Amnesia. May amnesia s'ya. Nakakatawa 'di ba? Ito naman 'yung ginusto ko? Ang kalimutan namin ang isa't-isa. Ngayong hindi n'ya ako maalala, bakit ang lungkot ko?
Buti na lang ay nagpalit ng shift at napunta ako sa panggabi. Okay na din para hindi kami magkita.
"Bff, dalhin mo daw 'tong papers sa office ni bruhilda." Hindi kami magkasama sa duty ni Emma. Medyo malungkot dahil iisang tao lang ang totoka sa reception 'pag gabi, at ako 'yun. Kaming dalawa ang palitan sa shift.
"Sige, dalhin ko." Dumiretso na ako sa elevator. Nasa taas kasi ng hotel ang admin office. Pero nasa tuktok ang pinakabahay ni Hans kung saan buong floor ay sakop. 'Yung penthouse.
Pasara na ang elevator nang may humarang na kamay. Muling bumukas ang pinto...si Hans pala. Nag-iwas ako ng tingin.
"Magandang gabi po." Bati ko. Nginitian n'ya lang ako.
Pagsara ng elevator, nakita ko ang repleksyon n'ya mula sa pinto ng elevator.
Sa dami-daming makakasabay bakit siya pa. Pwede naman niyang gamitin ang elevator for VIP. Pero hindi ko mapigilang hindi siya pagmasdan. Kahit sa replekyon man lang niya.
Mas lalong naging built ang katawan niya. Medyo nakakapanibago na ang suot niya ay suit dahil sa isla ay shirt at short lang siya. Walang pimagbago sa mukha niya, anghel pa din.
Napahawak ako sa bracelet ko. 'Yung bracelet na binigay niya sa akin. Kahit kailan hindi ko hinubad 'to. Matandaan nya kaya ako pag pinakita ko ito?
Ang desperada naman. Mas okay na din ito. At least para kaming strangers ulit. Pwede kaming bumuo ulit ng ala-ala. 'Yung hindi n'ya ako kinidnap, hindi s'ya kidnapper ko. Ang masakit lang, ako lang ang makaka-alala niyan.
"May dumi ba sa mukha ko?"
Shocks! Hindi ko namalayan na nakatingin na din pala s'ya sa repleksyon namin. Gaano na ba ako katagal nakatitig sa kanya?! Ow Em Gee!
"Ahh...wala po! Hindi po kayo ang tinitignan ko. Natulala lang po talaga. Magna-night shift po kasi ako kaya siguro naninibago ako." Napayuko na lang ako. Nakakahiya ka Cara! Baka isipin niya nagdodrool over ka sa kaniya!
Ngumiti lang s'ya. "Nakaka-offend ka naman. Natutulala ka habang kasama ako sa elevator. Ganoon ba ako kabagot kasama?"
Napaangat ulit ang tingin ko. Kinaway-kaway ko pa ang kamay ko. "Ay! Hindi po. Medyo nakaka-ilang lang po. Kasi b-bagong kakilala po."
Hindi talaga mawala ang ngiti sa mukha n'ya. "Ganoon ba?" Dumikit s'ya sa akin. As in magkadikit ang mga balikat namin. "Ayan, para hindi ka na mailang. Hindi naman ako nangangain." Hindi nga. Nanlalaplap lang. Hoy Cara ang dumi ng utak mo!
Shocks! Piling ko namumula na naman ako. Ang tagal naman ng elevator pumunta doon sa floor ko. Taenang elevator ito, parang escalator sa bagal.
"Bukas 'pag nagkasabay ulit tayo, wag ka ng matutulala sa akin. Pero pwede din naman, basta sa mukha ko dahil na-hook ka sa kagwapuhan ko." Sabay kindat sa akin.
Hindi n'ya nakalimutan ang ganyang pag-uugali. Ala-ala lang nawala sa kanya. Pero 'yung yabang at taas ng tiwala sa sarili, andyan pa din. Gusto kong umirap pero boss ko siya.
"Joke lang..." Sabay ngiti s'ya. "Pero seriously, 'wag kang mailang. Gusto ko okay tayo. Bilang ikaw ang una kong nakilala dito, Cara."
Napatingin ako sa kanya. Cara. Cara na lang n'ya ako tawagin. Wala na 'yung Cara Baby. Parang napunit ang puso ko. Napakasakit, Kuya Eddie!
"Okay po." Sagot ko. Saktong bumukas ang pinto sa floor ko. "Una na po ako."
Palabas na ako nang hinawakan niya ako sa braso. Napalingon ulit ako sa kanya. "Have we met before?" Matagal bago ako nakasagot. Pero iling lang ang sagot ko. "Sorry." Sabi nya. "It's just that you look familiar."
VOCÊ ESTÁ LENDO
Lovenapper
RomanceKung papapiliin ka, career o love life? Ito ang tanong na nagdulot ng pagkawasak kay Hans, nang mas pinili ni Carra ang kanyang karera kaysa sa kanya. Sa labis na sakit at pagkabalisa, nagpasya si Hans na kidnapin si Carra at ikulong siya sa isang l...
