Vengeance and Regrets (Death...

By shadesofdrama

22.7K 664 38

Layla Dali Maranda is quite used to hiding her emotions. Maybe it was her own fault anyway for she fed people... More

Vengeance and Regrets
Disclaimer
Epigraph
Waves of Thoughts | V&R
/ Marcia's Plea /
/ Lenard's Growl /
/ Layla's Sob /
/ Theron's Aim /
Middle Point
DALI | ONE - DEVOURING THOUGHTS
DALI | TWO - DEAD ON THE ROCKS
DALI | THREE - INVOLVED IN TROUBLE
DALI | FOUR - TEARS FOR AN APPARITION
THERON / FIVE / CARED FOR
DALI | SIX - UNDERSTATEMENT
THERON / SEVEN / PROJECT
DALI | EIGHT - MESS
DALI | NINE - PANIC
DALI | TEN - HER CULPABILITY
DALI | ELEVEN - HAUNTED BY
DALI | TWELVE - STRANGE THINGS
DALI | THIRTEEN - GOOD AND BAD
DALI | FOURTEEN - MISCHIEF
DALI | FIFTEEN - SOULS AND SWITCH
DALI | SIXTEEN - PRETENSE
DALI | SEVENTEEN - COINCIDENCES
DALI | EIGHTEEN - THINGS GOT TWISTED
DALI | TWENTY - GETTING WORSE
THERON / TWENTY-ONE / SINCERITY
THERON / TWENTY-TWO/ WONDER
DALI | TWENTY-THREE - WANDER
DALI | TWENTY-FOUR - TRUTHS FROM LIES
DALI | TWENTY-FIVE - COULD IT BE
DALI | TWENTY-SIX- SOME THINGS
DALI | TWENTY-SEVEN - THERON
DALI | TWENTY-EIGHT - SECRETS
DALI | TWENTY-NINE - NOT FRIENDS
DALI | THIRTY - THE TRUTH
DALI | THIRTY-ONE - ALMOST
DALI | THIRTY-TWO - HOLD ON, STILL
THERON / THIRTY-THREE / PERSPECTIVE
DALI | THIRTY-FOUR | GOODBYE
THERON / THIRTY-FIVE / WORSE MATTERS
DALI | THIRTY-SIX - FIXING
DALI | THIRTY-SEVEN - I SHOULDN'T
DALI | THIRTY-EIGHT - AMENDS
DALI | THIRTY-NINE - LOOSE ENDS
THERON / FORTY - PROMISE
NOTE
V&R - The Wattys 2022 Winner

DALI | NINETEEN - KINDNESS

140 8 0
By shadesofdrama

WE ALL THOUGHT that Marcia's appearance in front of her family would ease her pain and she could finally say her goodbyes to them may it be verbally or through her actions.

Honestly speaking, I wanted to tell her that she can just give her parents a hug while she tells them how deeply she feels the grievances of the family. That way things would be a little strange but it is understandable.

Pero sa lagay na 'to, hindi na siya lumayo pa sa tabi ng pamilya niya simula noong lumapit siya sa mga ito. Kami ni Yannie ay sumunod na rin sa sementeryo kung saan ililibing ang labi ni Marcia.

Nasa isang gilid kami, nakatingin sa halos hindi aabot na dalawampung mga tao na dumalo sa libing. Sa likuran ng pamilya ay nakatayo si Gracie, Lenard, at iilan pang mga kabatchmates namin na hindi ko naman kilala ang pangalan pero minsan ko ng nakasalubong sa school. Ngayon ko lang din napansin na dumalo ang ilan sa mga teachers' ng SHS faculty.

Napahinga ako nang malalim habang nakatitig sa kanila. "I'm sure they didn't expect me to stand beside the family while the ceremony continues and everyone is starting to cry their hearts out again," sabi ko.

"Mahirap nga 'to sa part mo," sagot ni Yannie sa 'kin. She gave me a small smile bago niya ipinahinga ang isang palad sa balikat ko. "You are kind enough to help her, Dali."

Naging emosyunal ang boses ni Yannie kaya napakurap-kurap ako. Huminga ulit ako ng malalim.

"Alam mo bang halos magwala siya doon sa lugar kung saan kami nagkakilala? Sa realm of souls, maraming mga kaluluwa doon-" Natigil siya dahil natawa nang bahagya sa sariling sinabi. "Malamang. S'yempre puro mga kaluluwa ang mga nandoon."

Natawa na rin ako.

"Maganda naman ang lugar. Maaliwalas ang paligid. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Sariwa ang hangin. Parang normal lang ang paligid. Kung hindi mo alam na patay ka na aakalain mong naliligaw ka lang sa isang paraiso na hindi mo alam kung ano ang pangalan."

