The Last Petal

By YourstrulyEs

2.1K 1.1K 45

"Do you believe in destiny?" Meet Samantha Vergara, who is undoubtedly a believer of destiny, is the younges... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 11

78 52 0
By YourstrulyEs

Pagkakagusto




"Sam, una na ako sa baba. Bili lang ako ng makakain natin mamaya." Nagkatalo pa kaming dalawa kanina kung sino ang mauunang maligo. Syempre, siya ang nauna.







Kakaligo ko lang at napansin kong marami pa namang oras. "Sige," tugon ko habang nagaaply ng mascara. Pwede namang sabay na lang kaming bumili. Kahit hindi mo tatanungin ay halata naman kung bakit atat na siyang bumaba. Hays








I am wearing white puff sleeves blouse at tinernohan ng straight cut maong pants. Pumunta ako sa tapat ng full length mirror at nahagip ng mga mata ko ang bulaklak na natanggap namin kanina.








Sino kaya ang nagbigay nito? Kung magbibigay man si Enzo ng bulaklak ay wala itong kasamang letter. Si Kean palang ang kilala kong ganito ang ginagawa.







Bumaba na ako at hinanap si Cel pero wala na siya sa snack bar. Asan na ba siya? Kala ko ba hihintayin niya ako. Kahit kailan talaga nang-iiwan ang babaeng 'yon.







Nakita kong papalapit si Kean sa akin na nakapamulsa. He is wearing a white collared shirt with gold lining on the sleeves at nakatuck in ito sa black pants niya. Medyo magulo pa ang buhok niya pero kaaya-aya itong tingnan. He is gorgeous as hell.






"Nagtext pala si Cel sa akin na sabay na lang daw tayo." Naalimpungatan ako sa mga sinabi ni Kean. Iniwan ako para makasama niya ang Justin na 'yon!





"Okay." Mataray ko siyang tinalikuran at nagderetso na palabas nang hilahin niya ang braso ko. Ano bang problema niya? Tinaasan ko siya nang kilay at bumaba naman ang tingin niya sa mga paa ko.

"Wear sneakers." Baritonong utos niya habang ngumuso sa suot kong red stilettos kaya napalunok ako. Nanghihina talaga ako sa boses niya. Ano ba ang pake niya kung ito ang susuotin ko? Hindi naman siya ang nakasuot para makaramdam man ng sakit.








Wala na akong nagawa kaya padabog akong bumalik sa room namin ni Cel at pinalitan ang suot kong sapatos. Ang ganda pa naman ang stilettos na 'yun, sayang lang kung hindi ko magagamit. Kainis naman kasi!







I went down wearing my white platform sneakers. Gusto ko pang maging matangkad kaya wala na siyang magagawa kung ito ang susuotin ko.







Nakita kong nakaupo sa lounge habang nilalaro ang cellphone niya. Ilang saglit ay napansin niya ako kaya tumayo na siya at lumapit sa akin. "Let's go. Nagsimula na raw ang event." Nauna na si Kean at sinundan ko siya papunta sa sasakyan niya.

"Thank you for the bouquet." Lakas loob kong sinabi ito kay Kean. Paano naman kasi, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob para kausapin siya. Kaya huwag na huwag niyang sisirain ang mood ko ngayon.

"Bouquet?" Napalingon ako agad sa kaniya. Hindi siya ang nagpadala nun? Imbes na manlamig ako dahil sa hiya ay bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya. "Kung hindi ikaw, sino?" Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang nagmessage.









Unknown number? Binuksan ko ang message at nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa. Si Nathaniel ang nagpadala nung bulaklak?!








Unknown Number: Good morning, Sam! This is Nathaniel by the way. Goodluck sa second day niyo sa Tagaytay. Also, sana nagustuhan mo ang pinadala kong bulaklak.









"Nakatanggap ka ng bulaklak at akala mo na sa akin galing 'yun?" Napunta ang tingin ko kay Kean at nakitang siyang nakatingin sa akin bago niya ito binawi

"Yeah," tipid kong sagot sa kaniya. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong isagot o sabihin sa kaniya. "I thought you hate someone giving you flowers." Lumingon ako sa kaniya pagkatapos niya itong sabihin.

"You hated me because of that but Enzo is an excemption? Pati na rin ang lalaking kakabigay nun sayo?"









Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Don't tell me nagseselos siya? Imposible naman siguro dahil wala namang namamagitan sa aming dalawa. Pero hindi ko ito naiwasang itanong sa kaniya.








"Nagseselos ka ba?" Lumingon siya sa akin at masama ang binabato niyang mga titig. Sabi ko na nga hindi eh. "Why would I? I just find it unfair." Naramdaman kong huminga siya ng malalim at pinaharurot ang kaniyang sasakyan.








Paano kung sabihin kong gusto kong makatanggap ulit galing sayo?







Nakasimangot akong lumabas ng sasakyan at dumiretso sa maraming tao. Hindi kami nagpapansinan ni Kean simula ng sumbatan namin kanina. Sabi ko na nga ba, masisira ang mood ko ngayon at hindi pa nakakalahati ang araw.








Nakisalamuha kami sa mga tao pagkatapos naming magperform ni Cel. Mas lalong umingay ang mga tao nang tumugtog na ang White Rose. Napansin kong nagsilapitan din ang mga iba at dumami ang nanonood.








"Hi, ate. Ang galing niyo po pala kanina." Nilingon ko ang batang babaeng may hawak-hawak na camera. Lumuhod ako at hinaplos ang buhok niya, "Salamat. Gusto mo rin bang tumugtog ng ganun?"








Tumango siya at inilahad ang camera niya kaya kinuha ko agad para magpicture kami. "Ate, ano po pangalan niya? Magaling din siya tsaka gwapo rin." Itinuro niya si Kean na nasa stage.

"Siya si kuya Kean at ang pangalan ng banda nila ay White Rose." Pinisil ko ang pisngi niya at nginitian siya. Ang cute cute niya kasi. Ilang sandali pa ay natapos na silang tumugtog kaya tumakbo agad ang bata palapit sa kanila.

"Kuya Kean, pwedeng papicture?" Naglakad ako papalapit sa kanila at lumuhod si Kean habang nakahawak sa balikat ng bata. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nakangiting tanong niya sa bata kaya agad akong hinanap ng bata at itinuro ako, "Si ate na maganda po."







Nagkatama ang mga mata namin ni Kean habang papalapit ako sa pwesto nila. Binawi niya agad ang tingin bago niya nginitian ang bata at tumango.









Tsk. Ano? Galit siya dahil sinabi ko ang pangalan niya sa bata? Sulpado talaga!









Iniabot ni Kean ang camera kay Dylan at kinuhanan niya sila ng litrato. Ilang saglit pa ay narinig akong tinatawag ng bata. "Ate! Sama ka, idol ko na po kasi kayong dalawa eh." Nanlaki ang mga mata ko at itinuro ang sarili ko.









Jusko, itong bata talaga, hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Wala na akong magawa kundi lumapit at tumabi sa kanila. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatitig si Kean habang yumuko ako para sa bata.

"Say cheese!" Nagulat ako dahil biglang hinila ng bata ang braso ko palapit sa kaniya at gayundin ang ginawa niya kay Kean.







Pagkatapos, umayos ako agad ng tayo at ginulo ang buhok ng bata bago niya nilapitan si Dylan para tingnan ang litrato. Kean cleared his throat kaya nailang ako at inayos ko ang damit ko. Awkward!






"So---." Napatingin ako agad kay Kean na nakahawak sa batok niya ngunit hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pinutol siya ng bata. "Kayo rin naman, picture kayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi. Ano?! Kaming dalawa lang ni Kean?!

"Naku, huwag na. Magkakilala naman kami eh," nakangiti kong wika pero nagpuppy eyes siya kaya huminga ako ng malalim bago ako lumapit ng konti kay Kean. Parang wala lang Kean na makukuhanan kaming dalawa ng litrato, sungit!

"Akala ko po ba magkakilala kayo eh ba't hindi kayo makalapit sa isa't-isa?" Itong batang 'to talaga, sabi ko na nga ba may ipapagawang bagay na ayoko. Umiling ako at kinaway ang kamay ko bilang pagtanggi.








Ilang saglit pa, nalaglag ang panga ko nang maramdaman ko ang kamay ni Kean sa beywang ko at hinila ako palapit sa kaniya. "Nababaliw ka na ba?" Pasigaw na bulong ko sa kaniya bago ko nginitian ang bata. "It's just a picture, Sam," bulong niya sa tainga ko at nakaramdam ako ng kuryente nang gumalaw ang palad niya. Bwisit ka Kean Francisco!









