Treat me right, Architect (Mc...

By princess_kups

483K 8.2K 989

NOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrifice... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

PROLOGUE

45.8K 431 44
By princess_kups

MCMASTER SERIES #5

[HYRIA NIELLA BENZUELO and VILTOVIO MONTE RAHAL]

Nakatuon ang pansin ko sa pamilya ko, kaka-uwi ko lang at pinapunta ako nila manang sa dining para sumabay na sa dinner. Naka-tingin ako at pinakinggan ang masaya nilang usapan sa hapag.



"See? I told you." It was my mom. "I'm so proud of you, Vika." 



My sister smiled. "Mommy, kung hindi niyo naman ako tinulungan for sure hindi ko magagawa 'yun, thanks to you."


Nag-dadalawang isip ako kung tutuloy ba ako at sasabay sa kanila o pupunta nalang ako sa silid at mamaya na kakain. They looked happy very happy for my sister and I don't want to ruin their moment. 


"Rhia." nakatalikod na ako nang tawagin ni daddy. 



Lahat sila ay naka-tingin sakin. Nag-pasya nalang ako na sumabay sa kanila, umupo ako sa tabi ni Vika. Si mommy ay naka-ngiti parin sa kapatid ko at hindi man lang ako napansin. I heard na she passed her exam today kaya masaya sila.



"Hindi mo ba babatiin ang ate mo." 



I looked at her. "C-congrats, happy for you." 



Hindi siya nag-salita at tipid lang na ngumiti sakin. Hinahamadali ko ang pag-kain dahil wala akong ibang naririnig kundi ang papuri nila sa kapatid ko, halos ata 'yun ang bukang bibig ng magulang ko ngayon. Hanggang sa matapos ako ay hindi parin sila nagpapa-awat.



"Excuse me." I stood up after I finished my dinner.



Kinuha ko ang bag ko sa couch at umakyat papunta sa silid. Binagsak ko ang bag sa floor at dumapa sa kama, napapabuntong hininga ako mag-isa. Humiga din ako nang maayos at tumingin sa itaas, kung ano-ano nalang ang iniisip ko.



Vika is my step sister, may anak si daddy bago pa sila mag-pakasal ni mommy at si Ate Vika 'yun her mother died when she was young. Close na sila ni mommy before pa ako dumating, she's the first daugther. At hindi gaya sa palabas na mapapanood sa TV hindi masama ang turing ni mommy sa kaniya, I know that she's my mom's favorite. 


Ever since we were young all the attention and love, nasa kaniya. Halos lahat binigay sa kaniya nila daddy but never akong nagalit sa kapatid ko, she lost her mom at a very young age hindi niya naramdaman ang pag-mamahal ng totoong magulang kaya hinayaan kong maging malapit siya kay mommy. I want the best for her, and she's my only sister. Importante siya sakin, sobra.



Ugaling kong magising ng madaling araw at madalas akong gumagawa ng homework sa living room. Naka-ramdam ako ng uhaw kaya pumunta ako sa kitchen, mukhang tulog na pati ang mga kasambahay namin. Mas nakakapag-focus ako kapag walang ingay.



Dala ko ang baso habang pabalik sa living room. Habang nag-lalakad ako ay nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko inaasahang masagi ang picture frame.



"Shit," pinulot ko 'yun sa ibaba at muli ding binalik. 



Bago ako mag-lakad, tinitigan ko ang lahat ng larawan na nandidito. Lahat 'yun larawan ni Ate, mommy at daddy. Kahit isa ay wala ako. Larawan nilang tatlo na mag-kakasama, ang iba pa nga doon ay ako mismo ang kumuha ng larawan. Wala kaming family picture na buo kaming apat madalas palaging silang tatlo lang ang mag-kakasama. 


"Ano bang meron ka at mas mahal ka nila." hindi ko alam ang nais kong iparating ng sabihin ko 'yun.



Sa sobrang bored ko pumunta akong mag-isa sa Club. Palagi ko namang ginagawa 'yun. I want to get drunk! I want to forget all of them kahit ngayong gabi lang. Alam ko bukas haharapin ko na naman silang lahat. Ngingiti na naman ako sobrang plastic sa kanila, nakakasawa ang ganito. Paano ba ako naka-tagal sa ganitong klaseng buhay! They are so unfair.



"Hi." a motherfucking guy greeted me. "Do you want me to join you?"



"Ayoko!" malakas na sigaw ko. "Umalis ka sa harapan ko bago ikaw ang pag-bayarin ko sa mga nainom ko!" 



