4 Words To Say Goodbye

נכתב על ידי YanICEvelvet

1.4K 859 548

Have you ever thought that 4 words would hurt you a lot? What if one day, you'll wake up after hearing the wo... עוד

4 Words To Say Goodbye
Chapter 1 - He's Thoughts
Chapter 2 - Behind Her Curtains
Chapter 3 - Kailangan Kita
Chapter 4 - Our Tables Are Now Turned
Chapter 6 - Firefly
Chapter 7 - Her Nightmare
Chapter 8 - Broken Promise
Chapter 9 - The True Insomniac

Chapter 5 - Don't Cry

105 70 53
נכתב על ידי YanICEvelvet

ASHER

"PAKI-LINIS NA 'rin iyong banyo ko after that, Asher!" Cheska commanded as she took a video of me while cleaning. Napangiwi ako dahil doon.

"Kailangang videohan talaga ako?" Iritadong tanong ko pero inirapan niya ako. Natahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglilinis.

"Dali! Bilisan mo na diyan dahil madami ka pang lilinisin." She chuckled. "Go Asher! Go! Go! Go!" I glared at her when she started cheering me as if I was on a marathon.

"You look stupid," I commented. But she didn't bother to tease me instead she leaned on the wall and turned her camera off.

"At least madaming nagmamahal," Mayabang na sabi niya. Napaawang ang bibig ko nang dahil sa kayabangan niya.

"Oo. Tulad ng bigas. Sabagay, mukha kang bigas!" Tumawa ako ng malakas para mas lalo siyang maasar.

"Anong sabi mo?!" Lumapit ito sa akin dahilan para mas lalo ko siyang asarin. "Ulitin mo nga!" Yinugyog niya ako kaya natatawa akong binelatan siya.

"Mukha kang bigas 'kako," Pang-uulit ko sa sinabi ko. Mas lalo siyang nainis dahil inulit ko pa ang sinabi ko.

"Lintek. Inulit pa. Tibay!" Asar na sabi niya. Natawa ulit ako ng malakas.

"Sabi mo, ulitin ko!" Natatawang sagot ko dahil sinimulan na niya akong paluin ng malakas. "Aray, oy! Tama na!" Awat ko habang tumatawa.

Mas lalo siyang lumapit sa akin dahilan para mapatalikod ako at natisod sa isang pamunas. Nahila ko si Cheska kaya ang resulta ay nahulog siya sa ibabaw ko.

"Shit!" I muttered. Cheska was looking at me with shock in her eyes. Ilang sandali pa ay tumayo siya at naiilang na inayos ang sarili.

"A-Ayos ka lang?" Naiilang na sabi ko at tumayo na din. Hindi ko siya tinignan kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya.

"Uhm, oo." Simpleng sagot niya. "I-Ikaw? Are you o-okay?" Nauutal na tanong niya. I just nodded at her. Napahimas na lang ako sa batok ko.

Ilang pa sandali ay bumukas ang pintuan at ilinuwa sina Shan at Chloe. Nagulat kaming apat dahil sa biglaang pagkikita namin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Gulat kong tanong.

"Bibisitahin lang sana namin si Cheska. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Shan. "Oy! Bakit kayo magkasama dito? Kayo ha!" Pang aasar pa niya.

"Shan!" Nahihiyang sita ni Cheska. Nagkatinginan muna kami bago siya sumagot. "H-He was just cleaning my room. Nothing else." Umiwas siya ng tingin at ngumuso.

"Room service gan'on?" Nakangising tanong 'rin ni Chloe, nang aasar. Napatingin ako sa kaniya pero nakangising aso lang siya.

"Parang gan'on pero hindi-?," Halos patanong na sagot ko.

"Gulo niyo sa totoo lang," Komento ni Shan sa amin. "Hay, 'nako! Bahala kayo kung anong ginagawa niyo dito." Utas niya at tsaka prenteng humiga sa mahabang upuan.

"Dumadalaw kayo dito parati?" Tanong ko at bumaling ng tingin kay Chloe.