"Oh, ba't namumula ka?" Tanong ni Cel nang dumating siya sa kubo-kubo. Agad kong ininom ang shake na binili niya para maiwasan ang tanong nila.  Dumating naman sina Dylan at inilapag sa lamesa ang pagkain nila.

"Ang cute ng bata kanina noh?" Sa gilid ng mata ko ay nakita kong umupo at sumandal si Kean sa tabi ko. Tiningnan ako ni Dylan at ngumisi siya. Isa rin 'to! Kala ko ba ayaw nila ako ha?

"Ano meron?" Tanong ni Cel at nilakihan ko ng mata si Dylan para huwag niyang sagutin ang tanong ni Cel. Napairap na lang ako nang sumagot siya, "Nagpapicture kasi yung bata." Iniabot ni Dylan ang isang film kay Cel kaya tiningnan ko naman ito.









Nanlaki ang mata ko dahil picture namin ni Kean. "Kaya pala, namumu---." Hindi ko na pinatapos si Cel nang sinapain ko ang paa niya. "Aray!" Inagaw ko agad ang litrato at tiningnan ito.

"You can keep that if you want," rinig kong sabi ni Kean at nakita kong nakatingin siya sa akin. "Anong gagawin ko riyan." Ibinato ko sa kaniya ang litrato at kinuha ang cellphone ko sa lamesa.







Gusto ko talagang kunin. Ang ganda ng pagkakakuha, sayang lang kung hindi 'yun maalagahan ng mabuti. Kahit ilang oras mo titigan 'yun ay hindi ka magsasawa. Because it is picture of us two.










Ilang oras na akong paikot-ikot sa room namin ni Cel simula nang nakabalik kami. Kanina ko pa iniisip ang litrato, baka kung itinapon na lang 'yun ni Kean o kaya iniwan sa kung saan-saan. "Ano ba 'yan. Ako ang nahihilo para sayo."









Nagkaroon ako ng ideya para malaman kung nasaan ang litrato kaya nilapitan ko si Cel. "Ano? Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay. Nagpout ako at hinawakan ang kamay niya, "Favor sana."










Halos limang minuto na kaming nakatututok sa cellphone niya at hinihintay itong tumunog. Itinanong ni Cel kay Justin ang tungkol sa litrato kanina, kung na kay Kean pa ba.








Wala pang isang segundo ng pagtunog ng cellphone niya ay hinablot na namin ito agad. "Ano sabi?" Inilapit ko ang mukha ko para tingnan din ang reply niya.






Justin mah labs: He doesn't have it.






Ano?! Nawawalan na ako ng hininga nang nabasa ko ang reply niya. Anong ginawa niya sa litrato? Nagsisisi na talaga ako, kinuha ko na lang sana! Pa-cool pa more kasi, Samantha!










"Napakasama talaga ng ugali nun! Okay lang sana kung ibinigay niya na lang kina Dylan! Jusko! Sayang, kainis talaga ang lalaking 'yun!" Naiiyak kong bulyaw sa room namin. Hindi tumitigil ang pagbuga ng apoy ang ilong ko.

"Wait lang Sam, ha. May gusto ka ba kay Kean?" Tiningnan ko agad si Cel na nakangisi ng nakakaloko habang nilalaro ang phone niya. "No, it's just that," nauutal kong tugon habang nakatingin sa kaniya. "It was just a precious moment."









Tumawa si Cel habang pumapalakpak at nilapitan ako. Hindi niya mapigilan ang pagngiti. Pagtritripan na naman niya ako o kaya aasarin ako. "Minsan ba kung siya ang kasama mo, hindi normal ang pagtibok ng puso mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at umatras ako.








Tumango ako bilang sagot kaya mas lalo niya akong nilapitan. "May mga oras ba na sumasagi siya ng di oras sa isipan mo?" Tumango ulit ako. Ba't ba niya ako tinatanong ng mga ganito?









"Nakaramdaman ka na ba ng selos?" Agad namang sumagi si Monica sa isipan ko at ang mga ikwinento nina Justin noon. "Yeah, I guess so."