I ignored him. Buti naman umalis din siya, isa sa pinaka ayaw ko tuwing mag-isa ako ang daming lalaking kaka-usap sayo. I hate men! I hate all of them! mag-sama sama silang lahat basta ako masaya ako sa buhay ko at ayaw ko ng pinapa-kialaman nang kahit sino ang buhay ko, period.



Nakarinig ako ng sobrang lakas na music. Ang mga tao ay parang baliw na nag-puntahan sa harapan at nag-sasayaw habang ako nalang ata ang naiwanan sa likod at walang pakialam sa kanilang lahat.


"Don't you like to dance?" narinig ko ang malalim na boses ng isang lalaki. 



"Get out-" Pag-harap ko ay tila natigilan ako at nabitawan ang hawak na baso, hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Naka-ngisi ito sakin at naka-taas ang kilay na nag-hihintay.



Lumapit siya sakin at umupo sa katabing upuan. Pakiramdam ko ay sobrang lasing na ako dahil nakakakita na ako ng anghel. Ito ang unang beses ko siyang makita ng malapitan, ngayon ko napansin ang haba ng pilikmata niya, ang sobrang tangos ng ilong at ang perpektong mukha.



Binaba niya ang zipper ng jacket at agad itong hinubad. Mas lalo pang nanlaki ang mata ko ng tumayo siya saka gumawi sa likuran para isuot sakin ang itim na jacket. Inayos niya pa 'yun at nakangiting sinilip ang muka ko saka muling bumalik sa pagkaka-upo.


"You have a beautiful shoulder so I want to protect it." tumingin siya sa ibang lalaking nakatitig sakin.



Parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Never akong humanga sa kahit sinong lalaki sa buong buhay ko, as in never. But this man..napapa-iling nalang ako sa sarili ko. Kahit minsan sa buhay ko hindi ko inaasahan na lalapit siya sakin at kaka-usapin ako. Sa panaginip ko lang nararanasan na hawak niya, ngayon ay para akong nasa libro kung saan nag-kakaroon ng paru-paru ang mga babaeng sa tuwing nakikita nila ang lalaking kanilang makakatuluyan.


"What's your name?" he asked.



Napalunok ako bago sumagot. "R-Rhia.."


He smiled. "Gorgeous."



Inabot niya ang baso at nilagyan ng laman, nakangisi parin ito sakin habang inuubos ang alak.



"Stop staring at me, gorgeous."



Bigla akong nagising. Tinitigan ko ang jacket na suot ko, sobrang bango non, tama nga ang sinasabi ng ibang babae sa University namin, wala nang mas tatalo pa sa amoy niya. Parang kahit malayo palang ay malalaman mo nang siya ang paparating dahil sa amoy na 'to.



"T-thank you," nauutal na sabi ko.



Buong oras ata ay hindi ako nakakapag-salita at hindi ko din naubos ang alak ko dahil nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. Sobrang simple niya lang manamit pero bakit sa mga mata ko sobrang lakas ng dating niya, 'yung mapupula niyang labi, 'yun ganda ng ukit ng panga niya. Halos lahat perpekto.


Tumunog ang phone niya. "Fuck, I need to go." rinig kong bulong niya. 


Mabilis itong tumayo, ako naman ay tumayo din at agad hinubad ang jacket na binigay niya. "W-wait! your jacket?"



"Oh?" he smiled again "It's yours now."


Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mukhang nag-hahamadali talaga siya, yumukom naman ang kamao ko sa jacket habang nag-simula na siyang mag lakad papa-alis. 



"By the way," humarap ito. "It was nice meeting you, gorgeou.."



Noong mga oras na 'yun, huminto ang lahat sa paligid ko, doon nahulog ako nang tuluyan.


Kilala ko ang lalaking 'yun, Viltovio Monte Rahal, he's my first love.



PRINCESKUPS


PAALALA LAHAT NG MABABASA MO AY GAWA-GAWA KO LANG KAYA HUWAG MASYADONG SERYOSOHIN.

HINDI PERFECT 'TO KUNG GUSTO MO NG PERFECT IHAHATID KITA SA JUPITER.

Continue Reading

You'll Also Like

468K 7.9K 39
NOTE : my character isn't perfect like you, like us, they cry and get hurt. Every seconds of his life she was there for him, she's always there, but...
928K 37.6K 91
A boy named Zhane Klark Anderson. A certified bisexual. But don't judge a book by it's cover. And one day.... He entered an all boys' school. What w...
834K 21.1K 25
"Izrael Stavros and Amethyst Evans-Stavros. I now declare you, divorced!" anunsyo ng judge sa dalawang taong biktima ng arranged marriage. Sa paglipa...
4M 80.8K 58
[Possessive Series 2] MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. (COMPLETED) "So you are saying that sex is all about science?" "It is not all about...