Unintentional

By Majstinx

9K 194 17

The Monteros Kwatro Hanggang kailan nga ba magtatago si Maria mula sa isang lalaking nagpakulong sa kaniyang... More

Unintentional
Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23

Kabanata 5

295 8 1
By Majstinx


Napaiwas ng mukha si Maria ng magnakaw ng halik sa kaniyang pisngi si Sauron. Tinitignan ito ng masama ni Maria habang ngingisi-ngisi lamang ito sa kaniya.

"I swear, Sauron, I'll be talking to you in filipino for the whole year if you don't stop being a flirt." Mahinang bulong ni Maria sa lalaki.

Mahinang natawa si Sauron.

"Okay, okay, babe, I'll stop." Tumatawang sabi nito.

Inirapan ni Maria ang lalaki.

Ngayon lamang napansin ni Maria na tahimik ang paligid. Nakatitig lamang pala sa kanila ang lahat ng tao sa loob ng conference room.

Napaawang ang bibig ni Maria.

Mariin at madilim ang mga tinging ibinabato sa kaniya ni Ion ng mapadapo dito ang kaniyang tingin.

Tumikhim siya at umiwas ng tingin kay Ion. Lumayo siya ng kaunti sa gawi ni Sauron.

"Mukhang binabakuran ka na ni kuya, Maria." Nangising sabi ni Zyrian sa kanilang gilid.

"You asshole, speak in fucking english or spanish." Mariing utos ni Sauron sa kapatid ngunit tinawanan lamang siya ni Zyrian.

Binigyan ni Maria ng isang irap ang lalaki. Humalukipkip siya at pinagsiklob ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

"Hindi naman ako magpapabakod sa kaniya, sadyang feelingero lang ang kuya mo. Akala niya ay mababakuran pa rin ako gayong hindi naman ako pumayag na magpakasal sa kaniya." Nakaismid na sabi ni Maria.

Hindi makapaniwalang tumingin si Sauron kay Maria.

"Babe! I want to join your conversation too!" Maktol ni Sauron kay Maria ngunit nanatili itong nakaismid.

"Well, well," singit ni Ion kaya naman napatingin ang lahat sa binata. Mayroon itong isang nakakatakot na ngisi sa labi. "Narito pala ang isa sa mga anak ni Alejandro Quintero."

Hindi alam ni Maria kung bakit natatakot siya sa awra na ibinibigay ni Ion sa kaniya ngunit para bang gusto na lamang niyang magtago sa likod ni Sauron dahil sa takot.

Naramdaman ni Maria ang muling pagpalupot ng braso ni Sauron sa kaniyang baiwang.

"Sorry, fucker, she's my fiancé." Matalim na sabi ni Sauron habang may malamig ding tingin kay Ion.

"No soy tu prometido." I'm not your fiance. Mahinang bulong ni Maria kay Sauron.

"Por ahora, por favor acepte." For now, please agree. Mahinang pakiusap sa kaniya ni Sauron habang masuyong nakatingin sa kaniya.

Umirap si Ion.

"Like I fucking care." Masungit na sabi ng binata.

"Kuya, he didn't say he was going to snatch Maria from you." Paliwanag naman ni Zyrian sa kapatid.

Nanatiling matalim ang titig ni Sauron kay Ion.

"I know how evil you are, Ion. You will touch whatever you think is mine." Malamig na sabi ni Sauron kay Ion.

Napatawa ng walang buhay si Ion.

"Do you mean, the one's.." tumingin si Ion sa direksyon ni Maria. May kakaibang tingin na ibinibigay ito sa kaniya. "..that is going to be mine."

Napayukom ng kamao si Sauron.

"Por favor, Ion. Don't fucking let Maria see a very very brutal fucking fight." Malamig na sabi ni Zyrian sa binata.

Napakunot ang noo ni Maria. Ano ba ang pinag uusapan ng mga ito? Ano bang klase ng pag aaway ang gagawin ng dalawa?

Hindi niya maintindihan.

Nanatili ang matiim na tingin sa kaniya ni Ion.

Napalayo si Maria kay Sauron.

"Let's go. I still have many things to do, Sauron." Aniya kay Sauron.

Nawala ang talim ng mga mata ni Sauron. Bumakas ang ngiti nito.

Hindi niya talaga minsan maintindihan ang lalaking ito, isang segundo ay galit ito, makalipas naman ang ilang segundo ay tumatawa naman ito. Minsan ay naiisip na lamang niya na baka may tama na sa utak ang isang ito.