"Oo. Bago kami bumisita sayo, inuuna namin si Cheska. Kaya nagulat kami nang madatnan ka namin dito. Akala ko, ayaw mong maging kaibigan si Cheska. Palihim ka 'rin palang bumibisita dito." Nakangisi niyang asar.

"H-Hoy! Ngayon lang, 'no!" Sabi ko pero inaasar parin niya ako. "Bahala nga kayo kung akong gusto niyong isipin. Itutuloy ko na lang iyong linilinis ko." Inis kong sabi tsaka ko kinuha ang pamunas sa sahig.

"PMS," Rinig kong bulong ni Shan kay Cheska at Chloe pero itinaas ko lang ang gitna kong daliri bilang sagot. Narinig ko pa ang tawa nilang tatlo pagkatapos 'non.

Nililinisan ko ang banyo ni Cheska nang biglang bumukas ang pintuan at ilinuwa si nurse Cha. Mukhang hindi na siya nagulat na nandito sina Shan pero nanlaki ang mga mata niya nang makita niya 'rin ako doon.

"Oh? Asher, hijo, nandito ka pala," Gulat na aniya. "Tapos na ba ang check up mo sa doctor mo? Bakit ka naglilinis diyan?" Naguguluhang tanong niya.

I shrugged my shoulders and gazed at Cheska who was looking guilty. I rolled my eyes as I gaze upon the nurse in front of me.

"Cheska told me to clean her cr," I casually answered. "Well, it's for the sake of myself so I'm just doing this to help my own ass." I licked my lower lip.

"Is that so?" She raised a brow and gazed at Cheska too.

"Nurse Cha, may favor lang po siyang binabalikan sa akin. I hope you won't get the wrong idea. Hehe." Nahihiyang sagot ni Cheska.

On the other hand, Shan was already asleep on the couch while Chloe was watching us. When she felt that I was looking at me, she immediately glared and show me her dirty finger.

"Tinitingin tingin mo?" She mouthed.

"Pangit mo. Huwag kang feeling." I mouthed too. She made a face. "Buang," I whispered on the air as I gaze on Cheska and Nurse Cha.

Pinapalitan na niya ang dextrose ni Cheska at sinabing huwag daw itong masyadong mag gagalaw galaw. I felt guilty when I remembered what we both did on the rooftop.

"Huwag ka 'ring masyadong magpuyat. Makakasama sayo iyon," Bilin pa ng nurse.

Tangina! I felt like I wanted to sink on the floor. I never felt so guilty!

"Noted po!" Napatingin sa akin si Cheska at mahinang natawa dahil nakita niya ang guilt at pagpapakahiya sa akin.

Napabuntong hininga ako nang tuluyan nang umalis si nurse Cha. Napatingin ulit ako kay Cheska na ngingisi ngisi sa akin.

"I think I sh-should go," I stutter.

"Tapos ka na?" Tanong ni Chloe pero hindi ko siya pinansin. "Parang tanga, self 'no? Wala akong kausap." Kinausap niya ang kamay niya.

"Uhm, see you!" Iyon ang huling narinig kong sabi ni Cheska bago ako tuluyang umalis sa kwarto niya.

I felt so tired.

GABI NA pero mulat na mulat parin ako. Napabuntong hininga ako habang hinihintay ang pagbukas ng pintuan ni Cheska.

8:00 na ng gabi, aagahan ko na lang ang pagpilit kay Cheska na tulungan ako sa pagtulog dahil masama sa kaniya ang magpuyat.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan niya at ilinuwa si Cheska. Nagtataka niya akong tinitigan pero nanatiling diretso ang tingin ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Pumasok ka na sana kanina." Sabi niya sa akin pero umiling ako. "Tara?" Nakangiting aniya.

"Wait," Pigil ko sa kaniya nang tangkain niyang lakarin ang patungo sa Rooftop. Napatingin ito sa akin at nagtaas ng kilay.
"Sa kwarto na lang tayo. Tinawagan ko na sina Shan at Chloe na pumunta na lang sa kwarto ko para hindi ka mailang. " Nahihiya man ay nasabi ko iyon sa kaniya.

