We Said Never (City Series #3)

By jowybee

401K 17.4K 13.3K

City Series #3 Selena is afraid of commitment. Ezra is not looking for a new relationship. When these two end... More

We Said Never
Beginning
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
End
Love, Syl

Chapter 2

10.7K 429 204
By jowybee

"Tanga ka ba?"

He suppressed a smile after I said that. Umiling ako at uminom sa milktea na inorder niya para sa akin.

"Come on, Ena."

"First of all, 'di tayo close. Selena ang tawag mo sa akin." Humalukipkip ako.

"Polo calls you Ena."

"Kasi hindi siya tatanga tanga!" Nilakasan ko boses ko. "Ano gagawin mo? Gagamitin akong bait? Hindi ba nangyayari lang 'yan sa high school?! Highschool ka ba, ha? Ha?!"

"Hindi!" Umiling siya at tumawa. "Think of yourself as.. my temporary girlfriend."

"Oh, tapos kapag nagselos ako aawayin?! Tanga ka talaga! Ano ka, Kenji? Hindi ako Athena, ah! Mahal na mahal ko ang Kathniel pero hindi ko naman pinangarap na ireenact ang mga pelikula nila! Dinamay mo pa ako sa drama ng buhay niyo!"

"Ena, it's a good deal! You don't like commitment, I'm not looking for a girlfriend." Pagpipilit niya. "Come on, please?"

"Eh hindi ka naman pala naghahanap ng girlfriend!" Umayos ako ng upo. "Nagdu-drugs ka ba?!"

He sighed and looked at me. I don't know him that well but he sort of looks frustrated... and desperate.

Ganito ba kapag na-inlove? Ganito ba kadesperado ibang mga tao?

Kung oo, mabuti na lang talaga at hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend.

"Sorry, Ezra." Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "I'm sure there are loads of girls willing to help. Sa NatSci palang, marami nang magkakandarapa sa'yo."

He sighed and leaned back against his chair. Marahan akong ngumiti habang sinusuot ang bag ko.

"Thanks for the milktea."

Bumalikas ako at dumiretso palabas. I didn't look back. Ayaw kong isipin niyang pinagiisipan ko pa siyang tulungan.

Pero pinagiisipan ko nga.

For two whole weeks, I couldn't help but think of the look on his face. Mukhang desperado sa tulong. Desperadong maibalik kung ano ang meron sa kanila ng ex niya.

Umiling ako habang kumakain ng kikyam. Nandito kami sa canteen dahil may isang oras kaming break at wala rin lang naman kaming balak kumain sa labas dahil nag-lunch na kami kanina. Kunot noo naman akong tinignan ni Vale at tumawa.

"What's with you?"

"Wala," agad kong sagot.

"Whatever." Umiling siya.

Kaming dalawa lang ang magkasama dahil si Raffy, nandoon sa library, nag-aaral nanaman! Parang kapag iniisip kong nag-aaral si Raffy, natatandaan kong hindi ako nag-aaral. Mag-aral ba ako ng topics namin?

Tinignan ko si Vale na nagbabasa ng notebook niya ngayon. He was silent while reading his notes, at ako naman ay tahimik habang iniisip lahat ng mga desisyon ko.

Tama bang pinili ko 'tong kurso na 'to?

Hindi ako kasing sipag ng dalawa kong kaibigan. Hindi rin ako kasing talino. Sabi nila, sa medtech, kung hindi talaga ito para sa'yo, kawawa ka. Kawawa ba ako ngayon?

"Parang ang tagal ko nang hindi nagkakacrush." Bumusangot ako at kumuha sa kinakain ni Vale.

He looked up from reading his notebook. Hindi ko alam paano siya nakaka-focus dito, eh ang ingay ingay ng canteen.

"That's your crisis?" he asked. "Exams na natin next week."

"Yeah, yeah, I know." Inirapan ko siya.

Ayaw na ayaw ko ang exams. Kahit naman mag-aral ako, yung mga lumalabas doon ay mga hindi nababasa sa libro! Wala pa sa notes namin!

Pakiramdam ko talaga naglolokohan lang kami ng mga prof namin, e.

"Vale, sa tingin mo, papasa ako ngayong 2nd year?"

