Probinsyana Series: BOOK 2...

By MERAALLEN

45.1K 1.8K 552

Lumipas ang pitong taon ng paninirahan ko sa ibang bansa ay babalik ako sa aking lupang sinilangan para bawii... More

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
Kabanata XVIII
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
Kabanata XXVI
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
CHAPTER 36
Chapter 37
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
Untitled Part 44
Untitled Part 45

KABANATA XIX

931 45 24
By MERAALLEN

Nakatayo ako sa isang kwarto ng biglang nag liwanag ang buong paligid habang palinga-linga ako sa kapaligiran ay nakita ko si Celine na bumubunot ng baril sa kanyang bag agad ko siyang tinakbo at nakipag agawan ako ng baril sa kanya ngunit sa hindi inaasahan ay nakalabit niya ang trigger at nabaril niya ako sa aking tagiliran.

Maraming dugo ang nawala sa akin kaya hinang-hina ako ng mga oras na ito. Lumingon ako sa paligid ko at nakita ko si Manang Pasing na nakatingin sa akin at nag aalala kaya agad  niya akong itinakbo sa ospital para magamot ng mga Doctor.

Nasa ulirat pa ako nito ng nakita ko si Gianna na nakahawak sa kamay ko at nag sasabing "kailangan kong mabuhay" kaya lumaban ako mula sa kamatayan.

"Sir Lucio? Gising na po Sir Lucio." paulit-ulit na tawag sa pangalan ko.

Pamulat-mulat ang mata ko habang inaaninag ang liwanag ng makita ko ang isang babae na nakatingin sa akin. Napabalikwas ako sa higaan ko at bigla ko nalang nasambit ang pangalan ni asawa kong si Gianna.

"Gianna!" sambit ko bigla.

Palinga-linga ako sa kapaligiran ng magising ako sabay hawak sa tagiliran ko.

"Naaalala ko na," seryosong sambit ko sa babae. , "Hindi ako na-aksidente sa kotse bagkus ay tinangka akong patayin ni Celine," seryoso kong sambit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ng babae na nakatingin sa akin at sabay umalis ng kwarto. Tumayo ako sa kama na pinag hihigaan ko at nakita ko ang malaking litrato namin ni Gianna doon.

"Unti-unti maaalala din kita pero sa ngayon hayaan mo muna akong harapin ang nagtangka sa buhay ko." galit na sambit ko habang nakatingin sa litrato ni Gianna.

Nag unat ako ng bahagya at pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ni Gianna. Paglabas na paglabas ko palang kwarto niya ay agad akong sinalubong ni Manang Pasing.

"Sir Lucio! Kamusta? May naaalala ka na ba?" nagtatakang tanong sa akin ni Manang.

"Wala pa akong maalala Manang," sambit ko sa kanya.

"Ano yung sinasabi ni Alma na naalala mo ang nangyari sayo kung bakit ka na-ospital?" tanong niya muli sa akin.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na naaalala ko na ang parte na yun para na rin sa kaligtasan ko at sa pag hihiganti ko kay Celine kaya mag papanggap muna ako sa kanila na wala akong naaalalang pangyayari sa nakaraan ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Manang?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ayun kasi ang sabi ni Alma sa akin. Wala ka talagang naaalala?" tanong niya sa akin.

"Wala po talaga akong maalala Manang," sambit ko sa kanya habang hinahawakan ang ulo ko.

Agad akong pinigilan ni Manang sa ginagawa ko.

"Sige na wag mong biglain ang sarili mo na maalala ang lahat," nag aalalang sambit ni Manang sa akin.

"Sige po Manang." sambit ko sa kanya.

Inakay ako ni Manang na bumaba sa sala para batiin ang mga pinsan ko. Nandito na ang lahat at sobrang ingay na ng bahay dahil sa mga batang nagsisitakbuhan sa loob ng bahay.

"Kamusta!" nakangiting sambit ni Fernando sa akin habang inaabot ang bote ng wine.