"Confirmed, you like Kean." Lumayo na si Cel at umupo siya sa kama habang nakangiti sa akin. Gusto ko ba siya? Siguro as a friend at dahil magaling siyang kumanta.

"That's impossible," tugon ko at napasandal ako sa dresser habang nakahalukipkip. "You can't fool your heart, Sam," seryosong aniya at nginitian ako. Kung nahulog na talaga ako sa kaniya, hindi maari, hindi pwede.








Anong hindi pwede? As if naman na gusto ka rin ni Kean.







Huling araw na namin bukas dito sa Tagaytay. Hindi kami masyadong nakapagpasyal dahil pa-iba-iba ang venue, siguro nakakapasyal naman na kami dahil dito.








Ngayong gabi ang huli naming pagtugtog kaya mas lalong dumami ang tao. Marami ring nagpapapicture sa amin lalong lalo na sa White Rose.








May lumapit na isang babae kay Kean habang ang mga kasama naman niya ay nasa likod niya at sinusuportahan siya. Naningkit ang mga mata ko nang tinapik niya ang balikat ni Kean. Ang gagawin nila ha?








Nilingon siya agad ni Kean kaya biglang napayuko ang babae dahil sa hiya. Hindi ko masyadong maaninaw ang nangyayari pero alam kong nag-uusap sila dahil gumagalaw ang mga bibig nila.








"Oh, yang mga mata mo, jusko." Nilapitan ako ni Cel at may iniabot siyang isang plastic cup ng Iced tea. "Wala, pinapanood ko lang yung napakagandang view," sarkastikong wika bago ko nilagok ang iced tea. Hindi ko pa lang nalulunok ang iced tea nang nakita kong hinalikan ng babae ang pisngi ni Kean.









Napansin din ni Cel na nakita ko 'yon kaya dali-dali niya akong pinaharap sa likod at doon ko ibinuga ang iced tea. Nakangisi pa siya!








"Aamin ka pa ba? Hindi naman siguro masama, dba?" Bumaling ako sa harap na ngayo'y nagtatawanan ang grupo nila. I don't know if I have the guts to confess.










This time, ipinagtutulakan nila ang kaibigan nilang babae kay Kean kaya nagsariling gumalaw ang paa ko buti na lang ay napigilan ako ni Cel. "Obsessed ka na ba?" Natatawang tanong ni Cel sa akin at tiningnan ko lang siya ng masama. "Kasi ako kay Justin, hindi." Itinaas niya ang kamay niya ere at nagpakawala siya ng tawa. Bwisit talaga, hindi ko alam kung ba't ako nagkakaganito!










Huminga ako ng malalim para kumalma. Siguro ganito ang epekto nang naamin mong gusto mo ang isang tao, na tanggap mo na gusto mo na siya.







"Hi, miss. Pwede ba tayong magpapicture? Ang galing mo kasi kanina tsaka paborito ko pa namang kanta ang tinugtog mo." Nilingon namin ang isang lalaking matikas ang pangangatawan, matangkad, singkit at kulot ang buhok.








Tumango naman kami ni Cel. We can't refuse any request lalong lalo na kung nasa isang charity event kami. Baka malay mo isa pala siya sa mga importanteng tao rito at hindi natin gugustuhing bawiin nila ang tulong na naibigay nila.









Namilog ang mga mata ko nang hawakan niya ang beywang ko kaya sinubukan kong lumayo konti pero hinila lang niya ako palapit sa kaniya.









Hindi ako sanay na nahahawakan ang beywang ko, ngayon lang ako nailang pero kay Kean, hindi. "Thank you, girls," bati niya bago siya tuluyang umalis.










Bumalik ang tingin ko Kean na ngayo'y nakatingin sa direksyon namin. Naningkit ang mga mata niya at masama ang binabatong tingin. Bigla akong nakaramdam ng kaba na para bang alam kong may nagawa akong masama.










"Kung makatingin si Kean para namang nagselos kanina," singit ni Cel at napatango naman ako. Tama nga naman, bakit ako kakabahan kung wala naman siyang posisyon sa puso ko.













But I hope I have a room in your heart to officially get jealous on something.











........

Hello, kung may nagbabasa man.🤗Thank you for reading chapter 11.

Please dont forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW for updates.

-Es

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...