Unti-unting sumeryoso ang ekspresyon ni Yannie. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya habang mataman na nakikinig.

Malungkot ang mga mata niya nang sumubok siyang ngumiti. "Gusto ko ngang malaman paano nagagawa ng ibang mga kaluluwa na maging mapayapa ang pananatili nila doon habang hinihintay ang pagtawid sa bridge to eternity na hindi man lang sumasagi sa isipan nila na baka may paraan pa para makabalik sa mundo ng mga buhay. Parang gano'n lang kadali. Tanggap na agad nila."

"How long did both of you stayed there?"

"Dalawang araw si Marcia habang tatlong araw naman ako. Pero pagkabalik namin dito sa mundo ng mga buhay—" She motioned something using her fingers."—na tinatawag nilang realm of the living magkaiba ang oras doon at dito. Nang nakabalik kami... sinabi ni Marcia sa akin na wala pang nakakakita sa katawan niya."

Tahimik lang ako habang nakikinig.

"Awang-awa ako sa kanya. Gusto ko siyang tulungan. Pero pareho na kaming mga kaluluwa na lang."

"Magkasama ba kayo buong pagkakataon? Simula noong nakabalik kayo rito?"

Umiling-iling si Yannie. "Hindi. Umuwi ako sa amin. Binisita ko ang mga magulang ko."

"Tapos?"

"Gusto mong malaman kung bakit kami magkasama ngayon?"

"Yes," I answered without any hesitation.

Tumango siya at umayos sa puwesto. "We were supposed to meet each other after three days," ani Yannie. "Babalik kami sa realm of souls."

When she prolonged her next words, I just continued nodding my head, letting her know that I'm a hundred percent listening to what she's saying.

"Kung inakala mo makasarili si Marcia... hindi. Both of us wanted to be back here in this world. But I was the only one who's certain that we have to be back to the realm of souls after we had said our goodbyes to our families. Ayaw ata niya. Pero, inisip niya ako. Alam niyang iyon ang kailangan. We were supposed to meet at a place, but when both of us saw each other at the time when we agreed to meet... hapong-hapo siya at hindi matigil sa pag-iyak. Hindi man lang niya nalapitan ang pamilya niya. Hindi pa siya handa."

Parang may pumiga sa dibdib ko. Images of what Yannie has been telling me flashed in my mind as if I was there and I witnessed it myself. Hindi ko inakala na kaya ko pa lang makaramdman ng awa at sakit para sa taong hindi naman talaga malapit sa akin.

"Kaya sinamahan ko siya... sinubukan niya ulit magpaalam. She was able to do it this time kahit hindi naman siya maririnig ng mga ito. Pero noong nakaraang araw lang, nalaman niyang lumalala ang sakit ng bunso niyang kapatid."

Napaawang ang bibig ko sa narinig.

"Nakapagpaalam na siya? Kung ganoon—"

"Kailangan ng pamilya niya ng pera na pampagamot sa kapatid niya. Marcia has something that she could sell for a good price. Hindi niya sinabi kung ano."

"May hindi ata ako naiintindihan, Yannie."

Napayuko siya. "I'm sorry. Hindi pa ata 'to nasasabi ni Marcia sa 'yo."

Napapikit ako at naikuyom ang mga kamao. "Both of you lied to me?"

"She just delayed this part, Dali. Gusto ko sanang sabihin agad sa 'yo kaso sinabi niyang siya na ang makikipag-usap sa 'yo tungkol dito."

The rush of emotions suddenly overtook the pity and pain I felt earlier. Mabilis ang mga bagay. It's like the rush of anger and disappointment of betrayal overtook my body that I suddenly blurted out. "Sinungaling—" Nagtagis ang mga ngipin ko "—siya. "At nagmadali akong maglakad palapit kay Marcia.

"Dali!"

Mabilis akong napigilan ni Yannie.

"Nakita ka namin noong nagpunta ka sa cielo coastal route. Sinabi ni Marcia sa akin na ikaw daw ang nakakita sa katawan niya at nagreport sa mga pulis. Noong araw na iyon, nakasunod na pala siya sa 'yo para sana magtanong at makahingi ng tulong kung puwede. Noong araw na nakita ka namin sa coastal route, nakita namin kung paano mo natagpuan ang bracelet ni Marcia." Napabuga siya nang hangin dahil sa tuloy-tuloy na sinabi.

"Nakasunod na kayo sa akin simula no'ng araw na 'yon?"

"Siya lang."

"Pero noong naaksidente ka... magkasama kami habang nakasunod sa 'yo."

So, they must have seen me with Theron during these times. Nangunot ang noo ko, may naalala. "That bracelet... I saw a bracelet! Was it hers?"

Dahan-dahan siyang tumango.

"Really? 'Yon lang ang kailangan niya sa 'kin? Hindi ko alam na sa kanya pala 'yon."

