Lovenapper

By MidnightEscolta

2.7K 27 0

Kung papapiliin ka, career o love life? Ito ang tanong na nagdulot ng pagkawasak kay Hans, nang mas pinili ni... More

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Epilogue
This is Me. Thank you, next!

Chapter 8

109 0 0
By MidnightEscolta

Amnesia. May amnesia s'ya. Nakakatawa 'di ba? Ito naman 'yung ginusto ko? Ang kalimutan namin ang isa't-isa. Ngayong hindi n'ya ako maalala, bakit ang lungkot ko?

Buti na lang ay nagpalit ng shift at napunta ako sa panggabi. Okay na din para hindi kami magkita.

"Bff, dalhin mo daw 'tong papers sa office ni bruhilda." Hindi kami magkasama sa duty ni Emma. Medyo malungkot dahil iisang tao lang ang totoka sa reception 'pag gabi, at ako 'yun. Kaming dalawa ang palitan sa shift.

"Sige, dalhin ko." Dumiretso na ako sa elevator. Nasa taas kasi ng hotel ang admin office. Pero nasa tuktok ang pinakabahay ni Hans kung saan buong floor ay sakop. 'Yung penthouse.

Pasara na ang elevator nang may humarang na kamay. Muling bumukas ang pinto...si Hans pala. Nag-iwas ako ng tingin.

"Magandang gabi po." Bati ko. Nginitian n'ya lang ako.

Pagsara ng elevator, nakita ko ang repleksyon n'ya mula sa pinto ng elevator.

Sa dami-daming makakasabay bakit siya pa. Pwede naman niyang gamitin ang elevator for VIP. Pero hindi ko mapigilang hindi siya pagmasdan. Kahit sa replekyon man lang niya.

Mas lalong naging built ang katawan niya. Medyo nakakapanibago na ang suot niya ay suit dahil sa isla ay shirt at short lang siya. Walang pimagbago sa mukha niya, anghel pa din.

Napahawak ako sa bracelet ko. 'Yung bracelet na binigay niya sa akin. Kahit kailan hindi ko hinubad 'to. Matandaan nya kaya ako pag pinakita ko ito?

Ang desperada naman. Mas okay na din ito. At least para kaming strangers ulit. Pwede kaming bumuo ulit ng ala-ala. 'Yung hindi n'ya ako kinidnap, hindi s'ya kidnapper ko. Ang masakit lang, ako lang ang makaka-alala niyan.

"May dumi ba sa mukha ko?"

Shocks! Hindi ko namalayan na nakatingin na din pala s'ya sa repleksyon namin. Gaano na ba ako katagal nakatitig sa kanya?! Ow Em Gee!

"Ahh...wala po! Hindi po kayo ang tinitignan ko. Natulala lang po talaga. Magna-night shift po kasi ako kaya siguro naninibago ako." Napayuko na lang ako. Nakakahiya ka Cara! Baka isipin niya nagdodrool over ka sa kaniya!

Ngumiti lang s'ya. "Nakaka-offend ka naman. Natutulala ka habang kasama ako sa elevator. Ganoon ba ako kabagot kasama?"

Napaangat ulit ang tingin ko. Kinaway-kaway ko pa ang kamay ko. "Ay! Hindi po. Medyo nakaka-ilang lang po. Kasi b-bagong kakilala po."

Hindi talaga mawala ang ngiti sa mukha n'ya. "Ganoon ba?" Dumikit s'ya sa akin. As in magkadikit ang mga balikat namin. "Ayan, para hindi ka na mailang. Hindi naman ako nangangain." Hindi nga. Nanlalaplap lang. Hoy Cara ang dumi ng utak mo!

Shocks! Piling ko namumula na naman ako. Ang tagal naman ng elevator pumunta doon sa floor ko. Taenang elevator ito, parang escalator sa bagal.

"Bukas 'pag nagkasabay ulit tayo, wag ka ng matutulala sa akin. Pero pwede din naman, basta sa mukha ko dahil na-hook ka sa kagwapuhan ko." Sabay kindat sa akin.

Hindi n'ya nakalimutan ang ganyang pag-uugali. Ala-ala lang nawala sa kanya. Pero 'yung yabang at taas ng tiwala sa sarili, andyan pa din. Gusto kong umirap pero boss ko siya.

