte kahit hindi na masyadong masakit ang paa ko nagpapanggap akong masakit pa rin para lang alalayan niya ako at hindi niya ako iwan mag-isa rito.

“Sabi ni Manang hindi mo raw ginalaw ang mga pagkaing dinala niya sayo?”

“Hindi kasi ako makakain. Wala akong gana.”

“Dapat kumain ka. Kapag hindi ka kumain hindi na ako magpapakita pa sayo kahit kailan.”

Napalunok ako. Bakit parang nabaliktad ang mundo? Nagagawa na niya akong takutin ng ganito?

“Ano bang ulam?” tanong ko sa kanya.

“Kahit anong gusto mo ipapaluto ko.”

“Gusto ko ng spicy na noodles.” Hiling ko sa kanya.

Nagdial siya sa phone at nagpaluto agad siya ng noodles. Wala pang sampung minuto may kumatok na sa pinto at sinerve na yong pinaluto niya.

Nagsimula na akong kumain habang nasa harapan ko siya. Hinihipan ko ang sabaw ng noodles saka ako humigop.

“Hindi ka ba kakain?”

Napatingin siya sa mga mata ko at napansin ko ang paglunok niya.

“Sige kumain ka lang.”sagot niya.

Pagkatapos kong humigop at sumubo inilapit ko sa kanya yong mangkok ng noodles. Tumanggi siya pero pinilit ko siyang sumubo. Napapangiti ako sa loob loob ko dahil sumubo humigop sumubo at humigop siya, sunod-sunod kahit umuusok pa yong noodles sa bibig niya.

Ohh God, namiss ko po ito. Ang kumain kami ng sabay. Ang makita siyang kumain ng marami. Ang tipikal na Jillian. Sobrang miss ko po siya….

 

Para akong maiiyak…

“Naubos ko na…” himas-himas pa niya ang tiyan niya.

Sobrang saya ko. Kahit ata noodles na araw araw ang kainin ko basta kasama ko si Jillian okay na ako don.

Pagkatapos naming kumain nagshower na ako at nagpalit ng pantulog. Hindi na niya ako naihatid pauwi ng apartment kaya dito pa rin ako matutulog ngayon.

Nasa sofa lang si Jillian, nakaupo habang nanunuod ng TV. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakahiga ako dito sa kama. ‘Prim and proper’ ganyan kung ilarawan ko siya ngayon. Napakaseryo ng mukha niya. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya. Pagkalipas ng ilang sandali ay bigla na akong nakaramdam ng pagkaantok dahil sa malamyos na hangin na nanggagaling sa hangin ng aircon. Ipinikit ko na ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

…...

Jillian Fuentes

MALAYANG napagmamasdan ko ang mahimbing na pagtulog ni Anne. Ngayon ko lang nagagawang ngumiti kapag hindi siya nakatingin sa akin. Napakaganda niya. Tahimik ang bawat pagbaba at pagtaas ng dibdib niya dahil sa paghinga. Ang mahahaba at maitim na hibla ng mga buhok niya ay nakasabog sa unan at ang iba ay nakatakip sa pisngi niya na mamula-mula.

Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Wet and red lips. Magkahiwalay ng bahagya ang mga iyon na parang nag aanyayang mahalikan. Napabuntong-hininga ako. Namimiss ko ang mga labi niyang ubod ng lambot at tamis, iyon ang patuloy na bumabagabag sa akin. Napasabunot ako sa buhok ko at umiwas ng tingin sa kanya. Gusto ko sana siyang yakapin nang mahigpit at pupugin ng halik. Gusto kong isigaw kung gaano ko siya kamahal pero sobra akong nagpipigil.  Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa pool. Nag alis ako ng damit saka ako nagdive sa pinaka malalim na bahagi ng tubig. Hinayaan kong nakalublob ang buong katawan ko ng ilang segundo saka ulit ako umangat para lumanghap ng hangin. Paulit ulit ko yong ginawa dahil nahihirapan akong iwaksi sa isip ko ang itsura ni Anne. Baka mahalay ko pa siya ng wala sa oras.

“Maam Jill, gabi na po baka po magkasakit kayo. Sobrang lamig po ng panahon. Umahon na po kayo riyan.”

Gusto ko pa sanang magbabad kahit malamig ang panahoon pero sumunod nalang ako kay Manang.

Pinulot ko isa-isa ang mga damit ko saka ako nagtungo sa kwarto ko para maligo at nong matapos ako nagbihis na rin ako saka ako sumilip sa kwarto ni Anne.

Mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi na sana ako papasok pa kaso nakita kong hindi nakatakip sa katawan niya yong kumot niya. Pumasok muna ako para ayusin ito. Paghawak ko ng kumot hindi ko napigilang titigan ang mga hita niyang mapuputi, nakasuot lang siya ng nighties kaya may pagkakataon akong masilayan ang mga iyon.

“Mhmm Jillian..”

Napatingin ako sa kamay ni Anne na nakahawak sa braso ko. Hindi ko malaman kung gising ba siya dahil nagawa niyang tawagin ang pangalan ko kahit na nakapikit siya.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ko tinanggal sa pagkakahawak niya sa akin. Inayos ko na ang kumot niya. Aalis na sana ako sa tabi niya nong mapansin ko ang luhang tumutulo sa mata niya.

Aishh!!!!