"Mabuti naman ako," nakangiting sambit ko sa kanila. , "Sinusubukan kong alalahanin si Gianna sa kwarto niya pero wala talaga akong maalala," malungkot na sambit ko sa kanila.

Inakbayan ako ni Fernando at hinatid sa upuan.

"Ok lang yan! Mahaba pa naman ang panahon kaya maaalala mo din si Gianna," nakangiting sambit niya sa akin.

Lumingon ako sa paligid at hindi ko makita si Henry kaya tinanong ko ito sa kanila.

"Asan si Congressman?" tanong ko sa kanila.

"Congressman?" nagtatakang tanong ni Franco sa akin.

"Si Henry asaan? pinapapunta ko yung ugok na yun dito dahil marami akong itatanong sa kanya," sambit ko sa kanila.

"Aah si Mayor? Hindi na siya congressman ngayon Bro! Mayor na siya at dahil yun sayo," sambit nila sa akin.

"Dahil sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Oo dahil sayo!" nakangiting sambit nila sa akin.

Habang hinahanap ko si Henry ay biglang may bumusina sa labas ng bahay ko.

"Speaking of the devil," sambit ni Franco.

Tumayo ako sa upuan ko at kumuha ako ng mga baso sa loob ng kusina.

Paglabas ko sa kusina para kumuha ng baso ay nakita ko si Henry na may dala-dalang mga bote ng alak.

"Henry!" sigaw ko sa kanya.

Binaba agad ni Henry ang hawak niyang mga alak at lumapit agad sa akin. Niyakap ako ng mahigpit ni Henry yung tipong hindi na ako makakahinga pang muli dahil sa sobrang higpit.

"Mayor kana pala ngayon Henry," nakangiting sambit ko sa kanya.

"10 years na akong Mayor, Lucio at dahil yun sayo," nakangiting sambit niya sa akin.

"Bakit ako? Anong ginawa ko bakit naging Mayor ka?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dahil sa mga sponsors mo sa candidacy ko kaya nanalo ako bilang Mayor ng QC," nakangiting sambit niya sa akin.

"Aah... Anyway, May itatanong ako sayo," sabi ko kay Henry.

"Ano yun?" tanong niya sa akin.

"Saglit." tugon ko sa kanya.

Umalis ako sa sala at umakyat ako sa kwarto ko para kunin ang dokumento ko sa kwarto ko. Madali akong bumaba sa hagdan para ipakita ito sa kanya.

"Ito tingnan mo." sambit ko sa kanya.

Binuksan ni Henry ang envelope at inilabas ang folder na may lamang dokumento sa loob. Ngumiti siya sa akin bigla at tinawag ang dalawa kong pinsan.

"Gusto niyo ba malaman ang history nitong dokumento na ito?" tanong niya sa aming tatlo.

Tumango naman kaming tatlo at sobrang sabik na malaman ang kwento sa likod ng dokumento na pinakita ko sa kanya.

"Itong marriage contract nyo ni Gianna. Legit ito!" nakangiting sambit niya sa akin. , "So ito na nga yung kwento. Isang gabi sa kalagitnaan ng tulog ko ay biglang tumawag itong lasinggero na ito na si Marco. Magpapakasal daw siya ngayong araw! Biruin mo nasa kasarapan ako ng tulog ko tapos may kupal na tatawag sayo para magpakasal? So ako naman hindi ako pumayag noon dahil nga gabi na at baka lasing lang ito pero nag pumilit siya at binalaan pa akong tatanggalin niya lahat ng sponsorship niya sa akin sa pagka Mayor kung hindi ko siya ikakasal sa araw na yun. Wala na akong magawa kung hindi pumayag sa gusto niya kaya kahit na ala-una na ng umaga ay kinasal ko siya sa isang napaka gandang babae na nag ngangalang Gianna. Pareho silang lasing ng mga araw na ito kaya siguro wala ring palag yung babae sa kanya kung hindi ay Umoo nalang sa tarantadong ito. Sa araw na yun ay kinasal silang dalawa at pagkatapos ng kasal nilang dalawa ay umalis na sila agad sa bahay ko para daw mag honeymoon. Hindi ko alam kung anong mga pinaggagawa nilang dalawa basta ang alam ko lang pareho silang baliw!" natatawang kwento ni Henry sa amin.