"You will if you start reading." Binigay niya sa akin yung notebook na binabasa niya, at ako naman ay ngumiwi.

Babasahin ko na sana 'yon, pero biglang pumasok sa loob ng canteen ang tatlong lalaki na pamilyar. I quickly ducked and looked at Vale in front of me. Kunot noo niya naman akong tinignan at kinuha pabalik ang notebook niya.

"Fine, don't read."

"Shh!" I shushed and slowly took a peek behind Vale. May bino-bro handshake si Ezra kaya naman hindi siya nakatingin sa direksyon namin.

Bahagya akong nag-ayos ng upo at tumikhim. I haven't seen, nor contacted him since that Sunday.. and I don't plan to!

Para akong nakahinga nang maluwag nang makitang sobrang engaged ni Ezra sa pinaguusapan nilang magkakaibigan. I looked at Vale who took some money from his wallet and stood up.

"Sandali!" Hablot ko sa kamay niya. "Saan ka pupunta?!"

"Bili ako tubig natin." Binawi niya kamay niya. "You're acting so weird today."

I groaned and placed my hand under my chin.

Parang saktong pagka-alis ni Vale, nakatinginan agad kami ni Ezra. I could already feel my cheeks heating up. I was expecting him to look away, but instead, he grinned.

"Uy! Ena!" Biglang sigaw nung nasa tabi niya. I broke my gaze with Ezra and looked at Apollo who tapped Ezra's back. "Bro, si Ena oh!"

Mas uminit ang mukha ko dahil maraming mga tumingin kay Apollo. Sa lakas ba naman ng boses niya?!

"Ena!" Kumaway si Apollo sa akin.

People then looked over at my direction. I swear, kung nakikita ko lang ang sarili ko, siguro kasing kulay ko na ang kamatis. Maputi kasi ang mukha ko kaya madaling makita kapag namumula.

Nagsimulang maglakad si Apollo patungo sa direksyon ko habang hinihila ang t-shirt ni Ezra. Si Kai naman ay nakasunod sa dalawa.

"NatSci ka pala." Umupo si Apollo sa tabi ng upuan ni Vale. "SEA kami!"

Tumango ako at ngumiti. I could already feel the pressure of getting stared at just because I'm with them.

Kapag si Vale ang kasama ko, maraming napapatingin dahil gwapo siya, but he has always remained mysterious to others. Sila, kilala ata ng buong campus dahil maliit lang ang Baguio at malaking pangalan rin ang mayroon sa basketball players.

"CE rin kayo?" I asked.

Tumango si Apollo at kumuha sa kikyam na kinakain ko.

"Hello." Umupo si Ezra sa tabi ko.

He definitely has the aura of a bad boy. Mukha talagang lolokohin ka lang. Mabuti at hindi tumatalab sa akin 'yon!

"Hi," sagot ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung may sumapi ba sa akin na kaluluwa. Bakit humina ang boses ko?! Hindi ako nahihiya jan sa bwakanang bwiset na 'yan!

Kai sat beside Ezra, so Vale's chair was still empty. Magsasalita na sana si Ezra pero bumalik si Vale bigla na may dalang dalawang bote ng tubig.

Kunot noo niyang tinignan si Apollo na nasa tabi ng upuan niya. Vale has always been a silent one, so he didn't bother to ask who they were.

"Yieeeeee," Ngumisi si Apollo. "Boyfriend mo, Ena?"

"Oo!" I quickly answered.

"What?" Vale laughed while drinking his water.

Tumawa rin si Ezra sa tabi ko, obviously knowing that what I said isn't true. His arm was resting on the top of my chair's backrest, kaya naman sobrang iwas akong sumandal. I don't want to risk touching him.

"Kala mo maloloko mo kami?!" Tumawa si Apollo. "Hi, bro! Apollo nga pala."

Tinanguan siya si Vale. I quickly got my things and the water that Vale bought. Hinila ko rin si Vale patayo at pilit na nginitian sina Ezra.

"May klase pa kami. Bye!"

Agad akong tumalikod at naglakad palabas ng canteen. Agad rin namang nakasunod si Vale sa akin. Once we exited the building, hindi ko naiwasang lumingon pabalik kina Ezra sa loob. The glass windows were huge, so kitang kita pa rin talaga ang loob.