"It must be the only possession she has. Baka iyon ang ibebenta niya."

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin sa puntong ito. The feeling of betrayal still lingers within my system that I wanted to confront Marcia right at this very moment.

Bumuntung hininga ako ng ilang beses bago napapikit. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. I hate being lied to. I hate it. Pero aaminin kong ilang beses na rin akong nagsinungaling. Ang pinakamalaking kasinungalingang nagawa ko ay ang pagsinungaling ko kay Dad. It broke his trust on me. Hindi na maibabalik pa ang pamilya namin kahit ano pa'ng gawin ko.

Pero hindi ko pa rin mapigilan na masaktan dahil sa nalaman ngayon. Marcia could have just told me about it directly. Hindi niya na sana pinatagal pa na umabot sa puntong kay Yannie ko pa malalaman. Hindi pa natatapos ang araw na 'to, ayokong mabali ang tiwala na ibinigay ko sa kanya.

Pinakalma ko ang sarili at ibinalik ang atensyon sa nangyayari ngayon. Naibaon na ang kabaong sa lupa at nagsiiyakan na ang mga tao.

Wala pa rin akong alam kung ano'ng koneksyon ni Marcia kay Lenard. Maybe they are good friends? Kasi magkaibigan si Marcia at Gracie tapos ngayon... magkatabi si Lenard at Gracie at panay ang marahang paghagod nito sa likod habang umiiyak si Gracie.

Si Marcia na nasa katawan ko ay nakatayo habang nagpipigil ng paghikbi. Pero panay rin ang pagpahid niya ng luha.

Noong nasa chapel pa kami kanina, binalak kong sundan si Theron. Pero nagmamadali ata siyang umalis. When I scanned the faces of the people gathered in this small portion of the city's public cemetery, none of it showed Theron's curious eyes and troubled expression. Hanggang ngayon, hindi na ako matigil sa pag-iisap ng kung anu-anong ang mga bagay.

God, this day is already too exhausting.

Napaupo ako sa damo habang nakatingin pa rin sa mga tao. Agad na tumabi sa akin si Yannie.

Napabuga ako ng hangin. "So, this is how it feels like when you know no one else is looking at you or what so ever..."

Napabaling sa akin si Yannie. "Bakit? Ngayon mo lang nalaman ang pakiramdaman?"

"Kinda," mahina kong sabi.

"May gusto akong itinanong sa 'yo, Dali."

"Ano 'yon?"

"Sorry kung ilang beses ka naming sinusundan ni Marcia na wala kang kaalam-alam."

"It makes sense though. Since that day when I recovered Marcia's dead body on the rocks... I started feeling strange. Parang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing umaalis ako ng bahay. Minsan naman kahit nasa loob ako ng kwarto ko."

"Marcia has been trying her best to make you aware of her presence. Pero dahil hindi naman kami nakakahawak ng kahit ano'ng bagay sa mundong 'to mahirap talaga na ipaalam sa 'yo na andito kami."

"Things are now different," I mumbled to which she agreed.

"Hindi ko alam kung tama ba na maging masaya ako para kay Marcia kung alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon dahil gusto mo na rin makabalik sa katawan mo," sabi ni Yannie, her tone spoke truth about her perception of my situation. "How's your life in here, Dali?"

She smiled genuinely at me as she waited for my answer. Gaano katagal kaya mananatili ang ngiti niyang 'yon kung magkukuwento ako tungkol sa buhay ko? I wonder...

Napabaling ako sa harapan pero hindi agad nagsalita. I don't really like a touchy-feely conversation unless a situation calls for it. Ayokong maiyak sa harapan mismo ng isang tao. Ayokong ipaliwanag ang sarili ko sa mga taong hindi ko naman masyadong kilala.

"Your eyes seem so lonely."

"Hindi ako sanay na magkwento eh," iyon na lang ang sinabi ko. "Pasensya na, Yannie."

Hindi ko inasahan na tatango agad siya sa sinabi ko. Hindi nawala ang ngiti niya.

"I understand," aniya pagkatapos ay tinapik nang bahagya ang likod ko. "Unti-unti kong nalalaman na hindi ka agad nagtitiwala."

"It's not that I don't trust you. I just don't feel comfortable talking about things that involve my personal life. You know... emotions and the likes."

"Bakit naman?"

"It's triggering. And terrifying. Parang hinihiwa mo ulit ang sarili mo para lang ipakita sa iba ang mga sugat mo. Iyong iilan ay naghilom na, ang iba naman kakasimula pa lang." Huminga ako nang malalim. "Boring ang buhay ko," saad ko nang hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako.

"All lives matter, Dali. No matter how boring you think it is."

Napakibit ako ng balikat. "Maybe it's true. Pero iba pa rin ang pakiramdaman na mabuhay nang may dahilan. May gustong maabot, may gustong gawin."