Agad siyang napangiti sa sinabi ko kaya nabawasan ng kaunti ang hiya ko. Naalala ko tuloy ang paguusap namin kanina ni Chloe sa video call namin.

"Oh? Napatawag ka?" Bungad niya sa akin. "May kailangan ka 'no?"

"Oo," Tumango ako. "Gusto ko sanang tahiin iyang bunganga mo dahil napaka ingay mo." Inirapan niya ako nang sabihin ko iyon.

"Ano nga?!" Inis niyang singhal. "Bilisan mo, Asher. Mamaya mag coconfess ka pala sa akin ng feelings mo. 'Nako! Hindi kita type."

"Mas lalong hindi kita type! Ang baboy mo kaya."

"Foul!" Pinandilatan niya ako sa mata. "Bakit ka nga tumawag?"

"Iimbitahan sana kita sa kwarto mamayang gabi-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay agad na siyang nag react.

"Manyak kang gago ka!" Sigaw niya. "Rapist! Putragis! Kadiriiii!!!!" Halos maiyak na siya kakasigaw.

"Ulol, Hindi." Umiling ako sa kaniya. "Patapusin mo kasi muna ako! Tutulungan ako ni Cheska na makatulog. Since bawal siyang mapagod, diyan na lang kami sa kwarto pero ang pangit namang tignan kung dadalawa lang kami. Kailangan ko ang tulong ninyo ni Shan. Mag movie marathon or whatever tayo! Ang dumi 'rin kasi ng utak mong babae ka!" Singhal ko sa kaniya na may halong pandidiri.

"Bakit di mo kasi agad sinabi?" Kumalma siya at napahawak sa dibdib niya. "Okay-" Aniya kaya in end ko na ang call ng hindi pa siya tapos sa pagsasalita.

I just need her 'okay', not her .

Sunod kong tinawagan si Shan na mabilis na sumang-ayon kaya hindi na ako nahirapan pang papayagin siya.

"T-Thank you," Cheska sincerely said. Napakunot ang noo ko.

"For what?"

"Kasi hindi na ako mahihirapan sa pag akyat. Salamat dahil dito lang tayo." Ngumiti siya.

"I-I'm doing this for myself," I lied. Umiwas ako ng tingin. "Tinatamad kaya akong umakyat doon sa taas. Mas mabuti nang dito ako makatulog." Agad na nawala ang maganda niyang pagkakangiti.

"Ano ba'yan! Sinayang ko lang iyong one million dollar smile ko!" Reklamo niya kaya palihim akong napangiti. "Akala ko pa naman ginagawa mo ito dahil narinig mo iyong sinabi ni Nurse Cha kanina." Inirapan niya ako.

"Akala ko pa naman ginagawa mo ito dahil narinig mo iyong sinabi ni Nurse Cha kanina." I mocked her.

"Kainis ka!" Pinalo niya ang braso ko.

"Kainis ka!" Pang-gagaya kong muli. Natawa ako nang malakas nang tignan niya ako nang pagkatalim talim.

"Sasakalin na talaga kita!" Inis na singhal niya. Ihinarap ko sa mukha niya ang kamay ko.

"Talk to my hand," Pang aasar ko pa. Inis niyang inalis ang kamay ko sa harap niya at inirapan ako ng inirapan. "Don't glare at me. Nag-mumukha kang kinder joy." Tawa ko pa.

"Kung ako kinder joy, ikaw panda!" Asar na asar na talaga siya. "Panda na laging mag isa dahil hindi siya dinadalaw ng magulang niya-!" Natigilan siya nang mapansing seryoso na ang mukha ko.

"Pasok na tayo." Tipid kong sinabi at napagtiuna sa pagpasok sa kwarto ko.

Sumunod siya sa akin nang walang imik. Alam kong guilty siya ngayon pero nagkunwari akong walang pakialam sa kaniya.