"Joke lang..." Sabay ngiti s'ya. "Pero seriously, 'wag kang mailang. Gusto ko okay tayo. Bilang ikaw ang una kong nakilala dito, Cara."

Napatingin ako sa kanya. Cara. Cara na lang n'ya ako tawagin. Wala na 'yung Cara Baby. Parang napunit ang puso ko. Napakasakit, Kuya Eddie!

"Okay po." Sagot ko. Saktong bumukas ang pinto sa floor ko. "Una na po ako."

Palabas na ako nang hinawakan niya ako sa braso. Napalingon ulit ako sa kanya. "Have we met before?" Matagal bago ako nakasagot. Pero iling lang ang sagot ko. "Sorry." Sabi nya. "It's just that you look familiar."

Bumitaw na siya. Pilit lang akong ngumiti. Hanggang sa pasara na ang pinto. Magkatingin pa din kami sa mata. Hanggang sa tuluyan ng nagsara ang pinto.

Huminga ako nang malalim. Napapikit at napahawak ako sa dibdib ko. Umilit sa utak ko ang sinabi nya.

'Have we met before?'

'You look familiar'

Nakalimutan na niya ako nang tuluyan.

***

Naiwan na ako sa reception mag-isa. Kasama ko naman 'yung mga guards pero nandoon sila sa pinto. Medyo inaantok ako. Pero kailangan labanan. Nag-facebook na lang ako sa phone.

Hindi ko na kaya. Humikab ako nang bongga. Habang humihikab ay napaangat ang tingin ko. Putcha! Naputol ang hikab ko. Nakapalumbaba si Hans sa reception desk at nakatingin sa akin habang nakangiti. Shit! Nakakahiya. Nakita niya ata ngala-ngala ko.

Napatayo ako. "Sorry po, Sir."

Kumunot naman ang noo niya. "Sorry? Saan?"

Napayuko na lang ako. "Hindi po ako dapat inaantok sa trabaho."

Tumawa naman siya. "Robot ka ba? Tao ka 'di ba? Normal lang ang antukin." Bigla niyang linabas ang dalawang mug na may kape. "That's why I brought you this."

Napatingin naman ako sa tasa ng kape. "Naku po, Sir. Hindi n'yo na po dapat ginawa 'yan. Dapat inutos nyo na lang po sa akin."

Nag-pout naman siya. Shit! Ang cute niya huhu. Ang sarap niyang halikan sa lips. Charinggola! "Pati ba naman paggawa ng kape, pinagdadamot mo sa akin?"

Natahimik na lang ako at inabot 'yung isang mug. "Salamat po."

Napatingin ako sa orasan. Alas dose na. "Alas dose na po, Sir. Bakit hindi pa kayo natutulog?"

"Hindi ako makatulog. Naninibago ako. Namamahay, ganoon." Sabay kibit balikat. Sabagay, iba ang timezone ng Dubai sa Pilipinas. Ang laking adjustment talaga.

Tumango na lang ako. Medyo awkward ang sitwasyon. Hindi ko alam kung paano magbukas ng kwento. Humigop na lang ako ng kape.

"May boyfriend ka?" Nabuga ko ang kape sa tanong niya! Takte! Ubo ako nang ubo.

"Sorry. Nabigla ka ba sa tanong ko? Hindi ko kasi alam kung anong pagkukwentuhan natin. Kaya 'yun na lang ang natanong ko." Iniabot naman niya sa akin ang panyo niya.

Humupa na ang ubo ko. Umayos ulit ako ng upo. "W-wala po akong boyfriend. Kayo po?"

Ngumiti s'ya. "Wala akong boyfriend."

"Ah, I mean girlfriend po."

Tumango naman siya. "Meron. Si Carra."

Napadiretso ako ng tingin sa kanya. Naghihintay pa ako na may sabihin siya pero wala na. "C-carra?"

"Yes. Kapangalan mo siya. Kaya nagulat ako nang nalaman ko pangalan mo. So parang kasama ko na din siya dito."

So nagkabalikan pala sila ni Cara 'yung artista. Pinilit kong ngumiti. "Siguro, maganda po siya. Dahil gwapo kayo. Tiyak na bagay na bagay kayo."

"Gwapo ako?" 'Yan na naman po sya! Sana hindi ko na lang sinabi!

"Obvious naman po."

Naglakad siya paikot at pumasok sa reception at umupo sa tabi ko.