Ezra was still looking at us. Humarap na agad ako nung nakita ko 'yon. Dire-diretso kami ng classroom na walang imik. Vale only spoke once we got to the fifth floor of the Diego Silang building.

"Close kayo ni Ezra?" tanong ni Vale sa akin.

Siguro may 15 minutes pa bago ang klase namin. May ibang block na gumagamit ng classroom namin kaya doon nalang kami sa hallway nag-antay.

Umiling ako at tumingin samay bintana ng pintuan.

Ang tagal naman!

Bago pa ako makapagsalita ay napatingin ako sa cellphone kong tumutunog. I immediately answered once I saw Papa's name.

"Hi, Paps, pwede po kita icall mamaya? May klase po kasi ako."

"Nak, sensya na.."

I missed hearing my dad's voice. Para akong naiiyak tuwing nakakausap ko siya.

Lumayo ako kay Vale at pumunta malapit sa banyo. "Ano po yun, Pa?"

"Wala kasi ako pambayad nung tuition mo, nak." I could hear his sigh. "Pwede ka ba mag-promissory ulit?"

I bit my lip. Pangalawang promissory note ko na 'to. Hindi na ata ako papayagan kung hindi pa ako magbabayad ngayon.

"Sige po, try ko."

"Sige, nak. Sorry.."

"Okay lang 'yun, Pa!" I forced a laugh. "Ingat kayo jan ah. Dapat kumakain kayo nang tama."

I ended the call after he said goodbye. Pumasok ako sa loob ng CR at nag-ayos ng mukha. I quickly wiped away the tear from beside my eye and went back outside.

Minsan, naiinggit ako kina Vale, kina Mage. Hindi kasi nila problema ang pera.

Kami kasi, hindi naman kami sobrang yaman pero hindi rin sobrang hirap. We're not rich enough to not worry about the tuition and we're not poor enough to be on financial aid. Hindi rin naman ako sobrang talino kaya hindi ko kayang mag-scholarship.

And that's the reality of being in the lower middle class of it all.

Buong isang oras sa klase namin, iniisip ko na lang kung paano ba ako magsusubmit nanaman ng promissory note.

I stared out the window and looked at the Vath Building. Mataas yung gusali na 'yon, at nasa pinaka-tuktok ang library. Nasa 7th floor ata? Tapos hagdan lang ang pwedeng daan!

Paano kaya yan kinakaya ni Raffy?!

"Are you going home?" tanong ni Vale sa akin.

Umiling ako.

Tumagilid ang ulo niya. "You want food?"

Umiling ulit ako. Kunot noo niya akong tinignan habang nagaantay ng sagot ko.

"Punta ako sa library."

Halatang halata ang gulat sa kaniyang mukha. Parang hindi rin ako makapaniwalang pupunta ako doon. Pero iniisip ko, baka naman kaya kong idaan sa scholarship ang tuition ko?

"Seryoso ka?"

"Oo," I said. "Bakit mukhang di ka naniniwala? Bastos."

"First time, eh." He laughed and took something out of his bag.

He gave me his books.

I smiled at him. "Hindi ka ba magrereview?"

"I already did some advanced reading yesterday," aniya. "Maganda mag-basa doon sa lib, hindi maingay."

I nodded and held the two books in my arms. "May pupuntahan ka?"

"Sunduin ko kapatid ko," he answered. "Ingat ka, text me kung wala ka masakyan mamaya."

Niyakap niya ako nang mabilisan at umalis na rin agad.

I started walking down the building, across the fountain, and straight to the Vath Building. Kalahati palang ng hagdan patungo sa library ay hingal na hingal na ako. Kaya naman pagkarating ko doon, agad akong umupo sa isang table.

Wala masyadong tao ngayon. Siguro kasi uwian na rin kaya wala na masyadong mga tao.

Oo nga 'no. Bakit hindi na lang ako umuwi para doon mag-basa? Dami ko pa kasing arte! Library library pang nalalaman!

Huminga ako nang malalim. Lumapit ako sa librarian at binigay sa kanya ang ID ko. I went straight for the table I sat in a while ago and opened one of the books Vale lent.