"Asher, s-sorry." Kinalabit niya ang balikat ko pero hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang laptop ko at naghanap nang pwedeng mapanood. "Huy! P-pansinin mo naman ako oh!" Reklamo pa niya pero hindi ko man lang siya liningon.

Ramdam ko ang pag haba ng nguso niya mula sa likod ko pero hindi ko parin siya nililingon. Narinig ko ang ilang buntong hininga niya kaya napangisi ako ng palihim.

"Galit ka?" Nagulat ako nang sa ilang iglap ay nasa tabi ko na siya! "Asher. Sorry sa nasabi ko. I didn't know that I was below the belt. I really am sorry!"

Hinarap ko siya at kunwaring naiirita sa pinagsasabi niya. Agad niyang naitikom ang bibig niya.

"Mamaya ka na mangulit. May ginagawa ako," Malamig kong tugon na patuloy parin sa paghahanap ng movie sa Netflix.

"Huy!" Kinalabit niya ulit ako. "Asher!" Pangungulit pa niya.

"Para kayong tanga sa totoo lang," May biglang nagsalita sa may bandang pintuan. Si Chloe pala iyon at sa likod niya ay si Shan. "Ano bang pinag gagawa niyo? Para kayong mag jowang nanunuyo." Umirap siya nang sabihin niya iyon.

Agad namang napalayo si Cheska sa akin at agad akong napaayos ng upo. I bit my lower lip and didn't mind them.

"Anong papanoorin?" Si Shan naman ang tumabi sa akin kaya pinakita ko sa kaniya ang napili kong movie. "Ayos! Saktong sakto!" Excited na aniya. "Nga pala, I brought some foods!"

"Okay," Iyon na lang ang sinabi ko at plinay na ang movie.

Nakaupo sina Shan at Cheska sa mga monoblock chairs habang nasa wheelchair si Chloe at abalang kumakain. Drama ang pinanood naming movie kaya naging boring iyon para sa akin pero nang tignan ko si Chloe ay iyak ito ng iyak.

Nang matapos ang movie ay naunang nakatulog si Chloe dahil sa kakaiyak kaya naman nagpaalam si Shan na ihahatid muna si Chloe sa hospital room niya.

"Pinapatawad mo na ba ako?" Tanong sa akin ni Cheska nang kami na lang ang naiwan sa kwarto pero hindi ko siya pinansin. "Okay lang kung hindi mo ako mapapatawad pero sana pansinin mo naman ako, Asher! Para akong tangang kumakausap sa hangin!" Nagulat ako nang magsimula itong umiyak.

Natataranta na ako pero hindi ko iyon pinakita sa kaniya. Nanatiling kalmado ang mukha ko at nakaharap sa kaniya. I didn't know that she's that sensitive!

"Bakit ka na umiyak? Hindi ba dapat ako pa ang umiyak dahil sa sinabi mo?" Malamig na tanong ko.

"Bakit ka iiyak? Ang tigas mo kaya para umiyak. Ni hindi mo man lang pinansin ang sorry ko." Inis na singhal niya sa akin.

"Hindi naman kasi maganda iyong sinabi mo," Nagtiim ang bagang ko. "Oh, tahan na." Binigyan ko siya ng panyo. "Ang dugyot mo na kakaiyak." Pinalo niya ang braso ko dahilan para matawa ako ng mahina.

"Ikaw kasi eh!" Parang batang maktol niya.

Tinanggap niya ang panyo ko at pinamunas sa mga luha niyang nagkalat na sa mukha niya. Namumula ngayon ang ilong at pisngi  niya kaya mas lalo akong natawa.

Nang kumalma na siya ay itinaas ko ang kamay ko para abutin ang ulo niya.

Hindi siya nakagalaw at nagulat sa ginawa kong iyon pero dahan dahan kong tinapik ang ulo niya at ngumiti ng marahan.

"A-anong-" Hindi ko na siya pinatapos dahil inunahan ko siyang magsalita.

"Don't cry, because I'll always forgive you," Bahagya akong natawa dahil sa reaction niya while tapping her head.

המשך קריאה

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1.8M 75.6K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
552K 14.6K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...