Linapag niya ang mga braso niya sa lamesa at inibabaw ang ulo niya. Ginaya ko siya. At magkaharap na ulit ang mga mukha namin.

"So gwapo ako?"

"Medyo."

"Medyo na lang?" Napataas ang kilay niya. "Kanina obvious, ah."

Ngumiti ako. "Pangit ka na po."

"Grabe ah!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "Pababa ng pababa! Pwede bang cute muna bago pangit?"

Napakagat ako sa babang labi ko para pigilan ang pagtawa. "Sige, cute ka na po."

Ngumiti siya ulit. 'Yung labas ang dimple. "Maganda ka din po."

Natahimik ako sa sinabi nya. "Bolero ka po pala." Nasabi ko na lang.

"Totoo po."

Hindi na ako nakapagsalita ng tuluyan. Namumula na ako. Tinititigan niya lang ako habang nakangiti.

Kung walang amnesia 'to, hinampas ko na ito. At pasalamat siya boss ko sya!

"Namumula ka po."

"Ikaw po kasi e."

Pumikit na lang ako. Hindi ko siya kayang tignan. O marinig pa ang boses niya. Naalala ko ang Baby Hans Ko. At nasasaktan lang ako ngayong alam kong nagkabalikan sila.

Sana matapos na itong gabi na ito. Dahil habang tumatagal, lalo ko lang gugustuhin siyang makasama. Gusto kong pigilan ang sarili ko habang maaga pa para hindi ako masaktan.

Pagdilat ko, nakatingin pa din sya. Pero seryoso ang mukha niya. "You look so familiar."

Hindi kaya nagti-trigger itong usapan namin para bumalik ang ala-ala niya tungkol sa akin. "Ngayon lang po tayo nagkita."

Matagal niya akong tinitigan. "Hindi ko alam pero piling ko nagkita na tayo. Baka sa panaginip. Nakasama kita sa panaginip."

Naalala ko ang sinabi niya sa akin. Siya ang beautiful nightmare ko. "Ano namang panaginip 'yan?"

"Masayang panaginip." Ngumiti siya na kita ang mapuputing ngipin niya. "Kasi alam kong nakangiti ako noon nang kaharap kita."

Parang hinihiwa ang puso ko. Sana maalala din nya 'yung sakit ng mga sinabi ko noong huling araw naming pagkikita sa kulungan. Para malaman niya kung gaano ako kasama.

"Baka kamukha ko lang po. Marami po tayong nakakatagpo na kamukha o kahawig. Baka kamukha ko lang 'yun."

"Baka nga." Ngumiti lang siya ulit. "Ang hirap magka-amnesia."

"Ano po bang nangyari? Bakit po kayo nagka-amnesia."

"Ang sabi nila, nagmamaneho ako ng sasakyan. Sobrang tulin daw. May hinahabol daw kasi ako."

"Hinahabol?"

"Oo. May hinahabol daw akong babae. Kasi, paalis na siya papunta sa ibang bansa. Kaya sinubukan kong habulin sa airport. Pero naaksidente ako at 'di ko na siya nahabol."

"Babae? Sinong babae?" Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Cara. 'Yun lang ang natatandaan ko. Girlfriend ko daw siya."

Napapikit ako. Pero sa pagpikit ko kasama noon ang pagtulo ng mga luha ko. Ako ang babaeng hinabol niya. Ako ang dahilan bakit siya naaksidente at nawalan ng ala-ala.

Bakit laging may 'di magandang nangyayari?

-JvanCaloi 😉

Continue Reading

You'll Also Like

913 8 55
Isang simpleng probinsyanang babae si Carmen na nagsumikap makapagtapos ng pag-aaral para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Ngun...
114K 5.9K 62
Tulad ng isang kuwento ni sleeping beauty ang nangyari sa kakambal ni Ria dela Cerzo. Rio-her twin sister-got into an accident that made her sleep li...
60.8K 1.6K 14
"I told you I'm willing to give up my life for you. I'm not scared of dying. Mas takot ako kung ikaw ang mawawala. Because if that happens, wala na r...
150K 1.5K 55
Sa kasagsagan ng problemang dinadala ni Carlo ay napunta sya sa isang bahay aliwan. Doon ay nakilala nya ang babaeng nakapagpabago ng buhay nya. Ang...
Wattpad App - Unlock exclusive features