Napapikit ako pagkatapos mag-basa sa ilang mga topics namin naka-book mark.

Paano ba 'to binabasa ng mga kaibigan ko? Sobrang haba!

Tamad kong tinignan ang orasan ko at nagulat na lang akong limang minuto palang pala ang nakakalipas. Akala ko isang oras na!

I rested my elbow on the table and leaned against my hand para may stand ang ulo ko habang binabasa 'tong bwisit na libro.

"Wow, estudyanteng estudyante." Rinig ko galing sa likod ko.

I immediately recognized his voice. Malamang, nasa canteen lang siya kanina!

"What do you want, Ezra?"

Ngumiti siya, tila naaaliw. He took the seat in front of me and placed his gray file case on the table.

Hindi ako nag-bago ng posisyon. My head remained rested on my hand that was keeping my head from falling down. Tamad ko siyang tinignan. He still had that playful smirk on his face.

"Anong inaaral mo? Turuan kita."

Sinamaan ko siya ng tingin.

Civil Engineering, tuturuan ang Med Tech? Saan ka nakakita no'n?!

"Nag-aaral ako. H'wag mo 'kong guluhin."

Ngumuso siya at sumandal sa table. "Okay, boss. Panuorin nalang kita."

"Ano ba, Ezra?" Irita kong tanong. "Ano kailangan mo?"

"Girlfriend."

"Marami d'yan sa tabi." Umiling ako. "Try mo sa Magsaysay."

"Enaaa," bumusangot siya. "Please? I'm desperate. I'll do anything. I'll give anything, promise! You name it!"

"Shh!" Sinamaan siya ng tingin nung librarian. Nginitian niya nalang ito at binalik ang tingin niya sa akin.

"Wala akong kailangan sa'yo," I firmly said.

"Kahit ilibre pa kita araw araw! Ako na maging driver mo! Gawin ko thesis mo! Ako na mag-bayad ng tuition mo!"

Napatigil ako nang sabihin niya yung huli. Napataas ang dalawang kilay niya sa akin.

"Anything you need, Ena, I swear."

Padabog kong sinara ang libro at tumayo. I immediately got my bag and the two books. Kinuha ko sa librarian yung ID ko at lumabas na ng library, pero nakasunod pa rin si Ezra.

Hindi ba 'to titigil? Mahaba-habang daan pa 'to pababa.

"Ena."

"Bakit hindi ka na lang maghanap ng iba? Ang dami daming mga babaeng may gusto sa'yo. Sa canteen palang parang lahat na ng mga babae do'n nakatingin na agad sa'yo pagpasok mo."

"Then that means they'll just get attached, and then I'll feel guilty for hurting her." Pagpapaliwanag niya habang sinusubukang sabayan ang pag-lakad ko pababa ng hagdan.

Umiling ako at umismid. I continued to walk towards the exit of the building and down the stairs.

"Please, Ena. Tuition ba? Ako na! Ako na bahala!"

Sinasabayan niya pa rin ako sa pag-lakad. I stopped walking once we got to the fountain and looked at him. Is he really this desperate?

"I'm not your charity."

"Hindi naman, eh! Think of it as.. a part time job. Think of it as financial aid!"

Huminga ako nang malalim. Ayaw ko naman gawin. But at the same time.. paano nga kung hindi na tanggapin ang promissory note ko? Saan ako pupulutin? Hindi na ako mag-aaral? Titigil ako ng isang semester?

"May klase pa ako." Kinamot niya ang likod ng ulo niya. "Tell me you'll think about it? Please?"

Kailangan ko nga pag-isipan. Paano kung bukas, makahanap na si Papa ng pambayad? Edi okay na! Hindi ko na kailangan ang tulong niya.

Kunot noo ko siyang tinignan. He stared at me with hopeful eyes.

I sighed and rolled my eyes.

"Oo na, pag-iisipan ko."

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
249K 13.1K 60
[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open. She gives it her all and would never set...
953K 45.5K 81
(An Epistolary) Kajina, a member of dad-is-my-first-heartbreak club, needed to go to her biological father's town and stay with his new family in hop...
590K 14.2K 123
an epistolary. Admiring her crush, which happened to be her cousin's friend, Savina Dione Morales got tired of remaining unnoticed for years. Sa hul...