"Don't you have any dreams?"

Natawa ako. "My everyday life is repetitive. Bland and dull. Pati pangarap ko, hindi ko na ramdam kung gaano ko 'yon kagustong maabot."

"Why? Ano ba ang pangarap mo?"

Natawa ulit ako. "Mababaw lang."

"Don't say that..."

Napabuntong-hininga ako sa pang-ilang beses. "May negosyo si Dad... 'yon daw ang ipapamana sa akin," pagpapatuloy ko. "Ano'ng parangap ko? Malayo doon... ang makapagtayo ng sariling organization para sa taong hirap maipagamot ang pamilya nila at mga sarili nila mismo."

"Wow," nagliwanag ang mga mata niya sa narinig. "But why would you lose faith in that dream? What happened?"

"Life happened, Yannie. Iba-iba man tayo ng pinagdadaanan, minsan ang buhay na mismo ang nagpapasuko sa atin."

"Alam mo, Dali... noon, ganyan din ako." Ang kanina'y malungkot na mga mata niya, unti-unting nagkaroon ng buhay. At nagsimula na siyang magkwento habang mataman akong nakikinig. "Mahirap lang kami kaya hindi ko nakukuha agad kung ano ang mga gusto ko. Iyong mga kailangan lang. But the biggest struggle that I had was when I had to choose whether to go to college or work for my family. Makakatulong ako sa pamilya ko kung magtatrabaho ako. Pero ang mga magulang ko gustong-gusto na magpatuloy ako sa pag-aaral. Kaya ayon, hindi na ako namili sa dalawa. I went to a state university and worked part time in a fast food chain. Naitawid ko ang college years ko at natulungan ko pa ang mga magulang ko."

Napangiti ako sa kuwento ni Yannie.

"Woah, so you got to graduate in college?"

"No," malungkot niyang sabi. "Ngayong taon na sana kaso... nasagasaan ako." Tumigil siya saglit. "May pinuntahan akong gig para sana magkaroon ng extra na pera bago ang birthday ni Papa. Para naman maitreat ko sila sa paborito nilang kainan. Masayang-masaya pa ako no'n. Planado na ang mga bagay. Pero iyon nga..." nabasag ang boses ni Yannie at agad siyang napayuko.

Hinagod ko ang likod niya nang dahan-dahan. "Things will happen. Minsan, para hindi na tayo malugmok nang sobra at madala sa agos ng walang tigil na problema sa buhay, hindi natin kailangang tumigil sa punto kung saan lang tayo naghihirap. It's what we do next after a downfall that matters more. That's when we get to identify if we'll move forward in this life or we'll remain trapped in our failures and pain."

Napatulala ako matapos 'yon sabihin ni Yannie. She's now smiling again even when tears are already streaming down her cheeks.

Nakangiti pa rin siyang nakaharap sa akin pagkatapos ay hinawakan niya ako sa balikat. "I may not look like an Ate to you and Marcia... dahil halata namang ang asta ko ay parang magkaedad lang tayong tatlo. Malaking bagay ang makilala ko kayo. Parang nakakasama ko pa rin ang mga kapatid ko kahit ganito na ako ngayon."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa isang pisngi. Mabilis ko iyong pinahiran. Mahinang natawa si Yannie. "Normal lang umiyak."

Tumango ako at dinama ang luha na tumulo sa pisngi ko. Dahan-dahan akong napatango... Nakakaramdam ako pero hindi ko ipinapakita. Pero ngayon... after seeing how Yannie shared about her life right in front of me—someone she had only known for a day, hindi ko mapigilang maluha.

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

Pareho kaming napatayo ni Yannie mula sa pagkakaupo sa damuhan nang marinig ang sigaw at makita ang kumpulan sa harapan namin.

May sumigaw ulit sa gitna ng kumupulan ng mga tao. Sa bandang harapan iyon... pero dahil sa kumpulan ng mga tao hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Nagmadali kaming lumapit ni Yannie doon.

Nang nakalapit na at nakalusot sa gitna nang nakapaikot na mga tao, nakita ko kung ano'ng dahilan ng sigaw.

Right on the spot, I saw my body lying on the ground. Hindi kumikilos. Nakapikit ang mga mata. Akay-akay ng Tatay ni Marcia ang bandang ulo at leeg habang walang malay na nakahiga sa damuhan.

Goodness shit, Marcia.

Mariin kong naipikit ang mga mata. Issue na naman 'to tungkol sa pangalan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 268K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
575K 17.1K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
1.2K 209 43
Dahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Aurel mapapadpad siya sa isang lugar malayo sa kanyang kinalakihan. Sa paglipas ng panahon pilit parin siyang u...
1M 39.6K 60
If there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. ...