Hindi na binalingan pa ni Maria ng tingin ang mga kalalakihan. Nauna na siyang lumabas ng silid kaysa makinig sa mga ito.

Saglit na dumaan siya sa comfort room upang ayusin ang kaniyang hitsura. Mabuti na lamang at hindi siya gaanong naglagay ng make up, hindi kumakati ang kaniyang mukha.

Naglagay siya ng kaunting lipstick upang magkaroon naman ng buhay ang kaniyang maputlang mukha. Nagpahid din siya ng powder.

Matapos ay lumabas na din siya ng comfort room. Inaayos niya ang laman ng kaniyang bag habang naglalakad siya.

Hindi pa man siya nakakapaglakad ng malayo ay may isang malaking kamay ang humablot sa kaniyang braso.

Nagpakawala siya ng isang suntok sa mukha nito ngunit mabilis na nasalag ng lalaki ang kaniyang atake.

Napalaki ang mga mata ni Maria ng makita ang mukha ng nagtatangka sa kaniya.

"Mr. Montero.." bigkas niya sa pangalan nito

Masuyong nakatingin ang mga mata ni Ion sa kaniya. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa kaniyang kamao, ang isa naman ay nakakapit sa kaniyang kaliwang braso.

Kitang-kita ni Maria kung gaano kaperpekto ang mukha ng lalaki. Ang ilong nito ay napakatangos, ang mga mata ay para bang nagtatapon ng kutsilyo sa talim ng hilatsa.

Ang mga labi nito ay mapula, ang panga ay maayos na maayos ang pagkakahulma.

Binawi ni Maria ang kaniyang kamao na hawak nito, maging ang kaniyang braso.

"What do you want from me?" Malamig na tanong niya bago iniwas ang tingin kay Ion.

Sumilay ang malamig na ngiti sa labi ni Ion. Ang mga mata nito ay nananatiling matalim.

"Mas nakaadik ka palang tignan sa malapitan." Mahinang sabi ni Ion, sakto na para marinig niya.

Para bang uminit ang mukha ni Maria.

"Pwede ba? Wala akong panahon makipag usap sa kalaban kaya maiwan na kita." Masungit na sabi niya bago tinalikuran ang lalaki.

Plano na sana niyang mabilis na lumisan ngunit mabilis ding kumilos si Ion. Nahila na siya ng binata bago ipinasok sa banyo ng mga lalaki.

Wala na siyang panahon upang makapiglas dahil sa bilis ng nangyari.

Masamang tinignan niya si Ion.

Gustuhin man niyang sumigaw hindi niya magawa, alam niyang magkakagulo lamang at tiyak na hindi palalampasin ni Sauron si Ion.

"Ano bang problema mo, ha?! Gusto mo ba talagang magkagulo kayo ni Sauron? Tiyak na magsisimula ng gulo kapag nalaman niya ito." Mariing sambit niya kay Ion.

Nakatingin ito sa kaniya na para bang humahanga sa kaniyang pagkainis.

Inilapit ni Ion ang kaniyang mukha kay Maria kaya naman nagwawala ang kung ano mang nasa tyan ni Maria. Tiyak na mapulang-mapula na ngayon ang kaniyang mukha.

Inilagay ni Maria ang kaniyang dalawang palad sa magkabilang balikat nito upang itulak ngunit hindi niya kinaya ang lakas ng lalaki.

"I don't care about Sauron. I just want to have you.. alone." Nang aakit na bulong nito sa kaniya. "Magalit siya kung gusto niyang magalit. I want you mine. You will be mine, Maria." Anito bago inilapit ang mukha sa kaniyang leeg.

Napalaki ang mga mata ni Maria ng maramdamang lumapat ang isang basang bagay sa kaniyang leeg. Para bang nanginig ang kaniyang tuhod sa ginawang iyon ni Ion.

Umangat ang mukha ni Ion sa kaniyang panga at ipinagpatuloy ang pagbibigay ng basang halik doon.

Para bang nagising si Maria at malakas na naitulak si Ion. Binigyan niya ng isang malakas na sampal ang pisngi nito.

"Bastos!" Galit na singhal niya kahit na alam niyang namumula ang kaniyang mukha.

Dinilaan lamang nito ang sariling labi bago siya binigyan ng malaking ngisi.

Mabilis na umalis siya sa banyo ng mga lalaki.

Nagmamartsa na naglakad siya habang paulit-ulit na pinagagalitan ang sarili.

_*_

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...