Bigla akong nag-alala. Nataranta at napahawak agad sa mukha niya.

“Wag ka ng umiyak. Ginagawa ko naman lahat, Anne. Ayoko lang na madisappoint lang ulit kita. Sana maintin—“

Natigilan ako sa pagsasalita, akala ko gising siya pero tulog siya habang tumutulo ang mga luha niya.

Napaupo ako dito sa sahig at sumandal dito sa gilid ng higaan.

Hindi pa rin siya bumibitaw kahit ilang beses ko na siyang ipinagtulakan palayo sa akin.

Nanatili akong nakaupo dito sa sahig ng ilang sandali at pagkatapos, huminga ako ng malalim saka ako tumayo.

“Anne....matulog ka ng mahimbing.”

Hinagod ko ang mahaba niyang buhok saka ko siya hinalikan sa noo, hindi ko na rin pinalampas ang pagkakataong madampian ng halik ang labi niya.

Lumabas na ako ng kwarto nong masiguro kong mahimbing na ang pagkakatulog niya.

“Pakigising nalang po kami ng alas singko para maihatid ko si Anne sa apartment niya.”

Paalala ko kay Manang bago ako pumasok ng kwarto ko.

Pabaling baling ako dito sa higaan ko dahil hindi ko magawang matulog. Mga ilang oras din bago ako dalawin ng antok. Kaso madaling araw na iyon at gigising pa kami ng alas singko.

Tok

Tok

Tok

Nagising ako sa katok sa may pintuan at napatingin ako sa orasan. Alas singko na! Parang kaiidlip ko palang. Bumangon na ako at pinagbuksan si Manang.

“Gising na po ba si Anne?”

“Kanina pa po siya gising.”

Tumango lang ako at saka ako nagtungong banyo, sinigurado kong mabango ang hininga ko bago ako humarap kay Anne.

“Ihahatid na kita, dahil may pasok ka pa.Masakit pa ba ang paa mo?” tanong ko sa kanya pag pasok ko ng kwarto niya.

“Hindi na masyadong masakit. Kaya ko ng maglakad.”

“Mabuti kung ganon. Tara na ihahatid na kita.”

Hinayaan ko na siyang maglakad. Pansin kong ingat na ingat pa rin siya sa bawat paghakbang niya. Inalalayan ko nalang siya sa pagsakay ng kotse.

Seryoso lang ako habang nasa byahe kami. Ayokong magpakita ng kahit anong emosyon kay Anne at lalong ayoko siyang tinititigan sa mata dahil natutunaw talaga ang puso ko. Lumalambot agad ito pag mga mata na niya ang nangungusap sa akin.

Nong makarating na kami dito sa tapat ng apartment niya hinayaan ko na lang si Kuya ang magbukas ng pintuan ng sasakyan para sa kanya. Hindi na ako nag abalang bumaba pa.

“Jillian..”

Napalingon ako bigla dito sa tapat ng bintana dahil kinakatok ito ni Anne.

Binuksan ko ito.

“Paano na yong pag-aaral mo?”

Napakunot noo ako.

Iniisip pa rin talaga niya ang pag aaral ko.

“Wag mo ng isipin pa yon.” Sagot ko ng hindi lumilingon sa kanya.

“Kailan ka magpapakita ulit sa akin?”

“Kapag naisipan ko, magpapakita ako sayo.”

“Jillian? Paano na ako?”

Huminga ako ng malalim sa tanong niyang iyon.

“Basta lagi mong tatandaan ang sinasabi ko sayo, wag kung saan saan ka nagpupunta. Aayusin mo lagi yang suot mo at wag ka ng iiyak.”

“Hindi na ako iiyak pag nagpakita ka ulit sa akin.”

“Pumasok ka na ng apartment mo. Ilock mo ang pintuan mo at wag kang nagpapapasok ng kung sino diyan, naintindihan mo?”

Tumango naman siya.

Isinara ko na ang bintana at sumenyas na ako kay Kuya na umalis na kami.

Kaso may hindi ako maipaliwanag na pakiramdam na nagsasabing balikan ko si Anne.

“Saglit, itigil mo muna ang sasakyan!”

Hindi pa kami nakakalayo nong patigilin ko ulit ang sasakyan at pabalikin ito.

Bumaba ako ng kotse pero wala na si Anne sa gilid ng kalsada. Hindi naman lingid sa akin kung saan ang bago niyang apartment dahil lagi ko pa rin siyang binabantayan.

Naglakad ako papuntang apartment niya at pagkatapat ko dito napansin kong bukas na ang ilaw dito sa  tinutuluyan niya. Madilim pa rin kasi ang paligid sa ganitong oras. Sinigurado ko lang na nakapasok na siya bago ako tuluyang umalis.

“Tara na Manong.” Sabi ko sa driver pagpasok ko ng kotse.

Umalis na kami, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil may kailangan pa akong ayusin.

_____________________________________________
Thank you for reading.








Continue Reading

You'll Also Like

905K 12.6K 53
Mabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pami...
366K 16.7K 42
"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin m...
726K 26K 45
It's a gxg story so if you're homophobic feel free to ignore my story. Date started: May 17,2020 Date finished: July 2,2020
116K 2.1K 198
Paano ba kung mafall ka sa kapwa mo babae? Paano nalang kung sa hindi inaasahan sa straight na babae ka nahulog? Paano kung ayaw nang mga magulang mo...