Nagblush ako sa kwento niya kahit na hindi ko alam kung totoo ba ang nangyari o gawa-gawa niya lang yun.

"Ano kayang pumasok sa utak ko nung panahon na yun bakit ko siya pinakasalan?" natatawang sambit ko.

"Malay namin! Pero kahit pa nakakatawa yung kasal niyong dalawa ay sobra mo naman siyang minahal," nakangiting sambit ni Franco sa akin.

"Hindi lang sobrang mahal. Mahal na mahal mo pa." sambit ni Fernando sa akin.

Napapangiti ako sa mga sinasabi nila sa akin parang napi-picture out ko yung mga sinasabi nila sa akin tapos bigla kong singit.

"Kanina pala pumunta ako sa mall ng hindi ko maintindihan tapos nakakita ako ng asul na rosas doon hindi ko alam bakit nakatitig ako dito tapos sobrang gandang-ganda ako tapos may babae akong nakita. Ang ganda niya grabe tapos kulot ang buhok niya na nakasumbrero ng malaki," lahad ko sa kanila.

"Anong itsura?' nakangiting sambit ni Franco.

"Maganda siya pero hindi ko maalala yung mukha niya pero ang maganda dito kapangalan niya yung asawa ko," nakangiti kong sambit.

"Kapangalan ni Gianna?" nagtatakang tanong ni Fernando.

Habang ang uusap-usap kaming apat ay dumating na din sila Emily at ang kambal kong si Angelo kasama ni Marco na kaibigan din namin.

Tumakbo papalapit sa akin si Jacob para yakapin ako.

"Tito!" sigaw ni Jacob sabay yakap sa akin.

Niyakap ko din ng mahigpit si Jacob at pagkatapos ay binitawan ko na siya at bumalik na ako sa pakikipag kwentuhan sa mga pinsan ko.

"Asan na nga tayo?" tanong ko sa kanila.

"Doon na tayo sa kapangalan ng asawa mo, Si Gianna," sambit ni Henry sa akin.

"Ayy oo kapangalan niya si Gianna tapos nung naalala ko yung pangalang Gianna tumingin muli ako sa pwesto nung babae tapos wala na siya," kwento ko muli sa kanya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" biglang tanong ni Angelo sa amin.

"May nakilala daw na Gianna si Lucio kanina sa mall," sambit ni Henry sa kanya.

"Gianna? As in Gianna?" gulat na tanong ni Angelo.

"Oo nga! Paulit-ulit?" natatawang tanong ni Franco sa kanya.

"Aaah si Gianna. Ooh pagkatapos niyong magkita nag usap kayo?" tanong ni Angelo sa akin.

"Hindi masyado mabilis kasi yung nangyari eeh," sambit ko sa kanya.

"Anong itsura? Naaalala mo ba?" tanong niya muli sa akin.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ko maalala yung mukha niya pero maganda siya," iritableng tugon ko kay Angelo.

Habang nag uusap kami nila Angelo ay napakuha  nalang siya ng wine at nilagyan ang glass ng puno sabay ininom ito na parang tubig.

"Uhaw na uhaw ka ba?" nagtatakang tanong namin sa kanya.

"Medyo." nakangiting sambit niya sa amin.

Tumayo si Fernando sa kinauupuan niya at kumuha ng kanyang baso para lagyan ng wine pagkatapos ay binigyan din kami ng tig-iisa naming baso.

"Cheers!" nakangiting sambit ni Fernando sa amin habang nakataas ang baso niya.

Itinaas din namin ang aming mga baso namin na may lamang wine at sabay-sabay na sumigaw ng

"Cheers!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 24.2K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
101K 2.4K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
381K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...